LOGINMally
Minsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.
Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.
Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.
Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.
Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi pa rin natin maiiwasan na hilingin na sana hindi matapos ang araw na ito. Dahil masaya ka, dahil sila ang kasama mo, at dahil totoong ngiti ang naibibigay mo.
Dahil pagkatapos ng lahat, lungkot naman ang siyang ating kahaharapin. Sakit naman ang siyang mararamdaman natin.
"Mally, anak? Ayos ka na ba?"
"Opo." Tumayo na ako at hinarap siya.
"Tara na."
Tumabi ako sa kaniya at sabay kami naglakad palabas.
Nang makarating sa bahay ay napansin ko agad kung gaano ito katahimik. Pumasok na ako at nakita ko si tatay na nanunuod ng tv.
Napansin ako nito. Ngingiti na sana ako ngunit bigla naman niyang iniwas ang kaniyang tingin. Hinarap ko na lang si nanay.
"Punta na ho ako sa kwarto." Tumango lang ito at saka dumiretso sa kusina.
Batid kong may mababago sa pakikitungo sa akin ni tatay pero sana hindi niya pa rin makalimutan ang aming pinagsamahan.
Dahil iyong mga panahon na kasama ko siya, na may ala-ala ako sa kaniya ay sobrang mahalaga sa akin, kahit na may lungkot ito. Hindi na mahalaga para sa akin iyon sapagkat ang makasama silang may ngiti sa labi habang nandidito ako, mas gugustuhin ko na iyon ang aking huling maalala bago mawala sa mundo.
Ayoko mapuno ng galit ang puso ko. Okay na kahit puro sakit basta huwag lang galit.
Napabuntong-hininga na lang ako at humiga sa aking higaan nang makarating sa kwarto.
Ang gusto ko lang naman ay maging masaya kaming pamilya. Kahit mahirap basta sama-sama kami, wala na akong hihilingin pa pero bakit tila iba ang kinalabasan ng aking kahilingan?
Nagising na lang ako ng may maingay sa loob ng kwarto ko.
"Ang aga niyo naman?" Bumangon na ako at umupo sa higaan.
"Mas okay nga na maaga kami para hindi mo kami ma-miss ng husto." Napangiwi na lang ako sa sinabi niya at inagaw ang kinakain nitong snickers.
"Akin iyan eh!" Reklamo niya. Hindi ko na lamang ito pinansin at inubos ito.
"May assignment ba?"
"Wala, pero may bagong papable!" Sabay na irit nilang dalawa kaya napatakip ako bigla ng tainga.
"Grabe girl! Sobrang gwapo niya!"
"Yes na yes to the nth power!" Sabay pilantik pa ng daliri ni Jeya.
"Nasa kalagitnaan na tayo ng klase ah? Bakit may bagong lipat?" Nalilito kong tanong. Hindi kaya mahirapan ang taong iyon kung sakali? Sabagay, siya naman ang mahihirapan hindi ako.
"Ganiyan talaga kapag gwapo, tanggap agad!" Muli itong tumili kaya napangiwi na lang ako.
"Grabe ka naman sa principal natin sister! Ginawa mo pa itong bakla! Pero malay naman natin." Humalakhak ito ng napakalakas-lakas na akala mo ay siya lang ang tao sa loob.
"Napaka ano naman ninyo! Ano ba ang pangalan ng bago nating kaklase?" Sabay silang tumingin sa akin at ngumisi.
"Curious ka 'no?"
"Gwapo iyon! May bago ka na namang magiging crush!" Sabay ngiti ng malawak ni Dey.
"Huwag mo na tangkain, Mally. Sobrang babaero ng lalaking iyon!" Agaran na sagot ni Jeya dahilan para tignan siya ni Dey ng masama.
"At saan mo naman narinig aber?" Tinaas nito ang isang kilay sabay cross arm.
"Saan pa nga ba? Sa mga kaklase natin, duh!" Inirapan niya si Dey. Pasalit-salit ang tingin ko sakanilang dalawa.
Tila wala ako dito kung mag-usap sila tungkol sa lalaki. Siguro nakagat na ng bago naming kaklase ang kaniyang dila o hindi kaya kanina pa iyon bumabahing dahil pinag-uusapan sila ng dalawang ito.
"Aha? At ano naman ang sinasabi nila?"
"Basta gwapo daw ay babaero na." Natawa ng pagak si Dey at dinuro ito.
"Naniwala ka namang gaga ka?!"
"Syempre hindi! Ayoko lang na maging crush din siya ni Mally. Dalawa na nga tayong nag-aagawan sa kaniya pati ba naman si Mally isasali mo?" Sabay bawi nito at tinignan ako.
Tinaasan ko ito ng kilay dahil sa sinabi niya.
"Eh anong masama doon? As if naman na papatulan ka niya!" Napa-ismid si Jeya sa sinabi nito at nanahimik na lang.
"You're so mean. Crush lang naman eh! Paghanga! Oh sige na nga. Crush mo na rin siya, Mally. Pumapayag na ako." Para itong kasintahan kung magsabi na pumapayag na siya.
"Bakit ko naman siya magugustuhan? Eh hindi ko pa nga siya nakita?"
Tumingin sila sa isa't-isa dahil doon.
"Naku girl! Kung makikita mo lang siya kapag pumasok ka na, tiyak kong malalaglag ang iyong panty dahil sa itsura nito."
"True! Kaya kung ako sayo, dodoblehin ko na ang suot kong panty!"
"Make it five para sure na sure na hindi mahuhulog lahat."
"Isampo mo na. Nahiya ka pa!" Natatawang sabi ni Dey at nakipag-apir pa kay Jeya.
Napailing na lang ako sa kalokohan nilang dalawa.
"Alam niyo? Kayong dalawa—"
"—puro kayo gwapo! Subukan niyo kaya huwag tignan ang mukha nila? Bagkos ay ugali ang inyong tignan." Pinutol nila ang dapat na sasabihin ko at sila ang nagtuloy.
"Ang galing! Sabay pa kayo!" Sarcastic kong wika.
"Kung paulit-ulit mo ba naman sabihin sa amin ang line na iyan kapag may nagugustuhan kaming may itsura eh! Kaya sino ang siraulong tao na hindi makakabisado iyan?"
"Yong ulyanin." Inosente kong saad kaya sabay silang napahampas sakanilang noo.
"Oo nga naman Jeya! Ikaw shunga!"
"Ay wow?! So, nang-iwan agad sa ere ganoon?" Inis na sabi niya.
"Nasa lupa tayo girl, nakasemento pa nga eh. Kaya sa semento kita iniwan hindi sa ere!" Kumindat pa ito na tila lalong inaasar si Jeya. Tumawa naman ako dahil doon.
"Edi wow sayo!"
"Ikaw naman! Inis ka agad. Biro lang, halika na baby ko. Yayakapin ka ni mommy!" Sumama ang timpla ng mukha ni Jeya dahil sa sinabi ni Dey.
"Bwesit! Tantanan mo ako Dey at talagang malilintikan ka sa akin!" Nag peace sign na lang siya at pinipigilan tumawa.
May kumatok sa pinto kaya sabay-sabay kaming tatlo na tumingin dito.
"Anak? Kakain na." Tawag ni nanay mula sa labas.
Tumayo ako at binuksan ang pintuan.
"Susunod na po kami." Ngumiti lang siya sa akin at naglakad na paalis.
"Kakain na d—Ay wow!"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nasa likod ko na pala sila at handa ng lumabas.
"Basta pagkain talaga ang talas ng pandinig ninyo." Ngumiti lang silang dalawa sa akin kaya umurong ako ng kaunti pa para makalabas na silang dalawa.
Nakakahiya naman sakanila kung mauuna ako sa lamesa. Sila pa naman ang may-ari ng bahay.
"Mally, tara na!" Rinig kong sigaw nila kaya sinarado ko na ang pintuan at sumunod sakanila sa hapag-kainan.
—🌸
Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?
Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa
MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?
MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m
MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag
MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi