Share

Nine

Author: Ceres
last update publish date: 2020-08-10 21:50:42

Mally

"Okay ka na?"

"Medyo." Malakas na bumuntong-hininga siya dahilan para kumunot ang aking noo. 

"Anong problema mo?" 

"Ako wala, ikaw meron." Malungkot niyang saad.

"Parang hindi ka pa sanay na lagi akong may problema eh?" Biro ko sa kaniya. Bumuntong hininga ulit ito kaya natawa na lang ako.

"Huwag mo na alalahanin iyon. Magiging maayos din ang lahat diba? Tiwala lang tayo kay lord." Ngumiti naman siya sa sinabi ko.

Nakatiklop ang palad nito nang itinaas niya. "Fighting!" Malakas na sigaw niya.

Biglang bumukas ng malakas ang pintuan na parang may galit ang taong nagbukas.

"Ano ba Dey? May galit ka ba? May away? May away?" Mabilis na lumapit sa gawi namin si Dey tyaka binatukan si Jeya at umupo sa katabi nitong upuan.

"Okay ka na? Saan ang masakit? Saan?!" exaggerate na tanong nito. Chineck niya pa ang katawan ko hanggang sa lumapat ang kamay niya sa dibdib ko.

Anak ka ng pitompu"t pitong baka!

"Dey!" Dahil sa gulat nasigawan ko ito  kahit na medyo paos ako at nahampas ang kamay niya. 

"Joke lang. Tinignan ko lang kung okay pa iyong dibdib mo. Hihi!" Parang bata na ani niya.

"Napakalikot talaga ng kamay mong bata ka!" Singhal ni Jeya sa kaniya at tinulak ito ng mahina. 

"Joke nga lang eh!" Ngumuso pa siya.

"Anong joke doon? Nahawakan mo na nga lahat-lahat tapos sasabihin mo joke lang?" Napapailing na sermon sa kaniya ni Jeya.

"Hayaan mo na. Alam mo naman na gawain niya na iyan. Nagulat lang ako." Mahinang tawa ang nagawa ko dahil nag make face si Dey sa kaniya.

Nakaangat na sa ere ang kamay niya na parang handa na siyang batukan ito nang dumating bigla si nanay.

"Nag-aasaran na naman kayo?" Napapailing na saad ni nanay pero nakangiti naman siya.

"Si Jeya po kasi! Sasaktan niya ako, mama!" Sabay tulak kay Jeya at nagtago sa likod ni nanay.

"Ay wow! Ako pa ngayon ang nasisi! Nice!" Sarcastic ang tono nito kaya hinawakan ko na lang ang kamay niya. 

"Kayo talaga! Tama na iyan at kumain na tayo." Dumila pa si Dey kay Jeya at ang isa naman ay asar na asar na.

"Mamaya ka sa akin!" Banta niya dito. Nagkibit balikat lang siya at umupo na sa sofa.

Sumunod na rin si Jeya sa kaniya.

"Kumain ka ng marami, anak. Bukas huwag ka muna pumasok. Magpapadala na lang ako ng excuse letter."

Gustuhin ko man na umangal, wala na akong nagawa kung hindi ang itango ang ulo ko.

"Don't worry girl. Ipapahiram ko na lang iyong mga notes ko sa iyo kung mayroong lecture at saka sasabihan rin kita kung may assignment man tayo."

"Salamat."

Katahimikan ang namayani sa buong silid dahil busy ang dalawa sa pagkain. Si nanay naman umalis para bayaran ang bill at ako? Nakatingin sa kawalan.

Nagulat man ako nang malaman ko na hindi pala ako totoong anak ni tatay pero hindi pa rin maalis sa akin ang katotohanan na inalagaan niya ako at pinalaki na laki sa layaw.

Tinanong nila ako minsan kung bakit nanay at tatay daw ang tawag ko sa mga magulang ko kahit naman daw may kaya kami, pero isa lang ang lagi kong sinasagot.

Ayon kay nanay iyon daw ang unang salita na natutunan ko at sobra daw ang tuwa nila ng mabigkas ko iyon.

Kaya kahit na napakasimpleng dahilan para sakanila, sa akin naman ay malaki na iyon. Iyon ang unang salita na una kong natutunan at sobra silang natuwa. Walang paglagyan ang tuwa nila nang mabigkas ko ang salita na iyon kaya hindi ko na binago pa ang tawag ko sakanila para ala-ala na rin kung paano sila umiyak ng masabi ko iyon.

Sa totoo lang may video pa iyon. Napanuod ko na pero hindi ko alam kung saan nila itinago ang camera kasi hindi ko na muli pa ito nakita at nahawakan.

"Uwi na kami, Mally." Ani niya ng makalapit sa akin. Nilingon ko si Dey at nandoon pa rin sa sofa, patuloy sa pagkain.

"Ha? Sige."

"Bukas pupuntahan ka namin sa bahay mo okay? May assignment man o wala ang mahalaga nandoon ang presence namin dahil baka ma-miss mo agad ang ka-kyutan namin." Full confidence niyang sabi. May tatalo pa ba sa sobrang hangin na magsalita ni Jeya? Napailing na lang ako at tumango. 

"May magagawa pa ba ako bukas kung nandoon na kayo?" Tila napagtanto nito ang sinabi ko.

"Oo nga 'no? Bahay ko rin pala ang bahay mo. Oh! Pati sakanila Dey, bahay ko rin." Sabay tawa ng malakas na animo"y nababaliw na.

"Hoy! Ano ba, Dey? Wala ka bang balak umuwi? Lahat na ata ng pagkain ni Mally inubos mo eh!" Lumingon ito sa amin at sumimangot.

"Ikaw kaya ang pinakamaraming nakain! Kanina 1 box lang ng pizza ang nakain ko samantalang ikaw nakadalawa! Wala kang pakundangan! Wala kang hiya sa nakaratay sa hospital bed na iyan!" Sabay kagat sa burger niya.

"Kasalanan ko bang mabagal kang kumain? Hala sige! Tumayo ka na riyan at anong oras na—"

"9 pm pa lang naman Jeya. Overacting ka na naman!" Pinuntahan niya si Dey at hinatak ang kinakain nito at saka kinain.

"Waaaah! Ang burger ko!" Maluha-luha na tinignan niya ang natirang balot ng burger sa kamay ni Jeya.

"Patapusin mo muna kasi ako! Ayan wala ka ng pagkain kaya halika na at uuwi na tayo!" Hinatak niya ito papunta ulit sa akin.

"Napakasama mo talaga kahit kailan!"

"Oh tapos?" Mataray na wika nito.

Umupo na lang sa hinihigaan ko si Dey at pinag cross ang braso at masamang tinignan si Jeya.

"Kaya mo na buto mo?!"

"Oo! Eh ikaw? Kaya mo na taba mo?!"

Masama ang tingin na binibigay nila sa bawat isa kaya palipat lipat ang tingin ko dito.

Kulang na lang butasin nila ang katawan ng isa't isa eh?

Biglang bumukas ang pintuan kaya nalihis ang tingin nila.

"Oh? Uuwi na ba kayo?"

"Opo! Maraming salamat po sa pagkain kahit hindi po ako umubos ng huli!" Gigil na sabi niya. Nagtataka naman tumingin si nanay dito. Tumingin pa siya sa akin na parang nagtatanong na 'anong sinasabi ng kaibigan mo?' nagkibit balikat na lang ako kaya napilitan na ngumiti si nanay.

"Sobrang salamat po sa binigay niyo sa amin. Nabusog po ako hehe!" Sabay peace sign ni Jeya kay nanay. Mukhang nakuha naman ni nanay ang nangyari sa dalawa kaya tuluyan na lang siya ngumiti.

"Wala iyon. Maaga kong iuuwi si Mally bukas kaya pwede kayo sa bahay. Oh siya, sige magsi-uwi na kayo at masyado ng gabi. Mag iingat kayo sa daan okay?"

"Opo!" Sabay nilang sagot at nagmano na kay nanay.

"Bye Jeya girl!" Magkabilaan nilang hinalikan ang pisngi ko. Si Dey sa kanan at si Jeya sa kaliwa. 

Ngumiti lang ako at kumaway bilang tanda ng aking pamamaalam para sakanilang dalawa.

"Ingat kayo!" Gumati rin sila ng kaway at tuluyan na nilang sinara ang pintuan.

"Ang dalawang iyon talaga!" Napapailing na wika niya.

"Buti na lang at naging kaibigan mo ang dalawang iyon kahit na napakaingay at napakagulo ay napapangiti ka pa rin."

"Ganoon na po talaga sila eh. Pero nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigay sa akin ang dalawang iyon." Lumanlam ang binigay niyang tingin sa akin.

"Nagpapasalamat rin ako anak at sila ang naging kaibigan mo at napapangiti at napapasaya ka nila ng ganito." Sincere niyang saad at hinalikan ako sa noo. 

"Patawarin mo si nanay ha? Kung nagkulang ako at—" pinutol ko ang dapat na sasabihin niya.

"Nanay! Okay lang po iyon. Naiintindihan ko po."

"Sige na. Matulog ka na anak." tumango lang ako at inayos ang higa ko. Nang maayos ay pumunta na rin siya sa sofa at doon inayos ang higaan.

"Goodnight 'nay."

"Goodnight, my sweet."

—🌸

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Sinful Night   Fifteen

    Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?

  • One Sinful Night   Fourteen

    Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa

  • One Sinful Night   Thirteen

    MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?

  • One Sinful Night   Twelve

    MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m

  • One Sinful Night   Eleven

    MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag

  • One Sinful Night   Ten

    MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status