Share

Eight

Author: Ceres
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-10 18:25:16

Mally

"Anak?" Pinilit kong bumangon para humarap kay nanay.

"Inumin mo na itong gamot." Inabot niya ito at saka ko naman ininom.

"Salamat po." Ngumiti lang ako ng maikli at dahan-dahan na humiga ulit.

"Alam mo naman kasi na mahina ang katawan mo. Bakit naligo pa kayo nila Jeya ng gabi sa dagat?"

"Wala naman po talaga kaming plano maligo, nasubsob po kasi ang mukha ko sa buhangin tapos medyo nabasa ho ako kaya dinamay ko na po sila Jeya." Pang-aamin ko dito. Ngumiti lang siya at tumango.

"Oh siya, sige. Magluluto muna ako at magpahinga ka na ulit." Tango na lang ang sinagot ko sa kaniya at saka na siya lumabas.

Buti na lang at sabado ngayon dahil kung nagkataon na may klase hindi ako makakapasok. Ayaw ko pa naman ang lumiliban.

Pinikit ko ang mata ko at muling natulog.

"Huwag ngayon, Andy. May sakit ang anak mo. Nakainom ka na naman ba?!"

"Wala kang pakealam! Wala akong pakealam!"

Tila wala sa sariling sagot ni tatay sa kaniya. Kahit nahihirapang tumayo ay pinilit ko pa rin. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito ng kaunti para makita sila.

"Sinasabi ko sa iyo Andy! Huwag muna ngayon. Patahimikin mo muna ang buhay ko—ang buhay ng anak mo!" Biglang tumawa si tatay na ikinataka ko.

"Anak ba kamo?" Muli siyang tumawa na animo"y may nakakatawa sa sinasabi nito.

"Baka nakakalimutan mo na anak mo lang?!" Mariin at may galit na sabi nito at dinuro-duro si nanay.

Ano kamo? Anak mo lang? Anak ni nanay lang? Edi ibig sabihin—?

Hindi ko inalis ang paningin sakanila at pinagmasdan sila ng maigi kahit na hilong-hilo na ako.

"Anak mo rin siya Andy!" Giit ni inay sa kaniya.

"Huwag mo akong pinaglololoko Allysa! Hindi ko anak si Mally!"

Wait?

Hindi anak?

Hindi ako anak ni tatay?

"Ano pong sinabi niyo?" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sakanila at naguguluhan na tumingin sa kaniya.

Tila ayaw nito ulitin ang sinabi kanina dahil iniiwasan niya ang aking tingin. Akmang tatalikod na ulit ito nang magsalita ako.

"Hindi niyo po ako anak?"

"Mally, please!" Pagmamakaawa ni nanay sa akin ng akmang lalapitan ko si tatay.

"Nay? Totoo po ba ang sinabi ni tatay?" Umiiyak na umiiling ito. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko dahil parang ayaw nila magsalita.

Ang galing naman pala. Kapag wala ako sa harapan nila kung makapagsigawan sila ay parang wala lang ako pero nasa kwarto lang naman ako pero kapag tinatanong na, nagmistula silang mga pipi na nahuli ng pulis na gumawa ng krimen kaya ayaw magsalita.

"Tay? Sabihin niyo po sa akin ang totoo! Anak niyo po ba ako o hindi?!"

Galit nitong sinalubong ang tingin ko.

"Gusto mo malaman ang totoo?!—"

"Andy, please!"

"Hindi! Kailangan niyang malaman kung gaano ka kalandi!"

"Tatay!"

"Oh bakit? Totoo naman ang mga sinasabi ko! Masyado kasing malandi iyang nanay mo at nagawa pang magpabuntis sa iba!"

"Totoo po ba iyon?"

Nanghihina kong tanong kay nanay ngunit panay lang ang iling nito habang ang luha ay patuloy na bumabagsak.

Pasalit-salit ang tingin ko sakanilang dalawa hanggang sa biglang nag blur ang paningin ko at—.

"Tatay! Doon naman tayo sa duyan!" Sabay turo ng batang Mally sa kaliwang parte ng palaruan na pinuntahan nilang mag-ama. 

"Bili ka po ice cream." Nagpacute pa ito kaya natawa na lang ang ama niya at ginulo ang buhok niya. 

"Tatay, buhatin niyo po ako!" Sabay taas ko ng kamay para mabuhat niya ako. 

"Thank you po dito!" Sabay yakap ng batang version ko kay tatay nang makita ang regalo nitong laruan. 

"Umalis ka dito Andy!"

"Anak ko rin si Mally, Allysa kaya pwede ba? Manahimik ka na riyan!"

"Anak? T******** ka pala eh! Matapos tapos mong sabihin na anak ko si Mally sa ibang lalaki tapos ngayon sasabihin mo anak mo?! Lumayas ka dito! Lumayas ka!"

Ala-ala.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at puting liwanag agad ang sumalubong sa akin. Nilingon ko ang gawi ng taong nagsisigawan kanina at nakita ko na tinutulak ni nanay si tatay.

"Oh my god! Gising na si Mally, tita!"

"Mally, anak? Tumawag ka ng doctor iha!" Mabilis na tumakbo palabas si Jeya.

"Anak?" Nilingon ko ito at ngumiti sa kaniya ng maliit.

"O-okay l-lang po ako." Kahit nahihirapan ay pinilit kong magsalita. Nawala ang pag-aalala sa mukha nito at lumingon sa gawi ng pintuan.

"Okay naman na siya. Kunting pahinga pa at magiging maayos na ang kalagayan niya. Pwede na rin siya umuwi bukas." Nakangiting wika ng doctor matapos akong tignan.

"Talaga ho? Maraming salamat po!" Umiiyak na sabi ni nanay.

"Wala iyon." Lumingon ito sa akin bago binalik ang tingin kay nanay. "Kung maaari rin sana iwasan niyo ang mga bagay na maaaring makasama sa kaniya. Alam niyo naman ho ang condition niya, hindi ba?" Tumango si  nanay at tumingin din sa akin.

Hawak-hawak ni Jeya ang kamay ko habang nakikinig din sa sinasabi ng doctor.

"Opo. Sige po, doc!"

"Oh sige. Aalis na muna ako at marami pa akong pasyente." Tumango kaming lahat sa kaniya.

"Magpagaling ka, Mally." Ngumiti lang ako at tuluyan na siyang lumabas ng silid.

Lumapit na si nanay at umupo sa upuan na katabi ng higaan ko. Hinawakan nito ang kaliwang kamay ko at dinikit sa pisngi niya.

"Sorry anak. Patawarin mo si nanay kung nilihim ko sa iyo ang bagay na iyon."

"Okay lang po."

Tumayo si Jeya at nag-sign na lalabas. Baka binibigyan niya kami ng pagkakataon na makapag-usap ni nanay. Tumango lang ako at naglakad na siya palabas.

"Hindi ko naman talaga ginusto na itago pa sayo iyon dahil alam ko kung anong mararamdaman mo pero ayoko rin na maghanap ka pa ng ibang ama kung nandiyan naman ang tatay Andy mo." Pagkabanggit niya ng pangalan ni tatay ay luminga-linga ako.

Speaking of?

"Nasaan po si tatay?"

"Umalis na at aalis na rin tayo sa bahay na iyon!" Galit na saad ni nanay.

"Po?" Gulat na sagot ko dito.

"Ayokong dumating sa punto na pati ikaw ay madamay pa sa away namin anak. Naiintindihan mo naman si nanay diba?"

"Pero nanay! Mag-isa lang si tatay, huwag na po muna tayo umalis baka naman po may pag-asa pang magbago si tatay." Pamimilit ko sa kaniya. Si tatay Andy parin naman ang nakasama ko noong panahon na lumalaki ako tyaka hindi naman siya nagkulang na maging ama noong bata ako. Nagsimula lang naman sila mag-away noong tumuntong ako ng labing-lima at hanggang ngayon na malapit na ang birthday ko para sa ika-labing pito.

"Sigurado ka ba diyan, anak?" Tila gusto niyang tumutol sa nais ko pero gusto ko pa rin bigyan ng pagkakataon si tatay na magbago.

"Opo."

Bumuntong hininga ito at, "Sige kung iyan talaga ang gusto mo."

Ngumiti ako sa kaniya at wala siyang nagawa kung hindi ang ngumiti na lang rin pabalik at saka pinunasan ang luhang natitira sa mata niya.

"Tatawagin ko muna si Jeya. Kahapon pa iyon nandito, ayaw umuwi. Buti si Dey napauwi ko kung hindi baka maingay ang kwarto mo dito sa hospital kung nagkataon." Tumawa lang ako sa sinabi niya. Ano pang aasahan ko sa dalawa? Eh kahit nga siguro mamatay ako, maingay pa rin sila eh.

Hinalikan ako nito sa noo at tinawag na nga si Jeya.

"Bibili na muna ako ng pagkain. Mag-usap muna kayo."

"Salamat po tita." Ngumiti lang si nanay at umalis na.

—🌸

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • One Sinful Night   Fifteen

    Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?

  • One Sinful Night   Fourteen

    Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa

  • One Sinful Night   Thirteen

    MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?

  • One Sinful Night   Twelve

    MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m

  • One Sinful Night   Eleven

    MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag

  • One Sinful Night   Ten

    MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status