LOGINMally
"O to the M to the G, OMG! Ang ganda dito!" Hiyaw ni Dey matapos makita ang lugar kung saan ako dinala noon ni Jeya.
"Pero mas maganda ako hindi ba?" Tinaas-taas nito ang kilay na para bang sinasabi niya na dapat um-oo kami.
"Tantanan mo ako Jeya! Saan parte ang maganda sayo?"
Tinuro nito ang mukha hanggang sa talampakan niya.
"Ulo hanggang paa ang ganda ko girl kaya huwag na kayong umangal pa! Kitang-kita naman na kasi eh!"
Hinawakan ko ang mukha nito at pinatagilid.
"Anong ginagawa mo?" Nakakunot-noo niyang tanong.
"Sa kabila ka naman tumingin." Sinunod nga niya ang sinabi ko at tumingin sa kaliwa.
"Wala pa rin eh!" Angal ko.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo?!" Hindi ko siya pinansin at nag-iisip kung paano ko makikita ang ganda na sinasabi niya.
"Ah! Talikod ka Jeya, bilis!" Dali-dali naman ito tumalikod.
"Oh tapos na?"
"Oo, tapos na!" Natatawa kong sabi at humarap na siya sa akin.
"So? Pakipaliwanag naman po kung bakit mo ako pinatingin sa magkabilang gilid at pinatalikod?"
"Hinahanap ko ang ganda mo." Inosente kong sabi.
"Kaso hindi ko makita ang sinasabi mo bukod diyan sa hinaharap mong malaki." Nauna pang tumawa sa akin si Dey na nakabalik na pala dahil umalis siya para lumapit sa dagat upang kuhanan ito ng litrato.
"Boom! Basag Jeya! Basag!" Parang may lumalabas na usok sa butas ng ilong niya kaya nahatak ko bigla si Dey para tumakbo palayo sa kaniya.
"Bwesit ka talaga Mally! Malilintikan kang hinayupak ka sa akin!"
Tawa lang ako ng tawa hanggang sa masubsob ang mukha ko sa buhangin dahil natapilok ako bigla.
Great! Ang shunga lang Mally!
"Pwe!" Dura ko sa buhangin na malapit ko ng makain. Umupo na lang ako at lumingon sa likod ko.
Anak kayo ng nanay niyo!
Kinukuhanan na pala ako ng litrato ni Dey at nasa tabi niya na si Jeya na tinatawanan ako.
"Kamusta pagsisid? May nahuli ka bang isda?" At ayon na nga, tumawa na ito ng malakas.
Tumayo na ako at pinagpagan ang damit ko.
"Galing ko ano? Gusto niyo rin lumangoy? Pero walang tubig, buhangin ang gagamitin." Ngumiti ako ng nakakaloko sakanila at sila naman ay unti-unting inatras ang paa.
"Oh bakit? Ayaw niyo ba akong gayahin? Masaya iyon!"
Pangungumbinsi ko sakanila. Nang bigla sila tumakbo palayo sa akin at dahil doon nagsimula na rin akong habulin sila.
"Run for your lives!"
Tumili ang mga ito hanggang sa naabot ko na si Jeya at tumawa ng malakas.
Kahit anong kawag nito hindi ko siya binibitawan. Astig talaga pag matangkad ka! Ang daming pwedeng gawin.
"Sabi ko naman kasi sa inyo, takbo eh! Ayan tuloy. Halika na!" Aya ko sa kaniya kahit bitbit ko naman ito sa damit.
"Pakawalan mo ako Jeya! OH MY GOD! HELP!" Kahit anong sigaw niya walang pumupunta sa gawi namin. Bukod sa kaunti lang kami, ang inaasahan niya rin na tutulong sa kaniya na si Dey ay nasa malayo. Nakatingin sa amin habang hawak ang camera nito at kinukuhan kami ng litrato. Nag wacky muna ako bago binitbit si Jeya sa dagat.
"Matulog ka kasi girl ng tumangkad ka naman." Pang-aasar ko sa kaniya at tinulak na sa dagat.
Malakas na tunog ng tubig ang narinig ko nang natumba si Jeya. Bigla naman may humatak sa paa ko kaya napaupo ako at nabasa ang short na suot ko at ang dulo ng damit ko.
"Jeya!"
"Quits na tayo!"
Tumawa na lang ako at binasa ang isa't-isa kaya basa na ang buo kong damit. May narinig akong flash kaya tinignan ko ito at doon nakatayo si Dey at kinukuhanan kaming dalawa.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Mahinang sabi ni Jeya. More like bulong na siya.
"Eh ikaw? Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Hindi ko inalis ang tingin kay Dey at patuloy lang ako sa pag pose.
"Tingin ko ay naiisip ko ang naiisip mo!"
"Dey! Patingin ako!" Umahon na ako sa tubig at pumunta sa gawi niya. Hindi manlang ito nanghinala.
Poor Dey-dey.
Nilapit niya sa akin ang camera para ipakita ang mga litrato na nakuha niya. Maya-maya nga rin ay umahon na si Jeya at tumabi sa amin.
Tawang-tawa ako sa mga litrato na nakuha nito nang may kumalabit sa akin sa likod. Tinignan ko si Jeya. Nakatingin pala ito sa akin sabay kindat.
Walang sabi-sabi na hinawakan ko ang paa nito at si Jeya sa ulo.
"1—"
"—2"
"3!"
Splash!
"Mga manloloko!" Sigaw nito sa amin nang makaahon mula sa tubig.
"Nice!" Nakipag-apir pa si Jeya sa akin.
"Cool!"
"Argh! Nabasa ang camera ko!" Tinignan niya ang camera at—
"—water proof pala ito hehe!" Sinabuyan na lang namin ulit siya ng tubig hanggang sa nalipat sa akin.
"Hoy! Maduga kayo! Isa lang ako!" Tinagilid ko ang mukha ko para hindi masakit ang impact ng tubig sa akin.
"Nilalamig na ako!" Yakap-yakap ang sarili ay lumapit ako sa puno at doon tumayo.
Hindi kami nakapagdala ng tuwalya o kung ano man na pamalit kasi ang alam lang namin mangunguha lang kami ng litrato.
"Ako din!" Nanginginig na ang boses ni Dey at kagat-kagat pa ang kuko.
"Ay wala! Weak!" Pang-aasar sa amin ni Jeya. Inismiran ko na lang siya at tumingin na lang sa dagat.
"Sino ba kasi nagsabi na maliligo tayo?"
"Tanong mo sa isa diyan!"
"Heh!" Sabay irap sa kaniya.
"Tara uwi na tayo!"
"Teka! Basa pa tayo eh? Ano lalakad lang tayo pauwi? Ikaw na lang! Malamig. Ayoko!" Sunod-sunod na angal ni Dey.
"Eh? Oh sige, dito ka na lang!" Nagsimula na ngang maglakad si Jeya kaya wala kaming nagawa ni Dey kung hindi ay sumunod na lang sa kaniya.
"Attitude din ang kaibigan mo eh!"
"Tangek! Kaibigan mo rin iyan!" Napailing na lang siya at kahit nanginginig pa ay naglakad na lang kami.
"Pag namatay ako sa sobrang lamig! Mumultuhin ko talaga si Jeya!"
"Argh! Malamig!"
"Ayoko na!"
"Sakay na tayo!"
"Maawa naman kayo sa akin!"
Kung ano-ano pang reklamo ang narinig ko kay Dey pero parang walang narinig ang isa dahil dire-diretso lang ang lakad niya hanggang sa tumigil ito at pumara ng tricycle.
Nagkatinginan kami ni Dey at mabilis na pumunta sa gawi niya.
"Mag awa din naman pala." Bulong ko pero mukhang narinig pa iyon ni Jeya dahil lumingon siya sa akin.
Nag peace sign lang ako at hinintay na huminto ang tricycle sa harapan namin.
—🌸
Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?
Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa
MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?
MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m
MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag
MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi