Share

Six

Author: Ceres
last update publish date: 2020-08-09 15:30:01

Mally

"Happy?" Tumango lang ito at mababakas ang tuwa sa kaniyang mukha nang matapos ang laro nila.

"Dey happy. H-A-P-P-Y! DEY HAPPY!" Tinaas niya ang dalawa niyang kamay at winagayway ang hawak na bimpo.

"Pwe! Ang baho ng bimpo mo Dey!" Reklamo ng isa ko pang katabi sa kaniya.

Ngumiti lang siya ng malawak na parang may binabalak. Tumingin siya sa akin at kumindat dahil doon ay alam ko na ang gusto niyang mangyari.

Bigla kong hinawakan ang magkabilang kamay ni Jeya at si Dey naman ay pinunas niya pa sa kili-kili niya ang bimpo at inamoy. Nang masatisfied siya sa sarili niyang amoy, pinunas niya ito sa buong mukha ni Jeya at pagkatapos tinigil sa parte ng ilong at doon nginudngod.

Ouch! Poor Jeya!

Nang tapos niya na gawin ang gusto niya ay inalis na niya ang bimpo sa mukha nito at binitawan ko na rin siya sabay takbo.

"Bilisan mo Dey! Kakainin tayo ng aswang!" Sigaw ko at mabilis na tumakbo.

Tapos na rin naman ang PE namin kaya pwede na kami bumalik sa classroom.

"Hintayin mo ako Mally! Ayoko pa mamatay!" Tili niya.

"Go Jeya! Go! Go! Go!" Hinarap ko ang parte kung saan kami nakaupo kanina. Tulala parin ito kung hindi lang siya kinalabit ng isa naming kaklase at tinuro kami.

Masama ang binigay niyang tingin sa amin. Pagkatayo pa lang nito ay siya ulit pagtakbo namin ni Dey.

"Mally for the win!"

"Dey for the second!"

"And Jeya for the lose!"

Sabay naming sigaw nang makarating kami sa locker.

"Wala kayong hiya! Wala kayong modo! Wala kayong awa! Mga walang hiya kayo!" Sigaw ni Jeya sa malayo at dahil hindi lang kami ang nasa loob tumingin din sa gawi niya ang iba naming kaklase at tumawa dahil sa itsura nito.

Hindi naman mataba si Jeya. Sakto lang pero ayaw niyang tumatakbo kasi masakit daw sa dibdib kapag umaalog. Mapapasana all ka na lang sa mayroon siya.

Edi ikaw na ang pinagpala! Kami na ang hindi!

Nang makalapit ay mabilis kong hinarang ang braso ko sa harap niya para makaiwas sa batok pero ang isa kong kasama hindi nakapaghanda kaya malakas na batok ang natamo niya mula kay Jeya.

Double ouch!

"Ang sama ninyo! Hinding-hindi ko kayo kakausapin!" Inirapan niya kaming dalawa bago pumunta sa pwesto ng locker niya.

"Sure ka dyan ah?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo!" Hindi daw kakausapin pero sumagot.

"Sure na sure ka na talaga?" Ulit na tanong ni Dey sa kaniya.

"Oo nga sabi!" Sabay kaming tumawa ni Dey nang marinig namin itong sumagot.

"Sige! Sabi mo iyan ha? Una na kami ni Mally!" Sabay hatak sa akin ni Dey at muli kaming tumakbo nang makuha na namin ang pamalit.

"Punta tayo sa pinuntahan niyo ni Jeya, Mally!" Nakangusong saad ni Dey.

Dahil walang teacher sari-sarili kaming mundo.

"Sige lang." Maikli kong sagot sa kaniya at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Ano na naman ba ang ginagawa mo?" Sinilip niya ang notebook ko.

"Tumatae ako sa notebook." Pabalang kong sabi sa kaniya. Hinablot naman niya ito at binasa ng malakas.

Sira talaga!

Hinayaan ko na lang dahil siya naman madalas ang nagbabasa ng mga tula na nagagawa ko.

"Ang pangit ni Dey!

Kasing pangit ni Jeya!

Bakit kaya naging kaibigan ko silang dalawa?

Oh! Ako lang pala kasi ang maganda!"

Hindi ko mapigilan ang tumawa ng malakas nang sabay na tumingin sa akin ang dalawa. Para akong papatayin ng mga ito gamit ang tingin nila.

"Epal ka rin ano?" Nahampas ko pa si Jeya na siyang katabi ko dahil sobrang nakakatawa ang ang naging expression nilang dalawa.

"Basa pa!" Padabog na binalik ni Dey iyong notebook sa akin.

"Bwesit ka!" Inis na inis ang mukha nilang dalawa kaya mas lalo akong natawa.

"Tara na nga Jeya! Bili tayo ng pagkain." Tumayo na ito.

"Tayong dalawa lang! Epal kasi ang isa diyan!"

"Okay!" Nakangiti ko na lang sabi sakanila. Parehas akong nakatanggap ng pamatay nilang irap at sabay silang lumabas.

Napapailing na binalik ko ang tingin sa notebook ko.

"Sa bawat araw na sila ay aking nakakasama

Parang ayaw ko ng lumisan pa

Sa tabi nila ako ay masaya

At iyon ay mababakas sa aking mukha

Wala ng tatalo pa

Sa pagiging makulit nila

Sa mga kalokohan na kanilang nagagawa

At sa itsura nila na minsan ay hindi na maipinta

Sino sa inyo ang makakapagsabi?

Na hindi sila ang dahilan ng aking pagngiti?

Dahil kahit mismo sa aking mata

Ay inyo na itong makikita.

Natigil ang aking pagsulat nang biglang dumating ang dalawa at umupo sa tabi ko. Dahan-dahan kong tiniklop ang notebook para hindi na muli pang hatakin ni Dey at baka sabihin pa niya ay masyado akong madrama or what pag ito ay nabasa niya.

"Ang galing! Sumunod ka sa amin kanina, Mally!" Sarcastic na saad ni Jeya.

"Sorry na." Nagpuppy eyes ako sa harap nito kaya iniwas niya ang tingin sa akin.

Masyado daw kasi akong cute kapag ginagawa iyon. Hindi daw nila ako matiis kaya ayaw nila na ginagawa ko ang bagay na iyon. Edi huwag na! 

"Oo na! Huwag ka na magganyan pa at baka masapak kita!" Inirapan muna niya ako bago nilapag ang pagkain sa harapan ko.

Yes! Libre!

"Hindi iyan libre kaya huwag kang ngumiti ng malawak diyan!" Ouch! Ang bilis ng karma.

Akala ko nakalibre na ako sakanilang dalawa. Ayon pala may bayad pa!

"Nagtitipid ako kaya sa inyo na iyan. Hindi ko na kakainin. Hindi ako gutom, bahala kayo diyan!" Binalik ko ang pagkain sakanila at tumingin sa kaliwang bahagi dahil nasa kanan ko ang isa at nasa harapan naman si Dey. 

"Ayon! Tampo agad ang bata!" Narinig ko ang malulutong nilang tawa kaya lalo akong napasimangot.

"Ang dadamot niyo!" Sabi ko sakanila kahit nakatalikod pa ako sa mga ito.

Tanging tawa lang ang narinig ko sakanilang dalawa hangga't sa may kumalabit sa akin.

"Here na baby girl. Huwag ka na magtampo kay ate." Nilingon ko sila at tinignan ang itsura nilang dalawa.

Si Dey na nagsisimula ng kumain pero may nakakalokong ngiti na nakapaskil sa labi nito at si Jeya na pinipigilan ang tawa. Pag ito nautot! Ewan ko na lang. 

"Huwag nga ako! Anong ate?! Mas matanda ako sa inyo!" Singhal ko sakanilang dalawa. Tumawa naman silang dalawa na parang may narinig na biro mula sa akin. 

"Bakit kayo tumatawa? Totoo naman ah?" Sinimulan ko ng buksan ang oreo na binili nila at kinain.

"Huwag mo kaming pinagloloko girl! 16 ka pa lang. Aral ka muna ulit ng math baka nakalimutan mo na kung paano magbilang!"

"Ah basta! Ate niyo ako!" Pamimilit ko sakanilang dalawa. Nagkibit-balikat na lang ang mga ito at kumain na lang.

17 na sila pero ako 16 pa lang. Aba?! Kasalanan ko ba na late ang birthday ko? Naiirita kong sinubo ang pagkain ko.

—🌸

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • One Sinful Night   Fifteen

    Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?

  • One Sinful Night   Fourteen

    Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa

  • One Sinful Night   Thirteen

    MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?

  • One Sinful Night   Twelve

    MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m

  • One Sinful Night   Eleven

    MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag

  • One Sinful Night   Ten

    MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status