LOGINMally
"Girls!" Tili ni Dey mula sa malayo.
"Ano ba?! Huwag ka ngang sumigaw! Nakakahiya sa kabilang section!" Singhal ni Jeya sa kaniya at nilibot pa ang paningin sa buong gym.
Ang iba na taga-kabilang section ay napatingin sa gawi namin at ang iba naman ay patuloy lang sa pakikipag-usap.
May PE kami ngayon at sinama na ang kabilang section para isang bantayan na lang daw at parang ang mangyayari din ay kalaban namin ang mga ito.
Volleyball ang laro namin ngayon at parang gusto ko ng umatras dahil hindi ako magaling dito at baka sa mukha ko pa tumama. Masakit pa naman ang bola tiyak na pagtumama ito sa mukha mo, pango ang aabutin ng matangos mong ilong.
"Hayaan mo sila! Oh my god! Sobrang excited na ako sa mangyayari ngayon!" Mahahalata mo na excited nga siya dahil malawak ang kaniyang pagkakangiti at tumatalon talon pa ito na akala mo ay kiti-kiti na hindi mapakali sa pwesto niya.
"Ano ba, Dey?! Umayos ka nga!" Muling sabi sa kaniya ni Jeya at hinila na ito sa damit para mahinto sa kakatalon.
Alam naman namin na hilig niya talaga ang sports na ito kaya hindi ko na siya pinigilan pa pero si Jeya mukhang nahihiya sa ginagawa niya.
Ngumuso ito sa amin at, "Ang KJ niyo naman!"
"Bakit pati ako nadamay?" Natatawa kong tanong sa kaniya.
"Eh kasi hindi mo siya pinipigilan na pigilan ako!"
"Ha?"
"Hakdog ka girl!" Dagdag ni Jeya sa tanong ko at binatukan siya.
"Aray!" Hinawakan nito ang parte ng ulo kung saan siya nabatukan at maya-maya nga nakita ko na lang silang dalawa na naghahabulan. Imbes na awatin silang dalawa, pinanuod ko lang sila at hinayaan na pagalitan ng teacher nang makita silang naghaharutan.
"Ikaw kasi eh!"
"Anong ako? Ikaw nauna!"
"Bakit kasi nambabatok ka?!"
"Shunga ka eh!"
"Argh! Ba—"
"—Oh tama na iyan. Magsisimula na. Okay lang iyan mga girls. Ginawa niyo ba naman kasing palaruan ang buong gym eh!"
"Walang-hiya ka! Bakit hindi ka sumama sa amin?! Friendship over na ba ito? Ha?! Ha?!" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at doon inalog-alog ako.
Asgksnchpwxnus!
"Nahihilo ako Dey!" Tinanggal naman niya ang kamay niya sa balikat ko pero nilagay naman niya sa balakang niya at hinarap akong naka pameywang.
Jusmiyo!
"I hate you!" Sabay cross arm na parang bata at inirapan ako.
Tumawa lang ako sa ginawa nito.
"Tingin mo gusto kita? Dream on girl!" Sabay ngisi sa kaniya. Tila natigilan ito at binaba ang dalawang kamay. Nanlalaki ang mata na humarap sa akin.
"Hala Jeya! Hindi na tayo mahal ni Mally!"
"Bakit akala mo din ba mahal kita? Eww lang girl!" Natatawang sabi sa kaniya ni Jeya at tumabi sa akin.
Dahil singkit si Dey pilit niyang pinapalaki ang mata niya na parang gulat na gulat sa sinasabi namin.
"Ang sasama niyo!" Tumalikod ito sa amin at kunwari na nagpunas ng luha.
"Napaka peke mo talagang babae ka! Leche ka! Halika na nga dito, yakapin mo kami!" Bigla naman itong humarap at tumakbo papunta sa amin at sabay kaming dinamba ng yakap ni Jeya.
Na-out of balance kaming parehas dahil doon ay malakas na lagapak ang narinig sa buong gym. Natigilan ang ilang estudyante at ang guro na kanina pa na nakikipagkwentuhan ay napatakbo sa gawi namin.
"Anong nangyari?" Nakangiwi namin siya hinarap ni Jeya at si Dey naman ay binigyan siya ng malawak na ngiti.
"Ms. Versoza!" Pagalit na tawag niya kay Dey at nagsimula na itong magsermon.
"Oh ano ka ngayon? Hindi ka makakalaro diba? Ang kasat mo kasi eh!" Pang-aasar ko sa kaniya. Kinagat nito ang labi na parang pinipigilan na umiyak.
"Gusto ko maglaro, Mally!" Nagsimula na nga itong umiyak. Parehas kaming napalingon sa isa't isa ni Jeya at nagkibit balikat na lang. Iniwan namin siya sa gitna at pumunta na sa upuan na nakahanda para sa amin.
"Hoy! Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Dey nang makita ko ito na pababa.
"Kakausapin ko iyong teacher natin." Ngumiti pa ito sa akin ng malawak.
"At ano naman ang sasabihin mo aber?" Nakataas na kilay na tanong sa kaniya ni Jeya.
"Sasabihin ko na may sakit sa puso si Mally at hindi siya makakalaro kaya ako ang maglalaro para sa kaniya. Ang galing ko diba?" Nagpa-pogi pose pa siya sa harap namin at sabay kindat.
"Dey!"
"Yes my dear? Its my name." Tinaas-taas niya pa ang kilay niya na parang inaasar kami.
"Siraulo ka talaga! Lumayas ka na nga dito!" Binato siya ni Jeya ng bote na walang laman. Sinambot niya lang ito at hinagis pabalik sa amin.
Nag flying kiss pa siya bago tuluyan bumaba at kinausap nga ang guro.
"Wala na siyang pag-asa pa." Nanghihinayang na saad ko.
"Ikaw din girl, wala ka ng pag-asa pa na maglaro kasi kinuha na ni Dey-dey na walang dede!" Tumawa lang ako sa sinabi niya at hinampas siya ng mahina.
"Loka! Kaibigan pa rin naman natin si Dey. Kaya huwag kang back stabber! Sumbong kita mamaya!" Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti.
Hindi na ako nagsalita pa at pinanuod na ang mga unang natawag na pangalan. Umakyat na si Dey na may nakapaskil na tagumpay na ngiti sa labi niya.
"Okay na girl. Dito ka na lang later, pahinga ka hihi." Parang mapupunit na ang labi nito sa lawak ng ngiti niya.
Napailing na lang ako at hinatak siya paupo sa tabi ko.
"Turn ko na! Turn ko na! Goodluck sa akin!" Tumayo na ito at kinuha ang kamay ko at nakipag-kamay na akala mo ay kandidato sa isang politika.
Ganoon din ang ginawa niya kay Jeya na napasimangot dahil para siyang tanga sa ginagawa niya.
"Ms. Versoza!" Muling tawag sa kaniya ng teacher kaya bumaba na ito.
Nang nasa gitna na siya ng gym, tumingin siya sa gawi namin at kumaway at nag finger heart pa! Tinakpan ko ang mukha ko at ganoon din ang ginawa ni Jeya.
"Nakakahiya ang kaibigan mo!" Mariin na bulong ko kay Jeya.
"Gaga! Kaibigan mo rin iyan!" Napaismid na lang ako at walang nagawa kung hindi tanggalin na ang takip sa mukha ko dahil magsisimula na.
—🌸
Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?
Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa
MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?
MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m
MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag
MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi