FAZER LOGINMally
"Oh pasok, pasok. Feel at home mga sister," binuksan niya ng malaki ang pintuan para makapasok kami. Tinulak naman siya ni Jeya at tumakbo papasok. Feel at home nga ang gaga.
"Sorry!" ako na ang humingi ng paumanhin dito dahil sa inasal ni Jeya.
"Okay lang ano ka ba?! Hindi ka pa ba sanay diyan?" Tumawa naman ito kaya ngumiti nalang ako at pumasok.
"Nasaan ang pasalubong, Dey? Nasa ref niyo ba o nasa kwarto mo?" Jusko!
"Ayan! Takbo ka pa. Easy ka lang mahina ang kalaban," biro nito sa kaniya. Sumimangot naman ito at umupo sa sofa.
"Dyan lang kayo! Kuhanin ko sa kwarto. Nakakahiya kay Jeya eh." umakyat na nga ito kaya umupo muna ako sa tabi ni Jeya at hinampas ito.
"Ikaw talaga! Umayos ka nga. Hindi ka ba nahihiya?" Sinamaan ko ito ng tingin dahil parang wala lang sa kaniya ang mga sinabi ko.
"Nakaayos naman ako ah? Alis tayo?" Napahampas nalang ako sa noo dahil sa sinagot nito sa akin. Wala ng pag-asa ito.
Bumaba na si Dey at ang dami nitong hawak. Muntik pa siyang madulas dahil doon. Kinagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili na tumawa.
"For real? Baka pati yong sa iyo sinama mo na rin diyan?" Naiiling na sabi ko dito. Umiling lang ito at nilapag sa lamesa ang dala.
"Yong make up kit kay Jeya iyan. Hindi naman ako nag m-make up kaya panigurado para sa kaniya iyan." Kilala na nga pala kami ng parents niya kaya wala na kaming hiya. Well mayroon pa naman ako. Hindi ako nanunulak sa taong may-ari ng bahay at nagawa pang maunang pumasok sa loob.
Hindi ko sinasabi na si Jeya ito pero parang ganoon na nga.
"Hala! Omg! Omg! Thank you!" sa sobrang tuwa nito nagtatatalon siya at yumakap kay Dey kaya dalawa na sila ngayon ang tumatalon.
Mga sira!
"Oh tama na! Tama na! Nahihilo na ako!" Natatawang wika ni Dey at binitawan naman na siya ni Jeya. Para na rin itong may sariling mundo at binuksan ang pasalubong sa kaniya ni Tito. Hindi makapaghintay!
"Hoodies sayo, Mally. Ayan talaga sinabi ko kay papa." Inabot niya sa akin ang plastik sabay kindat.
"Totoo? Salamat ka mo," mahinang sabi ko. Pero sobrang sobra na ang tuwa na nararamdaman ko.
May iba pang laman ang box na binaba niya pero mamaya na ako mangunguha, may mga pangalan naman ata eh.
Napakaswerte ko lang na nakilala namin ang papa ni Dey na parang anak na rin ang turing sa amin. Imbes na mainggit ako sa kung anong mayroon siya, tuwa ang namamayani sa aking puso.
She deserve to have a family like them.
"Wala iyon. Nakahati na rin ang chocolates dyan para walang lamangan tyaka may pangalan niyo na iyong iba diyan," Sabay lingon kay Jeya.
"Hoy! Bakit ako agad?" Sigaw nito sa amin kahit na sa pasalubong pa rin siya nakatingin.
"Nakita mo?" Kunwaring gulat na tanong ko.
"Oo girl. May mata ako sa gilid," sabay lingon sa amin. Masama ang tingin na binigay niya sa amin kaya nagkatinginan kami ni Dey at nagkibit balikat.
"Edi wow na lang sayo, girl!" nag make face lang ito at nilapag na ang hawak niya.
"Nasaan nga pala si tita?" Palinga-linga na tanong ko. Kanina ko pa hindi nakikita eh.
"Eh? May pasok, girl."
"Oh? Akala ko ayaw siyang pagtrabahuin ni tito?" Biglang sabat ng isa.
"Alam mo naman iyon matigas ang ulo. Okay na rin sa akin ang ganoon para tahimik ang bahay minsan. Ang ingay kasi nila ni papa pag nag-uusap sa skype eh." ngumuso ito na tila naiinis. Tumawa na lang ako dahil sa sinabi niya.
"Okay lang iyan girl. At least hindi nag-aaway iyong sayo," mapait kong sabi. Malungkot ang mata nito na tumingin sa akin.
"You don't need to be like that. Ano ka ba? Sanay na ako!" Dagdag ko rin sa sinabi ko kanina at ngumiti. Nag-aalangan man ay tumango ito.
"Basta girl nandito lang ako ha?—"
"—kami!"
"Oo na! Singit ka na naman eh!" Nagsimula na ulit sila mag-away.
"Tama na iyan. Baka mamatay ang isa sa inyo. Ang sama ninyo makatingin eh!" Dahil sa bigla kong pagsalita, nalipat ang tingin nila sa akin kaya napataas agad ako ng kamay na parang sumusuko na agad.
"Easy there," nakangiwi kong sabi.
"By the way. Nagugutom na ba kayo?" Tanong niya sa amin.
"Buti naisipan mo magtanong!"
"Manahimik ka! Hindi kita papakainin!" Nagkunwari naman na zinipper ni Jeya ang bibig nito. Mahina na lang akong natawa dahil sa kalokohan niya.
"Aalis na rin siguro ako, Dey."
"Naku huwag muna! Makikain muna tayo! Sayang free foods!" Pamimilit nito bigla sa akin.
"Ikaw talaga! Napakatakaw mo. Sige na nga!" Pagpayag ko sa kaniya.
"Bakit payag din ba ako?" Napatingin naman ako kay Dey dahil sa sinabi nito.
"Nagtanong ka eh?"
"Oo nga. Baka gutom na kayo kaya maaari na kayo magsi-uwi at doon magsipagkain!" Napakagat ako ng labi para pigilan ang tawa dahil sa naging reaksyon ni Jeya sa sinabi niya.
"Hala siya!"
"May reklamo, Jeya?!" Nakapameway na tanong nito.
"Meron! Alis dyan ako magbubotbot sa ref niyo!" sabay tulak sa kaharap.
Jusmiyo ka! Wala ng tatalo pa sa makapal na mukha ni Jeya. Walang sinasanto eh? Pati may-ari ng bahay nagagawa niya pang itulak.
Hys. Ano pa nga ba? Feel at home nga daw kasi eh! Goodluck nalang kay Dey.
"Hoy! Huwag mo ubusin iyong laman ng ref!" Sigaw sa kaniya ni Dey at sumunod sa kaniya sa loob ng kusina. Baka nga mamaya maubos iyong laman ng ref. Patay gutom pa naman iyon minsan at ang minsan na iyon ay mangyayari ngayong araw. Nakangiti ko nalang silang pinanuod at sinimulan ng buksan ang toblerone. Gutom na rin ako eh!
"Uwi na kami. Salamat sa pagkain," pagkasabi niya nito ay dumighay pa siya ng malakas.
"Jeya!" Sabay na sigaw namin ni Dey sa kaniya pero nagpeace sign lang siya sa amin.
"Tsk. Halika na nga!" hinila ko na ito.
"Oo na. Salamat ulit Dey. Sa uulitin mwa!" Nagflying kiss pa nga daw.
"Eww!" Nandidiri na mukha ang pinakita nito sa amin.
"Hayaan mo na ang baliw. Salamat sa pasalubong at pagkain, Dey. Babye."
Nag wave lang ito sa amin kaya nagsimula na rin kami lumakad.
—🌸
Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?
Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa
MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?
MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m
MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag
MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi