FAZER LOGINMally
"Okay na ba dito?" Sabay lingon nito sa akin dahil nasa likuran niya ako.
"Oo. Ang ganda!" Napangiti ako ng hindi sa oras dahil sa nakikita ko. Blue na blue ang kulay ng dagat at mahina lang ang alon niya. Ang hangin ay sakto lang.
It is peaceful and has beautiful scenery. I like to go here everyday.
Feeling ko mas gagaan ang loob ko kung makikita ko ito. Mas magiging okay ako kapag nandito ako.
"Oh ano ka ngayon? Maganda hindi ba? Sino ka po, ate?" Biro niya sa akin. Binatukan ko na lang ito at tumingin sa paligid.
"Thank you, Jeya." Umakbay ito sa akin at sabay namin pinagmasdan ang papalubog na araw.
"Its nothing. Kaibigan kita at gusto ko na masaya ka." Hindi ako sumagot kaya katahimikan ang bumalot sa amin hanggang sa tuluyan ng dumilim.
"Uwi na tayo," aya ko sa kaniya.
"Oo tara na. Inabot na tayo ng gabi hahaha!" ngumiti lang ako at humawak sa braso niya.
"Mally?"
"Hmm?"
"Promise me na kahit anong mangyari hinding hindi ka susuko ah? Lagi mong tatandaan na nandito lang ako." Madamdamin na sabi nito.
"Ayieee. Napakasweet naman pala," Asar ko dito. Kinurot ko pa ang tagilaran niya dahilan para lumayo siya sa akin at kunot noo akong nilingon.
"Hindi masakit," sarcastic na sabi niya. Tumawa lang ako ng malakas at hinayaan na sumimangot siya.
"Isa pa?" Sabay lapit sa kaniya. Tumakbo naman siya kaya ang ginawa ko ay hinabol ko rin siya.
"Waaaaah! Tulong! Tulong!" Parang sira na sigaw niya kaya ang tao ay napapalingon sa amin. Nagtataka at panigurado akong nagdadalawang isip ang mga ito kung tutulungan ba siya o ano. Pfft.
"Stop it, Jeya! Nandito na ang jeep!" Tumakbo siya pabalik sa gawi ko at saka ko siya binatukan.
"Ang kasat mo! Sakay na," sabay tulak ko sa kaniya papasok. Nauntog pa siya kaya napalingon sa gawi namin yong mga nasa loob.
Opps. Sorry!
"Aray!" Tanging nasabi na lamang niya at pumasok ng tuluyan.
Pagkapasok ko naman ay siya rin paghampas nito sa akin.
"Aray!" Reklamo ko sa kaniya.
"Aray! Aray! Bakit kasi nanunulak ka? Nauntog tuloy ako huhuhu. Buti hindi ako nagka-amnesia kung hindi nakalimutan kong kaibigan kita at itulak kita palabas dito!" OA niyang sabi at malakas ang pagkakasabi niya noon kaya tumawa ang mga nakarinig.
Kulang na lang ay lumubog ako sa kahihiyaan dahil sa kaniya. Pagkahinto ng jeep ay mabilis akong bumaba.
"Teka lang, Mally! Nagmamadali? Natatae?" Jusko po! Hindi ko siya kaibigan.
Umiiling na naglalakad ako ng mabilis palayo sa kaniya. Kaso wala atang balak tumigil ito dahil patuloy itong sumisigaw.
"Dito na ako. Baliw ka!" Sigaw ko sa kaniya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay namin.
Napatigil ako sa tapat ng pintuan ng makita ko ang mga magulang ko na magkatabi sa sofa at nanunuod ng palabas.
"Dito na po ako," sabay silang lumingon sa akin at ngumiti.
Medyo natigilan pa ako dahil sa ginawa nilang pag ngiti sa akin.
"Kumain ka na ba?" Tanong sa akin. Umiling lang ako kaya tumayo si nanay.
"Sige na magbihis ka na muna. Ipaghahanda na kita tapos na kami ni tatay mo na kumain kaya ikaw muna mag-isa ang kakain." nakangiti lang akong tumango dito at pumanhik sa kwarto at nagbihis.
Pagdating sa kusina ay nakahanda na ang pagkain ko ngunit wala akong kasabay. Okay na rin ito at least nakita ko silang magkasama ngayon at parang wala silang problema.
Pagkatapos ay hinugasan ko ang pinagkainan ko at nagpaalam sakanila na matutulog na kahit hindi naman talaga. Muli lamang silang ngumiti sa akin kaya naglakad na ako paalis.
Pagkabukas ko ng facebook ay message na agad ni Jeya ang sumalubong. Tadtad ang inabot ko dito. Pwede naman niya sabihin ng personal dahil malapit lang naman ang bahay nila sa amin. Nauuna lang kami at mga benteng hakbang lang ay sakanilang bahay na. Napakatamad din talaga nito eh!
"Hoy! Iniwan mo akong gaga ka!"
"Lumabas ka dito sapakan tayo!"
"Hoy!"
"Humanda ka sa akin bukas!"
"Huwag ka lang talaga magpapakita sa akin! Makikita mo talaga!"
"Makikita mo, Mally! Hmp!"
Kung ano-ano pang pagbabanta ang sinabi niya sa akin. Hindi naman niya kayang gawin ang mga iyon. Baliw talaga! Napangiti na lang ako sa kakulitan nito at nagpasya na sagutin ang kaniyang mensahe.
"Nababaliw ka na naman. Matutulog na ako, see you bukas baliw kong kaibigan! Salamat ulit kanina, sa uulitin. Goodnight!" pagkasend ko dito ay natulog na ako agad.
"Mally!" Sigaw ng kung sino sa kalayuan.
"Dey!" Sabay yakap sa kaniya ng tuluyan na siyang nakalapit sa akin.
"Omo! Dalawang beses lang akong absent namiss ko na agad kayo ni Jeya gaga!" Pasigaw na sabi nito. Nahampas ko naman siya bigla dahil sa sinabi niya.
"Gagi. Marinig ka ni Jeya mabigat pa naman ang kamay 'non," bulong ko sa kaniya at hindi ko alam na tatlo na pala kami magkakatabi kaya nakatanggap kaming dalawa ng batok.
"Jeya naman eh!" Paangal na sabi ni Dey. Napahawak na lang ako sa parte ng binatukan nito.
"Ano?! Ano?! Kayo ha! Bad nyo!" Hahampasin pa niya sana kaming dalawa nang hinatak ko na si Dey papasok sa room at umupo na parang walang nangyari.
"Siraulo talaga kayo!" Sabi ni Jeya pagkaupo nito. Hindi na lang ako sumagot pero maya-maya rin nagk-kwentuhan na kaming tatlo.
"Mally, sama ka kay Jeya mamaya. May pinadala si papa na chocolates eh. Alam ko naman na paborito mo iyon. Nakalimutan ko lang magdala kasi gusto ko na kayo makita agad." halos masuka ako sa dulong sinabi nito. Si Jeya naman nagpanggap na parang nandidiri sa narinig.
"Alam naman namin na mahal na mahal mo kaming dalawa girl pero no need to say it. Kakasuka eh!" prangka na wika sa kaniya ni Jeya. Napailing na lang ako at hinayaan sila magbangayan.
"Uwian na. Goodbye school. Hello chocolates!" Masiglang sabi ng katabi ko.
"Tsk tsk. Cleaners ako gaga! Hintayin niyo ako." tumango naman silang dalawa at lumabas na.
Tumulong na rin ako sa paglilinis para matapos na agad.
"Tara na!" sabay akbay sakanilang dalawa.
"We go!"
"We fight!"
"Awieee!" Sabay-sabay na wika naming tatlo dahilan para magkatinginan kami at tumawa.
Thank you for having a friend like them. Even though my life isn't what I want to be at least I have them.
-🌸
Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?
Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa
MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?
MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m
MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag
MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi