LOGINMally
"Gising na," dahan-dahan ay minulat ko ang mata ko. Nakatulog na naman pala ako sa klase.
Nakangiwi kong hinarap ang aking kaibigan dahil hindi ko kayang gumalaw. Namamanhid ang paa ko, siguro nangawit dahil hindi maayos ang aking pwesto pero mukhang nakatulog ako ng mahimbing kaya okay lang.
"Bili tayo?" Unting tango lang ang nagawa ko nang hindi ko na maramdaman ang pamamanhid ng paa ko ay tumayo na ako at sumama sa kaniya.
"Nagreview ka na ba?" Tanong nito sa akin. Umiling lang ako bilang sagot.
"Nagrereview ba ako? Mas maganda pang matulog eh!" katwiran ko dito kaya nakatanggap ako ng hampas.
Aray! Ang bigat talaga ng kamay niya.
Hawak ang bahagi na hinampas nito ay ngumuso ako sa harap niya.
"Sakit ah?" Tumawa lang siya at humingi ng paumanhin. Ano pa nga ba? Akala mo talaga taos-puso ang kaniyang paghingi ng sorry pero ang totoo labas naman talaga sa ilong.
"Pakopyahin mo ako ha?" Biro ko sa kaniya nang ibigay na ang test paper sa amin kahit one seat apart kami nakakaya ko siyang kausapin.
"Eh? Alam mo naman na natatakot akong magpakopya eh!" sagot nito. Sabi ko nga eh. Magsasariling sikap na lang ako.
"Joke lang! Seryoso ka masyado. Goodluck!" Biro ko na lang dito at tumingin na sa test paper at nagsimula ng magsagot.
May ibang hindi ako alam sa exam kaya hinulaan ko na lang gamit ang kantang pen-pen desarapen tyaka umub-ob sa mesa.
"Pass your paper," ani ng guro mula sa harapan. Inabot ko na ito sa kaklase kong nasa harapan ng upuan ko.
"Uwi ka na?" Tanong nito nang matapos ang panghuling klase namin.
"Ikaw uuwi ka na?" Balik kong tanong sa kaniya. Tumango naman ito kaya tumango na lang din ako.
"Ingat!"
"Ingat ka din!"
Tinaas ko ang kamay ko bilang tanda na narinig ko ang sagot nito.
Muli kong nilagay ang earphone sa tainga ko.
Is there anyone who has problem like mine?
Kung meron nga, paano nila nakakayang lumaban? Paano nila nakakayang maging malakas at harapin ito?
Malakas na bumuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Nadatnan ko si nanay na nagluluto sa kusina.
"Dito na po ako." Lumingon lang ito saglit sa akin at ngumiti bago binalik ang tingin sa niluluto.
"Magbihis kana muna anak at magpahinga. Maya-maya dadating na rin ang tatay mo." Tumango ako sa kaniya kahit na hindi naman niya ito nakita. Naglakad na lang ako papunta sa kwarto.
Nag-ayos lang ako saglit at nag-online na muna.
"Everything will be alright. Trust him."
Basa ko sa isang post ng page.
Should I share it or not?
I trust him with all my heart kaya nga nandito pa rin ako at lumalaban eh. Pero kakayanin ko pa ba?
In the end nag scroll na lang ako ulit.
"I'm sad right now!"
Yeah. Always naman.
Shinare ko ito at pinatay na ang data nang wala na akong gana pa para magbasa ng kung ano-anong kalokohan na mayroon sa facebook.
Kinuha ko na lang ulit ang notebook at sinubukan dagdagan ang hindi ko nasulatan kagabi.
Hanggang kailan ako lalaban?
Kung pagod na akong umisip ng paraan—Paraan kung paano ko pa ito malalampasan.Dahil wala na akong makitang dahilan.Araw-araw na lang ba ganito?
Dapat ko ba talagang maranasan ang mga ito?Panuorin sila kung paano magtalo?At pagkatapos ay tumakbo na lang palayo?Hanggang saan aabutin ang aking pagtitiyaga na sila'y pakinggan?
Puro sigawan at walang ginawa kung hindi ang magkasakitan.Hindi ba sila mapapagod na mag-away?Hihintayin pa ba nila na mayroong mamatay?Hindi ko na alam kung ano pa ang idadagdag ko kaya sa huli tiniklop ko na lang ito at tinabi.
Bumaba na ako at sumalo sa kanila. Tahimik muli ang hapag-kainan ngunit hindi tulad noong isang araw at kahapon na mag-aaway sila at magsisigawan pagkatapos kumain.
Sana ganito na lang lagi.
"Recess na." panggigising sa akin ni Jeya.
"Nakatulog pala ako." Tanging nasabi ko na lang at hindi na muna gumalaw.
Cramps again!
Napanguso nalang ako at hinintay na mawala ito.
"Hilig mo matulog ano?" Tinignan ko lang ito at ngumisi sa harap niya.
"Hilig mo kumain ano?" Napasimangot ito sa sinabi ko kaya tumawa ako hanggang sa mapangiwi ako dahil hindi pa pala tapos ang pamamanhid ng paa ko kaya ang nangyari siya ang tumawa ng malakas.
"Hindi ka bibili?" Tanong niya sa akin matapos tumawa.
"Tinatamad ako!" sagot ko lang sa kaniya.
Hindi na siya nagtanong pa at umalis na lamang sa harapan ko para bumili.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatingin sa kawalan hanggang sa may naramdaman akong lumapat na malamig na bagay sa pisngi ko.
Malakas na pagtawa ang narinig ko mula sa isang tao. Sinamaan ko ito ng tingin ngunit hindi niya ito pinagtuonan ng pansin. Tsk!
"Saya mo ano?" Masungit kong sabi dito.
Tawa lang siya ng tawa dahil sa gulat kong reaction na nakita niya. Napailing na lang ako at kinuha ang inumin niya tyaka ininom.
"Gala tayo!" Aya niya sa akin ng matapos ang last subject namin kay Ma'am Patty.
"Saan ba?" Tanong ko sa kaniya ng hindi siya nililingon dahil nililigpit ko ang gamit ko.
"Saan mo ba gusto?" Balik na tanong niya sa akin. Napalingon ako dito at tinaasan siya ng kilay.
"Ikaw ang nag-aaya tapos ako pa tatanungin mo ngayon!"
"Baka kasi hindi mo magustuhan kaya ikaw kung saan mo gusto doon tayo. Malakas ka sa akin eh." Sabay kindat nito na naging dahilan para ngumiwi ako.
"Kahit saan na lang basta may dagat." maikling ngiti ang binigay ko sa kaniya. Inakbayan naman ako nito.
"Let's go!"
"Siguraduhin mo lang na maganda ang pupuntahan natin, Jeya dahil kapag nagkataon na pangit iyon malilintikan ka talaga sa akin." Banta ko sa kaniya. Humiwalay siya sa akin at nilagay ang dalawang kamay sa kaniyang baywang.
"Aba girl! Wala ka bang tiwala sa maganda mong kaibigan?"
"Kaibigan lang walang maganda dahil kapag mayroon ng word na ganoon hindi na ikaw iyon, iba na ang tinutukoy mo!" Sabay ngisi sa kaniya. Ngumuso naman ito sa akin at hinila na lang ako muli.
"Pag ito nagustuhan mo! Who you ka sakin!" Napailing na lang ako at hinayaan na hatakin ako nito.
—🌸
Mally"Kamusta naman ang may bagong love life ngayon?""Pwede ba, Jeya? Huwag ako!" Singhal ko sa kaniya pero tumawa lang ito kasama si Dey.Recess na namin kaya heto sila ngayon nakaharap sa akin at nang-aasar."Saktong-sakto ang dating ni Harkin ah? Nahatak ka agad," tumawa siya ng malakas pero maya-maya rin ay sumimangot."Sayang! It would be fun kung nahalikan mo ang sahig tulad ng kung paano mo halikan ang buhangin nang hinabol mo kami!" Tumawa itong muli.Napabuntong hininga na lang ako at sinalpak sa tainga ko ang earphone. Wala akong panahon para pakinggan ang pang-aasar nila ngayon.Naisip ko lang bigla, bakit kaya ngayon lang ako pinagalitan ni tatay sa pag-uwi ko?
Mally"Anong oras na?" Napatigil ako sa pagpasok nang marinig ko ang boses ni tatay."8 po." Kagat-labi kong sagot sa kaniya.Diretso lamang ang tingin nito sa tv at napakaseryoso niyon."Uwi ba ng matinong babae iyan?" Natigilan ako sa sinabi niya.Ito ang unang beses na pinuna niya ang uwi ko."Po?""Noong una pinagbibigyan lamang kita ngunit tila sunod-sunod naman na ata? Abusado ka na masyado. Tandaan mo, 16 ka pa lang, Mally. Umayos-ayos ka!" Hindi ako makasagot sa sinabi nito dahil ito ang unang beses na pinagalitan niya ako sa pag-uwi ko ng gabi."Hayaan mo na mag-enjoy ang bata, Andy." Biglang labas ni nanay sa kusina upang sa
MallyBinagsak ko ang aking katawan sa higaan ng makauwi ako. Sobra akong busog ngayong araw.Nang maalala ko kanina ang bago naming kaklase ay kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya sa facebook friends ni Jeya.Oh wow! Friends na sila agad? Speed lang!Tinignan ko ang profile nito dahil hindi ko natignan ng maayos ang mukha niya kanina. Naiilang na ewan ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Mabuti at hindi siya napapansin ng mga kaklase ko.Baka naman wala lang pakealam ang iba? Ay ewan!Matangos ang ilong, mahahaba ang pilik mata, manipis ang labi, makapal na kilay—teka? Artista ba ito? Bakit ganito kaalaga ang itsura niya? May lahi pa ata?
MallyMaaga akong pumasok para abangan ang pagka-late ng dalawa. Humanda kayo sa akin! Muntik na akong tumawa sa loob ng tricycle kung hindi ko lang kinagat ang pang-ibabang labi ko para pigilan na tumawa.Marami-rami na rin akong nakikitang estudyante na pagala-gala sa hallway. Akala mo naman masisipag talaga! Tsismis lang naman dahilan ng ibang pumapasok eh!Truth hurts!Isa rin kasi ako doon bukod sa umabsent minsan ng hapon, hilig ko makinig ng kwento-kwento ng iba na kesyo ganoon, ganire. Akala mo naman totoo! Well, may iba na totoo, may iba na hindi. Ganyan talaga ang buhay. Chismis is life kaya kung ayaw mong pag-usapan ka ng mga tao huwag ka ng makipagkaibigan pa.Plastik rin naman ang iba kaya bakit kailangan m
MallyHindi mo masasabi kung kailan, saan, sino at ano ang magpapasaya sa atin. Minsan kasi hindi mo napapansin na masaya ka na pala kapag sila ang kasama. Masaya ka na sa bagay na iyon. Masaya ka kahit na nasa gitna ka pa ng kalsada. Masaya ka ngayon araw, kahapon o bukas.Unexpected lahat ang nangyayari sa buhay natin and we can't do anything about it. Its either you'll enjoy it or just be sad about it.Pinagmasdan ko ang masayang mukha ng dalawa kong kaibigan at si nanay na nakangiti dahil sa kalokohan na ginagawa nila.I'm just wondering kung sila ba ang binigay ni lord na kapalit sa kabila ng mapait at masaklap kong buhay?Masaya ako. Sobrang nagagalak ang aking puso nang sila ay aking makilala. Hindi ko alam kung kailan, saan at ano ang nag
MallyMinsan sa buhay minsan ka lang maging masaya. Iyong tatawa ka ng malakas, totoo ang iyong ngiti at hindi mo iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pero ang lahat ng iyon ay pandalian lamang. May kapalit ito. Kung paano ka sumaya, ganoon din kasakit ang iyong kahaharapin.Nakakalungkot man pero ganoon talaga ang buhay. Walang permanente. Lahat may kapalit.Kaya ako? Pipiliin ko muna sumaya kahit saglit. Kahit sandali lamang ay gugustuhin ko sumaya habang napapasaya ko rin ang ibang tao.Gusto ko lang makita ang ngiti nila habang nakangiti dahil din sakanila. Kasi malay mo bukas, isang linggo o sa isang buwan patay ka na pala. Kaya mas better kung gagawin mong masaya ang buhay mo kahit na may kapalit pa rin ito.Kasi kahit ganoon ang buhay, hindi