Mag-log in"Guys kainan na tara muna dito" anunsyo ni Mel.
Agad kami nagsipagahunan at nagtungo agad sa lamesa at humanap ng maayos na pwesto.
"Basta pagkain naguunahan kayo" natatawang sabi ni Mel.
"Hindi naman naguunahan lang makaupo doon sa upuan na hindi masyado tatamaan ng sikat ng araw" natatawang sabi ko.
"Naks panay tawa natin ah" pang-aasar ni Lux.
"Ganyan talaga yan pag nakakita ng pagkain walang makakasira ng mood" sabat ni Ems.
Tinignan ko siya ng masama at nagsimula na kumuha ng pagkain.
"Oh diba magkakasundo kayo niyan basta bigyan mo ng pagkain yan" nagtawanan naman sila sa sinabi ni Mira.
Hindi ko na sila kinibo at inabala na lang ang sarili ko na ubusin ang pagkain ko. Nagtatalo sila kung anong laro ang gagawin mamaya pagbalik sa pool. Samantalang ako chillax lang hahaha.
"May dala ba kayo drinks??" Tanong ko sa kanila.
"Kami pa ba??" Sabay taas ni Kevs ng wine na dala niya.
"Ayos laging prepared" sabi ko sa kanya.
"Syempre alam ko makakapagpaamo sa iyo" natatawang sabi niya.
Nagpababa muna kami ng kinain bago bumalik sa pool para magtampisaw muli.
"Yung wines mamayang gabi na lang buksan para pagbalik sa kwarto tulog agad tayo" sabi ko sa kanila.
"Ayaw mo pa ngayon buksan??" Tanong ni Anne.
"Huwag na muna mamaya na lang"
"Eh di yung soju na lang" biglang sabi ni Melanie. Taka ko siyang nilingon
"May soju rin na dala si Kevin hindi mo ba nakita??"
"Hindi eh. Tara yung soju na lang buksan natin" bumalik ako sa lamesa at kumuha ng pitong bote ng soju.
"Basta inuman eh no" tinignan ko siya ng masama.
"Ano na naman yan Lux??" I raised my eyebrow as I asked him that question.
"Wala naman haha"
"Tss. Manahimik ka na lang dyan"
"Hindi na ako magtaka kung mabalitaan namin isang beses na kayo na ah" sabi ni Emily.
"Asa ka pa na mangyayari yon"
"Mapaglaro ang tadhana Janine. Hindi mo masasabi kung paano ka niya susubukin dahil dyan sa mga sinasabi mo" nakangising sabi naman ni Mira.
"Bahala kayo dyan sa mga iniisip niyo basta ako party lang ng party" the I start drinking.
"Cheers to our new friendship!" Sigaw ni Anne.
"Cheers to our new found friends!" Sigaw naman ni Emily
Nagcheers kami then start drinking.
"Welcome to the squad Lux and Kevin" masayang bati ni Melanie.
"Ayos lang ba kay Jan na part na kami ng squad niyo??" Natatawang tanong ni Kevin.
"Ayos lang naman wag lang iiral bunganga ng pinsan mo para di masira araw ko"
"Sige para sa iyo hindi na kita iinisin o kukulitin okay na ba??" Tanong ni Lux bigla.
"Sige deal. Hanggat hindi ko nagpapatawa hindi mo ko pwede inisin"
"Yan lang pala.. kayang kaya ko yan ako pa ba" pagyayabang pa niya.
"Yabang talaga"
"Alam ko.. dami na nagsasabi sa akin niyan so I'll take that as a compliment" nakangiting sabi niya.
Inirapan ko na lang siya at inubos na ang laman ng bote ko at nagumpisa na ulit ako sumuong sa tubig para magpalamig muli.
"Truth or dare tayo mamaya" biglang sabi ni Mira.
"Alam mo kahit kelan mukha kang truth or dare" singhal sa kanya ni Melanie.
"Oo nga wala ka ba ibang alam na laro bukod dyan??" Tanong ko naman sa kanya.
"May twist naman kasi yung truth or dare na naisip ko at mageenjoy talaga kayo dito" nakangising sabi niya.
Masama kutob ko sa plano ng babaeng to...
"Ano namang twist yan??" Tanong ko sa kanya.
"Syempre ipapaliwanag ko lang yung twist kapag maglalaro na tayo"
"Sali kaming dalawa dyan ah" biglang sabi ni Lux.
"Oo naman lahat kasali bawal umatras kapag nagumpisa na ang laro"
"Mamaya pa naman yang boring game na naisip ni Mira kaya ienjoy na muna natin to at mamaya purong boring na gagawin natin" sabi ko sa kanila.
"Sinasabi ko sa iyo mamaya kakainin mo yang sinabi mo na boring nako.. Ang galing ko pa man din makaisip ng mga twist para mas maenjoy yung laro"
"Parang nakikinita ko na magiging itsura ng laro natin mamaya ah" singit ni Kevs.
"Nakakatakot naman ngisi ng bruhang to. Umayos kang babae ka kinikilabutan na kami sa iyo baka gusto mo ipasok ka na namin sa mental at baka nasisiraan ka na ng bait" sabi ni Anne sa kanya.
"Taena kelan ba naging boring truth or dare natin ha?!? Besides ipaparanas ko sa kanilang dalawa kung gaano kasaya maglaro ng truth or dare with a twist"
"Mukhang masaya yan ah may thrill hahaha gusto ko yan.. Tara maglibang na tayo para bumilis ang oras at makapag truth or dare na mamayang gabi" bakas ang tuwa sa mukha nilang lahat.
Mukhang ako lang ang kinakabahan sa tumatakbo sa utak ng isang to..
Masaya mga naiisip ni Mira na twist, totoo iyon ngunit maiinis ka kapag sa iyo na tumapat ang bote dahil mas pipiliin mo pa umalis na lang at matulog kesa gawin mga naisip niyang dare dahil hardcore talaga ang isang yan.
"Ayan ah pumayag yung dalawa so wala ng atrasan mamaya. Lahat kasali at dahil may bagong dagdag sa squad natin syempre tatanungin muna natin sila ng basic informations about sa kanila"
"Maghahanda na ako sa mga maiisip ni Mira na dare" nakangiwing sabi ni Emily. Mukhang pareho naming nababasa ang nasa isip ng isang to.
"Batikan pa naman pagdating sa dare yang si Mira. At kapag sinabi na niya yung dare wala na palitan yon kailangan mo gawin kung ayaw mo ng parusa" si Anne naman nagsalita.
"Kaya hindi pwede kj dito kasi kawawa ka kapag hindi mo sinunod ang rules ng laro" si Melanie naman.
"Wow! Mukhang masayang laro to ah hahaha hindi kagaya ng ibang truth or dare na kapag tumapat sa iyo ay pipili ka lang sa dalawa" sabi ni Kevs.
"Sabi sa inyo maganda mga naiisip ko na twist sa mga laro natin ng truth or dare.. every game naman natin ay iba iba ang twist kaya hindi ka mauumay at hindi mo alam ano ang rules na gagamitin kapag nagkayayaan maglaro" full of confidence na sabi ni Mira sa amin.
Binatukan namin siya isa isa kaya nahulog siya pool! Hahahaha!
"Ayan napapala ng mga mahahangin natatangay nahulog ka tuloy" oang-aasar ko sa kanya.
"Sitting pretty ka pa ah.. nahulog ka naman hahah" sabi naman ni Ems.
"Sanay naman akong mahulog ng walang sumasalo" biglang drama niya.
"Kingina mo huhugot ka pa manong magswimming ka na dyan ng hindi ka nahihibang sa mga naiisip mo"
Nagkanya kanya kami ng paraan para malibang at pabilisin ang oras dahil lahat ay sabik na sa laro na naisip ni Mira. Unang beses naming makakalaro ang magpinsan kaya malamang mas sila ang pagtitripan ni Mira na paggawin ng dare.
"Wait lang groufie muna tayo dali dali para madagdagan naman pictures sa album natin" pag aaya ni Ems.
"Noon puro tayong lima laman ng album ngayon may mga kasama na tayo ang saya saya" bakas ang saya sa mukha ni Anne habang sinasabi iyon.
"Kung dati puro babae tayo ngayon may lalake na and mukhang may magkakalovelife pa hahaha" sabi naman ni Mel.
"Asa sa magkakalovelife mga sawi nga tayo pare pareho" sabi ko sa kanila.
"You'll never know" kibit balikat na sabi niya sa akin.
Nagtawanan naman ang iba dahil sa pagbabangayan namin. Nagkanya kanyang pwesto na kami at nagumpisa na kumuha ng litrato. May solo, by pair and groufie kami na pictures.
We shared laughter at middle of the pool. We were never this happy. Ang saya lang na nadagdagan yung pagkakaibigan namin ng dalawa pang members. Now I must say I'm gonna enjoy our journey together with the newbies as we now walk side by side our way to stronger friendship and success. This is one of the best days I ever had in my life. I hope this day won't. I will treasure this day forever.
Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-
Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.
Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw
“Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail
"Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.
"Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si