LOGINHindi namin namalayan ang oras at maggagabi na pala. Masyado kami naging masaya kaya ultimo ang tignan ang oras ay hindi na namin nagawa.
"Oh pano ba yan gabi na truth or dare na" nakangising sabi ni Mira.
"Sa inyong lahat pansin ko si Mira lang lagi excited kapag nababanggit ang laro na yan" saad naman ni Kevs.
"Syempre favorite game niya yan siya lagi nag-uutos sa amin" nakangiwing sabi ko.
"Hoy hoy hoy! Huwag niyong sabihin na hindi kayo nagenjoy nung nahot seat natin si Janine" biglang singit ni Mira.
"Except that. Of course nagenjoy kami hahaha laughtrip kaya mukha ni Janine non paiyak na hindi mo mawari haha" nagtawanan naman sila. Habang yung dalawang lalaki ay nawiwirdohan na sa amin.
"Tigilan niyo na nga yan kung gusto niyo laruin yan eh di umpisahan na. Nawiwirduhan na yung dalawa sa inyo oh" sabi ko sa kanila.
Nanguna na ako sa pagupo sa may side ng pool agad naman silang nagsunuran sa akin at nagkanya kanyang upo. Kinuha naman ni Mira ang bote ng soju na walang laman at tsaka naupo sa gitna namin ni Ems.
"Okay ito ang rules ah. Una bawal tumanggi sa dare. Kapag tumanggi ka may parusa kung ako sa inyo gawin niyo na lang yung dare dahil hindi niyo magugustuhan ang parusa na gagawin niyo. Pangalawa bawal ang kj. Katuwaan lang naman natin to kaya go lang besides ito na rin ang magiging way natin para makilala ang isa't usa lalo na at may bagong pasok sa squad natin. Panghuli walang taguan ng sikreto. Once you chooses truth whatever the question is answer it with full honesty okay??"
Tumango naman kaming lahat at nag-umpisa ng paikutin ang bote. Nagtawanan kami ng sa kanya rin tumapat ang bote.
"Ayan bestfriends na kasi kayo nung laro kaya sa iyo raw muna siya tatapat hahahaha" pang-aasar ni Ems.
"Dare ako" sigaw ni Mira. Halatang bwiset dahil siya ang una.
"Tumakbo ka paikot sa pool ng tatlong beses" sabi ni Anne.
"Ang dulas dulas pano ko tatakbo don?!" Asar na tanong niya.
"Hep hep hep! Ano yung isa sa rule na sinabi mo?? Kailangan gawin ang dare" pang-iinis ko sa kanya.
"Oo na mga letse kayo"
Agad siyang tumayo at nagsimula na tumakbo paikot sa pool. Nagsipagtawanan naman kami dahil ilang beses na siya kamuntikan na mahulog sa pool. Hahahaha.
"Nice pwede ng player ng track and field hahaha" pang-iinis ni Lux.
"Nako matapos mo kay Janine ako naman bubwisitin mo nako nako humanda ka sa aking ganti mamaya" banta ni Mira.
"Bring it on hahaha"
"Ay palaban ang isang to" sabi naman ni Anne.
"Oo naman basta may rason ako para lumaban, lalaban at lalaban ako" sabay kindat sa akin. Inirapan ko lang siya and divert my look to the trees.
"Hmm mukhang alam ko na ang rason niya para lumaban" nakangising sabi ni Mel.
"Paikutin niyo na nga yan dami niyo pang satsat" inis na sabi ko sa kanila.
Agad na pinaikot ni Mira ang bote at huminto naman kay Kevin.
"Ayun ohh truth or dare??" Masayang sabi ni Mira.
"Parang hindi ko gusto yang tawa niyo ah" natatawa ngunit halatang kinakabahan na sabi ni Kevin. Sino ba naman hindi kakabahan, akala mo sinapian ang apat kong kaibigan.
"Pili ka na lang truth or dare"
"Dare na lang baka pag nagtruth ako kung ano pa itanong niyo"
"Isigaw mo ang pangalan ng babaeng mahal mo" sabi ko sa kanya. Tagal kasi nila mag-isip ng dare.
"Ayun oh mawawala ka na sa pagkatorpe brad" pang-iinis sa kanya ni Lux.
"Kingina akala ko pa naman yung apat ang mahirap magpadare yun pala ay ikaw. Ibang klase talaga"
"Naman. I'm one of a kind. So gawin mo na yung dare" pang-iinis ko rin sa kanya.
"Humanda ka sa akin mamaya" banta niya pa sa akin.
"I'm always ready darling. I never backout in a fight you know" nakangising sabi ko sa kanya.
"Uy may similarities sila hahaha" biglang banat ni Ems.
"Letse ka manahimik ka susungalngalin kita" inis na sabi ko sa kanya sabay irap.
"Bakit ka nakangiti??" Nakangising usisa ni Mira.
"Anong nakangiti??!! Gago hinde ako nakangiti" depensa ko. Kahit na alam ko na ngumiti talaga ako.
"Sus ikaw pa Janine nako"
"May binabalak ako masama ano palag?!" Hamon ko sa kanya.
"Chill" nagtawanan naman sila.
"Hoy Kevs ano na?? Yung dare gawin mo na bago pa mag-init ulo ko"
"Ito na nga po oh" natatawang sabi niya.
Pinakalma niya muna sarili niya bago umayos ng tayo.
"Emily Conception ikaw ang babaeng mahal ko noon pa man!" Biglang sigaw niya.
Nagulat kami sa pagsigaw niya. Pero mas nagulat kami dahil namumula ni Ems pagbaling namin sa kanya.
"Ayyiieeee" sigaw naming lahat.
"Hoy magsitahimik nga kayo ang ingay ingay gabi na oh marami ng tulog" umiwas ng tingin sa amin si Ems.
"Naks brad nakaamin ka na rin hahaha" sabay tapik niya sa balikat ni Kevs.
"Ems may gusto sana ako itanong" bakas ang kaba sa itsura ni Kevs.
"A-Ano yun??" Hindi man lang tinignan ni Ems ang kaharap.
"Can I court you??" Biglang tanong ni Kevs.
"Ayyiiee ayan na mukhang may mamumuo ng pagmamahalan oh hahaha" banat ni Anne.
"Uyy ganda talaga ng babae na to" pang-iinis ko.
"Magsitahimik nga kayo! Ano... Kasi... Sabi kasi ni kuya---" agad na pinutol ni Kevin ang sasabihin niya.
"Nagpaalam na ako sa kuya mo. Matagal na akong nagpaalam hindi ko lang alam kung paano ka tatanungin kasi pagpayag mo na lang ang kulang"
"Ayun oh nakapagpaalam na naman pala" banat ko sa kanya.
Namula si Ems at mukhang kinikilig na kaya lahat kami ay nagtawanan. Mas mapula pa siya sa kamatis kung iyong pagmamasdan mabuti. Medyo madilim sa lugar namin kaya hindi ganon kahalata pero dahil malapit ako sa kanya ay kita ko agad.
"Oo na! Sige na pinapayagan na kita" biglang sagot niya.
Nanlaki naman ang mata ni Kevs at halatang nagulat sa biglang pagsagot ni Ems. Maya maya ay bigla niyang niyakap si Ems sa sobrang tuwa.
"Thank you thank youuu" sabi niya kay Ems.
"Hoy manliligaw ka pa lang hindi pa kayo kaya tigil tigilan mo pagyakap sa kaibigan namin tsansing ka" sabi ko sa kanya.
"Oh isa na lang ang hindi umaamin" biglang sigaw ni Kevs sabay lingon kay Lux.
"Lul wag mo ko idamay sa mga trip mo" biglang sabi niya.
"Paikutin na yang bote hahaha grabe ngayon ko lang naenjoy ang laro na to" sabi ni Kevs.
Inabot na kami ng mahigit isang oras sa paglalaro at maswerte ako na hindi pa sa akin natapat ang bote. Na agad kong pinagsisihan bakit ko pa binati.
"Sa wakas ang pinakahihintay natin!" Biglang sigaw ni Melanie.
"Umayos ayos kayo yayariin ko kayo mamaya pagbalik sa kwarto" banta ko sa kanila.
"Truth or dare??" Nakangising tanong nila.
"Dare" blangko ang ekspresyon ko habang sinabi ang salita na yan.
Agad naman silang nagkatinginan at mukhang iisa lang ang tumatakbo sa isipan nila.
"Hug mo nga si Lux" biglang sabi ni Kevin.
"Hanep! Sa dinami rami ng pwedeng idare baket yon pa?!" Inis na tanong ko sa kanya.
"Syempre para masaya hahaha"
"Siraulo!"
"Ito seryoso na. Syempre para naman mawala na yung intensity kapag magkasama kayong dalawa hilig niyo magbangayan eh" biglang sagot naman ni Mira. Sabi na eh iisa lang tumatakbo sa utak ng mga to.
"Hug mo na ako dali bago pa magbago isip ko" biglang sabi ni Lux.
"Kingina niyong lahat" sigaw ko sa kanila.
Lumapit ako kay Lux at niyakap siya sandali at bumalik na agad sa pwesto ko.
"Bakit ang bilis naman??" Tanong ni Ems.
"Baket hindi niyo naman sinabi gaano katagal diba?? Eh di ayan mabilis lang" casual na sabi ko sa kanila.
Hindi na sila umimik at nagsimula muli paikutin ang bote at tumapat muli kay Lux.
"Truth or dare" si Kevin ang nagtanong. Mukhang nag-uusap pa ang dalawang to dahil sa titigan nila.
"Dare" confident na sagot ni Lux.
Kuminang naman ang mata nila dahil ngayon lang nagdare si Lux.
"I dare you to dare Janine" sabi ni Mira.
"Sus yun lang pala eh"sabi niya kay Mira.
Agad siyang humarap sa akin at seryosong tumitig.
"I dare you... to fall for me too.. Cause I'm falling for you each day even if we are miles away... From the moment I saw your name until the day I met you... I never though I could fall for someone as fast as this... I'm madly inlove with you" seryosong sabi niya.
I was stunned for a moment. I felt the world stopped rotating. I felt like its just the two of us in this place. My heart beats like hell! I don't know what to react on that one!
"Ayyiieee" bumalik ako sa ulirat ng marinig ang malakas nilang boses.
"Nagkakaaminan na nakoo" saad ni Mira.
Hindi ko na marinig ang ibang ingay dahil nakatitig lang kami ni Lux sa isa't isa. Ramdam ko na seryoso siya sa bawat salitang pinalabas niya sa bibig niya.
I dare you... to fall inlove with me too.. muling nanumbalik sa aking isipan ang mga salitang kanyang binitawan.
Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-
Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.
Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw
“Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail
"Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.
"Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si