Home / Lahat / Power of Love / Chapter 17

Share

Chapter 17

Author: Larven Dizon
last update Petsa ng paglalathala: 2020-09-01 17:34:35

Hindi pa rin matanggap ng aking sistema ang mga sinabi niya. Nagpaulit sa aking pandinig ang bawat katagang binitawan niya. I never felt something like this before even from my ex.

"Uy mukhang may nakamove on na" biglang pang-iinis ni Mira.

"Uyy natulala" si Melanie naman bumanat.

"Uy mukhang mutual feeling" sabi naman ni Ems.

"Uyy speechless" banat naman ni Anne.

Unti unting nanumbalik sa normal ang takbo ng aking sistema. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Pero isa lang masasabi ko.. lamang ang takot sa puso ko.

"Why would you want that dare??" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Cause I'm falling for you every single day and being with you is where my happiness is" he said on a serious tone.

Nanahimik ang mga kasama namin at hinayaan muna kaming mag-usap. Hindi ko alam na posible ko pala makalimutan ang saya dulot ng kilig simula ng maranasan kong masaktan.

"Sorry but I can't do your dare" umiwas ako ng tingin pagkasalita ko.

"Hindi ko naman sinabi na ngayon mo gawin. Alam ko darating ang araw na mamahalin mo rin ako gaya ng pagmamahal ko sa iyo"

"Hindi pa ako handang magmahal muli" pagdidiretsa ko sa kanya.

"Handa ako maghintay ng gaano katagal. You are worth the wait Janine and I'll do everything for while I wait for that special moment"

"Mapapagod ka kakahintay sa akin"

"I will court from this day forward. I don't care if my efforts will be wasted or if I will lose this game. I want to show you what I feel cause I know everything will change as time passes by"

"Pero---"

"No buts whether you like it or not I will court you just to prove to you that I can wait even forever just to be with you"

"Ayyiiieee" biglang nagsigawan naman mga kaibigan ko.

"Support ko kayo. Gash nakikinita ko na mangyayari sa inyong dalawa" kinikilig na sabi ni Melanie.

"Uy bakit ka nakangiti" biglang sita sa akin ni Anne.

Nagsipaglingunan naman agad silang lahat sa akin kaya inalis ko ngiting nakaukit sa aking labi.

"Sino may sabi na nakangiti ako??" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Alam ko Jan lokohin mo na lahat wag lang kami kasi alam na namin unang kita mo pa lang kay Lux---"

"Aakyat na ako sa taas inaantok na ako" paalam ko sa kanila. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Anne.

Agad kong tinungo ang elevator papunta sa floor ng room namin. Pagkapasok ko sa loob ay nagulat ako na nakasunod na silang lahat sa akin.

"Oh akala ko ba doon muna kayo??" Takang tanong ko sa kanila.

"Hinde inantok na rin kami kaya sasamahan ka na namin bumalik ng kwarto" sagot ni Lux sabay akbay sa akin.

Inalis ko agad ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.

"Sabi ko nga hindi ako aakbay eh hehe"

"Wala ka pala eh hahaha tiklop ka pala kay Janine eh" pang-aasar sa kanya ni Kevin.

"Siraulo!" Sabay batok sa pinsan.

Muling nanumbalik ang masayang aura sa amin. Lokohan, asaran at kung ano ano pang kalokohan na maisipan nila. Kaya hindi ko rin sila magawang iwan dahil kahit na nagkakatampuhan na, nagagawa pa rin nila ibalik sa good vibes ang paligid.

Pumasok agad ako sa kwarto at naghanap ng pantulog na damit. Nagshower ako sandali para mapreskuhan naman ako bago matulog. Matapos maligo at magbihis ay agad ako lumabas ng kwarto at nagbaka sakaling may pagkain pa.

"Oh bakit andito ka akala ko tulog ka na??" Tanong ni Anne.

"Ginutom ako eh may pagkain pa ba dyan??" Tanong ko sa kanya.

"Doon sa kusina may kanin at sinigang pa"

"Sige salamat"

Laking pasasalamat ko na may natira pang pagkain sa niluto namin kanina. Hindi pa naman ako nakakatulog ng hindi kumakain.

"Oh gising ka pa pala" nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon.

"Kevs ikaw pala yan kain ka" nakangiting alok ko sa kanya.

"Sige busog na naman ako iinom lang ako ng tubig kaya ako nandito"

Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa binasag niya ito.

"Jan kung dumating man yung araw na mahalin mo rin ang pinsan ko huwag mo sana siya saktan at lokohin. Hindi biro ang pinagdaanan niya. Naging mahirap para sa kanya ang magmahal pero ikaw nagawa niyang mahalin. Ipinagkakatiwala ko pinsan ko sa iyo" nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit alam mo ba ang pinagdaanan ko bago umamin sa akin yang pinsan mo?!" Inis na tanong ko sa kanya.

"Oo alam ko" nagulat ako sa sinagot niya.

"Alam na alam ko pinagdaanan mo dahil lagi kang kinukwento sa akin ni Edward noon. Alam ko noon pa man totoo na nararamdaman ni Ed sa iyo ngunit hindi lang talaga siya ang tipo mo. Sinasabi niya sa akin lahat ng nararamdaman niya kapag nalalaman niya na may lalaki na nagpaiyak sa iyo. Pero wala pa sa kalingkingan ng pinagdaanan mo ang dinanas ng pinsan ko kaya sana kung mamahalin mo siya sa paglipas ng mga araw mahalin mo siya ng buo at tapat. Huwag ka magalala kinausap na ng mga kaibigan mo si Lux tungkol sa past relationships mo and Lux assured them that he won't hurt you" then he left me alone.

Napaisip ako sa sinabi niya. Ano ba ang nangyari noon sa pinsan niya at ganyan na lang mga binitawang salita niya?? Tinapos ko ang pagkain ko at muling bumalik sa aking kwarto. Naglayag ang isip ko. Paulit ulit na inaalala ang mga salitang binitawan ni Kevin kanina.

Huwag kang magalala Kevin. Hindi ako yung tipo ng babae na nang-iiwan ng walang dahilan at nananakit dahil gusto lang. Bawat kilos ko ay may kaakibat na rason. Hindi ko rin hahayaan na masaktan ang pinsan mo ng dahil sa akin. At nasisiguro ko na tapat ang pagmamahal na ibibigay ko sa kanya dahil noong unang beses na makita siya ng aking mga mata. I know, for sure, that what I felt will be more than just liking him. Pain fades away as time goes by and feelings also change as he stays by my side. I said at the back of my head.

Alam ko darating ang araw na mamahalin ko rin siya ng higit pa sa pagmamahal na inilaan ko sa dating karelasyon ko. Ngunit ayaw ko madaliin ang panahon dahil naniniwala ako darating ang araw na magiging isa ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Nakinig muna ako ng tutog at hinayaan ang aking sarili na dalawin ng antok.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status