LOGINAno na naman bang drama nito at nagmessage pa sa akin??!!! Di ba niya ako kayang lubayan???!!
Taon na ang lumipas mula nung naghiwalay kami ni Jonald. Hindi ko maintindihan kung bakit kinukulit niya pa rin ako kahit na sinabi ko sa kanya na wala na siyang babalikan pa. Si Jonald ang unang ex ko nung ako ay nasa 4th year highschool pa lamang. Hindi ko alam kung bakit ba niya ako pinipilit na balikan siya samantalang wala ng rason para balikan ko pa ang unang lalaking sinaktan ako ng lubos.
Inis kong binuksan yung message niya. Hindi ata marunong umintindi tong lalaki na to!
Jonald: Ba.. miss na miss na kita.. Ba bumalik ka na please.. :'(
Psh! Miss mo mukha mo! Binlocked ko agad yung message niya. Ayaw ko na makatanggap ng message sa kanya at puro kadramahan na naman ang sasabihin sa akin niyan!
"Oh bakit mo binlock?" Biglang tanong ni Crista.
"Nako dadramahan na naman ako nun tsaka hindi marunong umintindi sinabi ko na noon sa kanya subukan niya akong iwan itaga niya sa bato wala na siya babalikan pa. Kaso sinubukan ako eh di ayan magdusa siya. Para kasi akong lobo guys pinakawalan niya ako kaya hanggang tingin na lang siya ngayon" inis na sagot ko.
"Bitter ka pa rin ano?? Kasi siya yung first love mo?? Na siya rin naging first heartbreak mo??" Si Laraine naman nagtanong! Hindi ba siya kinikilabutan sa tanong niya! Psh.
"Hindi na ako bitter sa kanya. Kilala niyo naman ako hindi ba?? Ayaw na ayaw ko sa makukulit at lalo na sa nagdadrama na balikan ko sila eh wala ng rason para bumalik pa. Besides di porket siya ang first boyfriend ko meaning siya na talaga first love ko. Hello first love ko ay yung naging crush ko nung grade 6 ako hanggang sa bago ko siya makilala. And hindi naman ako papasok sa isang bagong relasyon kung siya pa rin naman since nakapasok ako sa new relationship wala na siya puwang sa akin" mataray na sagot ko naman sa kanila.
Hindi man lang nga umabot ng 5 buwan yung relasyon namin ng lalaki na yan! Kala mo kung sinong gwapo lakas ng loob mangtimer! Yung itsura ko na to mantitimer pa siya?!?! Kapal ng mukha niya pakyu siya!!
"Well sabagay may point naman siya. Makulit eh kung ako rin yung nasa sitwasyon niya malamang mabablock ko rin yon kasi nga naman tapos na hinabol na nga siya nitong isa eh nung willing na magbigay ng second chance tong isa binastos at niloko niya tapos babalikan niya!? Tarantado pala siya eh! Swerte niya di ko inabot yung mga oras na magkarelasyon sila ni Jan kung hindi baka nasapak ko siya matapos niya saktan kaibigan natin!" Seryoso namang banat ni Chard.
Monggoloid din tong si Chard eh hahaha parang gusto ko tuloy iharap sa kanya si Jonald tapos ipasapak ko ng matahimik na hahaha. Sa lahat ng naging kaibigan ko isa si Chard sa pinakamatanda kaya ayun siya na rin yung kuya namin pero di ko tinatawag na kuya mukha siyang lolo eh joke hahahahaha. Sa aming lahat siya ang happily taken. Maghihiwalay din sila no! Joke hahahaha. Nakakainggit nga love story nila ni Mariz eh. Nakakakilig nga kwento nila. Sana ganon din maging love story ko. Aish.
"Ang masasabi ko lang sa dalawang ex mo. Ang tatanga nila para saktan at lokohin ka. Tignan mo ah minahal mo ng totoo, ginawa mo ang lahat kasi mahal mo tapos handa mo pa isugal buhay mo para lang sa kanila. Handa ka magsakripisyo para sa kaligayahan nila kahit ang kapalit non ay sariling kaligayahan mo tapos sasaktan at iiwan ka lang sa huli?? Tapos ano makikita nila halaga mo nung pinakawalan ka na nila?! Tapos ano babalikan ka nila kung kelan nakalipad ka na ng malayo?? Ganon ba talaga ang mga lalaki na tanga?? Hahabulin yung babaeng nakita nila ang halaga kung kelan masaya na ito at may mahal ng iba??" Nakangiwing tanong naman ni Stella.
Bakit nga ba kasi nakikita lang nila ang halaga ng isang tao kung kelan napakawalan na nila ito?? Bakit hindi nila magawang pahalagahan ang isang tao habang nasa kanila pa?? Hindi yung kukunin nila kung kelan may mahal ng iba at wala na sila puwang puso ng taong iyon?? Natanong ko na lang sa isip ko.
Yang tanong na yan ang laging gumugulo sa isip ko. Yan ang tanong na hindi ko malaman kung ano yung sagot dahil ako mismo hindi ko rin alam kung bakit kayang kaya nila ako iwan ng walang dahilan, bakit kayang kaya nila ako ipagsawalang bahala na lang na akala mo ay sirang laruan na kailangan na itapon dahil walang pakinabang tapos babalikan nila ako kapag nakita nila na ayos na ako muli na akala mo pinatago nila ako sa kaibigan nila, pinaayos sa iba at pwedeng balikan ano mang oras nila gustuhin??!! Ang kakapal talaga ng mukha!
Bakit ganon kadali para sa kanila ang iwan ako ng ganon ganon na lang??
Ganon ba ako kawalang halaga para hindi ako magawang pahalagahan ng iba??
Maya maya ang ng beep ang phone ko na nakapatong sa table. Kinuha ko ito at tinignan sino nagtext.
1 message received
From: KevinHey hope you are fine?? Wanna hangout?? Wala rin kasi ako magawa eh.Compose message
To:KevinYeah I'm fine no worries. Sorry wala kasi tao dito sa bahay hindi ako pwede basta basta umalis tsaka nagpuntahan mga kaibigan ko dito kaya lalo ako hindi makakaalis. Next time na lang siguro? I'll beep you up when I'm free.Sent!"Hoy babae sino yang katext mo ah??!! Rebound mo yan no??" Tamang hinala palagi tong si Crista loko amp.
"Gago kaibigan ko yun. Siya yung gusto nila mommy na makadate ko pero hindi natuloy kasi inunahan ko na sila na ayaw ko. Wala naman sila magagawa kapag sinabi ko na kaya ayan friends ang inoffer ko pumayag naman" mukhang ayaw pa maniwala ng mga loko amp! Yung tingin nila ay yung ayaw maniwala sa sinasabi ko kala mo laging niloloko eh.
"Okay sabi mo eh di na kami kokontra" nakangising sabi ni Stella.
"Isipin niyo na lahat ng gusto niyo sabihin basta totoo yung sinasabi ko" seryosong banat ko naman sa kanila.
Nagtuloy lang kami sa pag-inom at pagkukwentuhan buti naman at puro katatawanan na pinagkukwento nila kaya nawaglit sa isip ko yung inis na naramdaman ko kanina lang. Iba talaga kapag sila ang kasama ko. Lahat ng inis, badtrip at sakit na nararamdaman ko nawala lahat. Buti ay nagagawa nila ako mapasaya sa kabila ng pinagdadaanan ko sa buhay.
Ako pinakamasayahin sa aming lahat kaya nung unang beses nila ako nakitang lumuha nagulat sila non. Hindi nila akalain yung pagiging masayahin ko ay may itinatagong lungkot at pighati. Pero nung makita nila na humagulgol ako ng iyak?? Doon sila nataranta lahat dahil di nila alam paano ako patatahanin non. Sobrang sakit kasi nung pinagdaanan ko buti na lang hindi nila ako tinigilan na pasayahin. Ang swerte ko sa kanilang lahat. Hindi nila ako iniwan kahit down na down na ako.
Inabot na kami ng hapunan kaya dito na rin sila kumain. Cornbeef na lang niluto ko dahil may tama na rin naman ako at baka makasunog pa ako ng bahay kung ibang putahe pa ang aking lulutuin. Buti at naparami luto ko saktong dumating kapatid ko kaya sabay sabay na kami naghapunan.
"Idol ko talaga to may tama na at lahat nakapagluto pa rin kahit cornbeef at masarap pa ah" ang hilig talaga mambola ng mga kaibigan ko. Napairap na lang ako sa sinabi niya.
"Alam mo Crista ang bolera mo ano?" Natatawang tanong ko sa kanya. Nakitawa naman yung iba.
Nagpahinga lang sila sandali matapos kumain at tsaka sila umalis. Hinatid ko muna sila sa may gate at ang mga loko panay bilin pa kala mo talaga may gagawin akong masama.
"Hoy babae wag ka gagawa ng kung ano-ano dyan ah tandaan mo andito pa kaming mga kaibigan mo. Isang tawag lang susugod agad kami dito" bilin naman ni Chard.
"Oo nga bruha baka mamaya mag-emo ka dyan tapos kung ano gawin mo nako sinasabi ko sa iyo kakaltukan ka naming lahat" banta naman ni Laraine.
"Taena niyong lahat! Nasa wisyo pa ako hoy hindi naman ako tanga para hindi maisip na may mga nagmamahal pa sa akin na gaya niyo kaya wala ako gagawing kalokohan wala ba kayo tiwala sa akin ah??" natatawang sabi ko pa.
"WALAAA!!" Sabay sabay pa nilang sigaw! Mga siraulo talaga mabibingi ako sa ginagawa nila amp!
Pinaulit ulit lang nila mga bilin nila kaya pinaguwi ko na silang lahat. Pero salamat sa kanila gumaan yung pakiramdam ko. Pagkapasok ko inayos ko lang yung kusina at umakyat na ako sa kwarto hinayaan ko muna kapatid ko na busy sa panonood. Hindi ko pa rin maiwasan malungkot kapag naalala ko na naman yung sakit na pinagdaanan ko noon.
Sana matuto kayong pahalagahan ako nung panahong inyo pa ako... hindi yung makikita niyo lang halaga ko kung kelan nakakawala na ako sa pagkakahawak niyo...
Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-
Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.
Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw
“Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail
"Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.
"Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si