Home / All / Power of Love / Chapter 4

Share

Chapter 4

Author: Larven Dizon
last update publish date: 2020-09-01 16:32:33

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa balat ko. Ang sakit ng ulo ko! Ugh! Nagkahang over ata ako buset! Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan anong oras na.

1pm na??!! WTF! Ang tagal ng tulog ko amp!

Di ko namalayan kagabi anong oras na ako nakatulog. Masyado ako nalasing kagabi kaya pagkarating ko ay humilata na agad ako dito sa kama ko. Nakinig lang ako sandali ng music at nakatulog agad. Kinapa ko ang phone ko sa table katabi ng kama ko at tignan yung mga text doon.

3 messages received

From:Crista

Hoy babae umayos ka ah! Wag ka magdadrama mag-isa dyan ang chaka mo pa naman hahaha joke lang smile ka lang palagi ah di ako sanay na nakikita na malungkot eh. Salamat pala ah namiss ko yun haha. May next time pa naman yan diba? Hahaha

From:Chard

Salamat sa pagpapapunta sa bahay niyo. Salamat din sa painom at libreng pagkain haha wag mo kami kalimutan na tawagan o itext kapag magdadrama ka ah nasanay na kami makita na ka madrama eh hahaha pero namimiss na namin yung masayahing ikaw sana bumalik na yung masayahing side mo.

From:Laraine

Thanks for tonight naenjoy ko yun sa susunod ulit ah haha dito lang kami girl kapag kailangan mo ng masasandalan okieess?? Labyu

Nakakatuwa talaga tong mga to hahaha. Hindi ko na nagawang mabasa yung text nila kagabi dahil nakatulog agad ako at sa aming lahat ako lang ata yung may malakas na tama ako lang ng ako pinainom nila kagabi eh mauutak para hindi sila umuwi ng lasing.

Nagstay muna ako sa kwarto tutal wala naman ako kailangan gawin. Marunong naman kami ng kapatid ko magluto kaya walang problema kung hindi ako magluto ng makakain namin. Wala ako sa mood lumabas ng kwarto epekto pa rin ata ng mga naalala ko kagabi. Bakit kasi kailangan pa mangyari yon eh pakshet talaga! Nagpaalis lang ako ng antok at maya maya lang ay naligo na ako.

Matapos ko manligo nanonood na lang ako sa tv dito sa kwarto ko. Maybe This Time ang palabas since idol ko sa kantahan si Sarah pinanood ko na siya. Mahilig din ako manood ng romantic movies kasi hanggang sa ganon na lang ako eh, nakikikilig sa lovelife ng iba. Alam mo yung naiiyak ka kapag nakakaiyak yung eksena lalo na nung nagkaalamanan na sila tapos mahal pa pala nila isa't isa pero hindi sila pinag-isa ng tadhana dahil may humahadlang sa kanila. Tagos sa puso bes. Pero nakakakilig pa rin naman eh hahaha. Bigla naman ako ginutom kaya bumaba ako at tumingin ng pagkain sa kusina. Maya maya may kumatok kaya dali dali ako pumunta doon at binuksan.

Nagulat ako sa taong nasa harapan ko! After ng ilang taon na hindi ko siya nakita nakakagulat na andito siya sa harap ng bahay namin!

"ATEEEE JANICAAAAA!!" sigaw ko ng makita ang pinsan ko sa harap ng bahay namin! Oh my ghaadd namiss ko siya. Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ko ng mahigpit.

"Ate namiss kita sobraaa kamustaa na??? Halika pasok ka muna. Grabe ang tagal kita hindi nakita ate grabe!! Lalo ka gumanda ahh ano sikreto mo?? Share mo naman baka gumanda ako hahaha" umupo agad kami sa sala. Buti na lang pala at nagtitimpla ako ng juice sa pitsel kanina kaya dinala ko yun sa sala at nagdala na rin ako ng tinapay.

"Namiss din kita kaso hindi ako magtatagal kailangan ko makabalik agad sa condo ko para ayusin gamit ko. Flight ko na kasi bukas pabalik ng US" nakakalungkot naman. Buti na lang at naisipan niya dumaan muna dito.

"Buti naman ate at napadaan ka nakoo dami natin hindi napagkukwentuhan ehh haha" masaya talaga ako na makita siya ngayon dito.

"Oo nga eh nako ikaw kamusta ka na?? Ang ganda mo lalo grabe" nambola pa tong si ate hahaha.

"Ay nako ate wag mo ko bolahin dyan hindi naman ako maganda eh ikaw kaya itong gumanda lalo nako ate hahaha"

"Asus pahumble ka pa hahaha maganda ka promise kung nag-aayos ka lang kasi lalabas ang ganda mo itinatago mo kasi yang ganda mo eh ilantad mo na sa mundo ganda mo hahaha"

"Kaso ate kahit anong ganda pinagpapalit pa rin sa iba so much better kung itatago ko na lang diba hahaha" tinawanan ko na lang para magmukhang biro.

"Ay ano yan ikwento mo naman sa akin yan dali" kinulit pa ako jusme naman oh huhuhuhu ayaw ko na nga balikan ehh.

Nagkwentuhan kami tungkol sa akin napahugot pa kasi ako eh ayan tuloy napakwento ako ng wala sa oras. Kinuwento ko lahat mula sa unang lalaki na minahal ko hanggang sa recent ex ko na hanggang ngayon di pa rin ako makamove on. Pati pagiging bored ko dito sa bahay kinuwento ko na rin sa kanya.

"Alam mo try mo magchatbot sa messenger kasi ako kapag bored doon ako nakikigulo nakakatanggal bored yun promise" nagtaka naman ako dun.

"Chatbot?? Wag na baka bastos mga tao dyan no mahirap na alam mo naman sa panahon ngayon ate marami na manloloko"

"Hindi ah maaayos naman tao dun nakikisabay sa trip mo kaya doon di ka mabobored. Search mo lang sa messenger Chatbot's Life tapos ayun na" try ko kaya?? Wala naman siguro mawawala kung susubukan.

"Sige ate try ko yan bukas hahaha tinatamad pa ako ngayon eh hahaha"

"Sige ah uuna na pala ako marami pa ako aayusin sa condo ko eh doon na kasi ako sa US magstay kasama yung family ko doon na rin ako pag-aaralin nila mommy" nakakalungkot naman.  Sana tumigil na lang yung oras para hindi ako bitin sa kwentuhan namin.

"Ate ingat ka don ah chat mo ko minsan para naman mabawasan pagiging bored ko dito sa bahay nakakatamad din kasi gumala minsan eh hahaha tsaka para may kausap na rin ako hahaha"

"Oo naman yaan mo sa susunod na uwi ko dito kapag bakasyon ko pupuntahan agad kita ng makapagbonding tayo dadalhan din kita ng mga pasalubong marami masasarap na pagkain don tsaka ang gaganda ng mga damit don babagay sa iyo ang mga yon" nakangiting sabi niya.

"Nako ate ikaw ah kanina mo pa ako binobola ah hahaha" at nagtawanan kaming dalawa.

"Hayaan mo dadating din yung araw na may lalaki na magmamahal sa iyo ng totoo at seseryosohin ka at gagawin ang lahat para lang mapasaya ka" nakangiti ngunit seryosong sabi naman niya.

"Nako sana nga ate hahaha nga pala stay strong sa inyo ng boyfriend mo ah invite mo ko sa kasal niyo ah hahaha" biro ko sa kanya.

"Oo naman ikaw pa gawin kong maid of honor eh hahaha" at sabay kaming tumawa.

"Ingat ka pag-uwi mo ate ah have a safe flight na rin sa iyo bukas"

"Ingat ka rin dyan ah marami naman ang nagmamahal sa iyo kaya hayaan mo na yung nanakit sa iyo" ngumiti naman ako sa kanya.

"Oo ate alam ko naman yon haha" kinawayan ko na siya nung paalis na siya. Agad niyang pinaandar ang kanyang kotse paalis kaya pumasok na ako sa bahay.

Niligpit ko agad yung pinagkainan namin at kumuha ako ng pagkain pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto and nagstay ako dun. Kumain muna ako at nagfacebook lang sandali. Wala naman bago sa sa timeline ko bukod sa kaliwa't kanang update na may mga booksigning ang mga author na idol namin. Matagal pa naman yon kaya nagout muna ako at tinapos yung kinakain ko.

Nakakalungkot naman na minsan ko na lang makita yung pinsan ko tapos sandaling oras lang kami nagkausap. Hindi man lang tumagal madami pa naman siyang hindi nakwento sa akin.

Siguro ang ganda sa US??? Halos lahat ng kakilala ko doon nagpupunta eh. Kapag nakapagtapos na ako pupunta ako doon tapos isasama ko sila mommy para makapagbakasyon kami doon. I love travelling kaso wala ako sapat na pera kaya ang travel ko ay hanggang mga malls lang at mga park.

Nagbasa muna ako ng libro na meron dito sa kwarto ko. Marami talaga ako hilig bukod sa magtravel, hilig ko rin magbasa ng libro, nagpagawa pa ako ng bookshelves para lang don. Ang dami ko na rin nabili na libro eh kulang na lang magmukhang library tong kwarto ko eh hahaha. Music at books ang aking escape zone sa reyalidad ng buhay. Kahit doon man lang makalimot ako sa sakit na nararanasan ko sa buhay.

Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni ate na itry ko raw magchatbot. Wala naman siguro masama kung itatry ko yun diba?? Online naman yun so pwedeng di ko sabihin lahat ng informations tungkol sa akin. For safety na rin since hindi pa naman ako sure kung safe ba talaga ang paggamit noon. Baka makatulong din sa akin ito.

Baka sa pamamagitan ng Chatbot ay makalimot na ako sa sakit na dinanas ko sa nakaraan at makausad na ako sa hinaharap....

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Power of Love   Author's Note

    Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-

  • Power of Love   Epilogue

    Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.

  • Power of Love   Chapter 35

    Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw

  • Power of Love   Chapter 34

    “Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail

  • Power of Love   Chapter 33

    "Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.

  • Power of Love   Chapter 32

    "Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status