Se connecterHindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Masyado ata ako napagod kahapon at masyado rin ako nagpakasipag sa paggawa ng gawaing bahay hahaha. Inalala ko yung mga napag-usapan namin ni ate Janica tungkol sa chatbot.
Sumasakay sila sa trip??? Hmm.. Wala naman siguro mawawala kung aking susubukan.
Hindi ko alam pero parang nagustuhan ko yung sinabi sa akin. Kung sasakyan nila trip ko pwede ko mabaling doon ang atensyon ko at makalimot sa sakit. Ang aga ko pala nagising ngayon nakakapanibago naman. Kapag wala ako gagawin tanghali na ako gumigising pero ngayon sa pagkakatanda ko ay wala ako gagawin ngayon kaya nakakagulat na ang aga ko nagising.
Well tingin ko ay wala na sila mommy at pumunta na sa trabaho mag-aayos na lang ako dito sa bahay tapos magdidilig na lang ako sa garden at doon muna tatambay. Nature calms me down kaya kapag gulong gulo na ako sa mga kaganapan sa buhay ko tumatambay lang ako dito sa garden. I am a nature lover kaya okay lang sa akin maiwan mag-isa dito dahil may garden naman kami na pwede ko tambayan at lugar kung saan makakapag-isip ako ng tama tungkol sa mga bagay bagay. Medyo malaki bahay namin kasi binigyan kami ng lola namin ng pera pandagdag sa pagpapagawa ng bahay kaya lumaki siya.
Simple lang naman kami, hindi kami kasing yaman ng iba. Ngayon nga lang kami medyo nakakaangat sa buhay mula nung nakapag-isip ng business ang parents namin kaya hindi na kami nahihirapan sa pantustos namin. Sanay ako sa mga gawaing bahay dahil tulong tulong pa nga kami noon sa pag aayos ng bahay namin.
Inumpisahan ko muna linisin ang mga kwarto sa second floor tsaka ako naglinis sa sala at kusina pati na rin sa aming bakuran. Nagluto na rin ako ng makakain naming magkapatid. Matapos ko magawa lahat ay kumain na ako at nagpahinga sa sala. Kinuha ko ang phone ko at hinanap yung sinabi sa akin na chatbot.
"Okay I found it" sabi ko sa sarili ko.
Jusme ang dami naman pala chatbot doon. Mayroon pa yung mga para sa artista buti at nahanap ko agad. Nagchat agad ako don baka sakaling mawala ang pagiging bored ko.
Jason: Hi Janine
Kate: welcome sa chatbot JanineEmily: Oy babae andito ka na pala rin!Janine: Hello sa inyo hehe. Oy Emily andito ka rin pala??Emily: Oo naman no nakakabored kaya ahahaLux: Hi Janine napakagandang pangalan naman niyanJanine: Psh. Bolahin mo na lahat wag lang ako.Kate: Nako mukhang may tatabla na sa iyo Lux hahahahaJanine: Alis muna ako marami pa pala ako gagawin.Lux: Kahit anong sungit niyan mababago ko rin yan abangan niyo lang. HAHAHANag-out na ako sa messenger kasi may nakakairita na nilalang ang nagchat. Ugh! Akala ko ba okay don? Niloloko lang naman pala ako ni ate eh. Lalo lang pala ako mabubwiset don peste! Sa sobrang inis ko kumuha ako ng pagkain sa ref at nanood na lang ako ng cartoons don. Niloloko lang niya ata ako eh enjoy daw eh hindi naman pala kaloka yun. Baka imbis na sumaya bakasyon ko lalo lang ako mastress sa mga yon.
Yes sa edad ko na to nanonood pa rin ako ng cartoons lalo na yung tom and jerry haha nakakamiss kaya maging bata. Minsan nga naiisip ko sana bata na lang ulit ako. Yung tipong assignments at pagtulog ng tanghali lang ang pinoproblema ko....
Naalipungatan ako ng may kumalabit sa akin. Minulat ko mata ko at nakita ko sila Emily sa bahay namin.
Pakshet!!!! Andito sila Emily sa bahay namin!!! And worst!! NAKATULOG AKOOO!!
"Oy mga hinayupak kayo!! Bakit kayo pumasok dito sa bahay??!!" Sigaw ko sa kanila. Pucha nawala antok ko amp.
"Taena mo kanina ka pa kaya namin tinatawagan kaso napakahimbing ng tulog mo!!" Hindi ko namalayan na nakatulog ako amp buset yan.
"Ano ba kasi pakay niyo dito??! Hayup naman tong mga to oh alas tres na kaya ng hapon" inis na sabi ko sa kanila.
"Gagu mag overnight tayo kila Emily pinagpaalam ka na namin sa magulang mo kaya dalian mo kumuha ka na ng gamit mo at 1 week tayo kila Emily" nagtaka naman ako sa mga to. Ano nakain ng mga to at naisipan na magovernight.
"Ano ba meron at bigla kayo nagyaya ng overnight??" Kunot noo namang tanong ko. Mga hayup nagtinginan pa hanep yan!
"Ay taena wala kwentang tropa to Emily" hayup talaga tong si Mira di na lang ako diretsuhin amp.
"Gagu bithday ko next week kaya tayo magoovernight dahil iyon ang nirequest ko! Dahil next week maggagala naman tayo! Kayo na nga itong inaalala ko sa birthday ko makakalimutan mo pa!! Grabe ka Jan napakamapagmahal mo talagang kaibigan" sarcastic pa na sabi niya.
Ay hutaness yan nawala sa isip ko na birthday niya pala hahaha.
"Oo na sige na kukuha na ako gamit sa kwarto ko dyan muna kayo manood muna kayo ng tv may pagkain din dyan maligo na rin ako"
Agad kong kinuha yung bag ko at kumuha ng pang isang linggong damit. Malamang wala na naman kami tulog nito tsk. Every year na nagoovernight kami kila Emily lagi na lang kami inuumaga ng tulog dahil kung ano ano pa mga pinaggagagawa nila pati tuloy ako nawawala antok sa mga kalokohan nila. Naligo na agad ako at kinuha ang mga personal things ko at isinilid iyon sa bag ko. Inabot din ako ng mahigit isang oras bago ko sila pinuntahan.
"Oh ano tara na ready na ako oh hahaha" yaya ko sa kanila.
"Tara tara andon na raw sila Melanie sa harap ng bahay namin. Dalin mo na rin kotse mo nagcommute lang kami papunta dito eh" napakababait talaga na kaibigan ang mga to.
"Sige na umuna na kayo sa kotse check ko muna tong bahay bago ako umalis" at nag-uunahan na sila pumasok sa kotse.
Tinignan ko kung nakalock yung pinto papunta sa garden pati na rin yung mga pinto sa kwarto. Nagtext naman agad ako sa kapatid ko na wala ako dito ng 1 linggo buti na lang at may kopya rin siya ng susi ng bahay. Nilock ko muna yung main door namin tsaka ako pumasok sa kotse ko.
"Ikaw Janine ah nagchachatbot ka na rin ah" letse lakas talaga mang-asar nito ni Emily.
"Sinubukan ko lang naman sabi kasi ni ate Janica nakakatanggal daw ng stress yon kaso mukhang lalo ako nastress don kaya di ko na tinuloy"
Biglang bumulong si Emily si Mira nga lang ata nakarinig kasi magkatabi sila sa likod.
"Hoy anong binubulong bulong mo dyan!" Tamo tong dalawa na to pagkakaisahan pa ata ako!
"Wala sabi ko ikaw na pinakamaganda sa ating lahat baka pwede manghingi ng ganda huwag madamot nako"
"Sus bolahin mo na lahat wag lang ako" loko talaga tong mga to sarap kutusan.
"Sus kung makaarte naman to. Bakit sino ba sa ating lahat ang pinagkakaguluhan ng mga lalaki?? Hindi ba at ikaw yon? Sa ating lahat ikaw ang pinakamaganda tanggapin mo na kasi" wala talaga ako palag kapag nagjoin force tong dalawang to.
Tumahimik na lang ako sa buong byahe namin at nagfocus sa pagmamaneho kapag nagsalita pa ako kakawawain ako ng mga to. Pagkadating namin pinark ko agad yung kotse ko nakita na rin namin sila Melanie na naghihintay sa may garden.
"Ayan kumpleto na pala tayo tara na sa backyard at doon tayo magstay camping trip tayo ngayon syempre kawawa yung kwarto ko sa inyo eh hahaha"
Lahat na ata ng trip nagawa na namin eh hahaha kung ano na lang kasi pumasok sa utak namin na gagawin kapag magkakasama yun na rin ginagawa namin go naman ang lahat eh walang killjoy haha. Sinundan namin si Emily papunta sa backyard. Nagstay kami don habang kinuha ni Emily yung mga tent tinawag na rin niya kuya niya para may katulong siya sa pagtatayo nun.
"JANINEEEEE" anak ng siopao nga naman oh.
"Oh?? May kailangan ka Edward??"
"Namiss kitaaaa" yumapos pa ang loko jusko very wrong na sumama akoo huhuhu.
"Ayyiiee kayo ahh baka magkarelasyon na kayong dalawa update niyo naman kami hahaha" peste ginatungan pa ng mga bruha.
"Oy kuya doon ka nga tinawag lang kita para tulungan ako magtayo ng tent hindi para ligawan si Jan" buti naman hayst.
"Ems dali naaa andito si Janine eh stay muna ako pleaseee" minsan talaga naiisip ko na si Ems ang matanda sa kanilang dalawaat hindi si Edward eh.
"Sige na sige na kuya ng matahimik ka na alam ko naman na hindi mo lulubayan yang kaibigan ko na ubod ng ganda eh" hanep napagtutulungan na ako ng mga to huhuhu.
"Kaya mahal na mahal kita kapatid eh" umamba na ng yakap si Ed kay Ems kaso...
"Isang yakap mo sa akin sapak aabutin mo" napakamot tuloy ng ulo kapatid niya hahaha.
Inayos na namin yung tent para makapagpahinga na rin kaming lahat. Syempre hindi nawawala ang kwentuhan. Mawala na ang lahat wag lang pagkain at kwentuhan sa amin.
Thank you for reading my story. I really appreciate it if you will leave a comment for me to be able to enhance my writing skills better. This will not be the last story that I will write. I will keep on writing and make stories that will inspire people. See you on my next book.No matter how hard the storm or how rocky the road is, continue to survive and never give up. Remember that there are people cheering for you. Don't loose hope. You will reach your goal when you have patience and hardwork.Lovelots and keep safe everyone-Larvs-
Tinignan ko ng maigi ang hotel na nasa harap ko. Ilang beses ako nagtanong para masiguro kung tama ba itong napuntahan ko. Muli kong tinawagan ang numero niya para makasiguro.“Brad dito na ba talaga? Hindi ba ako naliligaw?”“Hindi, pumasok ka sa loob at pumunta ka sa room 424,” then he hang up the call.
Nagising ako dahil sa ingay nila sa labas. Hindi ko alam kung anong oras na. Basta na lang ako bumangon at nagtungo sa kusina at kumuha ng inumin. Agad silang natahimik nang makita ako na lumabas ng kwarto.“Gising ka na pala,” saad ni Ems. Ngunit wala ako pinansin sa kanila hanggang sa makabalik ako sa kwarto.Inabala ko na lang ang sarili ko na gumawa ng mga school requirements. Kahit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin pwede pahayaan ang pag-aaral ko. Lumipas ang ilang araw
“Ano nangyari?” nagmamadali na pumasok sa kwarto ko sila Ed.“Nanakot na naman ba si Jonald?” tanong ni Mira.“Bakit humahagulgol yan?” si Ems naman.Hindi ko na pinansin ang mga tanong nila. Sapat na ang sakit na nararamdaman ko para balewalain ang presesnya nila. Hindi ko alam kung bakit kail
"Magpahinga ka na muna," saad ni Kevin.Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Matapos kumain ay dinala na muna nila ako rito para raw makapagpahinga ako."Ayos lang ako," yumuko ako sa mga kamay ko."Talaga? Ayos ka ng lagay na yan?" Kevin said sarcastically."Ano gusto mo sabihin ko?" asar na tanong ko sa kanya."Kung ano ang totoong nararamdaman mo," si Ems naman ang nagsalita. Lahat sila ay tumingin naman sa akin. Hindi ko magawa na salubungin ang mga tingin nila.
"Jani ano nangyayari sa iyo?" gulat na tanong sa akin ni Kevin."Ikaw pala yan," habol ko ang hininga ko nang makaharap ko siya."Ano nga nangyari sa iyo? Bakit ganyan na lang ang takot mo? May humahabol ba sa iyo?" seryosong tanong niya."Gusto mo ba pumasok muna sa loob?" anyaya ko sa kanya.Hindi na nagsalita si