Home / All / RED FOREST / Chapter 19

Share

Chapter 19

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 02:20:24

Dinala ng lalaki ang mga walang malay na sila Ken, Carlo, Shei at Jyzer sa maliit nitong bahay.

Inilapag niya si Shei sa mahaba nitong mesa, itinali niya ito ng pagkahigpit-higpit. Itinali niya rin ang mga kamay at paa sila Ken, Carlo at Jyzer.

Binusalan din niya ito sa bibig upang hindu makagawa ng ano mang ingay.

Muli siyang bumalik sa mahabang mesa kung saan naroon ang hinang-hina na si Shei.

Hindi niya gaanong magalaw ang kanyang katawan lalo na't tinalian pa niya ito ng sobrang higpit.

Nguniy bago niya simulan ang kanyang dapat na gawin ay inantay niya munang magising sina Ken, Carlo at Jyzer.

Maya-maya'y nagising na lang ang mga ito at pinalibot-libot ang tingin sa paligid. Pinilit din nilang gumalaw ngunit hindi nito magawa dahil nakatali ang mga kamay at paa nito.

Nagawi ang tingin nila sa mahabang mesa kung saan naroon si Shei. Nagsisigaw-sigaw sila kahit may busal ang mga bibig nito.

Kahit na hinang-hina si Shei ay naririnig niya ang mahihinang palahaw ng mga kasama, lumingon siya roon kina Ken, Carlo at Jyzer.

"T-tulong." Pilit niyang sabi.

Tumayo ang lalaki at nakita niyang nakatingin sina Ken, Carlo at Jyzer sa kanya.

Tumungo siya sa pinaroroonan ni Shei at hinaplos ang buhok nito. Napalingon si Shei at kita sa mukha niya ang pagmamakaawa.

"T-tulong po." Aniya at nakitang may tumulong luha sa mga mata nito.

Ni-hindi naman nakaramdam ng kahit kokonting awa ang lalaki sa kanya, natutuwa pa nga itong may nagdudusa sa harap niya.

Muli niyang hinaplos ang ulo ni Shei. Napailing-iling na lamang siya at napaiyak.

"W-wag p-po." Utal niyang sabi sa lalaki.

Hindi niya ito pinansin at kumuha sa mga kagamitan nito ng pliers. Bumalik siya kay Shei at pinakita kung anong hawak nito.

Napatingin roon si Shei sa hawak-hawak niyang pliers. Narinig ng lalaki ang pagpupumilit na mga sigaw nila Ken, Carlo at Jyzer sa sulok.

Napangiti na lamang maloko ang lalaki sa kanila. Itinuon niya muli ang pansin kay Shei na ngayon ay napapaiyak na lamang.

Inilapit niya ang pliers sa mukha niya at agad na umiwas si Shei.

Nainis ang lalaki kaya hinawakan niya ang  ulo ni  Shei at binuksan ng pagkalaki-laki ang pliers na hawal niya at inilapit niya sa labi nito.

Ipinihit niya ang pliers na hawak at mariing niyupi ang itaas na labi ni Shei at sabay na pagsirit ng mga dugo nito mula sa labing inipit gamit ang pliers. Lalong umiyak si Shei sa naramdamang sakit.

Narinig niya ring napapahagulgol din sina Ken, Carlo at Jyzer mula sa sulok. Ngunit,  kay Shei pa rin ang tuon ng kanyang pansin.

Walang kung ano-ano'y binuka niya ang bibig ni Shei gamit ang kamay at ipinasok doon ang pliers sa loob ng bibig niya.

Inipit niya ang dila ni Shei at marahas na hinila ito. Pagkahila ng lalaki sa dila ni Shei ay natanggal ito at nagsilabasan lahat ng mga dugo roon.

"AHHHHHHHHH!!!" Sigaw niya nang maramdamang natanggal ang dila niya.

"Ama a! "(Tama na!) Sabi niya kahit wala na itong dila.

Pilit na nagmakaawa si Shei pero hindi pa rin nagpadaig ang lalaki kaya ang ginawa niya ay. Gamit ang pliers ay pinangtanggal niya ang mga ngipin ni Shei.

"AHHHHHHHHHHH!!!" Malakas na sigae niya sa sobrang sakit na naramdaman.

Muli siyang tumungo sa kanyang nga kagamitan at kumuha ng screwdriver. Ipinakita niya muli kay Shei ang hawak nito.

Umiling-iling si Shei at nang ilalapit na sana ng lalaki ang  kanyang hawak ay mabilis na iniwas ni Shei ang kanyang ulo.

Muling hinawakan ng lalaki ang kanyang ulo at inilapit niya muli ang hawak nito.

"AHHHHHHHHHHH!!!"

"AHHHHHHHHHHH!!!" Paulit-ulit niyang sigaw habang nilalapit ang hawak niyang screwdriver sa kanyang mata.

Mariing ipinikit ni Shei ang mata kaya lalong nainis ang lalaki sa kanya. Ibinuka gamit ang kamay niya ang mata ni Shei at mabilis na tinusok ang screwdriver sa mata niya at tinanggal ang mata niya.

Ang pag-iyak na lamang ang tangi nitong magagawa dahil sobrang hinang-hina na ang buong katawan niya, hindi na niya magawang malabanan pa ang ginagawa sa kanya.

Kumuha ang lalaki ng itak at initak ang mga braso, hita at maging ang ulo nito. Nahulog ang mga ito sa sahig at hindi niya muna ito pinagtuunan ng pansin.

Kung ano ang paghihirap na naranasan ni Shei ay ginawa niya rin ito kina Ken, Carlo at Jyzer.

Nang matapos siya sa kanyang ginawa ay pinulot niya ang mga naputol na bahagi ng katawan nila maging ang mga nagkalat na mga ngipin at mga mata nito.

Isinilid niya ito sa lalagyan at muling umalis. Tumungo siya sa bahay na tinutuluyan nila Shei, Carlo, Ken at Jyzer.

Pagkapunta niya roon ay sinubukan muna niyang pihitin ang doorknob upang malaman kung ito ba ay nakasara.

Napangiti siya nang mabuksan niya ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nakita niya na may natutulog roon kaya dahan-dahan siyang pumasok upang hindi makagawa ng ano mang ingay.

Binuksan niya ang dala-dala niyang lalagyan kung saan naroon ang mga putol na mga bahagi ng katawan nina Shei, Carlo, Ken at Jyzer.

Sinadya niya itong ikalat sa sahig at nang matapos siya ay aalis na dapat siya nang makita niya ang susi sa buong bahay na nakalagay sa mesa.

Kinuha niya ito at lumabas ng bahay, sinara niya ang pinto nang dahan-dahan at ni-lock ito gamit ang susi. Umalis siya ng bahay ng parang wala lang sa kanya.

Sa kanyang paglalakad ay may nakita siyang dalawang lalaking nagtatakbuhan, nagtago siya sa malaking puno at nang maramdaman niyang papalapit na ito ay agad niya itong hinarang.

Nagulat ang dalawang lalaki at akma na sanang tatakbo nang mahawakan niya ang mga ito sa ulo at walang awang inuntog ng maraming beses ang mga mukha sa puno.

Kahit mapula ang kalangitan ay alam ng lalaki na hindi na maklaro pa ang mukha nito dahil sa ginawa niyang pag-untog dito.

Imbes na iwanan niya lamang na nakahandusay sa lupa ay itinusok pa niya ang katawan nito sa malaking sanga ng puno at muling naglakad palayo.

________________________________

[ 9:55 am ]

"Kailangan na talaga nating makaalis dito. Bilis!" Sabi ni Macky sa mga kasama.

Muli silang tumayo at kinuha ng ilan ang mga dala nilang gamit at umalis.

Sa gitna ng kanilang paglalakad ay nakita nilang may dalawang taong nakatusok ang katawan nito sa sanga. Napatutop sa bibig ang ilan sa kanila, ang iba'y hindi kayang tingnan ito.

"Fuck!!! Hindi kaya sina Joren at Gelard ito?" Tanong ni Shelby habang tinitingnan ang dalawang taong nakatusok ang katawan sa malaking sanga ng puno.

"Dapat lang iyan sa kay Gelard!" Inis na sabi ni Jon at napangisi pa. Tiningnan siya ni Macky nang masama at agad rin itong umiwas.

"Dali na! Hayaan niyo na iyan sila." Naiinip na sabi ni Jon sa kanila at muling pinagpatuloy nila ang paglalakad.

_______________________________

[ 1:25 pm ]

Hindi na nila alam kung saan sila pupunta, kung saan-saan sila nagpasikot-sikot pero wala man lang kalsada sila nakita.

"Guys, I think we're lost!" Sabi ni Shelby sa kanila at napatigil sila sa paglalakad.

"Kanina pa tayo nagpalakad-lakad dito. I'm tired na talaga. Pahinga naman tayo konti." Angal ni Shelby.

"Okay sige pahinga tayo saglit." Sabi ni Jon at napasandal sa puno.

Maya-maya'y muli na naman sila naglakad. Halos sabay na naglakad sina Shelby, Jon, Macky, Hazielle at Jadhrie at nasa likuran lamang nila sila Princess, Serra at Viñea.

"Fuck! Nasaan na ba kasi talaga tayo?" Inis na sabi ni Macky habang naglalakad.

Habang naglalakad silang lahat ay pinalibot-libot nila ang tingin sa gubat. Nagulat na lamang sila Princess, Serra at Viñea nang biglang maglaho sa harapan nila sila Macky, Jon, Shelby, Jadhrie at Hazielle.

Nahulog pala sila sa malalim na hukay, hindi nila ito napansin dahil nililibot-libot nila ang paningin sa gubat.

Mula sa ilalim ng lupa ay napahandusay na lamang doon sila Shelby, Jadhrie,  Hazielle, Macky at Jon.

Buti na lamang ay walang isa sa kanila ang nadaganan, pero nang dahil sa pagkakalaglag nila roon ay nanghina sila.

Napaungol sila sa sakit, tumingala sila roon sa itaas at nakita nilang nakasilip roon sina Princess, Serra at Viñea.

"Guys! Ayos lang ba kayo diyan?" Sigaw ni Serra sa kanila.

"Sa tingin mo ayos lang kami dito?!" Pilit na sigaw ni Shelby, nang dahil sa pagkakalaglag nila ay nabalian siya buto sa paa.

"Guys!  Hahanap lang kami ng tulong!" Sigaw ni Viñea sa kanila at nakita nilang hindi na ito sumilip pa sa pinaghulugan nila.

"Hazielle, ayos ka lang ba?  Hindi ka ba nabalian?" Pag-aalalang tanong ni Jadhrie sa kanya.

Umiling si Hazielle at umayos ng upo. "M-medyo masakit nga lang yung paa ko." Aniya at hinilot-hilot ang paa nito.

"Ikaw? Hindi ka din ba nabalian?" Tanong niya kay Jadhrie na nagpapagpag ng damit dahil sa pagkakalaglag nila roon.

"M-may nakatusok na kahoy sa may binti ko." Aniya at itinuro ang paang may nakatusok na kahoy roon.

Malalim ang pagkakatusok ng kahoy na iyon,  nakita ni Hazielle na may umaagos na dugo mula roon.

"M-Macky, si Jadhrie may nakatusok na kahoy sa binti niya." Aniya kay Macky na nakatingala pa rin sa taas at hinihintay na dumating sina Princess, Serra at Viñea.

"Mack, si Jad may nakatusok na kahoy sa binti niya." Sabi ni Jon sa kanya.

Nang marinig iyon ni Macky ay napatingin agad siya sa pinaroroonan ni Jadhrie. Gumapang siya papalapit dito.

"T-teka anong gagawin mo?" Nagtatakang tanong ni Jad sa kanya.

"Tatanggalin natin iyan." Sagot niya.

"Wag! Ayos lang--" Hindi natapos ang sasabihin niya nang biglang magsalita si Shelby.

"Anong ayos lang?! Jadhrie,  'wag mo muna ipairal ang kaartehan mo!  Okay? Alam kong galit ka pa rin kay Macky dahil sa nangyari last 3 years pa. Pero sis, handa ka pa ring tulungan ni Macky." Sabi ni Shelby sa kanya.

Napatango na lamang si Jadhrie sa kanya at napatingin kay Macky. Napatingin na rin si Macky sa kanya at agad ring umiwas at itinuon muli ang atensyon sa binti ni Jadhrie.

Napahinga ng malalim si Macky at saka hinawakan ang kahoy na nakatusok sa kanang binti ni Jadhrie. Napalunok siya at napapikit.

Napakapit ng mahigpit si Jadhrie kay Hazielle. Naramdaman niyang unti-unting nahihila ni Macky ang kahoy na nakatusok sa binti niya. Mariin siyang napapikit sa naramdamang sakit.

Walang kung ano-ano'y mabilis na hinila ni Macky ang kahoy sa binti ni Jadhrie.

"AHHHHHHHHH!!!" Sigaw ni Jadhrie.

Nakita niyang umaagos ang mga dugo sa binti niya. Halos mangiyak-ngiyak siya sa naramdamang sakit.

Hinubad ni Macky ang suot nitong t-shirt at pinunit para ipang-tali sa sugatang binti ni Jadhrie.

Tinali niya ito nang mahigpit para mapigilan ang pag-agos ng dugo sa binti ng dalaga.

"Salamat, Macky." Sabi ni Hazielle at napatango lamang si Macky sa kanya.

Bumalik sa pwesto si Macky at muling tumingala.

"Viñea!!!"

"Princess!!!"

"Serra!!!" Sigaw ni Macky habang nakatingala.

________________________________

"Anong gagawin natin ngayon?" Pag-aalalang tanong ni Viñea.

"Maghanap tayo ng tali o kung ano man basta yung makakakuha sa kanila doon sa baba." Sagot ni Serra.

Napatango na lamang si Viñea. Naghiwa-hiwalay sila para mas madaling makahanap ng pangkuha sa mga kasama nilang nahulog mula sa malalim na hukay ng lupa.

Habang naglalakad si Serra ay nakakita siya ng mahabang sanga na nasa lupa. Akmang pupulutin na sana niya ito nang biglang may humila sa kanyang buhok pataas at mabilis siyang inuntog sa puno.

Napasalampak na lamang siya sa lupa. Mabilis na nagtago ang lalaki sa puno.

Nanlaki ang mata ni Princess nang makitang nakahandusay na sa lupa ang kanyang matalik na kaibigan. Agad niya itong nilapitan at nagsalita.

"Serra... Serra... Anong nangyari sa iyo?" Tanong niya rito. Nakita niyang may dugo sa may noo rito.

"H-hindi! Fuck! Serra, 'wag mo 'kong iwan." Aniya at nagsimulang humagulgol.

"Kung sino ka mang hayop ka! Magpakita ka! Ako! Patayin mo na lang din ako!" Galit na sigaw niya sa kawalan.

Nanlaki ang mata niya nang biglang may sumulpot sa harapan niya at bigla na lamang siyang sinipa nang malakas sa ulo.

"AHHHHHHHHH!!!" Malakas na sigaw ni Princess. Napatilapon siya nang dahil sa malakas na pagkakasipa sa kanya.

Narinig ni Viñea ang pagsigaw na iyon. Imbis na matuon ang pansin niya sa paghahanap ng gamit pangkuha sa mga kasamahan nila ay mas itinuon naman niya ngayon ang pansin sa narinig niyang pagsigaw.

"Serra?"

"Princess?" Aniya habang naglalakad.

Tahimik lamang ang buong kagubatan at ang tanging naririnig lang dito ay ang mga damo sa puno na sumasabay sa pag-ihip ng hangin.

"Serra?"

"Princess?" Muli niyang tawag at napatigil sa paglalakad.

Pinalibot-libot niya ang tingin sa paligid. Nagawi ang tingin niya sa taas kung saan nakikita niyang may nakasabit roon na nayuping laman.

Binabangaw na ito at inuuod. Napakunot ang noo niya sa nakita, pinatitigan niya ito.

Bigla na lamang humandusay sa lupa si Viñea. Nakaramdam siya ng sakit sa ulo na parang may humampas roon. Nanlalabo ang paningin niya at unti-unti na itong dumilim.

________________________________

[ 4:30 pm ]

"Fuck! Nasaan na ba ang mga iyon?!" Naiiritang sabi ni Shelby.

"Guys! Kailangan nating gumawa ng paraan kung aantayin lang natin sila dito baka abutin na tayo ng gabi dito." Sabi ni Jon at pinilit na tumayo.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Macky sa kanya at napatayo rin ito.

Napatingin si Jon sa tatlong babaeng nakaupo at nakatingin sa kanila, muli siyang napatingin kay Macky.

"Aakyatin natin iyan. Kailangan maabot natin iyon." Aniya sabay turo sa taas.

Napatingin rin si Macky roon. Napatingin rin siya sa tatlong babaeng nakaupo. Napabuntong hininga siya at muling napatingin kay Jon.

"Kaya ba?" Tanong niya kay Jon.

Napatango na lamang si Jon sa kanya.

"Shelby, Hazielle,  Jadhrie,  kaya niyo bang tumayo?" Tanong ni Jon sa kanila.

Nagtinginan ang tatlong babae at napatango lamang sila at pinilit na tumayo.

Pinilit ni Jadhrie makatayo nang maayos kahit may sugat ito sa binti niya.

"Haze, nabalian ka ba?" Tanong ni Jon sa kanya.

Napailing na lamang si Haze at tiningnan ang paa niyang may pasa. Nakita iyon ni Jon at muling napatingin sa kanya.

"K-kaya ko naman." Aniya kay Jon at napatango lamang ito. Sunod naman siyang napatingin kay Shelby.

Nakita niyang medyo hindi ito makatayo nang maayos.

"Kaya mo ba?" Tanong niya rito.

Napatango na lamang si Shelby at napabuntong hininga. Sunod naman siyang napatingin kay Jadhrie. Nakita niyang dumudugo pa ang binti nito.

"K-kaya ko,  Jon. Malayo naman sa bituka ito." Aniya at tiningnan ang sugatan niyang binti.

Muling napabaling si Jon kay Macky at napatango na lamang ito. Naintindihan naman ni Macky ang pagtangong iyon ni Jon at sinimulan na nila ang kanilang gagawin.

Sinubukang buhatin ni Jon si Macky ngunit na natumba sila. Mabilis na tumayo si Jon at tinulungan ring tumayo si Macky. Muli nilang sinubukang buhatin ang isa't isa.

Sunod nilang binuhat si Hazielle.

"K-kaya ba, Hazielle?" Tanong ni Jon sa kanya. Napatango na lamang si Hazielle at tinulungan siya nitong ilagay siya sa balikat ni Macky.

Nasa balikat na ni Macky si Hazielle. Sunod naman ay si Shelby. Hirap pang maglakad si Shelby dahil sa bali nito.

"S-Shelby, kaya mo bang makaakyat?" Tanong ni Jon sa kanya. Napatingin si Shelby sa pwesto ni Hazielle at muling napabaling sa kay Jon.

Napahinga ng malalim si Shelby at sinubukang umakyat. Inuna niyang ihakbang pataas ang kanyang kanang paa.

"Ahhhh! T-tulong naman." Aniya at inilahad ni Hazielle ang palad niya.

"D-dali Shelby!"

"F-Fuck!!! Ang bigat na!!!" Pagrereklamo ni Jon.

Pilit na inabot ni Shelby ang kamay ni Hazielle. Ihahakbang na sana niya ang kanyang kaliwang paa na may bali nang bigla na lamang napabitaw si Shelby sa kamay ni Hazielle.

Lahat sila nahulog sa pagkakabuhat.

"AHHHHHHH!" Sigaw ni Shelby nang madaganan ni Hazielle ang kaliwang paa nito na may bali.

Mabilis na umalis si Hazielle roon.

"F-Fuck!" Muling sigaw nito.

"Shit! Ulitin natin!" Sabi ni Macky at mabilis na tumayo.

"S-Shelby kaya pa ba?" Aniya kay Shelby ba namimilipit sa sakit.

"H-hindi na. H-hindi ko ba kaya. AHHHHHHH!!!" Aniya at hinawakan ang kaliwang paa niyang may bali.

Napabaling ang tingin ni Macky kay Jadhrie na nanatili pa ring nakatayo. "Kaya mo ba,  Jad?" Taning niya rito.

"Oo." Sagot nito.

Muling binuhat ni Jon si Macky, sunod naman ay si Hazielle at umupo sa balikat nito.

"Jad, dali!" Sabi ni Hazielle sa kanya at inilahad niya ang kanyang kamay. Lumapit si Jadhrie at hinakbang pataas ang kanyang kanang paa na may sugat.

Itinaas niya ang kanyang kamay at inabot ang kamay ni Hazielle. Nang maabot niya ito ay hinakbang niya ang kaliwang paa pataas at mabilis na umupo sa balikat ni Hazielle.

"Ang bigat mo,  Jad." Aniya at napatingin sa kaibigan. Napatingin rin si Jad sa kanya at napangiti ito.

"Jon, ano ng sunod na gagawin natin?" Tanong ni Macky sa kanya.

"Bubuhatin ni Haze si Jad pataas." Sagot niya kay Macky.

"Haze, kaya mo bang ipaakyat si Jad pataas?" Tanong ni Macky sa kanya.

"H-hindi. Mabigat si Jad, hindu ko siya kayang buhatin." Sagot nito sa kanya.

"Uhmm... Hazielle!" Tawag ni Jon sa kanya.

"Bakit?"

"Kung, aapakan ni Jadhrie ang balikat mo. K-kaya mo ba?" Tanong ni Jon sa kanya.

"E-ewan pero... Susubukan ko."

"Jad, apakan mo yung balikat ko para makaakyat ka dali!" Aniya kay Jad.

"P-pero, Haze. P-paano kung mapilayan ka?" Pag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

"D-dali na, Jad! Kakayanin ko!" Pagpupumilit niya sa kaibigan.

Napahinga ng malalim si Jadhrie.

'Kakayanin ko ito! Makakaalis din kami dito!'  Sabi niya sa kanyang isip.

Tumingala siya sa taas at muling tumingin sa baba. Napapikit siya at huminga ng malalim.

Idinilat niya ang kanyang mata at sisimulan na niya ang kanyang gagawin.

"Bilis, Jad!" Sigaw sa kanya ni Jon mula sa baba.

Gagalawin na sana niya ang kanyang kanang paa nang makita niyang biglang dumilim ang paligid na parang may humarang doon.

Tumingala siya at nanlaki ang mata niya nang makita niya ang may lalaking malaki ang pangangatawan na nakasilip sa kanila.

"Sino iyan, Jad? Sila Vinea na ba iyan?" Tanong ni Hazielle sa kanya. Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingala.

Nagulat siya nang biglang may kinuha ang lalaki ng isang balde at napansin niyang may laman ito at ibinuhos sa kanila ang lamang iyon.

Nagulat sila Macky, Hazielle, Jon at Shelby nang biglang may bumuhos sa kanila na kung ano. Natumba silang lahat sa pagkakabuhat nila.

"Fuck!!" Sigaw ni Macky at napatingala.

"AHHHHHHHHH!!!!" Napatili si Shelby nang makitang may lumutang na mga mata ng tao roon.

"Bitch!!!" Sigaw ni Jon sa taong bumuhos sa kanila ng mamula-mulang likido sa kanila.

Muling umalis ang lalaki sa taas.

"Fuck!!! Yung lalaking iyon, siya siguro ang pumapatay kina Dave at sa iba pa nating mga kasama!" Galit na sigaw ni Macky.

Napaliguan silang lahat ng dugo. Ang kanina'y madumi nilang pangangatawan dahil sa pagkakahulog nila sa malalim na hukay ng lupa ay lalong nagpadumi sa kanila.

"So what are we gonna do now?! Dito na ba tayo mamatay?!" Galit na tanong ni Shelby sa kanila.

"No, Shelby. Makakaalis tayo dito." Sagot ni Macky sa kanya.

"Jad, ayaw ko pang mamatay." Natatakot na sabi ni Hazielle sa kanya at napakapit ito ng mahigpit sa kanyang bisig.

"Haze, hindi ka mamatay, walang mamamatay sa ating lahat." Pag-aalo sa kanya ni Jadhrie.

________________________________

Dinala ng lalaki ang walang malay na sina  Serra, Princess sa mala-kubi niyang bahay. Ipinahiga ng lalaki si Serra sa mahabang mesa at tinali ito ng mahigpit.

Gayundin kay Princess, kung saan niya ipinuwesto sila Jyzer, Ken at Carlo ay doon niya rin ito ipinuwesto at tinali rin ng mahigpit.

Muling umalis ang lalaki sa mala-kubo nitong bahay at dinala naman ang walang malay na si Viñea sa bahay nito.

Pagdating niya sa kanyang bahay ay dumiretso agad ito sa kanyang balkonahe. Inilapag niya si Viñea sa mahaba niyang mesa at tinalian rin ito.

Binuksan niya ang ilaw sa balkonahe at nakita niya ng klaro ag mukha ni Viñea. Pinatitigan niya ito at napakunot ang noo niya.

Umalis ang lalaki sa harap ni Viñea at napaupo na lamang sa sahig at inantay niyang magising si Viñea.

Maya-maya'y biglang nagising si Viñea at napakurap-kurap pa. Igagalaw na sana niya ang kanyang katawan nang maramdaman niyang hindi niya ito magalaw nang maayos.

"N-nasaan ako?" Aniya at ipinalibot ang paningin sa paligid.

Biglang tumayo ang lalaki at napalapit sa kanya.

"S-sino ka?! N-nasaan ako?!" Pag-aalala niyang tanong. Iginalaw-galaw niya ang katawan at pinilit na kumawala sa pagkakatali nito.

"F-fuck! 'Wag maawa ka... 'Wag mo ako patayin... Kami na lang ng nanay 'ko ang magkasama... Ayokong mag-isa ang nanay ko... I-ikaw--" Hindi natapos ang sasabihin ni Viñea nang maalala niya ang lalaking malaki ang katawan na nagpakita sa kanya sa kanyang kwarto at noong nakita niyang may dala itong ulo ng tao na nakita pa niya sa labas ng kanyang bintana, ang lalaking sumakal sa kanya sa silid aralan nila, ang lalaking nagpakita sa kanya sa kwarto nila ni Shelby.

Napahagulgol na lamang si Viñea. "K-kung m-may g-ginawa man akong kasalanan sa iyo sana w-wag mo na lang i-idaan sa p-pagpatay. P-pakawalan mo na ako d-dito." Pagmamakaawa niya sa lalaki.

Ngunit ang lalaki ay nanatiling nakatingin lang sa kanya. Muling gumalaw-galaw si Viñea, kung sakaling makatakas man siya.

Nakita niya ang repleksyon ng papa niya na nakatayo sa gilid niya. Mas lalo siyang napahagulgol. Nakita niyang nakasuot ito ng pang-gubat, nakatingin lang ito sa kanya ng seryoso.

"P-papa!!! Ito ho ba ang sinabi mo sa aking d-delikado?" Tanong niya sa papa niya, nanatiling nakatingin lamang ang papa niya sa kanya.

"P-papa, t-tulungan niyo po ako!" Pagmamakaawa niya sa papa niya ngunit nanatili lamang itong nakatingin sa kanya.

"P-papa, ayoko pa pong mamatay! S-si mama po, a-ayoko pong iwan si mama!" Dagdag pa niya.

Nagulat na lamang siya nang biglang haplusin ng lalaki ang kanyang mukha.

"Pallajes." Aniya habang hinahaplos ang mukha ni Viñea.

Muling napatingin si Viñea sa lalaki. "P-paano... Mo n-nalaman ang... A-apilyedo ko?" Nagtataka niyang tanong sa lalaki.

Umalis ang lalaki sa harapan niya at tumungo sa mga kagamitan niya. Kinuha ang ang isang litrato at ipinakita iyon sa kanya.

Ang litratong iyon ay ang pagmamay-ari ng tatay ni Viñea. Nakaakbay ang tatay niya sa kanyang nanay na may dala-dalang sanggol.

Nanlaki ang mata ni Viñea nang makita ang litratong iyon.

"S-saan mo nakuha i-iyan?" Muli niyang tanong sa lalaki. Ngunit hindi siya nito sinagot at pinunit na lamang ang litratong hawak-hawak niya.

'B-bakit niya kilala ang apilyedo namin?'

'Bakit mayroon siyang litrato namin?'

'Hindi kaya...'

'M-may ginawa si papa, na dahilan ng pagkamatay niya?'

Muli siyang napabaling sa lalaki na ngayo'y may dala-dalang pliers.

"Wag!!! Maawa ka!!! K-kung may ginawa man ang papa ko sa iyo, sana mapatawad mo siya!!!" Sigaw niya sa lalaki. Ngunit, hindi pa rin siya nito pinakinggan.

Inilapit ng lalaki ang pliers na hawak niya sa mga daliri sa paa ni Viñea at saka inisa-isa itong tinanggal.

"AHHHHHHHHHH!!! TAMA NA!!!"

"TAMA NA AHHHHHHHH ANG SAKIT!!!"  Sigaw niya habang patuloy pa ring tinatanggal ang mga daliri sa paa niya.

Ang mga dugong nagsilabasan sa bawat pagputol sa mga daliri sa paa ni Viñea ay isinahod ng lalaki sa isang balde upang ito ay maipon.

Nang matapos na siya ay muli siyang napatingin sa humahagulgol na si Viñea, kita niya ang pagmamakaawa nito na sa kanya na tigilan na ang ginagawa niya.

Ngunit hindi nagpatinag ang lalaki, lumapit siya roon sa bandang kamay ni Viñea dala-dala ang baldeng may mga dugo. Sunod naman niyang pinagpuputol ang mga daliri sa kamay ni Viñea.

"AHHHHHHHHHH TAMA NA HO!!!  MAAWA NA HO KAYO SA AKIN AHHHHHHH!" Sigaw niya ngunit hindu tumigil ang lalaki sa pagputol sa mga daliri nito.

Nanghina na ng nanghina lalo si Viñea, tanging pagluha na lamang ang ginawa niya. Sunod naman ay kumuha ang lalaki ng lagari at sinira ang suot na damit ni Viñea.

Napatingin na lamang si Viñea sa kinaroroonan ng tatay niya at nakita niyang naroon pa rin ito. Nanatiling nakatayo lamang at seryosong nakatingin sa kanya.

"P-papa, mahal na mahal po kita." Aniya at nakita niyang unti-unting naglaho ang repleksyon ng kanyang tatay.

"M-mama,  mahal na mahal din po kita." Aniya at napapikit na lamang at dinamdam ang masakit na naramdaman nang simulan na ng lalaki ang paglagari sa katawan nito.

Muling isinahod ng lalaki sa balde ang mga dugong lumabas sa katawan ni Viñea  habang patuloy niya itong nilalagari. Hindi na niya narinig pa ang hagulgol ni Viñea.

Nahati sa dalawa ang katawan ni Viñea. Ngunit,  hindi pa roon natatapos ang gagawin niya sa dalaga. Pinilit niyang idilat ang kanina pang nakapikit na mata ni Viñea.

Sunod ay itinarak niya roon ang hawak na screwdriver  at tinanggal ang dalawa niyang mata. Inilagay niya iyon sa baldeng punong-puno ng dugo.

Nang matapos na siya ay umalis siya sa kanyang bahay dala-dala ang baldeng puno ng dugo at ang hating katawan ni Viñea. Muli siyang tumungo sa mala-kubo niyang bahay.

Pagkarating niya roon ay nakita niyang gising na ang dalawang babae. Nakita siya nito at napasigaw sila kahit may busal ito sa kanilang bibig.

Nakita nilang dalawa ang dala nito kaya napahagulgol na lamang sila. Inilapag ng lalaki sa tabi ni Princess ang hating katawan ni Viñea, ang baldeng puno ng dugo ay inilagay niya sa tabi ng mahabang mesa kung saan naroon si Serra.

Agad na kumuha ang lalaki ng itak at mabilis na pinagtataga ang paa at kamay ni Serra. Ang mga dugo nagsilabasan roon ay muling isinahod niya sa balde.

Naririnig niya ang pilit na sigaw ni Princess habang pinagtataga niya ang kaibigan nito ngunit hindi niya ito pinansin.

Tiningnan niya ito at napangisi lamang. Muling itinuon ang pansin ng lalaki sa wala nang malay na si Serra. Hindi pa siya kuntento kaya tinanggalan niya rin ito ng mata at inilagay rin sa balde.

Walang awa niya itong pinagtataga sa harap-harapan ng kaibigan. Tanging paghagulgol na lamang ang kayang gawin ni Princess dahil alam niya na siya na ang susunod.

Nang matapos na ang lalaki kay Serra ay lumapit siya kay Princess. Kita sa mata ng dalaga ang poot at galit dahil namatay ang dalawa niyang kaibigan sa kamay ng lalaki.

Hindi na siya umawat pa dahil hindi na rin naman siya makakatakas pang muli.

Walang awang pinagbabali ng lalaki ang mga daliri sa kamay at paa ni Princess. Kung anong ginawa ng lalaki sa kaibigan nito ay ginawa niya rin kay Princess.

Punong-puno ng dugo ang baldeng dala-dala niya ngayon. Tumungo naman siya sa malalim na hukay na ginawa niya kung saan naroon sina Shelby, Macky, Jon, Hazielle at Jadhrie.

Sumilip siya roon at nakita niya ang mga ito na gumagawa ng paraan upang makalabas doon sa hukay. Nakita siya ni Jadhrie na nakasilip doon at mabilis niyang ibinuhos ang baldeng punong-puno ng dugo sa kanila.

Pagkatapos niyang ibuhos ang baldeng puno ng dugo ay agad na umalis ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status