LOGIN[ 6:30 am ]
"Nasaan na ba silang lahat?" Tanong ni Jon sa sarili habang nakasilay sa bintana.
"Bakit ang tagal-tagal nila?" Muling tanong ni Jon.
"Jon, uminom ka na muna ng tubig." Ani ni Shelby sa likuran niya.
Lumingon si Jon sa likuran nito at nakita niyang inabutan siya nito ng tubig. Tinanggap niya ito at mabilis na nilagukan. Ibinigay niya ang baso kay Shelby.
"Mag-gagabi na bakit kaya wala pa rin sila?" Tanong ni Shelby sa kanya.
Napakibit balikat na lamang si Jon at muling tumingin sa bintana. Umalis si Shelby sa likuran nito.
[ 6:50 pm ]
Nagulantang sila sa pagkatok sa pinto. Agad na binuksan ni Shelby ang pinto at naroon sina Princess, Serra, Janine at Luise.
"Nasaan yung iba?" Agad na tanong ni Shelby sa kanila.
Napakibit balikat na lamang sila at pumasok sa loob ng bahay.
"Bakit hindi niyo alam?" Tanong ulit ni Shelby sa kanila.
"Naghiwa-hiwalay kami para mabilis mahanap sina Derick, Cindy at Hannah. Hindi namin alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin sila umuuwi. " Sagot ni Janine kay Shelby.
Hindi na talaga mapalagay si Shelby. Nag-aalala na siya sa mga kaibigang nasa labas pa. Gustuhin man niyang puntahan kaso hindi ligtas roon.
'Kung nasaan man sila ngayon, sana walang mangyari ng masama aa kanila. Hindi ko sukat akalain na mangyayari ito sa amin. Ang nakakapagtaka nga lang sa lahat. Bakit mas alam nina Joren at Gelard dito?' Sabi nito sa kanyang isip.
Nagulat siya ng hawakan ni Jon ang kanyang balikat.
"Halatang malalim ang iniisip mo ah? Anko ba iyon? Sabihin mo sa akin." Ani ni Jon sa kanya at agad na napaharap si Shelby sa kanya.
Napalunok siya at nagsalita.
"Mukhang may hindi tama dito, Jon." Ani niya na nakapagtaka kay Jon.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong nito kay Shelby. Umupo silang dalawa sa mahabang upuan at ipinagpatuloy ang kanilang pag-uusap.
"Kase... Iba talaga eh..." Hindi alam ni Shelby kung sasabihin niya ba ang kutob niya sa sarili.
Baka kasi magalit pa sa kanya si Jon kung kaya't hindi na niya binalak pang sabihin iyon.
"Anong iba? Shelby, sabihin mo na agad." Ani ni Jon sa kanya.
"W-wala... Natatakot lang talaga ako." Sabi na lang nito sa kanya at umakyat sa taas.
Iniwan niya si Jon sa sala.
'Shelby, ayaw na ayaw ko sa lahat ng may maglilihim sa akin. Kung ano man iyon, maniniwala ako.' Sabi nito sa kanyang isip.
________________________________
Viñeas's P.O.V
Naguguluhan na ako sa mga nangyayari ngayon sa paligid. Ito na kaya ang sinabi sa akin ni papa na delikado?
Si papa ay hindi ko na naabutan dahil maaga na itong pumanaw. Sa hindi ko alam na dahilan. Si mama naman ay hindi niya naikukwento sa akin kung bakit. Ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang lahat.
Buti nga't may ganito akong katangian na kayang makakita ng mga multo. Iyon naman ang ikinapapasalamat ko, pero 'wag lang kung ibang multo na hindi ko mga kilala at palaging sumusunod sa akin.
Nakakapangsisi sobra na kung bakit pa ako sumama rito. Ayoko pang mamatay ng maaga.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napalingon ako roon. Si Shelby, nakita ko siyang lumuluha. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Viñea, bakit ganito na ang nangyayari sa atin? Viñea, ayoko pang mamatay! Gusto ko pang matupad ang mga pangarap ko!" Ani niya.
"Shelby, magiging maayos rin ang lahat. Makakaalis rin tayo rito sa impyerno na ito. " Sabi ko sa kanya habang hinaplos-haplos ko ang likod niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap at tumungo sa higaan niya. Humiga siya roon at tinabunan ang ulo niya gamit ang unan.
Pumunta na rin ako roon at napaupo na lamang. Nakita kong nag-uumpisa na namang magkulay dugo ang kalangitan.
Hindi pa ito ang oras na mamatay ako.
Humiga ako at tumaklob ako sa kumot at mariing pumikit para dalawin ako ng antok ko.
________________________________
Hazielle's P.O.V
Nasa kwarto kami ngayon at iniisip pa rin kung bakit ito nangyayari sa amin.
"Jad, ayoko pang mamatay." Sabi ko sa kanya at napayakap.
"Hindi Haze, hinding-hindi ka mamamatay, Haze. Narito lang ako, Haze. Isipin mo ang mga gagawin natin kapag nakaalis na tayo rito." Ani ni Jad sa akin.
Napakalas ang yakap ko sa kanya nang biglang bumukas pinto sa kwarto namin at nakita naming pumasok roon sa kwarto sina Princess at Serra.
Teka nasaan si Carlo?
Bakit hindi nila kasama?
"Princess, nasaan yung isa niyong kaibigan?" Tanong ko sa kanya.
Bago niya sinagot ang tanong ko ay tumungo muna sila sa kanilang higaan at napaupo roon.
"Kasama sina Ken, Shei, Jyzer, Joren at Gelard." Sagot nito sa akin.
"Eh 'di ba dapat magkakasama kayo lagi?" Muli kong tanong sa kanya.
"Nandoon kasi si Ken kaya doon siya sumama. Yung hindot na pangit na baklang iyon, may gusto kasi siya kay Ken kaya gano'n. Siyempre as a supportive bestfriend naman hinayaan na lang namin siya." Sagot ni Serra.
Napatango na lang ako sa kanya.
"Ewan ko nga kung ano na ang ginagawa nila ngayon eh. Bakit kaya hindi pa sila umuuwi?" Nagtatakang tanong ni Princess sa kaibigan.
"Ewan ko eh. At saka, hindi ligtas dito paggabi, nako sana maya-maya makabalik na sila." Sagot ni Serra.
Gustong-gusto ko na umuwi. Ayoko ng antayin pang may masamang mangyari sa amin.
Nagawi ang tingin ko kay Jad na ngayon ay nakatitig sa mapulang kalangitan.
Kinalabit ko siya at napalingon naman ito sa akin.
"Bakit?" Tanong niya sa akin.
"Tulog na tayo." Sabi ko sa kanya at napatango siya kaya napahiga na kami sa kama.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo. Napangiti ako at ipinikit ang aking dalawang mata at nagsimula na akong umidlip.
________________________________
Macky's P.O.V
"What are we gonna do now?" Tanong ni Jon si akin.
"Let's just wait here. Babalik sila, baka naligaw lang sila sa daan." Sagot ko sa kanya.
"What of they are die now?" Muli niyang tanong.
"No!" Sigaw ko sa kanya.
"Fuck this place! Kung sino man ang dapat sisihin dito kung bakit tayo napunta rito, dapat si Gelard!" Galit na sabi niya.
"Kapag makita ko iyang si Gelard humanda siya sa akin!" Dagdag pa niya.
"What if... This is set up? Paano kung may kinalaman talaga si Gelard dito?" Bihlang singit ni Luise.
"No! Inosente si Gelard, wala siyang kinalaman dito sa pagkamatay nila lahat!" Pagtanggol ko kay Gelard.
Dapat hindi sila basta-basta sumisisi ng ibang tao! Hindi porket siya lang ang nagyaya na dito na lang pumunta ay dapat siya na agad sisisihin sa pagkamatay nila.
"Pero... 'Di ba may sinabi si Shelby noong nag-meeting tayo doon sa Hades Restaurant na nag-search siya about sa Pulang Kagubatan pero walang lumabas na kahit mga pictures or any histories about doon?" Tanong ni Jon sa akin.
"What if..." Sa sinabing iyon ni Jon ay bigla na lamang akong naguluhan.
Shit! Naguguluhan na rin ako!
"I don't know but... ARGGHH! Ayoko na talaga! Fuck!"
"Okay. Stop overthinking muna, ang pinaka kailangan natin is dapat bukas na bukas rin ay makakaalis na tayo dito sa lugar na ito!" Ani ni Jon sa aming tatlo.
"That door, maya-maya ay bubukas rin iyan at papasok sila." Dagdag pa ni Jon habang nakaturo sa nakasaradong pinto.
Napaupo na lamang ako sa mahabang upuan at napapikit.
Paano nga kung may kinalaman talaga si Gelard dito?
Pero...
Paano?
________________________________[ 12:30 am ]
Hindi na napansin nina Jon, Macky at Luise at nang biglang may pumasok roon. Hindi na nila kinaya ang pag-aantay sa mga kasama kaya nakatulog sila.
May nilagay na kung ano sa sahig ang pumasok roon inilagay niya ito saan mang sulok ng bahay nila.
Muling umalis ang pumasok doon kanina.
________________________________
[ 9:30 am ]
"WHAT THE FUCK!!! SHIT!!!" Galit na sigaw ni Macky.
"Bro, gumising kayo dali!" Aniya sa mga kasamahang natutulog pa.
Maya-maya'y nagising na rin sila, kumaripas ng takbo si Macky at pinuntahan ang mga naroon.
"Guys! I need all of ypu to see this." Hindi mapakaling sabi ni Macky sa kanila.
"FUCK!!!" Rinig na sigaw nina Jon at Luis sa baba.
Dali-dali silang bumaba at nanlaki ang mga nila nang makitang---
May mga nagkalat na mga putol na katawan ng tao, mga mata na natanggal, mga ngipin na nagkalat sa sahig.
Hindi nila masikmura ang nakita doon.
"We need to leave here now!" Sambit ni Shelby at dali-daling umakyat.
Sandaling natahimik sila nang bigla na lamang na lamang na napasigaw sina Princess at Serra at lumapit sa isang putol na ulo.
"CARLO!!" Sigaw ni Princess at napaiyak. Napahagulgol silang dalawa nang makitang pugot ang ulo, wala ng mga mata at wala na rin ang ngipin nito.
"FUCK!!!" Galit na sabi ni Macky.
Tiningnan nila ang iba pang mga naputol na ulo at napag-alaman nilang sina Ken, Shei, Jyzer ang iba pang mga putol na ulo.
"Guys! Kailangan na talaga nating umalis dito! Bilisan niyo kunin niyo na yung mga gamit niyo dito!" Natatarantang sabi ni Shelby.
"No need." Sambit ni Jon na napasandal na lamang sa dingding at napaupo.
"What? 'Di ba sabi mo aalis tayo--" Hindi na natapos ni Shelby ang sasabihin nang biglang sumigaw si Jon.
"WE ARE ALL GONNA DIE HERE!!" Galit na sigaw ni Jon. Punong-puno ng panggigigil at galit sa kanyang mukha.
Biglang namayani ang katahimikan sa buong bahay.
Napaupo na lamang sina Hazielle, Jadhrie, Janine at si Viñea sa hagdanan.
Narinig nila ang pagpalahaw ng iyak ni Jon.
Napaupo na lamang si Macky sa dingding at tumingila. Napakuyom rin ang kanyang kamao sa sobrang galit na nararamdaman.
Mula sa taas ay napaupo na lamang si Shelby at nagsimulang lumuha.
Napaupo na lamang sa sahig sina Princess at Serra habang lumuluha.
Si Janine naman ay napasandal ang ulo sa dingding at tumingin na lamang sa kawalan.
Napayuko na lamang si Viñea at umiyak.
Hinigpitan ni Jadhrie ang paghawak sa kamay ni Haze at naramdaman niyang ipinatong sa kanyang balikat ang ulo nito."Jad, ayoko na. Umalis na tayo dito." Sambit nito kay Jadhrie at napaluha na lamang.
"Makakaalis din tayo dito, Haze" Sagot nito.
_______________________________Jon's P.O.V
Hindi ko na kaya, sukong-suko na ako. Inisa-isa na kaming lahat. Gusto ko nang makauwi.
Akala ko pa naman ay masayang pagsasama kasi muling nabuo kaming lahat.
Kailangan kong mahanap kung sino ang taong pumapatay na iyan!
Napatayo ako at tumungo sa taas. Napatingin silang lahat sa akin.
"Where are you going?" Tanong ni Shelbt sa akin.
"Kailangan na talaga nating umalis dito!" Sabi ko sa kanya at pumasok sa kwarto.
Habang nagliligpit ako ng mga gamit ay saktong pagpasok nila Princess, Serra, Macky, Jadhrie, at Hazielle sa kwarto.
"Bakit kailangan mo pang mag-impake? Mamamatay na tayong lahat--" Hindi na natapos ang sasabihin ni Macky nang bigla ko siyang kininwelyuhan.
"Don't say that thing, Macky!" Galit na sabi ko sa kanya at binitawan siya.
Nakita kong napayuko siya at napabuntong hininga.
"Kung ayaw mong mag-impake edi' 'wag! Walang magpupumilit sa iyo!" Sigaw ko pa sa kanya at muling bumalik sa mga gamit ko.
________________________________
[ 9:45 am]
Napangisi na lamang si Macky.
Nanatili siyang nakatayo at pinapanood lamang ang mga kasamang nag-iimpake ng gamit. May nakita siyang hairpin na nahulog, agad na kinuha niya ito at inilagay sa bulsa niya.
Nagawi niya ang paningin kay Jadhrie na nakatayo lamang at hinahayaang magligpit si Hazielle ng kanyang mga gamit.
Napatingin na rin siya kay Macky. Napakurap ng ilang beses si Macky at matipid na ngumiti sa kanya.
Hindi ito pinansin ni Jadhrie at umiwas na lamang ng tingin sa kanya.
Natapos ng magligpit ng gamit si Hazielle at napatingin na lamang sa kanya.
"Jad, bakit hindi ka nagligpit ng mga gamit mo? Gusto mo bang ako na lang ang mag-ayos ng mga iyan?" Tanong niya kay Jadhrie.
"H-hindi 'wag na ayos lang, Haze." Sagot nito sa kanya at napangiti na lamang.
Matipid na tumango si Hazielle at binuhat ang dala-dalang gamit.
Nang matapos na sila ay nagsalita si Jon.
"Okay na ba ang lahat?" Tanong nito sa mga kasama sa loob ng kwarto.
Biglang bumukas ang pinto at naroon sina Janine, Luise, Viñea at Shelby na may dala-dalang gamit. Napatingin siya roon saglit at muling bumalik ang tingin sa mga kasama niya sa kwarto.
Napatango na lamang sila at lumabas ng kwarto. Bumaba na silang lahat. Binuksan ni Jon ang pinto at makailang ulit na pinihit-pihit ito ay hindi lamang bumukas amg pinto.
"Fuck! Where are the keys?" Aniya at lumingon sa mga kasama.
Nagtinginan pa ang mga kasama nila sa isa't isa upang malaman kung sino ang may hawak nito.
"W-wala?" Muling tanong sa mga kasama.
Nang makita niyang wala man lang sumasagot ay nahampas niya nang malakas ang pinto sa sobrang galit.
"FUCK!!! Napakamalas naman natin!!!" Sigaw niya.
Nagulat ang mga kasamahan niya sa ginawa niya.
Nadismaya si Shelby sa nangyari. Napaupo na lamang siya sa mahabang upuan at tiningnan na lamang ang mga nagkalat na mga putol na parte ng katawan, mga mata at mga ngipin.
Napahilamos siya sa mukha niya at napaiyak na lamang.
Napaupo na lang din ang mga kasama nito kahit saan.
Sa sobrang galit ni Jon ay sinipa niya ang mga nagkalat sa sahig. Nagpalakad-lakad na lamang siya at napasabunot sa sariling buhok.
Nag-isip siya ng paraan kung paano masisira ang pinto.
Napatigil siya sa paglalakad-lakad at tiningnan ang mga kasamahang nakatulala na lamang.
"ANO?! MGA PUTANG-INA NINYO!!! HINDI NIYO BA AKO TUTULUNGANG MAG-ISIP LAMANG NG PARAAN PARA MASIRA ITONG GAGONG PINTO NA ITO?!" Galit na sogaw niya sa mga kasamahan.
Biglang tumayo si Luise at nagsalita.
"Keep calm, bro!" Aniya kay Jon na halos mabaliw sa sobrang galit.
"PAANO AKO KAKALMA?! EH, WALA NGA KAYONG NAITULONG MAN LANG KUNG PAANO ITO MASISIRA ANG PINTONG ITO!!!" Sigaw niya kay Luise at malakas na sinipa ang pinto.
Ni-hindi man lang nawarak ang pinto sa sobrang tibay.
________________________________
[ 9:55 am]
Habang nakaupo sina Jadhrie at Hazielle sa sahig ay bigla na lamang bumulong si Hazielle sa kay Jadhrie.
"Wag na 'wag mo 'kong iiwan, Jad." Sabi niya sabay yakap kay Jadhrie.
Napatango na lamang si Jadhrie at nagsimulang lumuha.
Napaupo na lamang si Jon sa tabi ni Shelby at napahagulgol na lamang. Niyakap siya ni Shelby upang gumaan ang loob nito.
Maya-maya'y kumuha ng upuan si Macky at hinampas doon sa doorknob. Unti-unting nasira ang doorknob at hanggang sa mawasak ito.
Nang makitang mahulog ang doorknob ay hinila niya ang pinto upang mabuksan ito.
Nang mabuksan na ang pinto ay saka namang nagsitayuan silang lahat. Kinuha nila ang mga dalang gamit at dali-daling lumabas ng bahay.
Naunang lumabas sina Janine at Luise, tumakbo sila ng mabilis at biglang napatigil.
Nakita nila ang pagtigil nina Luise at Janine sa pagtakbo.
Bigla na lamang naputol ang mga ulo nila at bumagsak ito sa lupa. Sunod na rin ang mga katawan nito.
"AHHHHHHHH!!!" Malakas na sigaw ni Shelby at napatakip ng bibig.
Napatutop sa bibig sina Jadhrie at Hazielle at napaupo na lamang sa lupa.
"FUCK!!! AYOKO NA!!! BITCH MAGPAKITA KA NA!!!" Sigaw ni Jon.
Napasabunot na lamang sa sariling buhok si Macky at napatalikod.
Natulala si Viñea sa nakita. Sina Princess at Serra naman ay napayakap na lamang sa isa't isa habang lumuluha.
Muling napaharap si Macky at lumapit doon sa pinaroroonan nila Janine at Luise.
Nakita niyang may manipis na sinulid na nakatali roon sa puno. Napailing na lamang siya at napatingin sa dalawang nakahandusay na sa lupa habang umaagos ang napakaraming dugo nito mula sa leeg.
Bakit ba ito nangyayari sa amin?
May nagawa ba kaming masama?
________________________________
Inabot na ng gabi sila Ken, Carlo, Shei, Jyzer, Joren at Gelard sa gitna ng kagubatan. Nakita na nilang nagpula ang kalangitan, nagpasya na silang bumalik sa bahay na tinutuluyan nila.
Pero...
Kung saan-saan na lamang sila naglakad-lakad kaya hindi na nila natandaan pa ang mga dinaanan nila.
Ang lalo pang nakapag-palito sa kanila ay mga malalaking punong lagi nilang nadadaanan.
"Fuck!!! Hindi ko na alam kung saan tayo pupunta!" Inis na sabi ni Jyzer habang patuloy pa rin sila sa paglalakad.
"Joren, Gelard 'di ba alam niyo itong lugar na ito?" Tanong ni Shei sa dalawa.
"Hindi na namin ito alam, Shei." Sagot ni Gelard sa tanong ni Shei.
"Shit!!! Wala pa naman din tayong dalang flashlight!" Inis na sabi ni Joren habang nililibot ang tingin sa paligid.
Sa likuran nila ay naroon sina Ken at Carlo.
"Ken, may sasabihin sana ako sa iyo." Aniya kay Ken na kasabayan niya lang sa paglalakad.
"Ano iyon?" Tanong ni Ken sa kaniya.
Mahinang tono lamang ng boses ang kanilang pag-uusap para hindi sila marinig ng mga kasamahang nasa unahan nila.
"May... Gusto ako... Sa iyo..." Nahihiyang sabi ni Carlo sa kanya.
Napatingin si Ken sa kanya dahil sa sinabi nito.
"A-anong ibig mong sabihin?" Muli niyang tanong sa kanya.
"Uhm... May gusto ako sa iyo matagal na. Kaso... Hindi ko masabi sa iyo dati kasi lagi mong kasama yung nga kaibigan mo." Aniya kay Ken.
Napatango-tango na lamang si Ken at muling nagsalita.
"A-ano namang nagustuhan mo sa 'kin?" Muli niyang tanong.
"Uhmm... Magaling kang kumunta at sumayaw."
"What? Yun lang nagustuhan mo sa 'kin?"
"Pogi ka rin!" Aniya kay Ken.
"Eh kaso... Lalaki ka at... Lalaki din ako... H-hindi pwede yun." Aniya kay Carlo na nakapag-palungkot rito.
"Hindi naman hadlang ang kasarian sa pagmamahalan, 'di ba?" Tanong nito kay Ken.
"Uhmm... Eh kaso..."
"M-may girlfriend na ako." Dagdag pa ni Ken.
"Gano'n ba?" Malungkot na tono ng boses ni Carlo.
"Pero ayos na rin sa aking crush mo ako." Aniya at napangiti kay Carlo.
Napangiti na rin si Carlo.
"Buti nga't umamin ka." Aniya kay Carlo.
Napatango na lamang ito sa kanya. Nahihiya pa rin siya kay Ken.
"Guys, stop!" Sabi ni Jyzer sa mga kasama at napatigil ito sa paglalakad.
"What? Kung ano--" Hindi na natapos ang sasabihin ni Shei dahil pinatahimik siya ni Jyzer.
"Did you smell that?" Muli niyang tanong sa mga kasama.
"Amoy mo lang iyon, Jy. HAHAHAHA!" Pagbibiro ni Ken sa kanya.
Inamoy naman ni Jyzer ang sarili.
"Hindi kaya. Wala ba kayong naamoy na mabaho?" Aniya sa mga kasama.
Napaamoy-amoy na rin sila sa paligid.
"Oo nga ang baho nga!" Sabi ni Shei at napaubo-ubo pa.
"Fuck! Ang baho!" Sabi ni Joren na masuka-suka dahil sa naamoy na mabaho.
Inamoy-amoy nila ang paligid.
Napaangat ang ulo ni Jyzer nang maramdamang may pumatak na kung ano man sa kanyang mukha.
Pinunasan niya ito gamit ang kamay.
"Ano ito?" Aniya habang nakatingin sa kamay na ginamit niyang pang punas kanina sa kanyang mukha.
Inamoy-amoy niya ito.
Napaduwal siya nang maamoy na mabaho ito.
"Fuck!!!" Sigaw niya nang matapos ang kanyang pagsuka.
"What happened, Jy?" Tanong ni Gelard sa kanya.
"Bro, amuyin mo ito." Sabi niya at pinaamoy ang kamay.
Inamoy ito ni Gelard at napatakip ng ilong.
"Fuck!!! Ang baho!!!" Sigaw niya rito.
Pinunasan ni Jyzer ang kanyang mabahong kamay sa kanyang shorts.
Napatingala siya sa kung saan g may tumulo sa kanyang kung ano.
"Ano iyan?" Sabay turo niya sa taas.
Napatingala din silang lahat. Dahil sa pulang kalangitan ay hindi nila maklaro kung ano iyong tinuturo ni Jyzer sa taas.
"Umalis na tayo rito!" Sigaw ni Shei at napaatras-atras.
Sa pag atras-atras nito ay nahulog siya sa malalim na hukay na lupa.
Nagulat sila nang biglang nahulog si Shei sa malalim na hukay ng lupa.
"Shei, ayos ka lang ba diyan!" Sigaw ni Joren sa malalim na hukay.
Mula sa malalim na hukay ay naroon si Shei na nakahilata at hindi magawang ikilos ang katawan.
Napaungol siya sa sakit. May nabaling buto yata sa kanya.
"T-tulong!!!" Pilit niyang sigaw.
"T-tulong!!!" Ulit niyang sigaw.
"Wag kang mag-alala, Shei maghahanap kami ng tutulong sa iyo diyan!!!" Muling sigaw ni Joren.
"Guys, maghanap kayo ng mahahabang sanga para makuha natin si Shei doon sa malalim na hukay na iyon!" Utos ni Gelard sa mga kasama.
"Kami ni Gelard susubukan naming umuwi sa bahay para makahingi ng tulong sa iba!" Sabi ni Joren at napatakbo sila ni Gelard palayo roon.
Naiwan doon sina Ken, Carlo at Jyzer.
"Guys, dali maghanap agad tayo ng mahabang sanga." Sambit ni Jyzer sa dalawa.
Napatango na lamang ang dalawa at naghiwa-hiwalay sila upang makahanap ng mga mahahabang sanga.
Si Carlo ay seryosong naghahanap ng mga mahahabang sanga. Hindi niya napansin na may nabangga siya na kung ano sa harapan niya.
Tiningnan niya kung ano o sino ang nabangga niya at laking gulat na lamang niya ng bigla na lamang siya nitong pinukpok sa ulo ng bato.
Napabagsak si Carlo sa lupa. Muling naglakad ang lalaki at nakita niyang naroob si Jyzer na may dala-dala na ng mahabang sanga.
Agad siyang lumapit at inagaw ang mahabang sanga na hawak niya at mabilis na hinampas niya ito sa ulo ni Jyzer.
Napasalampak na lamang sa lupa ang binata. Sunod naman nito ay lumapit siya kay Ken at mabilis na inuntog ito sa puno.
Tumungo naman siya sa malalim na hukay at doon ay bumaba. Nakita niya ang nanghihinang katawan ni Shei.
"T-tulong po." Nanghihinang sabi ni Shei.
Dahil sa laki ng katawan ng lalaki ay madali na lamang niyang nabuhat si She at naihagis pataas.
Hindi na nagawang makakilos ni Shei dahil sobra talaga itong nanghina. Muling umakyat ang lalaki sa itaas ng malalim na hukay at lumapit kay Shei.
Binuhat niya ito at tumungo kung saan naroon sina Carlo, Ken at Jyzer na mga walang malay.
Umalis ang lalaki habang buhat-buhat niya si Shei at Carlo at sina Ken at Jyzer naman ay hawak ang mga paa nilang kinaladkad sila sa lupa.
Maya-maya'y nakabalik sina Joren at Gelard sa paroroonan nila kanina.
"Shit!!! Guys, hindi talaga kami nakarating sa bahay, kung saan-saan na lang kami nagpupupunta ni Gelard." Sabi ni Joren.
Nagtaka silang dalawa nang walang Ken, Carlo at Jyzer na nagpakita sa kanila.
"Where are they?" Tanong ni Gelard.
"GUYS!!!" Sigaw ni Joren.
"CARLO!!!"
"KEN!!!"
"JYZER!!!" Sabay na sigaw nilang dalawa.
Tumungo sila sa malalim na butas.
"Shei, ayos ka pa ba diyan?!" Sigaw ni Gelard sa malalim na lupa.
"Shei?!" Muling tawag ni Gelard.
"Bro, baka nakuha na nila Ken si Shei diyan?" Tanong ni Joren sa kanya.
"Tara hanapin natin sila!" Aniya kay Gelard.
Napatango na lamang si Gelard at muling tumakbo palayo.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong