Home / All / RED FOREST / Prologue

Share

Prologue

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 01:41:18

Unti-unting bumabalik ang diwa ko. Idinilat ko ang kanang mata ko, huminga ako ng bahagya at naaamoy ko ang lupa.

Masakit ang ulo ko, parang may kung anong pumukpok dito. Nagpumilit akong bumangon. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Nasaan ako?

Saang lugar ito?

Bakit nasa kagubatan ako?

Sino ang nagdala sa akin dito?

Ang sakit ng buong katawan ko, parang may bumugbog sa akin at iniwan lang ako dito. Paika-ika akong naglakad, muntikan na akong matumba, buti na lang ay napakapit ako sa malaking puno na nasa tabi ko.

Nagugutom na ako. Ilang araw na ako rito? Naglakad lang ako nang naglakad, hanggang sa makakita ako ng maliit na sapa.

Tiningnan ko ang buong katawan ko. Sira-sira ang damit ko at madumi ang mga katawan ko. Puro pa ako sugat at mga pasa.

Lumapit ako sa maliit na sapa at doon ay nilinisan ko ang aking katawan. Nang matapos ako, ay umalis ako at naglakad-lakad muli sa masukal na kagubatan.

Maraming mga katanungan sa isip ko habang naglalakbay ako rito.

Sa paglalakad ko, ay nakakita ako ng kalsada. Tumungo ako papunta roon at doon ko muling sinimulan ang paglalakad-lakad ko.

Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong naglalakad rito sa mahabang kalsada na ito, nagbabasakaling may makakita sa akin at tulungan ako. Naririnig kong kumukulo muli ang tiyan ko.

Nagpalabas ako ng malalim na hininga. Nasaan ba kasi talaga ako? Wala na akong matandaan pa sa mga nangyari sa akin.

Nakakita ako ng papalapit na motorsiklo. Itinaas ko ang dalawang kamay ko para makahingi ng tulong. Napaka tahimik rito at ang naririnig ko lamang ay ang papalapit na motorsiklo sa paroroonan ko.

"T-tulong!!" Pilit kong sigaw. Iilang metro pa lang ang layo niya sa 'kin, nang makita 'kong may hawak siyang malaking palakol.

Itinaas niya at nagsisigaw na parang baliw. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa pagsigaw niya. Imbes na antayin pa siya, ay agad akong tumalikod ako at nagpumilit na tumakbo.

Bumalik ako sa loob ng kagubatan at doon ko itinuloy ang pagtatakbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Medyo nakakalayo na yata ako kaya binagalan ko na ang pagtakbo ko.

Sa paglalakad ko, ay nakakita ako ng isang malaking bahay. Pumasok ako roon at nagmasid-masid.

Dahan-dahan akong naglakad upang hindi makagawa ng ano mang ingay. Sa aking paglalakad ay nakarating ako sa kusina. Napakalinis ng bahay kung sino man ang nakatira dito---

Nagulat ako nang biglang may pumaradang motorsiklo sa labas ng bahay na pinasukan ko. Sumilip ako sa bintana kung sino ang taong iyon.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang lalaking kaninang nakita ko na may dala-dalang malaking palakol at nagsisigaw. Dali-dali akong naghanap ng matataguan.

Nakita ko ang nag-iisang pintuan na malapit lang sa kusina. Pumasok ako doon at nakita kong may hagdan pababa.

Narinig kong bumukas na ang pinto sa labas. Dali-dali akong bumaba at naghanap ng matataguan.

Naririnig ko ang mabibigat na mga yabag mula sa taas. Mukhang papunta sa kusina ang mabibigat na mga yabag na iyon.

Nakakaamoy ako ng masangsang dito sa pinagtataguan ko ngayon. Kinapa-kapa ko iyon at sa pagkakapa-kapa ko ay nakaramdam ako ng malagkit na likido na nagmumula rito.

Dahan-dahan kong inilapit ang aking kamay na may nahawakang malagkit na likido sa ilong ko at inamoy ito.

Ang sangsang ng amoy nito!

Dugo!! Isang itong dugo!! May patay rito sa pinagtataguan ko!! Napatakip ako sa bibig ko. Ipinunas ko ang dugong nahawakan ko sa maikli kong shorts.

Bumukas ang pinto sa pinasukan ko. Isiniksik ko ang sarili ko para hindi ako makita. Hindi ko na lamang pinansin ang patay na nasa tabi ko. Ang importante ay hindi ako makikita rito sa pinagtataguan ko.

Bumaba ang lalaki at binuksan ang ilaw sa balkonahe. Nakita ko ang malalaki niyang katawan, hindi na niya dala ang hawak-hawak niyang palakol kanina.

Buti na lang, at hindi natatamaan ng ilaw ang pinagtataguan ko nang dahil sa mga gamit na nakaimbak sa harapan ko.

Sumilip ako at nakita kong may kung anong telang nakatabing sa isang malaking mesa. Hinila niya ang telang nakatabing roon at laking gulat na-- tao pala iyon!

Nakatali siya at--- nakabuka ang kanyang tiyan! Ano'ng ginagawa niya sa taong iyon?

Naglagay siya ng gloves sa kamay niya at kinalikot ang tiyan ng tao. Napatakip ako sa bibig ko at muntikan nang masuka sa ginagawa niya.

Kinuha niya ang bituka at isinilid niya sa isang lalagyan. Hindi ko masikmura ang ginagawa niya.

Gusto ko nang makaalis sa tinataguan ko! Dumidikit na sa akin ang amoy ng patay dito sa tabi ko! Pero paano ako makakaalis rito, habang nariyan ang lalaking gustong pumatay sa akin?

Naghanap ako ng tiyempo, na kung saan ay hindi niya ako mapapansin pag-umalis ako rito sa tinataguan ko. Huminga ako nang malalim at nag-isip ng paraan.

Tiningnan ko siya at saktong tumalikod siya. Ito na ang oras para makalabas ako sa tinataguan ko!

Lumabas ako ng mabilis at maingat na umakyat. Saktong pag-lingon niya ay nakakailang hakbang na ako.

"Hoy!!" Sigaw niya at tumakbo papalapit sa akin. Isang hakbang na lamang ay makakalabas na ako, nang saktong nahawakan niya ang kaliwang paa ko at napatumba ako. Sinikaran ko ang kamay niya pero hindi siya nagpatinag.

Nahawakan niya ang kaliwang paa ko. Hinila niya ako pababa at saktong napakapit ako sa mesa. Sumigaw ako nang sumigaw, nagbabakasakaling may makarinig sa akin.

Nahulog ang mga gamit sa mesa. Nakita ko ang nahulog na pigurin. Medyo malayo sa akin ang pigurin, habang hawak-hawak niya ang mga paa ko ay nag-pumilit akong abutin ang pigurin.

Naramdaman kong bumabaon ang mga kuko niya sa paa ko. Pinilit kong abutin ang pigurin at napasigaw sa sakit dahil binabaon niya ang kanyang mga kuko sa paa ko.

Naabot ko ang pigurin at ibinato sa kanya. Natamaan siya sa ulo at nahulog pababa. Narinig ko ang pag-sigaw niya sa sakit. Nagpagapang-gapang ako at naghanap ng makakapitan.

Sinara ko kaagad ang pinto. Narinig ko ang mabilis na pag-akyat niya. Tatakbo na sana ako palabas nang mahablot niya ang buhok ko.

Parang napunit ang anit ko nang dahil sa pagkahablot niya sa buhok ko. Inihagis niya ako papasok sa loob at napatumba ako.

"W-wag m-maawa k-ka." Pagmamakaawa ko sa kanya. Lumapit siya at lumuhod sa harap ko at sinakal niya ako.

Hindi ako makahinga nang maayos. Pinilit kong sumigaw pero hindi ko magawa. Ang higpit ng pagkakasakal niya sa akin.

Napapikit na lang ako sa sakit at napaluha. Mukhang ito na ang katapusan ko.

Nagulat ako nang lumuwag ang paghinga 'ko dumilat ako at nakita kong nakahilata na ang lalaking sumasakal sa akin at ito ay duguan na.

Nakita ko ang lalaki na may hawak-hawak na mahaba at malaking kahoy. Habol-habol ang hininga ko dahil sa mahigpit na pagkakasakal sa akin.

"Jadhrie!" Tawag niya sa pangalan ko at lumapit sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit.

Kumalas na siya sa pagkakayakap ko at tiningnan niya ako. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

Marungis din siya katulad ko at may mga sugat din siya sa katawan.

Nang makita ko ang mukha niya ay nanumbalik ang lahat-lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status