Home / All / RED FOREST / Chapter 1

Share

Chapter 1

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 01:42:00

Nakaka-boring naman ngayon!

Nagpalabas na lang ako ng malalim na hininga dahil na-bobored talaga ako dito sa kwarto ko.

It was Saturday, at ito ang pinaka ayaw kong araw. Bakit? Dahil walang gagawin, tapos ko na din lahat ng mga schoolworks ko.

Nakahilata lang ako sa higaan at nag-iisip ng pwedeng paglibangan.

Hays! Wala talaga. I look at my books, at baka may mga books ako diyan na hindi ko pa nababasa.

Wala! Nabasa ko na lahat.

Napahilamos na lang ako sa sobrang pagkabagot ko. I decide to open my phone at nagulat ako nang may mag notify sa phone ko.

Someones adding me to a group chat! May bagong group chat na naman ako. Gusto ko sana mag leave agad, nang mabaling ang tingin ko sa name ng group chat.

"Grade 7- Alfonso 2014-2015"

Shelby Jimenez creates the group

Nang makita ko ang name ng group chat, ay hindi ko na binalak pang mag-leave doon.

Wala lang! Ayoko naman kasing mag-maldita pa.

Tiningnan ko kung sino ang gumawa ng group chat. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan nang kung sino ang gumawa no'n.

Sino si Shelby Jimenez?

Hindi ko na maalala ang mga pangalan ng kaklase ko. Iilan lang doon ang mga naalala nakikilala ko pa. Pero ang iba, hindi na talaga.

Macky Marquesse added you to the group

Tinitigan ko ang pangalan na iyon. Inalala ko kung sino nga iyang si Macky Marquesse.

Hays! Ex boyfriend ko nga pala siya dati. Siya ang first love ko noon. Nag-break kami dahil inagaw siya sa akin ng isa sa itinuring kong kapatid sa classroom namin dati.

Si Hazielle Kiele Monson.

Aba! Ang lakas naman ng loob nito na siya mismo ang mag-add sa akin sa group chat!

'Di na niya ba naalala na galit na galit pa ako sa kanya noon?! At halos isumpa ko ang lahat, kasi mas pinili niya si Hazielle kaysa sa akin!

Nang maalala ko na naman iyon, napapangisi lang ako. Hindi ko akalaing napakalandi ko pa noong mga panahong iyon.

Kumusta na kaya siya?

Wala na kong balita sa kanya.

Sila pa rin kaya ni Macky?

Shelby:

Hey Guys!!! Naalala niyo pa ba ako? Miss President here ng Section Alfonso HAHAHA

Jonnathan:

Woah!! Shelbabes ko!! HAHAHAHA

Shelby:

Jon babyqou miss mo na ba ko?

Shelby set Jonnathan a nickname to Jon my BABY

Jon my BABY:

Aba! Pinalitan mo pa talaga ang nickname ko Shelbabes ahh wait papalitan ko din sa iyo..

Jon my BABY set Shelby a nickname to ShelBabes

Macky:

Ang sweet pa rin talaga ng dalawang ito!!HAHAHAHA

ShelBabes:

Miss na namin ang isa't isa eh! Sa iyo kasi niloko mo, kaya ka iniwan at kaibigan pa niya mismo ang pinalit mo. Iba ka talaga Macky ahh!

Jon my BABY:

Opxx!! Past is past HAHAHA

Halatang ako ang topic nila ngayon. Bahala sila i-se-seen ko lang sila!

ShelBabes:

Hey, Jadhrie miss mo na ba ex mo? Sorry HEHEHE

Macky:

ShelBabes stop it!!

ShelBabes:

Sorry Bro! Bahala ka sa ayaw man o sa gusto mo kukulitin ko kayong dalawa HAHAHA! Saka, napaka controversial ng pag-aaway niyo sa room 'di ba? Daig pa naming nanonood ng pelikula sa pag-aaway niyo! Grabe ang intense nga ng pagkakasampal sa iyo ni Jadhrie hindi ba? Kita ko sa pisngi mo noon na namumula at bakat na bakat ang buong palad ni Jadhrie sa pisngi mo HAHAHA! Sorry bro, intindihin mo na lang muna ako miss ko na kayo eh!!

Macky:

Tsk! Past is past, ShelBabes! Naiinis na ko!

Natatawa ako habang binabasa ang mga conversations nila. Naaalala ko pa ang mga panahong iyon. Totoo ang sinabi ni Shelby na para silang nanonood ng pelikula sa away namin noon sa classroom.

Nasa gitna kami noon sa room namin. Naluluha ako habang nakatitig nang masama kay Macky.

"M-Mack, bakit mo ito ginagawa sa akin? Ano ba ang ginawa kong masama sa iyo? May pagkukulang ba ako?" Madiin kong sabi sa kanya.

"S-sorry Jad! Pero si Haze talaga ang mahal ko."

Oo mga bata pa lamang kami noon, at parang laro lamang sa amin ang pagmamahal. Ngayon ko lang na-realize na, seryoso pala iyon at hindi lang basta-basta ginagawa.

Narinig ko ang mga hiyawan ng mga kaklase namin. Grabe! Daig pang nanonood ng pelikula ang mga ito.

Hinayaan ko na lang sila maghiyawan dahil ang pokus sa atensyon ko ay si Mack at si Haze na nasa likod nito.

Tatalikod na sana ako, nang biglang hinila ni Haze ang kanang braso ko kaya napaharap ako kanya.

Hindi ko alam ang nararamdaman niya nang mag-away kami dahil sa isang lalaki.

Hindi ko din alam kung bakit niya ginawa iyon pero nang mahila niya ang kanang braso ko ay napaharap ako sa kanya at pinaabutan siya ng malutong na sampal na hindi pa niya nararanasan sa tanang buhay niya.

PAK!!!

Nagulat ang mga kaklase ko no'n nang dahil sa pagkakasampal ko kay Haze. Nakita ko din ang reaksyon ni Mack, nanlaki ang dalawa niyang mata sa nakita niya.

Ngayon ko lang naranasan na makasampal ng malutong sa isang tao, at sa kaibigan ko pa na itinuring kong parang isang tunay na kapatid na kahit hindi kami magkadugo!

"Haze! From now on! Maghanap ka na ng tunay mong makakaibigan! Yung okay lang sa kanya na agawin mo ang boyfriend niya! Tandaan mo ito Haze, mahirap hanapin ang isang katulad ko na kayang damayan ka sa oras ng may problema ka sa lahat! Na kaya kang ipagtanggol sa magulang mo sa tuwing may ginawa kang kabaliwan!" Sigaw ko sa kanya. Sa pagkasabi ko na iyon sa kanya ay lalong pang bumuhos ang mga luha ko.

Nakita ko siyang umiiyak habang hawak-hawak niya ang namumulang pisngi, at siyempre hindi papatalo ang knight in shining armor niya na inaalo-alo si Haze na parang bata.

Pinapangako ko sa sarili ko, na kapag magkita man kami sa kung saan man, ay hindi na babalik pa ang tunay na Jadhrie na nakilala niya na konting tawag lang sa pangalan ko ay lilingon na agad ako at ngingiti!

Actually, napaka drama ko no'ng panahong iyon. Duh! Para sa 'kin nagbago na 'ko! Mas kinikilig na lang ako sa panonood ng mga romantic movies at romantic novels.

Saka napansin ko noon, sa bawat linyang binibitawan ko sa kanilang dalawa. Hindi ko yun expected na masasabi ko iyon sa kanilang dalawa.

Siguro nga kung ibang Grade 7 na iyan, ay magkakasabunutan at magkakasakitan na!

Pero, grabe iba ako! Siguro nga, mas ayos na rin iyon. Atleast, nasampal ko siya!

Uwian na no'n, at wala na akong kasabay pauwi. Si Haze lang ang lagi kong kasama papasok man sa school o pauwi.

Ngayon, wala na! Naglakad ako mag-isa palabas sa school, at nakakita ako ng mga magkakaibigan na tuwang-tuwa habang nagkukwentuhan. Hindi na ko sila pinansin at dire-diretso na lamang na naglakad.

Nag-aantay na ako ngayon ng masasakyan. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa, at tiningnan ang loob kung may pera pa.

Meron pa naman, kaya makakasakay pa talaga ako pauwi.

Naalala ko no'n, na lagi kaming naglalakad na lang ni Haze pauwi para makabili pa kami ng favorite naming barbecue, kung minsan naman ay kikiam at fishball.

Dahil nga, Grade 7 pa lamang kami ay masayang-masaya na kami no'n sa ganoong paraan. Ang importante sa amin ay magkasama lang kami lagi-lagi.

Sa gitna ng pag-aantay ko, ay nakita ko si Mack na nasa labas na ng school. Umiwas na ko ng tingin sa kanya, dahil baka mahuli niya akong tinitignan ko siya.

"Uhmm... Jad, may gusto lang akong---"

Naputol ang sasabihin niya sa akin dahil sinapawan ko na agad siya. Biglang kumulo ang dugo ko nang marinig ko na naman ang boses niya.

"Hanggang dito ba naman Mack magpapakita ka pa rin?! Tigilan mo na 'ko wala na tayo! Doon ka na kay Haze! Magsama kayo habang buhay!" Habang sinasabi ko iyon, ay hindi ako nakatitingin sa kanya. Ayokong makita ang pagmumukha niya!

May inabot siyang kulay asul na nakatuping papel. Tinanggap ko iyon at binuklat. Hindi ibig sabihin no'n, ay tinitingnan ko kung ano ang nakalagay doon.

Pinunit-punit ko iyon sa harapan niya at itinapon sa pagmumukha niya.

"Kung ano man iyan, Mack! Pwede ba tigil-tigilan mo na iyan! Hindi na tayo katulad dati, na kapag nag-away ay madadaan mo 'ko sa kakabigay mo ng letter sa 'kin! Doon mo na gawin iyan kay Haze!" Pagdidiin ko sa kanya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Talaga bang hindi mo na ako pwedeng patawarin?" Tanong niya.

"Aba! Malamang hindi na!"

Humarap ako sa kanya at dinuruan siya at muling nagsalita.

"Tatandaan mo ito, Mack! Kahit kailan, hinding-hindi mo na maibabalik pa ang dating ako! Hinding-hindi mo na ako dapat pang lapitan! Magsama kayong dalawa ni Haze!" Sigaw ko sa kanya.

Hindi sa pagiging maarte, ayaw ko na talaga! Sukong-suko na 'ko! Nakita ko sa mata niya na may tumulong luha.

Dapat lang iyan sa 'yo magdusa ka!

Hanggang doon na lang ang aming huling pagkikita. At simula noon, ay wala na. Magkita man kami, ay parang stranger na kami sa isa't-isa.

Alam kong may nararamdaman pa rin siya sa akin pero wala na akong pakialam doon.

Bumalik ako sa pagse-selpon at binasa ang mga chat nila.

ShelBabes added Hazielle Kiele Monson to the group

ShelBabes:

Oh ayan! Kumpleto na tayong lahat! Ayiiehh naman!

Aba! Buhay pa pala itong si Haze?

Kilala pa kaya niya ako?

Sila pa rin kaya ni Mack?

Hazielle:

Hi Guys?

Jon my BABY:

Whats with the ( ? )

Is it a typo?

ShelBabes:

Hayaan mo na siya, Jon my Baby... Paramdam ka naman diyan, Jadhrie! Here is your Bestfriend ahh este Ex-Bestfriend HEHEHE Just Kidding!!

Macky:

Wag mo naman ito gawin ShelBabes! You're just annoying them!

Jon my BABY:

Bro just chill!! Ilang years din naman tayo hindi nagkikita-kita, malay mo back to be friendships na ulit sila.

Macky:

Hayss!!!

ShelBabes:

Oo nga naman!!Tama ka diyan, Jon my BABY!! Let's just ask Jadhrie if they are back to be sisters!

Jon my BABY:

Nakaka-ilang mention ka na kay Jadhrie pero si-ne-seen ka lang, este tayo!!

ShelBabes:

Ok! Ok! Hahayaan ko na sila! Pero sana magka-mabutihan na sila...

Jon my BABY:

Oo nga naman!! ShelBabes, alam mo tayong dalawa lang din naman ang active dito! PM na lang doon tayo mag-usap.

ShelBabes:

😉 OK SIGE!!!

Bahala sila!

Kahit anong gawin nilang pakulo sa amin, hinding-hindi kami magkakaayos!

Lalong-lalo na kami ni Haze!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status