Home / All / RED FOREST / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 01:42:47

Sunday ngayon, at napagpasyahan kong mag gala-gala sa mall.

Dating myself again!

But it's okay!

No problem with that!

Sumakay ako sa kotse pinaandar ito.

Saang mall kaya ang may sale ngayon?

"Saan tayo pwedeng gumala, Haze?"

"Sa MekeniMall, my fave mall ever! Lagi kasing may mga sale doon! So ano na? Gala tayo?"

Arrgghh!! Bakit siya na naman!?

Napabuntong-hininga ako, doon na nga lang sa Mekeni Mall!

No choice! I'm just bored! At saka, andoon ang favorite na ice cream shop namin ni Haze---

Arrgghh!! My favorite ice cream shop pala!

Maya-maya ay nakarating na ako sa MekeniMall at dumiretso sa parking lot upang i-park ang sasakyan ko.

Nang ma-i-park ko na ang sasakyan ko, ay lumabas ako at dumiretso sa mismong entrance ng MekeniMall.

Thats our favorite place! Kapag papasok kami ni Haze sa loob ng mall.

We are all like superstar, 'pag dumadaan doon sa main entrance nila! May pa-red carpet kasi doon kapag papasok.

Napangiti na lang ako habang pumapasok sa loob ng mall. Wala paring pinagbago ang mall.

Pagkapasok ko sa loob ng mall, ay naramdaman kong dumidikit kaagad sa balat ko ang lamig na nanggagaling sa malalaking aircon doon sa loob ng mall.

Nagpagala-gala lang ako sa loob ng mall at siyempre as a bookworm na katulad ko, ay ito ang una kong pinupuntahan sa lahat.

Ang BookShopNess! Sana may mga bagong release ng books!

Pumasok ako sa loob ng bookstore at inamoy ko ang loob ng BookShopNess.

Amoy mga bagong libro! Ang sarap sa pakiramdam! Nakakawala ng stress!

Dumiretso ako kaagad sa section ng mga books at naghanap ng pwedeng mabilhan. Sa paghahanap ko sa mga books, ay may napukaw ng aking mga mata.

Fifty Shades Of Grey

By: E.L James

Agad ko itong nilapitan. Makukuha ko na sana ang libro nang may naunang humawak din nito. Nadismaya ako ng sobra-sobra, tumalikod ako at naglakad palayo.

Last stock na siguro nila iyon! Sayang naman!

Hindi pa ako nakakalayo, ay tinawag ako ng kung sino man sa likod ko. "Ahh... Miss, sa iyo na itong book." Napaharap ako at nakita kong inabot niya sa akin ang libro,agad ko namang tinanggap ito. Magpapasalamat sana ako sa kanya nang bigla siyang tumalikod at naglakad palayo.

Hindi ko na siya hinabol pa. Ang importante binigay niya sa akin ang libro.

T-teka!!!

Ang boses niya!

Parang pamilyar sa akin ang boses niya!

Medyo mahinhin ang boses niya.

T-teka hindi kaya si---

Haze iyon?

Arrgghh!! Si Haze na naman nasa isip ko!

Bakit lagi na lang siya?

Nakakairita naman! Haayyss!!

Baka hindi naman siya iyon, marami namang mga babae ang medyo mahinhin ang tono ng boses kapag nagsasalita. Masyado lang talaga akong isip ng isip sa kanya.

"Uyy! Fifty Shades of Grey oh!!" Turo ni Haze sa librong iyon na nag-iisa na lang sa bookshelf.

At dahil gustong-gusto kong mabasa ang librong iyon, ay nilapitan ko ito kaagad.

Tiningnan ko ang presyo na nasa likod ng libro. "Ang mahal naman Haze. Hays! Sayang naman! Hayaan mo, kapag yumaman ako bibilhin ko iyan para sa ating dalawa."

Binitawan namin ang libro at naghanap ng ibang mga librong kaya lang namin bilhin ni Haze.

Bakit lagi ko na lang naaalala si Haze?

Nakakainis naman!

Tiningnan ko ang libro. Hays! Bibilhin ko na nga! Dumiretso ako sa counter at binayaran ang book.

Lumabas na ako sa bookstore at sunod ko namang pinuntahan ang ice cream shop na nasa second floor.

I ordered dark chocolate ice cream, ang favorite kong flavor sa ice cream.

Inantay ko ang order ko sa counter. Binayaran ko na ito at naghanap ng mauupuan. I sit near at the window and start eating my ice cream.

"Ito yung favorite place ko sa lahat! Pag nakasama ako sa top sa school namin, ay dinadala ako dito ni mommy at binibilhan niya ako ng large dark chocolate ice cream. Tara bili tayo!" Pag-aaya sa akin ni Haze, hinila niya ang kaliwang kamay ko at pumunta na kami sa counter.

"Miss, 2 large dark chocolate ice cream po! Ililibre muna kita Jad, basta pag may pera ka ah! Dito tayo, bibili tayo ng ice cream." Sabi niya at agad naman akong tumango.

Nagbayad na si Haze sa counter, at kinuha na niya ang ice cream. "Doon tayo sa may bintana banda! Maganda doon lalo na kapag malalim ang iniisip mo o kaya may inaalala kang tao. Sabi ng pinsan ko, pag dito daw ako pumwesto at may naaalala akong tao, tumingin lang daw ako sa bintana, baka daw makita ko ang taong naaalala ko." Napatawa siya sa sinabi niya.

Sabay na kaming kumain ng ice cream, at habang lumalantak ice cream ay masaya kaming nag-usap.

Hindi ko napansin na nakatingin na pala ako sa bintana habang kumakain ng ice cream at inaalala na naman ang mga alaala namin ni Haze. Naaalala ko na naman si Haze.

Hays! Bakit sa lahat-lahat ng pwedeng maalala, bakit siya pa?

Hindi na ako tumingin sa bintana at pinag-tuunan na lang ng pansin ang kinakain kong ice cream. I open my phone, at nakita ko sa group chat namin ay madami-dami na ang mga nag-cha-chat.

Ang ilan dito sa mga nag-cha-chat ay iba pa naming mga kaklase. Talagang miss na miss na nila ang isa't isa! Nag-back read ako at binasa lahat ng mga chat nila.

Macky:

Guys! Saan kayo ngayon? Pwede ba kayo? Dali gala tayo! Bored ako dito sa bahay eh.

ShelBabes:

Basta libre mo!

Jon my BABY:

Sama ako dali!

Macky:

Tayo lang?

ShelBabes:

Bakit sino pa ba gusto mong makasama?

Si Jadhrie ba o si Haze?

Jon my BABY:

O silang dalawa?

Macky:

Nag-uumpisa na naman kayo eh! Wag na nga ako na lang ang gagala!

ShelBabes:

Joke lang eh! Dali na! Para makapag-handa na ako!

Macky:

Sige na nga! Uhm... Jad pwede ka ba ngayon?

Napataas ako ng kilay nang mabasa ang isang chat ni Mack.

Aba! Feeling close lang? Parang hindi niya nakakalimutan ang sinabi ko sa kanya ah!

Jon my BABY:

Oyy!! Ikaw Macky ahh!! Parang hindi kayo nag-away ah!

Macky:

...

ShelBabes:

Oh! Aba, Macky! Bakit mo naman niyayaya si Jadhrie?

Jon my BABY:

🎶Muling ibalik ang dating pag-ibig🎶 HAHAHAHA Sorry 😁

ShelBabes:

Pa-uso ka Jon my BABY? Tangina! Singerist ka na pala ngayon ah! HAHAHA

Macky:

Hays!

ShelBabes:

So, saang mall tayo ngayon?

Gusto ko na sanang mag-chat kaso ayaw ko talaga. I decide to close my phone at nag-focus na lang sa ice cream ko. Inunti-unti ko ang pagkain sa ice cream, ang sarap kasi talaga niya at nakakawala siya ng stress.

Nang maubos na ito, ay napagpasiyahan ko ng umalis sa ice cream shop nang may mapansin akong babaeng kakaupo lang sa harap ng inuupuan ko. She sits near at the window too, at napansin kong nakasalamin siya.

Napakunot ang noo ko nang mapansin ang nunal niya sa leeg. She is busy on her cellphone kaya kita ko ang nunal sa leeg niya. Tiningnan ko ang ice cream niya.

Same as like me! Ganoon din, dark chocolate ice cream din!

Parang familiar ang mukha niya. Parang nakilala ko siya matagal na. Sinuri ko ang bawat kilos niya.

After she use her cellphone, ay inilagay niya ito sa tabi ng ice cream niya. Nilantakan niya ito at kitang-kita ko sa mukha niya na nasasarapan siya.

Hays! Ayoko na siyang titigan pa! Mamaya ay mahuli pa niya ako na nakatitig sa kanya!

Baka kung ano pa ang sasabihin niya kapag tinititigan ko siya?

Na patay gutom ako?

Kaya gano'n na lamang ako makatingin sa kanya?

Hell no!

Napagpasiyahan ko na lang na umalis sa ice cream shop at umuwi na. Napatigil ako sa harap ng ice cream shop nang biglang nag-ring ang phone ko.

It's mom, she is calling me. Oo nga pala, hindi ako nakapag paalam sa kanya na aalis ako ngayon.

Tulog kasi siya at hindi ko na siya inabala pa, kaya dire-diretso akong umalis sa bahay nang walang paalam.

I answer mom's call.

"Where are you, Jadhrie? Kanina ka pa namin hinahanap saan ka ba?"

"Mom, sorry hindi ako nakapagpaalam sa inyo kanina tulog ka kasi at hindi na kita ginising pa, ang sarap kasi ng tulog mo eh! I'm at the mall now mom! Don't worry pauwi na ako diyan sa bahay."

"Okay sige. Ingat ka."

"Bye, mom!"

Binaba na niya ang tawag niya. Nakarinig ako ng mga tatlong magkakaibigan na masayang nagtatawanan.

Parang ngayon lang nakapunta sa mall amg mga ito, kung makahagalpak ng tawa eh parang nasa kalye lang gumagala.

Nakita kong dalawang lalaki at isang babae. Yung babae nasa gitna at yung dalawang lalaki naman ay nasa gilid niya, napansin kong nakahawak yung babae sa braso ng lalaking nasa kanan niya.

Parang familiar sila sa akin.

Napatigil sila sa harap ng ice cream shop. At tiningnan ang babaeng nakaupo sa tabi ng bintana.

Tinuro ng isang babae iyong babae na nasa harap ng upuan ko kanina sa loob ng ice cream shop.

"Teka! Si ano ba iyon?!" Sabi ng isang babae.

"Oo nga siya nga! Dali salubungin mo!" Sabi ng lalaki at tinulak ang isa pa niyang kasama lalaki. Napatingin nang masama ang lalaking tinulak niya sa kanya.

"Ahhh... Natin pala HEHE"

Dali-daling pumasok na sila sa ice cream shop at pinuntahan ang babaeng tinuro nila kanina.

Tiningnan ko lang sila na kinakausap ang babae. Nanlaki ang mata ko nang makitang niyakap ng babae ang babaeng nakaupo habang kumakain ng ice cream.

Nagulat ang babae at tinignan kung sino ang yumakap sa kanya. Nanlaki ang mata ng babae niyakap niya uli ito. Ang ingay nila siguro sa loob.

Sana palabasin sila diyan sa ice cream shop, mga ignorante!

Umupo ang babae sa harapang upuan ng babaeng kumakain ng ice cream. Ang dalawang lalaki naman ay nakatayo at nakatingin sa kanya.

Napansin kong hindi makatingin nang maayos ang isang lalaki dun sa babaeng kumakain ng ice cream.

Nanlaki ang mata ko nang mapansing nakatingin na pala ang lalaking iyon sa akin yung tinutukoy ko kanina.

Nakita ko ang mukha niya, para siyang nabuhayan na ewan.

Nagsalita ang lalaki at hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi niya pero base sa galaw ng bunganga niya, ay parang pangalan ko ang sinabi niya. Tumuro pa ito sa akin.

Sa akin nga ba?

Napatingin ako sa likod ko ngunit wala namang tao roon, kaya alam 'ko na ako nga ang tinuturo ng lalaki sa loob ng ice cream shop.

Nagulat ako nang tumingin ang iba pa niyang mga kasama sa akin. Napatayo sila at mabilis na lumabas sa ice cream shop.

Palabas pa lang sila ng ice cream shop, ay kumaripas na agad ako ng takbo.

Ayokong makita sila. Lalo na ang dalawang taong kasama nila.

Andito na ako ngayon sa parking lot at pinaandar ang sasakyan at napagpasiyahang umuwi na.

Hindi ko akalain na ngayong araw pa kami magkikita-kita.

Si Haze nga ang babaeng nasa harapan ko lang kanina. Siguro siya rin ang nagpaubaya na ibigay sa akin ang libro na paborito ko.

Si Shelby yung babaeng yumakap kay Haze sa loob ng ice cream shop, at sina Jon ang isang lalaki at si Mack ang lalaki kanina na nakatingin sa akin at napaturo pa.

Nakakapanibago ang mga mukha nila. Lalo na si Haze, nagmukha siyang nerd sa suot niyang salamin at bagay na bagay sa kanya ang bagong hair style niya.

Si Mack naman, napaka-manly na ng katawan, at pumuti pa siya lalo, tumangkad na rin siya hindi tulad ng dati na pantay pa ang height naming dalawa. Kahit malayo ang pagitan namin kanina ay alam ko ng tumangkad siya.

Na-mi-miss ko na sila sobra! Pero, kung hindi sana nakaaway ko sina Haze at Mack, baka nagyakapan pa kami kanina.

Hays! Ayoko na silang isipin pa!

Paniguradong pag-uusapan ako ng mga iyon sa group chat mamaya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status