Home / All / RED FOREST / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 01:43:23

Macky's P.O.V

Hindi ako makapaniwalang sa iisang mall pa kami magkikita-kita. Una, si Haze sunod naman si Jad.

Speaking of Jad, bakit siya umalis nang makita namin siya?

Nahihiya ba siya?

Nag-iba ang mukha niya, nakakapanibago. Mas lalo pa siyang gumanda. Naalala ko noong huli naming pag-uusap.

Sa labas pa ng school iyon, naalala ko noong binigyan ko siya ng letter.

Actually, gawa pa namin ni Haze iyon para mapatawad siya. Pero, ambilis niya magbago.

Naalala ko pa noon ang sinabi niya sa akin na lalong nakapag padurog ng puso ko, na kapag magkita kami kung saan man, ay hindi na mababalik pa ang dating Jad na nakilala ko. Pinanindigan niya talaga ang sinabi niya sa 'kin.

"Bakit na lang siya umalis agad?" Nagtatakang tanong ni Shelby,nanghihinayang dahil tinakbuhan na lang kami basta-basta ni Jad.

"Actually, kanina ko pa siya sinusundan. Sa bookstore, doon ang una naming pagkikita. No'ng nakita ko nga siya, natuwa nga ko eh, kasi nagkita ulit kami. Hindi ko naman siya kayang tawagin dahil nga sa nangyari sa amin." Aniya at napayuko. Ramdam ko sa kanya ang pagka-miss kay Jad. Same as like her, I miss her too.

Actually nga noong nangyare ang pag-aaway namin sa room, nag break na kami ni Haze. Ayaw niya kasing nag-aaway silang dalawa.

Kaya noong nagpasya na kong magbreak na kami, ay gumawa siya ng paraan para magkaayos sila ni Jad.

Pero wala talaga, ibang-iba na talaga ang Jad na nakilala namin. Wala na siyang pakialam sa amin, sa mga kaibigan niya. Naging cold na siya sa iba, ni hindi na rin siya marunong ngumiti sa iba.

Nag gala-gala lang kami kahit saan. Nakwento sa amin ni Haze na siya pala ay sa ibang bansa na mag-aaral sa susunod na taon.

Masaya ako sa kanya kasi natutupad na niya yung mga pangarap niya. Kita ko sa mukha niya habang nagkukwento siya sa amin ay walang kasiyahan sa mukha niya.

Siguro iniisip pa rin niya si Jad hanggang ngayon. Sabagay, nang makita nga namin siya sa harap ng ice cream shop ay nakita kong sumigla siya.

No'ng hahabulin nga namin dapat si Jad, mas nauna pa siyang lumabas kaysa sa amin.

Pauwi na ako at may dala-dala akong pizza para kay lola. Ito kasi ang paborito niyang snack. Pinarada 'ko na ang kotse ko at pumasok na 'ko ng bahay.

Pagkapasok 'ko, nakita ko na agad si lola na nanonood ng TV. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Oh! Apo, saan ka galing?" Salubong niyang tanong sa akin.

"Sa mall po lola, nagbonding lang kami ng mga old friends ko." Sagot ko sa kanya.

Napatango na lamang si lola. Buti na lang at hindi si daddy ang naabutan ko dito, paniguradong pagagalitan ako no'n. Inilapag ko sa mesa ang pizza at binuksan iyon.

"Lola, kain po tayong pizza." Yaya ko sa kanya.

"Andiyan ba ang paborito kong flavor ng pizza?" Tanong niya habang tinitingnan ang box ng pizza.

"Opo, lola. Actually nga po, ang kalahati niyan is hawaian at ang kalahati naman po is vegetarian."Sabi ko at saka binuksan na ang box ng pizza para makakain na kaming dalawa ni lola.

Iyang dalawang flavor sa pizza ang pinaka gusto naming dalawa ni lola kainin pag nasa mall kami.

Habang lumalamon ng pizza, ay binuksan ko ang phone ko at nakita kong maraming nag notify sa group chat namin. Lalo na itong dalawang ito na laging active sa group chat, sina Jon at Shelby.

Dito pala nila sinend ang picture namin, ang daming nainggit sa amin na mga dati naming kaklase.

ShelBabes:

Thanks sa libre bro Macky!! Sa uulitin!! Wahhh!!! Monday na naman bukas!!

Jon my BABY:

I HATE MONDAY AHHH!!!

Macky:

Sige ba!!! Sana sa susunod kasama naman yung iba.

ShelBabes:

By the way, bakit nga pala tinakbuhan tayo ni Jad kanina? Nahihiya ba siya?

Macky:

Baka...Ewan...

Jon my BABY:

Bro! I-chat mo nga! Sayang naman yung kanina! Bakit niya kasi tayo tinakbuhan?

Hindi ko na siya sinagot pa sa group chat at dali-daling sinearch ang pangalan ni Jad.

Jadhrie Honey 💕

Active 1 hour ago

Mackybibi:

Jad, bakit mo naman kami tinakbuhan kanina? Sayang yung chance oh! Is it because of me or Haze?

I decide to chat her kasi nanghihinayang ako lalo na si Haze kanina sa mall. Gusto na rin kasi niyang makipag-bati na.

Lalo na ako.

Andito pa pala ang mga old conversations namin. Na-miss ko ang mga i love you-han namin ni Jad. Nagbackread ako sa mga cringy chats namin.

Napangiti ako, kasi andito pa rin ang mga memories namin, lalo na ang mga long messages namin sa tuwing monthsary at anniversary namin, mga pictures, at yung mga suyuan namin pag nag-away kami at iba pa.

Sana bumalik ang dating Jad na nakilala ko. Para sa ganoon, ay liligawan ko ulit siya at hindi na 'ko maghahanap pa ng iba.

Jadhrie's P.O.V

Pagkadating ko dito sa bahay, ay nakita ko kaagad si Mommy. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Sorry Mommy, ginabe ako ng uwi."

Gumanti rin siya ng yakap. "Okay lang Jad, at least alam ko kung nasaan ka kanina."

Kumalas na siya sa pagkakayakap. "Bakit ka nga pala ginabe ng uwi?"

"Nakita ko po kasi yung mga old friends ko po." Sagot ko sa kanya.

"So, gumala pa kayo?"

"Hindi po. Tinakbuhan ko po sila para 'di nila ako makita." Sagot ko na nakapag-pakunot ng noo niya.

"At bakit mo tinakbuhan? Sino ba iyang mga kaibigan mo?"

Ang daming tanong ni Mommy.

"Sina Haze po at si Mack kasama yung iba pa po naming kaklase."

Pagkatapos kong sagutin iyon, ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Sinadya ko iyon para hindi na siya makapagtanong pang muli.

Lalo na't si Haze at si Mack ang pag-uusapan namin.

Baka kung saan pa mapadpad ang topic namin. Pagkatapos ko magbihis at mag-ayos, ay dali-daling humilata na ako sa higaan.

Monday na pala bukas at back to be a student na naman ako. Hindi na ko nagbukas pa ng phone, baka kung anong oras na naman ako makatulog.

Ipinikit ko ang aking mata at nagsimula na akong makaidlip na.

"Sorry na, Jad."

"Ayoko nang mag-away pa tayo."

"Sana, mabalik pa ang dating ikaw na kapag nakikita mo ko, abot tainga ang ngiti mo."

"Na-mi-miss na kita, Jad."

"Na-mi-miss ko na ang mga ngiti mo at lalong lalo na ang mga pinagsamahan natin."

"Nagsisisi na ako, Jad. Maling mang-agaw sa may relasyon. Pero, Jad may hindi ka nalalaman sa akin--"

Napansin kong may tumulong likido na nagmumula sa mata ko. Dumilat ako at naramdamang humihikbi pala ako at nang hawakan ko ang gilid ng mata ko ay mayroong tumulong luha na pala.

Napahilamos ako sa mukha ko. Bakit ako umiyak nang tulog? Hindi naman ako ganito dati. Hays! Pinunasahan ko ang mga luha ko at napaupo sa higaan ko.

Napaginipan ko si Haze, lumuluha siya sa harapan ko at nagmamakaawa na magbati na kami.

Pero ako, nananatiling seryoso at hindi makatingin sa kanya. Pero... M-may huli siyang sinabi sa akin sa panaginip ko na hindi na natuloy.

Hays! Isa na namang masamang panaginip. Bumaba ako sa aking kama at uminom ng malamig na tubig. Bumalik na ulit ako sa pagkakahiga at muling ipinikit ang aking mata at umidlip.

Hazielle's P.O.V

Nakauwi na ko sa bahay at napansing walang tao sa sala. Ang aga naman nila matulog lahat. At dahil nga wala akong makita ni-isang tao sa sala, ay dumiretso na ako sa aking kwarto.

Nagbihis muna ako at umupo sa higaan. Hindi pa naman ako dinadalaw ng antok, kaya napagpasiyahan kong magkape. Umupo ako sa aking upuan na malapit sa bintana.

Nakikita ko ang mga bituwing nagniningning. Sa tuwing tumitingin ako sa langit, ay naaalala ko ang makaluma kong malaking telescope.

Naaalala ko pa nito na sa tuwing ganitong oras ay nag-i-star gazing kami ni Jad. At naalala ko pa noon, na minsan na naming ginamit ito sa pagsilip sa kapitbahay namin. Tuwang-tuwa pa kami noon sa mga kalokohan namin ni Jad.

"Jad, sana magkaayos na tayong dalawa." Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga bituwing nagniningning.

Nang maubos na ang kape ko, ay napagpasiyahan kong magbukas ng cellphone at dumiretso sa gallery.

Andito pa lahat ng mga pictures namin ni Jad, simula noong mga bata pa lamang kami.

Ang huli naming picture sa isa't isa, ay noong frienniversary namin. Matapos ang tatlong araw, ay doon na kami nag-away nang dahil kay Mack.

Kung alam niya lang ang pinagdaanan ko noon, ay baka maiintindihan niya ako at hindi pa mauuwi sa awayan naming dalawa.

Siguro kung tulog man ngayon si Jad sana mapaginipan niya ako.

Sa aking pagtitingin sa mga pictures, ay nakita ko ang nag-iisang picture ni Mack. Ngiting-ngiti siya habang ako ay nakatingin lamang sa kamera.

Napabuntong hininga na lamang ako at napagpasiyahang humiga para dalawin ako ng antok ko. May pasok pa pala ako bukas, buti na lang at panghapon ang oras ko sa klase.

Dumako naman ako sa mga chat namin ni Jad. Binasa ko ang lahat ng mga chat namin simula umpisa.

Nang maramdaman kong dinadalaw na ako ng antok, ay pinatay ko na ang aking cellphone at pumikit para makatulog na ako.

Masaya akong nagkita kami ni Jad kanina, lalo na noong nasa bookstore kami. Nagpaubaya na akong ibigay sa kanya ang libro, dahil nga nagpromise siya na bibili siya nun at maghihiraman kaming dalawa.

Kaya nga noong nakita namin siya kanina, nabuhayan ako at nang lalapitan na sana namin siya ay umiwas siya sa amin, bumalik muli ang lungkot ko.

Nagbago na si Jad. Sana mag-ayos na kaming dalawa, habang nandito pa ako sa sarili kong bansa.

Dahil sa ibang bansa, doon ko na ipagpapatuloy at tatapusin ang aking pag-aaral. Doon na rin siguro ako makakapaghanap ng aking mapapangasawa at magkakaroon ng pamilya.

Sana naman hindi sa mall ang aming huling pagkikita. Sana, magkita o makasama ko man siya kahit saan at doon ko sa kanya ikukwento ang lahat-lahat.

Gusto kong maramdaman ang maiinit at mahihigpit mong yakap, hanggang sa huli nating pagkikita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status