LOGIN
Jadhrie's P.O.V
[ 5:35 am ]
I am here in front of our school. It is already Monday, and balik iskwela na naman ako. Makikita ko na naman ang mga kaklase ko at siyempre ang mga kaibigan ko.
Pagkapasok ko sa room, ay nakita ko na kaagad ang mga kaibigan ko.
"Goodmorning sis!" Bati sa akin ni Hannah.
Nginitian ko lang siya. Pumasok na ang unang subject teacher namin at nagsimula na siyang magklase.[ 12:20 pm ]
Natapos na ang klase namin at sa wakas ay uwian na. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko. Pagkalabas ko sa school nag-antay na ako ng masasakyan ko pauwi.
"Jadhrie!!"
May tumatawag sa akin. Lalaki ang boses niya at alam ko kung sino iyon. Bakit siya nandito? Ano na naman bang mga eksplanasyon ang mga sasabihin niya sa akin?
Hindi ko siya nilingon. Naramdaman kong nasa tabi ko na siya.
"Kung ano man ang sasabihin mo sa 'kin please lang umuwi ka na" Pauna ko sa kanya.
"Ang tigas pa rin talaga ng puso mo. Akala ko pa naman na makakalimutan mo na ang sinabi mo sa akin nung huli tayong magkita." Ani niya.
Nanatili akong nakatingin nang diretso at wala akong balak pakinggang ang sinasabi niya.
Ano na naman kaya ang pakay niya dito? Sesermonan na naman ba niya ko? At saka ano ako tanga para kalimutan ang sinabi ko sa kanya last 3 years ago?
Kung alam lang niya na hindi ako ganoon na malilimuting tao para kalimutan ang mga sinabi ko sa kanya.
"Please naman Jad, lingunin mo naman ako, kahit ganoon lang." Pag-mamakaawa niya sa akin.
"Kapag ba nilingon kita aalis ka dito?" Tanong ko sa kanya.
"O-oo...H-hindi!" Pagbabawi niya sa sagot niya.
Hinayaan ko lang siya.
"Jad, bakit ka nga pala umalis kahapon?" Tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot. Bakit naman kasi ang tagal ng jeep dumating?
"Jad, please... Kausapin mo naman ako. Pangako pag pinansin mo ako hindi na kita papakialaman pa."
Nakita ko ang padating na ang jeep. Hay salamat!
Pumarada na sa harapan ko ang jeep. Sasakay na sana ako ng jeep nang hilain niya niya ang braso ko.
"Kuya umalis na ho kayo!" Sambit ni Mack sa drayber ng jeep.
"Nako ah! Ayusin ninyo agad iyang problema niyo magnobyo." Pagbibiro pa ng drayber at saka umalis na ito.
Hinawi ko ang braso ko na hawak-hawak niya. Lalong umunit ang dugo ko dahil sa ginawa niya.
"ANO BA SA TINGIN MONG GINAGAWA MO MACK?!" Sigaw ko sa kanya.
"PWEDE BA TIGIL-TIGILAN MO NA 'KO AYAW KO NG MAKITA PA KITA, NI-AYAW KONG MAHAWAKAN KA!!"
Nakita ko sa mga mata niya na may tumulong luha.
"Please Jad... Nagsisisi na 'ko... Sorry Jad kung nabago ko ang ugali mo. Alam mo ba kahapon sumigla ako lalo dahil nakita kita."
"WALA AKONG PAKIALAM SA IYO!! ANONG TINGIN MO SA AKIN?! MADALING MAGPATAWAD?! MACK, DATI LANG IYON NOONG TAYO PA!! PERO NGAYONG WALA NA TAYO HINDI NA AKO GANOON! MAGSAMA KAYO NI HAZE!!"
Tumalikod ako sa kanya at dire-diretsong naglakad.
Hindi pa ako nakakalayo sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi niya.
"Nag-break na kami ni Haze, noong nagkagulo tayo sa room noon. Ayaw niya na nagkakaaway kayong dalawa dahil kapatid na ang turing sa iyo ni Haze. Yung binigay ko sa iyo noong uwian na letter. Galing iyon sa kanya. Humihingi siya ng tawad sa 'yo. At saka kahapon sinabi niya sa amin na sumigla siya nang makita ka ni Haze kahapon. Nalungkot lang siya noong hindi mo man lang kami pinansin at dire-diretsong umalis. Jad, aalis na si Haze pupunta siyang ibang bansa at doon na ipagpapatuloy ang pag-aaral niya. Pero tatapusin na niya muna itong sem na 'to saka siya mangingibang bansa. Sabi niya sa amin na sana naman maramdaman niya ulit ang yakap mo at sana magkaayos na kayo habang hindi pa siya umaalis."
Nanatili pa rin akong nakatalikod habang nagsasalita si Mack. Napapikit ako para hindi ako maiyak sa sinabi ni Mack.
At dahil matigas na talaga ang puso ko, napagpasiyahan kong dumidiretsong maglakad.
Macky's P.O.V
Maagang natapos ang klase namin kaya napagpasiyahan kong pumunta sa school ni Jad.
Gusto ko lang siyang makausap at gusto ko rin sabihin na luluwas si Haze papuntang ibang bansa at doon na mag-aaral.
Isang sakayan lang naman papuntang school ni Jad kaya hindi na ako nag-dalawang isip pa na puntahan ang school ni Jad.
Nakarating na ako sa school niya. Halatang hindi pa labasan kasi tahimik pa ang labas ng school nila. Umupo ako sa gilid at nag-antay na maglabasan ang lahat ng istudyante doon.
Napatayo ako nang marinig ko ang pagbukas ng malaking gate ng school at doon ay nagsilabasan na lahat ang mga istudyante. Sa dami ng mga istudyanteng nagsilabasan hindi ko makita si Jad.
Naalala ko na mahaba pala ang buhok niya kaya mas napadali ang paghahanap ko. Maya-maya ay may nakita akong babaeng mahaba ang buhok. Mag-isa lang siya at nandoon na siya sa antayan ng mga sakayan.
Tinawag ko siya at hindi man lang niya ako nilingon. Baka naman hindi niya ako narinig, nilapitan ko siya at kita ko sa mukha niya ang pagkaseryoso.
Nang matapos ang pakikipag-usap ko sa hangin ay nagpasiya na akong umuwi na lang sa bahay.
Nag-expect ako na kakausapin niya ako ng maayos at magkakaaayos na kami ngayon. Hays! Nagsisi tuloy ako na pinuntahan ko pa siya sa school niya.
Pero hindi ako susuko gagawa at gagawa ako ng paraan magbati lang kami. Lalo na sila ni Haze.
Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at pabagsak na humiga doon. Nagpalabas ako ng malalim na hininga dahil sa nangyari kanina.
Siguro kailangan ko muna maghanap pa ng tamang oras para makapag-usap kami.
Jadhrie's P.O.V
Nilakad ko pauwi sa bahay. Pawis na pawis ako nang makarating sa bahay. Bwiset kasi itong Macky na ito! Pumasok na ako sa loob at nakita kong kumakain si mommy mag-isa.
"Mommy!" Lumapit ako sa kanya nag-mano.
"Oh! Bat ngayon ka lang nakauwi?" Tanong ni Mommy.
Nako! Nakalimutan kong maghanda ng idadahilan kay mommy. Sabihin ko kaya ang totoo na dahil kay Macky hindi ako nakauwi ng maaga?
"May groupings kami Mommy... Nagreready na po kami sa gagawin naming research paper." Pag-dadahilan ko.
Baka kasi kung sasabihin ko ang totoo sa kanya baka kung amo na naman ang itanong niya sa 'kin.
Pagkasabi ko nun ay pumunta ako sa aking kwarto. Nagbihis muna ako at saka humilata sa higaan.
Buti na lang at walang nakatambak na mga assignments kaagad. Idecided to open my phone and then nanlaki ang mata ko nang makitang nag-chat pala si Macky sa akin.
Kagabi pa pala ang chat niya na ito. Sineen ko lang siya, bahala siya!
ShelBabes:
Guys wala ba tayong planong mag-gala-gala kahit saan? Reunion ganern...Gelard:
Trending ngayon yung sinasabing Pulang Kagubatan ngayon. Actually wala pang nakakarating na mga turista doon.Jon my BABY:
That's Good! Malayo ba iyang Pulang Kagubatan na iyan?Gelard:
Hindi ko sure eh! Hindi kasi siyang kilalang lugar.ShelBabes:
Paano nasabing Pulang Kagubatan iyon?Gelard:
Hindi ako si Kuya Kim pero sabi nila paggabi daw doon ay nagiging pula ang kalangitan. Ang weird 'di ba?ShelBabes:
Oo nga ang weird nun... Pero mukhang nakaka-enjoy naman. Maganda doon mag-pictorial...Jon my BABY:
Paano pala kung may mga engkanto doon?ShelBabes:
What the!!! Jon my BABY kahit kailan hindi ka naging matapang.Jon my BABY:
Pero kaya naman kitang ipaglaban HAHAHAHAShelBabes:
Ipaglaban? Eh duwag ka nga HAHAHAHAGelard:
Kailan ba kayo ikakasal ah?ShelBabes:
Pag naging maitim si Snow White HAHAHAHAJon my BABY:
Ang corny ShelBabes!!! Paano kita mapaangasawa niyan kung corny ka?ShelBabes:
Eh 'di mag-asawa ka ng clown HAHAHAHAGelard:
Itong mga ito HAHAHA so ano doon na tayo? Kelan tayo pupunta doon?ShelBabes:
Pag pumayag ang iba pa nating mga kaklase... Basta ako go ako kahit saan basta kasama si Jon my BABY...Viñea:
Paano kung doon na tayo mamamatay?Gelard:
Tangina Viñea kung ganyan lang din ang sasabihin mo pwede ba manahimik ka na lang?ShelBabes:
Hindi ka pa rin nagbabago Viñea.Viñea:
Malay niyo lang naman.Jon my BABY:
Napaka-Kill Joy nitong babaeng ito!!! Parang tanga.Si Viñea Pallajes ang pinaka-kakaibang babae sa amin sa room dati. Marami ang nambubully sa kanya dati dahil sa mga kawirduhang pinagsasabi niya.
Balita ko hindi na niya itinuloy ang pag-aaral niya kasi nga marami talagang nambubully sa kanya.
Fieldtrip namin ngayon at pupunta kaming Baguio. First time kong sumama sa field trip at nakasama ko pa si Haze.
Ang dami niyang dalang pagkain noon. Sabi niya para sa amin lang iyon.
"Pahingin naman ako kahit isang Cracklings diyan Haze." Sabi ni Shelby.
Ngumiti si Haze at tiningnan ako.
"Pwede ba?"
"Bakit ako ang tinatanong mo? Eh sa iyo naman iyan." Sabi ko sa kanya.
"Paano kung kukulangin tayo sa pagkain?"
Nanlaki ang mata ko nun nang sabihin niya iyon.Natawa ako nang bahagya at tiningnan siya. "Oh! Bakit ka naman tumatawa diyan? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Nagtataka niyang tanong.
"Paano ba naman kasi, ang dami-dami ng dala mong pagkain tapos kukulangin pa tayo niyan? Eh alam mo naman na hindi ako pala-kain ng Cracklings eh. Siguro dalawnag malaking Cracklings lang sakto na sa atin iyon."
"Sige na nga HAHAHA! Oh heto Shelbs, hati kayo diyan ni Jon." Sabi niya at nagbigay ng malaking Cracklings kina Shelby at Jon.
"Salamat!!!"
Magkahiwalay kami ng upuan ni Macky kasi ayokong nasa dulo umupo. Saka andoon ang mga kabarkada niya. Kaya dito ako sa harapan kasama si Haze.
Naglabas ako ng libro sa bag ko. "Anong title niyan Jad?" Tanong ni Haze nang makita niya na naglabas ako ng libro.
"School Trip by Soju" sagot ko sa kanya.
"Maganda ito lalo na at nasa field trip tayo." Dagdag ko pa.
Naglabas din siya ng libro at hindi na ako nagtaka pa kung ano iyon. Isa ding sa favorite book namin ni Haze.
"Kaya bang tapatan iyan ng Possessive Series ko?" Ipinakita pa niya sa akin ang book na dala niya.
"Ikaw talaga Haze, hindi ka pa ba nagsasawa diyan?"
"Hindi eh! Alam mo naman na dahil dito marami na tayong nalalaman." Biro niya.
Napangisi na lang ako at sabay kaming nagbasa ng libro.
Ang ingay naman sa likod naririnig ko ang malakas na tawa ni Macky. Hindi ko naman siya masaway kasi nga nasa dulo siya.
"Boys at the back pwede ho bang pakihinaan ang mga boses niyo please lang patulugin niyo naman ako pati yung ibang mga co-teachers ko dito nakakahiya kayo!" Saway ng adviser namin sa mga kaklase namin.
"Sorry Maam." Sabay nilang sabi.
Sa gitna ng pagba-byahe namin ay nagulantang kami nang marinig na nagsisigaw si Viñea.
"MAMAMATAY TAYO DITO!!"
"MAMAMATAY TAYO DITO!!"
Paulit-ulit niyang sambit. Napatigil ang bus sa pagsigaw ni Viñea. "Co-teachers paki-asikaso muna ng isang student doon sa may bandang gitna. Baka naguguton lang iyan siya." Sambit ng tour guide namin.
Nagsipuntahan ang mga teachers kay Viñea at sinusuri ang kalagayan niya. Hindi pa rin siya tumitigil sa kakasigaw.
Wala pa naman din siyang kasamang magulang doon. Kaya ang ginawa ng mga teachers ay sinamahan nilang lumabas si Viñea sa bus at doon pinagaan ang loob niya.
Hindi namin alam ang ginawa ng mga teachers sa labas dahil sa takot naming lahat. Pagkatapos ay bumalik na sila sa loob ng bus at kita ko sa mukha ni Viñea na namumula siya.
Maayos na ang pakiramdam niya. "Students, please pag nakarating na tayong Baguio ay samahan ninyo si Viñea, wag niyo siyang iiwanan. Wag kayong matakot kay Viñea, hindi siya nananakit. Nanaginip lang siya nang masama kaya siya ganoon." Anunsyo ng tour guide namin.
Maayos naman ang pagdating at pag-uwi namin. Si Viñea, hindi na naulit pa ang nangyari sa kanya.
Kaya noon, ay sa tuwing aalis o may pupuntahan kaming malayo ay hindi na siya isinasama ng magulang niya.
Hindi rin alam ng magulang niya kung bakit siya nagka-ganoon. Hindi nga ba?
Nang maalala ko iyon, natatakot pa rin ako. Paano kung sumama siya sa reunion?
Sana hindi na maulit pa ang ginawa niya kung sakaling sasama siya sa reunion namin.
Ako kaya sasama kaya ako sa reunion?
Pag-iisipan ko muna.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong