Home / All / RED FOREST / Chapter 5

Share

Chapter 5

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 02:11:37

Jadhrie's P.O.V

Nagbabalak na naman gumala ang mga ito. Hindi pa rin ba sila kuntento noong gumala pa sila?

ShelBabes:

So kailan tayo gagala?

Gelard:

After 3rd Examination kaya. Ilang araw din tayong papabalikin sa school kaya sulitin na natin!

ShelBabes:

Sige ba! Paano na yung iba?

Gelard:

Tanungin natin sila.

Jon my BABY:

Wazzup! Oh nagpaplano pala kayong gumala! Sama ako ah!

ShelBabes:

Siyempre naman! Ikaw pa, pag ako sasama kailangan kasama ka din!

Jon my BABY:

Sama natin sila Macky, Haze at si Jad. Para makapag-bonding naman sila. Malay mo doon pala sila magkaayos di ba?

ShelBabes:

Haze and Jadhrie, go ba kayo?

Jadhrie:

Nope.

ShelBabes:

But why?

Gelard:

Sama ka na Jad!! Mabobored ka niyan after exam. Sige nga anong gagawin mo sa loob ng 14 days? Wala 'di ba? Kaya sumama ka na.

Jon my BABY:

Dahil ba, kasama si Haze at Macky?

Jadhrie:

Nope

Gelard:

Ughh!! Ang cold naman, Jad. Pati kami damay sa problema ninyo ni Macky at Haze?

Aba kung makaasta ito ah!

Jadhrie:

At ano ang gusto mong sabihin ko?

Do I need to explain why?

Gelard:

Just answer my fucking question Jad!

Macky:

Hey Gelard stop it! Hindi kayo damay sa away namin okay? Ako na ang sasagot sa tanong mo.

Gelard:

Here's the knight and shining armor.

Macky:

Hey bro! Kung makaasta ka akala mo naman close tayo!

Hazielle:

Stop it okay?! Ngayon na nga lang ulit tayo nag-reunite bakit mag-aaway pa kayo?! Hindi na kayo bata okay?!

Gelard:

Okay... I'm done!! Hindi ko kayo kayang kalabanin.

ShelBabes:

Okay guys stop it!! May point si Haze okay? Wag na kayong mag-away pa.

Haze:

Wala ka na doon Gelard sa pag-aaway namin ng bestfriend ko okay? Wala kang nalalaman pa sa pinagdadaanan namin ngayon. I'm warning you na oras na aawayin mo ang bestfriend ko, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka.

So? She's saving me huh? So plastic... Hindi ko ramdam ang sinseridad niya sa 'kin. Sa tingin naman niya sa mga sinasabi niya na iyan lumalambot ang puso ko?

Huh! No way! Matutuwa pa 'ko kapag ang ipinagtanggol niya si Gelard.

ShelBabes:

Okay so... Stop na guys... Sana kapag mag-a-outing tayo, sana hindi na ito mauulit pa.

Jon my BABY:

ShelBabes pm mo ko dali may sasabihin ako sa iyo.

ShelBabes:

Okay...

Hazielle's P.O.V

Sasama ako sa outing kapag sumama si Jad. I missed her so much! I want to talk to her.

Sana sapat na ang sinabi ko sa group chat para naman mabawasan kahit konti ang pagkagalit sa akin ni Jad.

Gusto ko siyang tawagan. Gusto kong makapag-usap kami kahit konti lang. Gumaan lang ang loob ko. Kasi kanina ko pa siya sa school iniisip.

Naiisip rin kaya niya ako?

Huminga ako ng malalim at napagpasiyahang tawagan si Jad.

She answer the call.

"Yes, hello? Who is this?"

Maluha-luha ako nang marinig ang boses niya.

"Uhmmm Jad... Busy ka ba? Pag hindi ka busy please can I borrow your time para mag-usap tayo." Sabi ko habang nag-uumpisa nang tumulo ang luha 'ko at sinasabayan pa ng pag-hikbi ko.

Naririnig ko ang paghinga niya.

"S-sorry but I'm busy."

"P-please J-Jad I n-need s-someone to talk. Hindi ako makatulog kakaisip sa 'yo araw-araw. P-please Jad, kahit hindi mo ko kausapin please kailangan ko lang ng may makikinig sa akin." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Ano kaya ang nararamdaman niya ngayon?

"Haze stop it okay? Alam kong pinaplano niyo ito ni Macky kaya please wag ako okay? "

What? Plano namin ni Macky?

No!!!

"B-but please Jad I need you now. At saka walang kinalaman si Macky dito sa pag-tawag ko sa iyo. I plan it all by myself only. Jad, mag-isa na lang ako sa buhay ko. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko. Tanda mo pa ba noong mga bata pa tayo? Jad, ikaw lang nakakaintindi sa 'kin. Kaya sa iyo ko inilalabas lahat ng hinanakit ko. Na kahit ka-corny-han ko sa iyo ako kaagad lumalapit. Ngayon mo lang ako tinanggihan ng ganito Jad. Matigas pa rin ba ang puso mo? Please palambutin mo naman iyan kahit konti lang. Iba ka na Jad. Please naman, Jad. Kahit ngayon lang, paglaanan mo ako ng oras para makapag-explain sa iyo at malaman mo ang totoo na---" Hindi na natuloy ang sasabihin ko. Pinatay na niya ang tawag. Napahagulgol ako ng sobra.

Sa sobrang pagkaiyak ko napaluhod ako at humiga sa sahig at doon ko pinagpatuloy ang pag-iyak ko.

Ang sakit sa puso, na ngayon ka lang tinanggihan ng itinuring mo ng isang tunay na kapatid kahit hindi kayo magkadugo. Ang sakit sobra daig ko pang sinaksak ng isang daang beses sa puso sa sobrang sakit.

Pero hindi ako susuko sa kanya hangga't hindi kami nagkakaayos. Ramdan ko, ramdam ko na sa puso ko na malapit na ang araw na magkakaayos rin kami.

Shelby's P.O.V

Ano kaya ang sasabihin ni Jon sa akin?

Jon

Active Now

Jon:

Diba may outing tayo after exam?

Me:

Yeah!

Jon:

Kailangan matuloy iyon. Para na rin makapag-ayos sina Haze, Macky at Jadhrie.

Me:

You have a point Jon.

Jon:

Good!

Si-neen ko na lang siya dahil wala na akong masasabi pa sa 'Good' niya.

Actually, he has a point, kailangan matuloy ang outing at kailangan mapapayag ko si Jadhrie.

Si Macky, for sure sasama iyon. Si Jadhrie na lang talaga ang kailangan naming pilitin na mapapayag.

Concern ako sa kanilang tatlo lalo na sina Haze at Jadhrie. Naging kaklase ko na sila way back 2011.

Grade 1 kami noon at lagi kong napapansin na lagi silang magkasama. Napagkamalan ko pa nga silang magkapatid kasi nga kung nasaan si Jadhrie andun din si Haze. Hanggang noong Grade 7 hindi na talaga sila mapaghihiwalay.

Ang solid ng relationship nitong dalawang ito. Yun nga lang, nang dahil nga kay Macky, nag-away na sila. Nag-promise pa naman din sila sa isa't isa na hindi sila maghihiwalay.

Actually nga noong nag-away sila, grabe ang tensyong nagaganap sa room namin. Oo mapag-biro akong tao pero iba talaga eh daig pa talaga naming nanonood sa teleserye.

Siyempre as a president in class, pagkatapos nila mag-away ay pinagsabihan ko silang lahat na kailangan hindi ito makakarating sa teaher o kung sino man.

Kahit makukulit ang mga kaklase namin, nainrtindihan naman nila ang point ko. Kaya walang nagbalak na ipakalat iyon at nanatiling sikreto lang sa aming lahat.

Kami naman ni Jon, close friends na talaga kami kaya okay lang sa kanya na mag-biruan kami ng ganoon. Ewan ko pero feel ko na may gusto talaga sa akin itong si Jon.

Feek ko lang naman. Pero sana may nararamdaman din siya sa akin. Actually, I've never been experienced na ligawan ako.

Para kasing ayaw lahat ng mga lalaki kong kaklase sa akin. Porket daw malakas akong tumawa, buraot daw ako at iba pa.

Si Jon lang talaga ang kaya akong pag-tiisan. Sana nga magkaaminan na kami pag mag-a-outing na kami eh. Para sulit ang gala namin.

Jadhrie's P.O.V

Hindi ko na pinansin si Gelard. Ayokong makipag-away sa abnormal na katulad niya.

Humiga na ako sa kama ko at matutulog na sana nang may tumawag pa sa akin.

Hindi ko kilala kung sino ito, peri sinagot ko parin.

Nang marinig ko ang boses niya alam ko na kung sino ang tumatawag sa akin. Umiiyak si Hazel habang kinakausap niya ako.

Nagmamakaawa siya sa akin na makinig ako sa kanya kasi hindi siya mapalagay hangga't hindi kami nag-aayos.

Naputol ang tawag niya nag mapansin kong nag-shot down ang phone ko. Hindi ko napansing low battery na pala ito.

Gusto ko pang marinig ang boses niya.

Naluluha na ako habang pinapakinggan ang pag-iyak niya. Naalala ko pa ang huling niyang sinabi bago mamatay ang phone ko.

'Kahit ngayon lang, paglaanan mo ako ng oras para makapag-explain sa iyo at malaman mo ang totoo na---'

Ang alin?

Kahit noong una kong panaginip sa kanya may gusto siyang sabihin sa akin pero agad naman itong napuputol.

May gusto akong malaman sa kanya. Kailangan kong malaman iyon.

Pero paano?

Napahilamos ako sa mukha ko at pumikit. Saka ko na muna iisipin iyan.

Paano kung--

Sumama ako sa outing nila, masasabi na niya kaya ang gusto kong malaman sa kanya?

Hays! Pero... Kailangan kong malaman iyon. Kung ano man iyon sana hindi ako magugulat. Nasabi na rin niyang nag-iisa na lang siya sa buhay. Hindi kaya---

Ughh!!! Wag naman sana.

Ano ibig sabihin niya doon na nag-iisa ba lang siya sa buhay?

Gusto kong malaman ang lahat-lahat!!!

Sasama na talaga ako sa outing.

Hindi ko sure pero...

Pag-iisipan ko muna nang mabuti.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status