LOGIN
Ngayon ko lang napansin na nasa sahig na pala ako nakatulog dahil sa pagkakaiyak ko kagabi. Bumangon na ako at pinagpagan aking damit. In-open ko ang phone ko at napansing 7:30 am pa lang ng maaga.
Hapon pa ang pasok ko. Buti na lang at walang assignments ngayon. Nag-timpla ako ng kape at umupo sa higaan ko.
Iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi nang babaan ako ng phone ni Jad. Akala ko ay makikinig na siya sa akin kagabi.
Masyado ba akong madaldal at binabaan niya ako ng tawag?
May nasabi ba akong masama na nakasakit sa damdamin niya kaya niya ako binabaan ng tawag?
Haayy! Hindi ko na alam.
Nag-simula na namang tumulo ang luha ko. Pinunasan ko ang mga luhang hindi tumitigil sa pag-tulo.
Kailangan kong lakasan ang loob ko. Kailangan maging matapang ako!
Knock! Knock!
"Pasok."
Pumasok si Kaira at Justine sa loob ng kwarto ko.
"Bakit?" Pauna kong tanong sa kanila.
"Kaya mo bang maiwan ka muna namin dito ng mga anim na buwan?" Ani ni Kaira na nagpakunot ng noo ko.
"Ang tagal naman. Bakit anong gagawin niyo?"
"Uhmm... Kase kailangan muna naming bumalik sa mga magulang namin sa probinsya. Anim na buwan kasi siyempre mag-iilang taon na din kaming hindi nakakabisita sa mga magulang namin kaya susulitin na namin. Pero Hazielle, 'wag ka mag-alala nag-imbak na kami ng mga pagkain mo diyan, marami-rami iyon kaya kakasya na sa iyo iyon ng anim na buwan o baka sobra pa nga sa 'yo kasi di ka naman masyadong kumakain." Pagbibiro ni Justine.
Nagbigay ng puting sobre si Kaira na lalong ipinagtaka ko. Sinuri ko ang laman ng sobre.
"Anong laman nito?"
"Pera ang laman niyan Hazielle, pambayad sa tubig at kuryente saka sa mga school projects mo. Inipon namin iyan para sa iyo." Ani ni Kaira.
"Nako salamat ahh! Salamat din at pinatuloy niyo ako dito sa bahay niyo." Sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa.
"Ma-mi-miss ka namin Hazielle! Aalis na kami ngayon! Sorry kung ngayon lang namin nasabi, dapat sana kagabi kaso naririnig naming umiiyak ka kaya hindi ka na namin inabala pa." Sabi ni Kaira at kumalas na sila sa pagkakayakap sa akin.
Sinamahan ko silang bumaba at nakita ko sa labas na may nakaparadang tricycle doon. Niyakap ulit nila ako at nagpaalam na aalis sila.
Sila ang itinuturing kong kaibigan dito. Lumayas kasi ako sa amin nang malamang naghiwalay sina mama at papa.
Buti na lang at nakita nila ako na pagala-gala, kaya inanyayahan nila ako dito sa bahay nila na dito muna tumira.
Dito na ako tumira kina Kaira at Justine hanggang sa mag-dalaga ako. Nalaman ko na lang na pinaghahanap na nila akoang nang malamang Missing na pala ako.
Ilang buwan ang nakalipas nang idineklara na lang nila akong 'patay'.
Nalaman ko na lang na nangibang-bansa si mama at si papa naman ay sumama na sa bago nitong pamilya noong bumalik ako sa bahay at sinabi sa akin na naghiwalay sila.
Kung tunay ko talaga silang magulang, hindi sila titigil hangga't hindi ako nahahanap.
Pero wala, ginawan pa nila ako ng kwento. Napakamalas ng buhay ko. Iniwan na nga ako ng kaibigan ko, iniwan na rin ako ng magulang ko.
Naiingit ako kina Kaira at Justine, buti pa sila may pamilyang mauuwian.
Si Kaira at Justine ay matalik na magkaibigan. Simula bata pa daw sila ay lagi na silang magkasama. Taga-probinsya sila at lumuwas dito sa Maynila para magtrabaho.
Nagsumikap sila at sabay nilang nakakamit ang pangarap nila. Sa tuwing umuuwi sila galing trabaho ay binibigyan nila ako ng pera.
Hindi ko alam ang dahilan pero napakabait nila sa akin, ni-hindi sila nag-away dahil sa akin. Tanggap na tanggap nila ako dito sa bahay nila.
Sa mga binibigay na pera nina Kaira at Justine, ay nakaipon ako ng maraming pera. Kaya napagpasiyahan kong mangibang-bansa at sundan si Mama.
Alam ko kung nasaan siya ngayon tumitira.
Doon sa bahay ng tita ko, nalaman ko iyon dahil sa pinsan ko, sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat na lumayas ako sa bahay namin at pinaghahanap nila ako at idineklara na lang akong patay dahil hindi na talaga ako makita.
Iyak pa rin nga daw ng iyak si mama noong nasa ibang bansa siya kasi hindi na niya nakikita ang unica-ija niya.
Si mama ay nanatiling walang asawa nang dahil kay papa. Mahal na mahal niya si papa kaya hindi niya nagawang mag-hanap ng iba.
Pero si papa, nag-hanap pa rin ng iba, ewan ko ba kung bakit niya ginawa iyon.
Maasikaso si mama, maganda,masipag lahat-lahat na pero naghanap pa rin ng iba si papa.
Nakita ko ang mukha ni mama na nasa ibang bansa, imbis na mag-mukha siyang matanda, ay parang bumalik siya sa pagka-dalaga niya.
Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag makita niya ako? Feel ko, magagalit siya sa akin kasi hindi ako nagpakita sa kanya noong mga araw na pinaghahanap nila ako.
It is already 9:25 am, napag-pasiyahan kong maligo na at maghanda ng gamit dahil may pasok pa ako.
Nasa room na ako at nag-umpisa na ang klase namin.
Dito sa room, wala akong maituturing na kaibigan dito. Ni-isa sa kanila wala akong close, okay na sa akin ang nakaka-usap sila minsan.
Oras na ng recess namin at napag-pasiyahan kong pumunta sa canteen at bumili ng pagkain. Nag-hanap ako ng mesang mapag-kakainan ko nitong binili kong pagkain.
Kumain ako mag-isa habang tinitingnan ang mga istudyanteng naroroon. Ang ilan sa kanila kasama ang mga kaibigan nila at masayang kumakain.
Sa gitna ng pagtitingin-tingin ko sa mga istudyanteng naroroon ay nagulat na lang ako nang may istudyanteng lumapit sa akin at inilagay niya ang dala niyang pagkain sa mesa ko at umupo sa harapan ko.
"Bakit mag-isa ka lang diyan? Asan na si Jad?" Tanong niya sa akin. Napaharap ako sa kanya at tiningnan ko ang mukha niya.
Tinitigan ko lang siya at pinag-aralan ko ang mukha niya. Nakilala ko na ba ito dati?
"Oh, sorry baka hindi mo ko maalala, ako nga pala si Joren kaklase mo dati noong Grade 7 pa tayo. Ako yung nagka-crush sa iyo." Pagpapakilala niya sa sarili niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at kumagat ng sandwich.
"So?"
"Ahhh, naaalala mo na ba ko?"
Umiling ako. Sa totoo lang, kilalang-kilala ko itong kumag na ito. Naalala ko nang muntikan na niya akong mahalikan noon buti na lang at itinulak siya ni Jad at sinampal siya ng malakas.
"Talaga? Ano pa ba ang gagawin ko para maalala mo ko?"
Hindi ko lang siya pinansin at itinuon ko ang pansin ko sa pagkain ko.
"Hays! Ahh by the way, sasama ka ba sa outing natin?"
"Pag kasama si Jad."
"Diba nag-away kayo nun dahil kay--"
Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil sinamaan ko siya ng tingin.
"Sorry. Sasama ako pag kasama ka, Haze." Ani niya at hinawakan ang gilid mukha ko at hinaplos ito.
Inalis ko ang pagkakahawak niya at akmang sasapakin.
"Hindi ka pa rin talaga nag-babago." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw Haze, nag-bago ka. Dati, si Jad na lang lagi ang nagtatanggol sa iyo sa tuwing may umaaway sa iyo."
"Bakit bawal na bang depensahan ang sarili ko at hahayaan ko na lang na basta-basta mo ako hahawakan?"
"Hindi naman... Ahhh aalis na ko may klase pa kami, see you later after class." Ani niya at umalis sa harapan ko.
Inubos ko na ang kinakain ko at bumalik sa room. Pagka-balik ko ay nakita ko na naman si Joren na nasa gilid ng pintuan. Sino kaya ang inaantay nito?
"Oh! Andyan ka na pala. Pwede ba kitang ligawan? Break na ba kayo ni Macky?"
Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong pumasok sa loob ng room. Wala akong balak na magpa-ligaw diyan sa kanya.
Oo aaminin ko, gwapo siya at mayaman yun lang pero 'di siya nag-aaral nang mabuti.
Kung ako sa kanya, hindi na ako mag-aaral pa at magpapakasarap na lang sa bahay.
Buti na lang at umalis siya nang makita siya ng teacher namin na nakatambay sa harap ng room namin. Akala ko doon lang siya hanggang uwian eh.
Nag-umpisa na ulit kaming mag-klase.
Uwian na at nagmamadali akong iligpit ang mga gamit na nakakalat pa sa desk ko.
Nang maayos ko ay mabilis akong lumabas sa room at mabilis na naglalakad.
Lakad-takbo ang ginagawa ko para hindi niya ako maabutan.
Sa wakas, ay nakauwi na ako sa bahay at hindi na niya ako naabutan pa kaninang uwian.
Nasa kwarto na ako ngayon at nagbibihis. Nang matapos ako magbihis ay naghanda na ako ng makakain ko.
Habang kumakain ako ay nag-bukas ako ng selpon at nakita kong maraming messages sa group chat namin.
ShelBabes:
Bukas ng 7:00 pm sa Hades Restaurant pumunta kayo doon. Treat naming dalawa ni Jon my BABY ang mga pagkain doon 'wag kayo mag-alala. Pag-me-meeting-an natin ang tungkol sa outing natin after exam. Walang KJ ahh! Pumunta kayo sayang effort namin ni Jon my BABY sa pagbayad ng mga pagkain niyo kung hindi kayo pupunta.Jon my BABY:
Oo nga naman...Benedict:
Sorry hindi ako pwede eh may sakit ang mama ko hindi akong pwedeng mag-gala-gala.ShelBabes:
Kakasabi ko lang pero sige... Para naman mabawasan ang gastos namin, sabihin niyo na lang dito ang sasama at mga hindi okay?Jon my BABY:
Oo nga naman...Macky:
Sasama ako...Hazielle:
Sasama din ako...ShelBabes:
Jadhrie sasama ka ba?Jadhrie:
Uhm... Pag-iisipan ko muna. Pupunta na lang ako kapag buo na ang pagdedesisyon ko.ShelBabes:
Okay sige. Si Haze sasama na din oh!Joren:
Sama ako siyempre! Kasama si Haze eh!Gelard:
Go ako!Janine:
Sasama din ako.Viñea:
Sama ako guys!Si Viñea sasama? Ewan ko lang ah pero natatakot pa rin ako sa kanya. Naalaa ko no'ng field trip namin eh.
Nagwawala siya no'n, grabe nakakatakot talaga. Sana hindi na niya ulitin iyon.
Inubos ko na ang pagkain ko at muling bumalik sa kwarto ko. Nag-toothbrush muna ako bago ako humiga.
Tharry:
Sama ako mga besh!Phria:
Hindi ako pwede eh sorry.Sana sumama si Jad, nag-decide na akong sumama eh. Gusto ko na talagang sabihin sa kanya lahat. Gusto ko sana i-text or i-chat ko na lang siya at doon sabihin lahat kaso...
Baka hindi siya maniwala sa akin. Kaya mas gugustuhin kong makausap siya mismo. Wala ni-isa sa mga kaklase namin ang nakakaalam ng mga problema ko ngayon.
Gusto ko ang nakakaalam lang ay si Jad at wala nang iba pa.
Naalaa ko noong gumala kami nila Macky, Shelby at Jon, nasabi ko sa kanila na mangingibang-bansa ako dahil kay mommy at daddy iyon ang gusto nila at kailangan ko iyong sundin.
Sana, handa siya ulit na makinig sa mga sasabihin ko sa kanya sa oras na mag-uusap kami.
Sana, hindi niya ako balewalain lang.
Parehas kami ng nararamdaman ni Jad, kapag malungkot ako, malungkot din siya, kapag masaya ako, masaya rin siya.
Ipinikit 'ko ang aking mata at sinimulan ko ng matulog dahil may pasok pa ako bukas.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong