LOGIN
Jadhrie's P.O.V
Nagising ako sa nakakairitang ingay sa labas. Iminulat ko ang aking mga mata at bumangon. Sumilip ako sa bintana at hinanap kung sino ang gumagawa ng ingay sa labas.
Mayroong mga tao na nagkakabit ng mga karatula sa labas. I check the time on my phone, it was already 4:30 am in the morning. Ang aga-aga pa bakit nagkakabit na agad sila ng karatula sa labas?
May pasok pa pala ako kaya dumiretso na ako sa cr at naligo. Nang matapos ako ay bumaba na agad ako. Pagkababa ko ay nakita ko na agad si mommy at daddy na bihis na bihis. Saan kaya sila pupunta?
"Mommy saan kayo pupunta?"
Tiningnan nila ako at nilapitan ako ni Mommy at niyakap. "Ma-mi-miss ka namin, Baby Girl." Kumalas na sa pagkakayakap si mommy at pinagtuunan ng pansin ang mga gamit na dadalhin nila.
"Baby Girl, maiiwan ka muna namin dito ng ilang months. Pupunta kami sa Baguio may camp training kami doon." Sabi ni Dad habang inaayos ang damit niya.
Camp training tapos bihis na bihis sila?
"Eh bakit po bihis na bihis po kayo kung mag-ka-camp training kayo?" Nagtataka kong tanong sa kanila.
Nagkibit-balikat lang sila. Bahala sila basta sisiguraduhin nilang may pera silang iiwan sa akin.
"Aalis na kami anak, oh by the way, may cash dun sa cabinet mo nilagay namin dun. Nasa mga Fifteen Thousand iyon don't worry dahil iniwan ng daddy mo ang isa niyang debit card. If ever na maubos ang pera mo dun ka na lang kumuha ng pera mo okay?" Sabi ni mommy at naglakad na sila papunta sa kotse.
"Bye baby girl! Ma-mi-miss ka namin!" Pagpapaalam ni Dad sa akin at napatango na lang ako.
"Alis na rin po ako!" Sabi ko at inunahan na silang lumabas sa gate.
Nasa room na ako at nag-uumpisa ng mag-lesson ang teacher namin. At dahil favorite subject ko ang Math, nakikinig ako ng mabuti sa kanya.
Recess na namin at hindi ko muna naisipang kumain. Nawawalan pa ako ng gana, ewan ko ba. So, I decide to read my book. Sa gitna ng pagbabasa ko may kumalabit sa akin. Napatungo ako sa kanya at tiningna siya ng mabuti.
"Hi! Uhmm Alfred Brajo." Pagpapakilala niya sa sarili niya at inilapat niya ang kaliwang kamay niya sa akin.
Tiningnan ko ang palad niya. "Uhmm sorry hindi ako manghuhula."
Napabuntong hininga siya at ibinalik ang kamay niya sa bulsa niya. Kumuha siya ng upuan at iniharap sa akin at doon siya umupo.
"Bakit nag-iisa ka lang diyan?"
Itinuon ko lang ang pansin ko sa pagbabasa ng libro. Ramdam ko na nakatitig lang siya sa akin. "Can you please stop that kind of look! Kung ako sa iyo, hindi ako mang-iistorbo ng iba at maghahanap na lang ng mapaglilibangan." Banggit ko sa knya habang nakatuon pa rin ang pansin ko sa pagbabasa ng libro.
"Ito na nga ang mapag-lilibangan ko."
Ramdam ko pa rin na nakatitig siya sa akin.
So, libangan pala ako ng isang ito. "Please... Umalis ka na, ayaw kong makasakit ng ibang tao."Lalo pa siyang lumapit sa akin. Napansin kong pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Hindi na ako nakapag-pigil ay umalis ako sa inuupuan ko. Naiinis ako kapag pinapakialaman ako.
Bago pa ako makaalis ay nahawakan na niya ang braso ko at hinila niya ako papalapit sa kanya. Lalo akong nainis sa kanya kaya pagkahila niya ay sinampal ko siya ng malakas. Narinig ko ang pagkagulat ng mga kaklase ko sa pagkakasampal ko sa kanya.
"Sinabihan na kita na umalis ka na sa harapan ko kasi wala ka namang kailangan sa 'kin!!" Sigaw ko sa kanya.
Binitawan na niya ako at bumalik sa inuupuan niya. Alam kong crush siya ng mga babae dito sa school pero kung may gusto siya sa 'kin, mas mabuti pang lumayo-layo na siya.
Bumalik na ako sa pagkakaupo at muling nag-basa ng libro.
Uwian na namin at dire-diretso akong lumabas sa room. Alam kong pinag-titinginan ako ng mga kaklase kong babae dahil nga sa nangyari kanina. Ako lang ang walang pakialam sa lalaking iyon.
Nasa bahay na ako at hindi ako sanay na tahimik ang buong bahay. Pumasok na ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa higaan ko.
I open my phone at nakita kong maraming mga nag-cha-chat sa group chat namin. Binasa ko ang mga chat nila ang ilan ay inaalala lahat-lahat ng mga kalokohang ginawa nila noong Grade 7 pa lang kami.
Nakaka-boring kapag tapos na ang klase sa isang araw. Lahat na ng mga assignments namin ngayon tinapos ko na sa school ng walang kahirap-hirap.
Dapat pala hindi ko na ginawa sa school para may mapag-lilibangan ako ngayon.
Narinig kong kumukulo ang tiyan ko, hindi pala ako kumain kaninang recess.
Nakakasawa na kasi ang mga pagkain doon sa school. Bumaba ako at nag-puntang kusina, naghanap ako ng makakain. In-open ko ang ref at nakita ko ang malaking cake doon.
Natakam ako kaya kinuha ko ang cake sa ref at agad na nilantakan ito. Wala naman sigurong makakaalam na kinain ko ito, saka wala na rin naman si mommy at daddy kaya uubusin ko na ito.
"May biniling cake si mommy dito sabi niya ubusin ko daw eh kaso malaki 'yon kaya hindi ko muna kinain. Tara kainin natin iyon." Yaya sa akin ni Haze.
Nasa kwarto kami ni Haze at ginagawa namin ang pairing project namin para sa subject namin sa science.
Mas pinili kong si Haze ang magiging ka-partner ko kaysa kay Mack. Wala lang, mas gusto ko talagang magka-sama kami sa project na ito kasi magaling sa Science itong si Haze.
Sa Math naman ako, kapag may hindi siya gaanong maintindihan sa Math ako kaagad ang nilalapitan niya.
Kinuha ni Haze ang cake sa ref nila at kumuha ng dalawang tinidor.
"Bakit walang plato?"
"Hayaan mo na, bigay na din naman sa akin ito ni mommy saka kaya naman siguro nating maubos ito."
Nilantakan na namin ang cake, ang sarap ng cake ngayon lang ako nakatikim ng ganitong kasarap na cake.
"Kapag ako yumaman, kakain talaga tayo ng maraming cake." Sabi ko sa kanya habang lumalantak ng cake.
"Pangako iyan ah, saka sama mo na din yung Dark Chocolate Ice Cream sarap nun!"
"Promise Haze, ililibre agad kita."
Naalala ko na naman si Haze. Kamusta na kaya siya?
Naalala ko na naman noong tumawag siya sa akin habang umiiyak.
Nangalahati na ang cake at naramdaman ko ng busog na ako kaya binalik ko ang cake sa ref at uminom ng orange juice na nasa ref.
Ito siguro yung kinain ni mommy at daddy bago sila umalis papuntang Baguio.
Hays! Na-mi-miss ko na sila kaagad. Sana okay lang sila ngayon sa Baguio.
It's already 2:00 pm at napagpasiyahan kong lumabas, alam kong mainit pero wala lang gusto ko lang talagang lumabas.
Pagkalabas ko ay gumulantang sa akin ang malaking karatula na nasa labas. Ito siguro ang kinabit ng mga manggagawa kanina.
Pinatitigan ko ang malaking karatula na nasa na nakasabit sa taas ng poste sa harap ng bahay namin.
Pulang Kagubatan
(Red Forest)Free Entrance!Date: April 10-20, 2015Address: Baryo Pulang Matay No.03 Phone Number: 09483701895Explore and enjoy!!!
Dito pala kami pupunta. Mukhang nakakatakot pero okay na rin naman. Sana walang masamang mangyari sa amin kapag nandiyan na kami.
Ano naman kaya ang gagawin namin diyan?
Buti sana kung may hotel diyan o kaya naman may dagat, or baka naman wala pang nakakakita kung ano ang nasa loob niyang Pulang Kagubatan na iyan.
I look at the address at hindi ko alam kung saan iyan parang hindi kilalang lugar.
Muli akong pumasok sa loob nang makaramdam ako ng init at dumiretso sa kwarto ko.
I open my phone at sinearch ang Pulang Kagubatan.
Search For: Pulang Kagubatan
No Results.
What? Bakit walang results? Nakapagtataka naman.
Pero... Paano nalaman ni Gelard na kaya tinawag itong Pulang Kagubatan kasi kapag gumagabi ay nagiging pula ang buong langit?
Hindi kaya pinagloloko kai ni Gelard? Alam naming maloko siya dati pero sana dahil diyan ay hindi kami mapahamak.
It's already 6:00 pm at nasa kwarto pa rin ako. Wala akong maisip kung anong pwedeng gawin.
In-open ko ulit ang phone ko at binasa ulit ang mga chat ng mga kaklase ko dati.
Mayroon kaming meeting about sa outing namin bukas ng 7:00 pm sa Hade's Restaurant.
Tinanong ako ni Shelby kung sasama ba ako sabi ko muna sa kanya na pag-iisipan ko muna.
Nabasa kong sasama na rin pala si Haze, aba ang bilis naman mag-desisyon nito.
Sabagay sabi ko rin naman noong nakaraan na kapag kasama si Haze, sasama ako sa outing namin.
Susunod na lang ako bukas sa Hade's Restaurant if ever naman na pag-dating ko doon ay tapos na silang mag-meeting ay hindi na ako sasama pa.
Pero kapag naabutan ko pa sila doon na nag-me-meeting o baka hindi pa nga sila nag-uumpisa ay siyempre sasama ako.
Bakit pa nila kailangang mag-meeting?
Dapat kahit sa chat na lang eh... Ano na naman kaya ang pinaplano nila Shelby?
Hapon pa naman ang uwi ko kaya pwede akong pumunta.
Gusto ko ding makita si Haze, pero wala akong balak na kausapin siya. Kapag nasa outing na lang kami mag-uusap.
Siguro...
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong