LOGIN
Nasa school na ako ngayon at wala ang first and second subject teacher namin kaya malaya ang mga kaklase ko na gawin ang gusto nilang gawin.
Ako heto, pinag-iisipan pa din kung sasama ako mamaya at sa outing namin. Napatigil na lang silang lahat sa kaniya-kaniya nilang mga gawain nang may mag-announce sa amin.
"To our beloved students, sorry to tell you na ma-ka-cancel muna ang klase natin ngayon nang dahil sa meeting ng mga teachers sa parating na exam next week. Be ready dahil 3rd Grading na at kailangan niyong mag-seryoso. So it's up to you kung uuwi ba kayo or pwede namang mag-stay kayo sa room niyo. Kung may mga activities or any of the requirements man ang mga hindi niyo pa nagagawa, gawin niyo muna at ipasa niyo na lang sa faculty ng mga teachers. Yun lang thank you!"
After ng announcement nag-hiyawan ang mga kaklase ko. Tuwang-tuwa sila na walang klase ngayon, may quiz pa naman din sana kami ngayon sa Science kaya tuwang-tuwa ang mga kaklase ko na walang mga review.
Kinuha na nila ang mga gamit nila at dire-diretsong lumabas ng room. Nag-paiwan muna ako sa room, wala naman kasi akong gagawin sa bahay kung uuwi agad ako.
Hazielle's P.O.V
Nasa school na ako at nag-uumpisa ng mag-lesson ang boring naming teacher sa english.
Lahat ay hindi nakikinig sa kanya pati na rin ako, mahina kasi ang boses nito at parang inaantok pa.
Hindi naman niya pinapansin ang iba pa naming mga ginagawa ang importante lang ay ginawa niya ang trabaho niya. Dahil sa pagka-bagot ay tumingin na lang ako sa bintana at nag-isip.
Paano kung hindi talaga sasama si Jad?
Ano na ang gagawin ko sa outing namin?
Hindi ako buo hangga't wala si Jad sa tabi ko.
Na-mi-miss niya rin kaya ako?
Iniisip niya rin ba kung ano ang ginagawa ko sa buong araw ko?
Hays! Siguro kung hindi magka-away ngayon baka nasa iisang school lang kami ngayon at magkaklase pa siguro kami ngayon.
Naramdaman kong may tumulong luha sa akin kaya agad ko itong pinunasan.
"Okay ka lang ba Hazielle?" Sabi sa akin ng katabi ko.
"Ahh O-oo okay lang ako." Sabi ko habang nakatalikod sa kanya.
"Pag may problema ka sabihin mo lang sa akin. Andito lang naman ako lagi sa tabi mo." Ani niya at hinawakan ang kanang balikat ko.
Humarap ako sa kanya at ngumiti at muling tumalikod sa kanya.
Hindi ko namamalayan na may mga tao lang pala sa paligid ko na laging nariyan para sa akin, hindi ko lang sila napapansin dahil laging nasa isip ko si Jad.
Si Jad na sa buong buhay ko ngayon niya lang ako binabaan ng tawag.
Si Jad na naging cold.
Si Jad na nagbago.
Ngayon ay recess na namin at humarap sa akin si Darry. "Halika ka Hazielle, sabay tayong kumain." Yaya niya sa akin.
Ngumiti ako at napatango. Ito ang unang araw ko na may nakasabay ako sa pagkain sa canteen.
Dati kasi wala talaga, sa sobrang pagka-mahiyain ko at pagka-tahimik ng sobra ay walang pumapansin sa akin.
Pakiramdam ko nag-iisa lang ako noon.
Pero ngayon, nakakatuwang isipin na may isang kaklase akong pumansin sa akin.
Matagal na kami na magkatabi sa upuan ni Darry pero ni-minsan ay hindi niya ako pinapansin.
Si Jad kaya may mga kaibigan doon sa school niya?
May itinuturing na rin ba siyang bagong Haze doon?
Kung meron man, napakaswerte naman ng taong iyon.
Dati nga ay naiinggit pa ako sa mga tao dito sa canteen kasi sila may mga kasama silang mga kaibigan nila tapos masaya silang nag-ku-kwentuhan.
Nasa canteen na kami at kumakain. "Sanay ka na ba talagang manahimik?" Tanong niya sa akin at kumagat ng sandwich.
"Uhm... Hindi naman ako ganito dati." Mapag-kakatiwalaan kaya siya? Gusto ko sanang i-kwento ang tungkol sa amin ni Jad.
"Talaga? So, katulad ka rin sa amin ng mga kaklase natin?" Tanong niya ulit sa akin. Kita ko sa mukha niya nang sabihin ko iyon ang pagka-gulat.
"Oo. Mas maingay pa nga kaysa sa inyo." Sabi ko at ngumiti sa kanya.
"Eh bakit nga pala naging ganyan ka?"
Tiningnan ko siya ng maigi. At napakurap ako ng dalawang beses.
"Sorry kung madaldal ako. Kung ayaw mo naman i-kwento sa akin---"
Hindi ko na pinatapos ang pag-sasalita niya dahil inunahan ko na siya sa pag-sasalita.
"Nang dahil sa kaibigan ko."
Napakurap siya at lumapat sa akin.Napansin kong interesado siya sa sinabi ko kaya tinuloy ko ang pag-kukwento.
"Nang dahil sa kaibigan ko na itinuring ko ng isang kapatid. Nag-bago ako nang dahil sa kanya, nang dahil sa nobyo ng kaibigan ko kaya kami nag-away."
"Teka, kailan lang iyan nangyari?"
"Noong Grade 7 pa lang kami---"
"Ano? Noong Grade 7 pa lang kayo? Eh ang babata niyo pa nun? Nagka-nobyo agad?" Biglang tanong ni Darry. Actually, hindi talaga mag-nobyo sina Jad at Macky, napag-tripan lang naman siya ng mga kaklase namin.
Si Jad at Macky kasi ay ang Muse and Escort ng room namin. Nalaman na lang namin na crush pala ni Macky si Jad, kaya noong umamin siya ay kinikilig naman itong si Jad. Si Macky naman kung todo makabigay ng mga regalo kay Jad kaya lalong kinikilig si Jad.
"Actually, pinag-shi-ship lang naman namin sila noon. Ito namang kaklase kong lalaki, todo naman mag-bigay ng mga regalo sa kaibigan ko. Pero ang kaibigan ko, sa akin pa rin siya sumasama kahit may Macky na siya. Eh kaso, may hindi pa nalalaman si Jad na matagal ko nang tinatago sa kanya noong nag-away kami noon nang dahil kay Macky."
"Eh ano ba iyon? Pwedeng sa 'kin mo sabihin?"
"Uhm... Ayoko muna sabihin sa iyo hangga't hindi ko pa nasasabi sa kanya."
Actually, mukha namang mapag-kakatiwalaan talaga si Darry kaso... Hindi ko muna sasabihin sa kaniya kung ano ang dahilan.
Bumalik na ulit kami sa classroom at inantay ang susunod naming subject teacher. Dumating na siya at agad na nagsimula ng klase namin.
__________________________________
Hapon na nang makauwi si Jadhrie sa bahay nila. Hindi siya sanay na ganoon katahimik ang bahay nila.
Simula noong umalis ang mga magulang niya ay nawawalan na siya ng ganang umuwi galing sa iskwelahan.
Wala siyang makausap man lang para mapawi ang pagka-bagot niya. Tanging si Haze lang kasi ang laging nakakapawi ng pagka-bagot nito.
Alam kasi ni Haze ang mga paraan para hindi mabagot ang kaibigan niya.
3:30 pm na nang i-check niya ang oras sa selpon niya. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at napahilata na lamang sa kanyang higaan.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at tila ba'y malalim ang kanyang iniisip.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Haze kapag nag-kita kami?
Kung sana lang hindi kami nag-away... Baka ngayon ay nasa tabi ko siya at nag-iisip ng paraan para hindi ako mabagot.
Napadilat siya nang maramdamang may tumulong luha sa kanyang mata. Pinunasan niya ito gamit ang kanyang kamay at muling bumangon.
Tumungo siya sa kanyang closet at kinuha ang maliit na itim na box.
Binuksan niya ito at tumambad doon ang mga pictures nila ni Haze. Napangiti siya nang makita niya ito. Umupo siya sa sahig at kinuha ang mga laman sa itim na box.
Nakita niya ang pulang bracelet na nakalagay ang pangalan ni Haze. Kinuha niya ito at isinuot niya sa kanyang kamay.
Naalala niya noong birthday ni Haze na nakipag-palitan siya ng bracelet, tanda ng kanilang pagkakaibigan.
Sunod naman niyang kinuha ang kulay dilaw na notebook at binuklat ito. Nakita niya roon ang nga pictures nila noong kinder pa lamang sila.
Medyo luma na pero klaro pa rin ang mga mukha nila. Si Haze na nakaakbay sa kanya at ngiting-ngiti habang siya ay kumakain ng ice cream.
Napangisi na lang siya ng makita ang mga litrato roon. Sunod naman niyang kinuha ang maliit na kulay pulang box.
Regalo ito ni Haze noong birthday, hindi pa niya ito nabubuksan hanggang ngayon. Binuksan niya ito at nakita niya ang kulay ginto na kwintas na may nakalagay na J&H.
Kinuha niya ito at sinubukang isuot kung ito pa ba ay kasya sa kanya. Nang makabit niya ang kwintas sa kanyang leeg, ay tumingin siya sa salamin at namangha siya dahil kasya pa ito sa kanya.
Hindi na niya ito hinubad pa at niligpit ang mga nakakalat sa sahig at isinilid muli sa itim na box.
Tumingin siya muli sa salamin at tiningnan ang kwintas na suot-suot niya pati na ang bracelet.
Bagay na bagay sa kanya ang kwintas at bracelet na suot niya ngayon, kaya napagpasiyahan niyang dalhin ito mamaya sa meeting nila.
_________________________________
Nakauwi na si Haze sa bahay nila at agad-agad na pumasok sa kanyang kwarto. 5:30 pm na at kailangan na niyang ihanda ang mga susuotin niyang damit para sa meeting nila mamaya.
Excited na siyang makitang muli ang mga dating kaklase, lalo na si Jad. Sa kanyang paghahalungkat ng mga damit ay hindi niya napansing may nahulog na medyo malaking kulay na brown na box mula sa taas ng kanyang drawer.
Nairita siya dahil imbis na makapag-handa na siya ng mga damit na susuotin niya ay may aayusin pa siyang gamit. Tinapos na muna niyang mag-hanap ng susuoting damit bago ayusin ang kulay brown na box na nakakalat ngayon ang mga laman doon sa sahig.
Mga lumang litrato nila ni Jad at kung ano-ano pa ang naroon sa kulay brown na box. Napaluhod siya at isa-isang tiningnan ang mga litrato roon.
Napangiti siya ng makita ang mga picture nila ni Jad na marurungis ang mukha nila ng dahil sa kinakaing ice cream. Ngiting-ngiti ang dalawang batang babae na nasa litrato. Ang iba naman roon ay mga pictures nila na nasa school sila.
Sana ganito pa rin kami kasaya ngayon.
Nagpalabas na lamang siya ng malalim na hininga at muling tiningnan ang mga litrato nilang dalawa.
Nawala ang ngiti niya namg makita ang mga pictures naman nila ni Macky. Masayang nakangiti si Macky habang nakayakap ito sa kanya habang siya ay nakasimangot.
Hindi na niya itinuloy ang pagtitingin-tingin ng mga pictures nila ni Macky. Naaalala niya lang kung ano amg ginawa nito sa kanya noong sila pa. Inilagay niya ito sa box at itinuon muli ang pansin ang mga kalat na mga nasa sahig.
Napatigil muli siya nang makita ang bracelet na kulay pula na nakalagay ang pangalan ni Jad.
Inilagay niya muli ito sa box. Nang matapos niyang pulutin ang lahat ng mga kalat sa sahig ay ibinalik niya ang brown na box sa taas ng kanyang drawer.
6:15 pm na nang i-check niya muli ang kanyang selpon.
Kailangan ko na pa lang umalis. Mag-ba-byahe pa pala ako baka ma-traffic pa ako.
Umalis na siya at nag-abang ng masasakyan.
_________________________________
Nasa harap na ni Haze ang Hade's Restaurant pero kailangan pa niyang tumawid para makarating na siya roon mismo.
Ngunit bago muna siya tumawid sa kalsada ay tiningnan niya muna ang loob ng Restaurant. Kahit malayo ay kita pa rin ang mga naroon sa Restaurant. Hindi man klaro ang kanyang nakikita pero alam niyang mga dating kaklase niya ang mga naroon.
Nakikita niya ang ilan sa mga ito ay nagyayakapan dahil nagkita-kita silang muli, ang ilan ay masayang nakikipag-usap sa kani-kanilang mga kaibigan.
Kumurap siya ng ilang beses at saka niya napagpasiyahang tumawid sa kalsada. Nang makatawid na siya ay nakita niyang may pumaradang kulay pulang kotse.
Halata sa kulay pulang kotse na lalaki ang nagmamay-ari nito. Inantay niya kung sino ang nagmamay-ari nitong kulay pulang kotseng ito. Lumabas sa loob ng kotse ang lalaking kinaiinisan niya noong nasa school siya. Balak pa siya nitong ligawan pero hindi niya lang ito pinansin.
Nang malaman niyang si Joren pala iyon ay muli siyang lumakad at tumungo mismo sa restaurant. Pagkapasok niya ay agad na narinig niya ang tugtog na nagmumula sa speaker na nasa gilid. Daig pa nilang nasa bar nang dahil sa tunog na iyon.
"Hazielle!"
Tawag sa kanya ni Shelby. Lumapit sa kanya sa Shelby at niyakap. Ginantihan niya rin ito ng yakap at saka kumalas din ito.
"Am I late?" Tanong ni Haze kay Shelby na tinitingnan kung sino ang nasa labas.
"Bakit mo naman iniwan yung new boyfriend mo sa labas?" Pabiro niyang tanong sa kaibigan.
"He is not my boyfriend."
Napaharap si Shelby sa kanya. "What? Sa ganyang kagwapong lalaki hindi mo magiging boyfriend?" Tanong nito sa kanya na nakapag-taas ng kilay niya.
"Shelby, just answer my question."
"Okay okay sorry. Uhmm you're not late Haze kakarating lang din nila dito. Kami ni Jon ang nauna rito para bayaran ang rent ng Restaurant. So kung nauuhaw ka man or kung gusto mo ng beer sabihin mo lang sa waiter okay?" Ani nito sa kaibigan at iniwan na ito.
Inilibot-libot niya ang kanyang mata sa Restaurant. Maganda ang loob nito, medyo malamig at napakalinis dito. Umupo siya sa gilid ng upuan binuksan ang selpon niya.
"Okay guys after 5 minutes mag-i-start na ang meeting natin!" Ani Jon habang hawak-hawak ang isang bote ng beer.
_________________________________
Nasaan na kaya si Jad. Sana humabol siya, sana.
Pumwesto na ang ilan sa mga dati niyang kaklase sa upuan dahil malapit ng mag-umpisa ang meeting.
Nakaupo na ang lahat at napansin ni Haze na maraming mga bakanteng upuan.
"So guys! Tapos na ang 5 minutes kaya let's start our meeting all about sa magiging road trip natin after exam. So---" Naputol ang sinasabi ni Shelby sa harapan nang biglang bumukas ang pinto.
Tiningnan ni Haze kung sino iyon at laking gulat niya ng makitang sabay na pumasok si Jadhrie at si Macky. Nauna si Jadhrie sa paglalakad at agad na umupo.
Nanatiling nakatingin lang si Haze sa kanya. Napansin niya ang kwintas na kulay gold na nakalagay doon na H&J.
Haze & Jad... Nakakatuwa naman at nasuot niya ang bigay ko sa kanyang kwintas. Bagay na bagay sa kanya.
Diretso ang tingin ni Jadhrie kaya di napapansin niya napapansin na nakatingin si Haze sa kanya. Ngayon lang napansin ni Haze na magkatabi pala sila ng upuan.
"Oh so may na-late pa pala HAHAHAHA. Buti at nakahabol pa si Jadhrie at si Macky, sabay pa sila pumasok. Nice naman--- oh so let's go back so after exam go agad tayo okay? So... Bale 3 days tayo doon may hotel naman doon kaso medyo malayo sa--- saan nga ulit iyon Gelard?"
"Sa Pulang Kagubatan."
"Ahh okay sa Pulang Kagubatan so... Uhmm nag-search ako about doon pero walang lumalabas, bakit kaya? Siguro wala pang nakakarating doon? Sabi sa akin ni Gelard na may Free Entrance daw roon, nakita niya sa karatula-- bakit hindi ko alam na may pa-karatula pa sila roon. So let's go back uhmm Free Entrance doon tapos 3 days tayo roon mismo sa gubat. So, mag-ca-camping tayo roon. So ang dapat nating dalhin roon ay ang mga kailangan natin ang ibang hindi mga kailangan ay maiiwan sa hotel. Sinong ay ayaw na ulit sumama kasi camping? I just want to know who at para maiwan lamang sa hotel, just raise your hand if ayaw niyo talaga sumama."
Wala ni-isang nagbalak na magtaas ng kamay sa kanilang lahat.
"Okay so that's good sasama tayong lahat. So, guys ililista niyo yung mga pangalan niyo rito para kung sakaling may mawala man dahil namatay HAHAHAHAHAHA I'm just joking. Ililista niyo ang mga pangalan niyo rito para kung sakaling may mawala ay mahahanap natin agad."
Binigay na niya ang kulay itim niyang notebook at sinimulan na nilang ilagay ang nga pangalan nilang lahat. Nang matapos na ay ibinalik nila ito kay Shelby.
"Okay so sasabihin ko ang mga nakalagay dito:
Jonnathan Cruz
Gelard IbarraJanine MontesJyzer Mark QueverroCindy Lorrein GalvezDerick Hyden LuntainJoren AlezileShei Andrei CorpusCasper VillamorLuise ZamoraPrincess Shane RazaKen MonteroCarlo John OanapSerra Jane MonteserDave Andrew TorerroViñea Grace PallajesShelby JimenezMacky MarquesseHazielle Kiele MonsonJadhrie Mae OcampoTharry TolledoHannah Marie EscotaSaktong April 10 tayo pupunta okay? Baka kasi kung April 12 pa tayo baka may nauna na doon. Then, mag-dala na din tayo ng extra foods incase na baka walang pagkain doon lalo na't mag-ca-camping tayo kailangan talaga ng extra foods. Extra clothes and extra money also. So, yun lang then sa Group Chat na lang tayo mag-uusap-usap kung saan tayo mag-aantayan. Then, sa sasakyan pala nakalimutan ko uhmm magpa-rent na lang tayo. Ambagan na lang sa babayaran nating rent siguro mga dalawang vans ang ipapa-rent natin. Then, sa hotel pala ipag-papartner-partner ko na lang kung sino mag-sasama-sama sa isang room. Bale, isang room isang katao. Babae sa babae at lalaki sa lalaki walang aangal lalo na kayo Cindy at Derick, alam kong mag-jowa kayo pero kailangan ninyo munang mag-hiwalay okay?"
Tanong ni Shelby sa kanilang dalawa. Tumango naman ang dalawa bilang sagot sa tanong nito.
"Good. So, any questions according dito sa road trip natin? Wala? Okay so...Let the party started!!!" Sigaw nito gamit ang microphone. Naghiyawan na rin ang mga kaibigan nito.
Muli, ay nilakasan niya ang tugtog at nagsimula na silang mag-party. Lumapit si Haze kay Shelby at binulungan.
"Shelby, uwi na ko may pasok pa ako bukas eh." Paalan nito kay Shelby.
Hindi napansin ni Haze na nasa likod na rin pala nito si Jad. Sunod namang lumapit si Jad at binulungan din si Shelby.
"Uwi na ko Shelby maaga pa pasok ko bukas. Saka, bawal akong mag-lasing eh."
Tumango si Shelby sa dalawa. "Sige ingat guys! Wag ninyo kakalimutan sa April 10 ah?"
Napatango na lang ang dalawa at naunang umalis si Haze, aalis na sana si Jad nang bigla siyang kausapin ng kaklase niya.
Nasa labas na siya at biglang may humawak sa kanyang braso.
"Haze, hatid na kita sa inyo. Gabi na baka kung anong mangyari sa iyo sa daan." Sabi nito.
Nagpalabas na lamang siya ng kanyang hininga at saka humarap sa kausap.
"Pwede ba, tigil-tigilan mo na ako? Ayoko na please?"
"Dali na kasi, ako bahala may kotse naman ako eh." Pag-pupumilit nito kay Haze.
"Ayaw ko nga!" Sabay tanggal sa kamay nitong nakahawak pa rin sa braso niya.
"Dali na kasi!" Nagpupumilit pa rin ito.
"Ayaw ko nga sabe ano ba?!" Hindi napigilan ni Haze na sumigaw dahil pilit pa rin ng pilit ito sa kanya.
"Bitawan mo siya!"
Narinig ni Haze ang boses na iyon mula sa likod ng taong nagpupumilit na sumama sa kanya.
Salamat at dumating ka.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong