LOGIN
"Bitawan mo siya!"
Nakita ko kung sino ang taong iyon na nasa likod ni Joren. Si Jadhrie.
Napalingon sa kanya si Joren. "Bitawan mo siya Joren kung ayaw mong masampal kita!"
"Oh, look who is here. Hazielle's beloved friend--- oopss EX-bestfriend pala." Mariing sabi ni Joren kay Jad.
Napangisi si Jad at mataray na lumapit kay Joren. "Ex-bestfriend man o hindi, wag na wag mo lang siyang hahawakan!" Sigaw nito kay Joren.
"Bakit? Wala naman akong balak gawin diyan sa kaibigan mo ah? Why? Do I look unreliable? Ihahatid ko na nga lang ang kaibigan mo, may masama ba doon Jad? Ako na nga ang nagma-mabuting loob ako pa ang may kasalanan?"
Napangisi na lang si Jad. Kita ko sa mukha niya na nagagalit na siya.
"Joren Alezile, parang hindi naman kita kilala. Matagal mo na siyang balak ligawan, nahuli ka lang kasi may nauna na sa kanya. Hanggang ngayon pa rin ba Joren? 3 years na ang nakalipas, wala ka pa ring nagiging girlfriend? Siya pa rin ba ang inaantay mo?"
Nakita ko tumaas ang kilay ni Jad at napakurap ng ilang beses. Umalis na lamang bigla si Joren. Wala pala siya kay Jad eh.
"Uhmm thanks..." Mahina kong sabi sa kanya, sana narinig niya yung sinabi ko.
Tumango lang siya sa akin at saka dumiretso sa kotse niya. Pumasok na siya sa kotse at mayroon akong naalala kanina.
Tumakbo ako papalapit sa kotse niya at sinilip siya sa bintana ng kotse. Nakita niya ako kaya binuksan niya iyon.
"Bakit? Wala ka bang pamasahe?" Agad na tanong niya sa akin.
"H-hinde. Diba sabi kanina ni Shelby na sa hotel isang kwarto dalawang tao pwede ba ako ang kasama mo doon?" Nahihiya kong sabi sa kanya.
Napakurap siya ng ilang beses at saka tumango. Napangiti ako at nagpasalamat sa kanya. Kahit papaano ay nakakausap ko ulit siya akala ko kasi hindi na talaga.
"Umuwi ka na. M-mag-ingat ka sa pag-uwi mo Haze." Sabi niya at saka binuksan ang makina ng kotse niya.
Napatango ako at muling napangiti. "Ikaw din, Jad."
Mabilis na umalis ang kotse niya. 8:30pm na kailangan ko nang umuwi.
________________________________
Sa gitna ng pagsasaya nila, si Viñea ay nananatiling nakaupo sa upuan. Tahimik lang siya at parang malalim ang iniisip.
"Tama na AHHHHH ang sakit!"
"TULONG!!TULONG!!"
Napailing na lamang siya.
'Hindi ito totoo! Hindi ito totoo!'
Nagulat siya nang biglang may humawak sa kanyang balikat.
"Oh! Viñea gulat na gulat ah!" Ani ni Shelby sa kanya.
"W-wala ito." Napangiti na lamang siya sa kaibigan.
"Sis kung boyfriend problems lang iyan andito lang ako lapitan mo lang ako okay? Oh heto shot ka muna." Sabay bigay ng beer kay Viñea.
"H-hindi ako umiinom Shelby. Lasing ka na Shelby nako may mga pasok pa tayo bukas. Uhm... U-uwi na ako anong oras na eh baka magalit sa akin ang mama ko kapag nag-tagal pa ako." Paalam niya sa kaibigan.
Napatango lang si Shelby. "S-shige, Vina umuwi ka na. Ingat HEHEHEHE" Sabi sa kanya ni Shelby sabay inom ng beer.
"It's Viñea not Vina, lasing ka na talaga Shelby."
Napatawa na lamang si Shelby.
"Jonnathan! Iuwi mo na ito si Shelby lasing na lasing na may pasok pa tayo bukas." Sabi niya sa kaibigan.
"Ihiga mo na lang siya doon sa sofa maya-maya uuwi din kami. Ikaw uuwi ka na ba?" Tanong sa kanya ni Jonnathan.
Tumango lang siya at saka ipinahiga si Shelby sa sofa.
"Alis na 'ko Jon." Paalam niya sa kaibigan.
"Ingat ka sa pag-uwi mo."
Tumango lang siya at agad na umalis.
Malapit na siya sa kanila nang maramdaman niyang parang may sumusunod sa kanya. Lumingon siya sa kanyang likuran ngunit wala namang sumusunod sa kanya. Lakad-takbo ang ginawa niya para hindi siya maabutan nito.
Nakapasok na siya sa kanilang bahay. Hingal na hingal siya nang makarating siya mismo sa kanilang bahay.
"Oh anak! Bakit hingal na hingal ka diyan? May humahabol ba sa iyo?" Nag-aalalamg tanong ng nanay niya sa kanya.
"W-wala po iyon mama. Natakot po kasi ako kanina nang makarating ako sa street natin, madilim po kasi at wala ng mga tao na nasa labas." Pagsi-sinungaling niya sa kanyang ina.
"Gano'n ba? Eh bakit kasi ganitong oras ka na umuuwi?" Tanong uli ng nanay niya.
Ngunit, bago niya sinagot ang tanong ng mama niya ay dumiretso siya sa kusina at uminom muna ng tubig para mabawasan ang kaba at pagod na nararamdaman niya.
"Ang tagal po kasi dumating ng iba pa po naming kasama." Pagsi-sinungaling na naman niya sa mama niya.
"Ano tuloy ba ang alis niyo sa sunod na linggo?"
Tumango lamang si Viñea bilang sagot sa kanya ng kanyang ina.
"Mama pasok na po ako sa kwarto ko, magpapahinga na po ako may pasok pa po ako bukas." Pagpa-paalam niya sa kanyang ina at agad na pumasok sa kwarto.
Nang masara na niya ang pinto sa kanyang kwarto ay napasandal siya rito. Mariin siyang pumikit at inaalala ang nangyari sa kanya sa daan.
'Guni-guni lang iyon Viñea, wala kang dapat ipag-alala, pagod ka lang kaya kung ano-ano ang naiisip mo'
Napahilamos siya sa mukha gamit ang kanyang kamay. Huminga siya nang malalim para gumaan ang kanyang kalooban.
Nakita niyang bukas ang kanyang bintana kaya lumapit siya rito upang isarado ito. Hindi pa niya nasasarado ang bintana nang makita niyang may nakatayong kung sino ang sa labas ng bahay niya.
Madilim roon kaya hindi niya nakikita pero base sa hubog ng katawan ay mapapansing lalaki ito.
Malaki ang katawan ng lalaki at nanlaki ang mga mata ni Viñea nang makita niya kung ano ang hawak nito.
May dala itong malaking palakol sa kanang kamay at sa kaliwang kamay naman nito ay may hawak itong---ulo ng tao!
Tumaas ang balahibo niya sa takot at agad na isinara ang bintana. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at pinakiramdaman ang pagkabog ng puso niya.
Ang bilis at ang lakas ng kabog ng puso niya. Sa sobrang takot niya ay napaluha siya at napaupo sa sahig. Sinabunutan niya ang kanyang buhok.
'Wala lang iyon Viñea inaantok ka lang. Kailangan mo lang talaga magpahinga. Wala lang iyon.'
Muli ay tumayo siya at tinangkang buksan muli ang bintana upang silipin kung naroon pa ang lalaking may hawak na palakol at ulo ng tao.
Sumilip siya roon. Wala na ang lalaki, kaya nakahinga na siya ng mabuti. Isasara na sana niya ang bintana nang biglang may nahulog mula sa taas. Nagulat siya at napasigaw nang malakas.
"Anak ayos ka lang ba diyan?"
"O-opo mama. May nahulog lang po aking gamit."
"Ganoon ba, akala ko nadulas ka diyan eh."
Habol-habol ang hininga niya sa nangyaring iyon.
'Ano kaya yung nahulog? Base sa lakas ng kalabog no'n ay mukhang mabigat iyon. Siguro pusa lang iyon.'
Agad niyang isinara ang bintana at hindi na tinangkang tignan pa kung ano iyong nahulog. Dali-dali siyang humiga at nagtalukbong.
'Kung ano man ang nakita ko, kung ano man iyong narinig ko, sana panaginip lang iyon. Dala lang sana ng pagod ko iyon. Ayoko nang bumalik pa ang masamang nangyari sa akin noong bata pa ako, pinilit ko nang kalimutan iyon, ayoko na, tama na'
Nagpalabas siya ng malalim na hininga. Mariin niyang pinikit ang kanyang mata upang makatulog.
'Tama na ayoko na AHHHHH!!!!'
'Ayoko pang mamatay!!'
Bigla na lang siyang napadilat at bumangon. In-open niya ang selpon niya at tinignan kung anong oras na.
3:00am na ng madaling araw, ilang oras na lang ay magigising na siya. Pinatay niya ang selpon niya at namayani muli ang madilim niyang kwarto. Ang tanging maliwanag lamang ay ang bintana niya na-- nakabukas na.
Babangon na sana siya nang makita na may nakatayo mula roon. Nang dahil sa ilaw na nagmumula sa bukas na bintana niya ay nakikita niya kahit papaano kung sino ang taong nakatayo roon.
Matangkad ito kaya hindi natatamaan ng ilaw na galing sa bintana ang uluhan niya pero ang katawan lang nito na malalaki ang kita dito.
'T-teka hindi kaya siya ang---'
Nagulantang siya ng biglang tumakbo ito papalapit sa kanya at mukhang dadaluhungin siya. Sa bawat pag-hakbang nito sa kanilang kahoy na sahig ay mabibigat ang mga hakbang nito.Napasigaw siya ng malakas at nagulat siya ng biglang nawala ito. Muling bumalik ang kaba niya na naramdaman niya kanina. Kahit medyo malamig ang kwarto niya ay nakakaramdam siya ng mga butil ng pawis mula sa kanyang ulo.
Nanatiling nanlalaki ang mata niya sa nangyari.
'Sino ka ba at bakit ka nagpapakita sa akin?'
Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at nakita niya ang kanyang ina. Tumakbo siya papalapit sa kanyang ina at niyakap niya ito nang mahigpit at napahagulgol.
"Anak ayos ka lang ba? Kanina pa kita naririnig na sumigaw ka, ano ba kasi talaga ang nangyayari?"
"M-mama, nag-uumpisa na naman po ulit sila magpakita."
Napabuntong hininga ang kanyang ina at niyakap niya ang kanyang anam ng mahigpit.
Simula noong bata pa si Viñea ay lagi na itong nakakakita at nakakaramdam ng kung ano mang mga kababalaghan. Lalo na noong panahong nagkasakit ang kanyang anak nang dahil sa nakikita ni Viñea na babaeng laging nakatayo sa paanan niya sa tuwing natutulog na malaki at nakalaylay ang bunganga, payat ang pangangatawan, at duguan ang mga mata.
Nawala lang ito nang pinilit niyang kalimutan iyon. Ilang taon din ang nakalipas nang nawala ang ganitong uri ng kung ano-ano ang nakikita at nararamdaman ni Viñea.
Minsan na nga'y napadala na siya ng kanyang ina sa Psychiatrist. Minsan ding natatakot siya sa sarili niyang anak kasi minsan naririnig niya ito na may kausap na kung sino man. Pero anak parin niya ito, kailangan niyang magpakatatag dahil siya na lang ang tanging nagmamahal nito sa buhay nang lisanin na sila ng kanyang asawa.
"Anak, magpakatatag ka wag kang magpapadaig sa takot, nariyan lamang ang Diyos at ang papa mo na laging gumagabay sa iyo." Sabi niya sa kanyang anak.
Kumalas sa pagkakayakap si Viñea. Pinunasan niya ang mga luhang nagkalat sa mukha niya. "Salamat po mama."
Muling napayakap si Viñea sa kanyang ina. Buti na lang at nariyan lamang kanyang ina para sa kanya.
Sinamahan ng kanyang ina si Viñea sa loob ng kwarto nito.
"Siya na naman ba ang nakikita mo?"
"Hindi po mama, iba na naman po. Malaking tao siya na may dala na malaking palakol at ulo ng tao. Mama, akala ko po andito siya sa kwarto ko kanina, kaya po ako napasigaw ng malakas dahil tumakbo po siya palapit sa akin pero po nagulat ako nang bigla siyang nawala."
"Mamaya, sa kwarto ko na lang doon ka matulog para hindi ka ulit bangungutin."
Napatango na lamang siya bilang pagsang-ayon. Narinig niya nang biglang mag-alarm ang selpon niya. Oras na pala para maligo siya dahil may pasok pa pala siya sa iskwelahan.
"Mama, maliligo na po ako may pasok pa ko ako."
"Ipaghahanda lang kita ng baon mo."
"Mama, wag na po bumalik na lang po kayo sa tulog."
Napailing ang nanay niya. "Anak, ito ang tungkulin ko bilang ina kaya maligo ka na at magbihis dahil may pasok ka pa. Maghahanda lang ako ng baon mo." Tumayo ang nanay niya at lumabas sa kanyang kwarto.
Tumayo siya at pumunta sa banyo upang maligo.
'Kung ano man ang nakita ko ngayon, sana ito na ang huli. Ayoko na namang mag-tagal pa ito.'
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong