LOGIN
Tumayo sila at binati ang kanilang principal.
"Okay so class... Uhmm sad to say pero I need all of you to listen carefully to my announcement, grabe nasa office lang ako nang biglang may mag-sabi nito sa akin. Nakaka-shock siya sobra so heto na... 8:00pm in the midnight, Ma'am Consuelo your English teacher caught beheaded into her room."
Nagulat lahat ng mga istudyante sa biglaang announcement ng kanilang principal. Nanlaki ang mga mata ni Viñea nang marinig niya iyon.
'Ma'am Consuelo'
'Beheaded'
'Beheaded'
Nag-iba ang ihip ng hangin nang marinig niya ito. Napahawak siya ng mahigpit sa armchair niya.
"And... Her head... Was lost" Dagdag pa ng principal nila na lalong nakapag-pagulat sa mga istudyante.
'Her head... Was lost'
'Lost'
Namumugto na ang kanyang mata at handa ng bumagsak ang kanyang mga luha.
"H-hindi... H-hindi pwede ito! Hindi pwede ito! Totoo ang nakita ko kagabi?!"
At tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha. Kinuha niya ang kanyang panyo sa bag niya at pinunasan iyon. Habang nagsasalita ang principal nila ay nararamdaman niyang parang may bumubulong sa kanya na tumingin sa bintana ng kanilang classroom.
Dahan-dahan siyang lumingon roon at nakita niya ang lalaking nakasilip roon na nakangisi habang nakatingin sa kanya. Malaki ang pangangatawan nito at may dala-dalang malaking palakol.
"T-teka! Siya-- siya na naman!"
Naglakad ang lalaki papasok sa pinaka likuran ng kanilang silid-aralan kung saan siya nakapwesto. Muling tumingin siya sa kanyang principal na patuloy pa rin sa pagsasalita.
Nanlaki ang kanyang mga mata at muling lumingon sa pinasukan ng malaking taong iyon.
Nagulat siya nang mapagtantong nasa tabi na pala niya ito at binigla siya nitong sinakal patayo.
"AHHHHHHHHH!!" Sigaw niya habang hawak-hawak ang kanyang leeg. Sakal-sakal pa rin siya nito.
Sa nangyaring iyon ay nagulantang ang lahat ng mga kaklase niya at natakot sa ginawa nito. Lahat sila'y nakatuon ang pansin sa kanya. Ang ila'y natatakot at ang ila'y nanatilinh gulat pa rin. Pati na ang principal nito na kanina'y nagsasalita ay ngayo'y nagulat sa pangyayari.
Nakita iyon ng kanilang guro at tumakbo papalapit sa kanya. "Miss Juandro anong ginagawa mo?!" Tanong ng kanilang guro habang pilit na tinatanggal ang kamay ni Viñea sa kanyang leeg.
"AHHHHHHHH!"
"Miss Pallajes! Tanggalin mo iyang kamay mo sa leeg mo!" Sigaw ng kanilang guro habang pilit na tinatanggal ang kamay nito sa kanyang leeg.
Sakal-sakal pa rin siya ng malaking taong iyon. Napaluha siya sa sakit, hindi siya makahinga ng maayos dahil sa sobrang pagkahigpit ng pagkakasakal nito sa kanya.
Maya-maya'y biglang nawala ang malaking tao na sumasakal sa kanya naramdaman niyang lumuwag ang pakiramdam niya. Nakita niya ang gurong pilit na tinatanggal ang kamay niya.
Nabitawan niya ang kanyang kamay na nakasakal sa leeg nito. Habol-habol ang hininga niya sa nangyari sa kanya.
"Miss Pallajes! Bakit mo sinakal ang sarili mo?!" Galit na tanong ng kanyang guro sa kanya.
Nagtataka siyang tumingin sa guro.
"M-may s-sumakal p-po s-sa a-akin" Utal niyang sabi habang habol-habol pa rin ang hininga niya.
"Anong pinagsasabi mo diyan? Walang sumasakal sa iyo! Ikaw lang ang tanging sumasakal sa sarili mo!" Sigaw ng guro niya habang hawak-hawak ang magkabilang balikat nito.
Sa sinabi ng kanyang guro ay nanlambot ang kanyang mga tuhod at napaupo na lamang sa kanyang upuan.
"H-hindi maaari!" Sambit niya sa sarili niya at napayuko.
"Miss Pallajes I need to call your parents of what you did." Sabi ng guro niya.
Lumapit kay Viñea ang kanilang principal at hinawakan ang kanyang balikat. Napaupo ito sa harapan niya upang makita ang mukha niya.
"Iha, ayos ka lang ba? Natakot ako sa ginawa mong pagsasakal sa sarili mo. But I need to talk to your parents to know what you've did." Pag -uulit nito sa sinabi ng kanyang guro.
Nanatiling nakayuko lang siya.
"Sumama ka sa akin sa office at kakausapin kita roon. Then after that I call your parents okay?" Dagdag pa nito.
Napapikit na lamang si Viñea at napaluha.
"O-okay po." Sabi nito at napatango.
Tumayo na ang principal niya at inilahad nito ang kanyang kamay para sumama ito sa kanya. Dahan-dahan na tumayo siya at hinawakan ang kamay ng principal niya. At naglakad palabas ng silid. Iniwan nilang tahimik ang buong silid.
Nasa office na sila at nakaupo si Viñea at nanatiling nakayuko sa harap ng table ng kanyang principal. Tinawagan na ng principal niya ang kanyang nanay. Maya-maya'y bumukas ang pinto at pumasok roon ang nag-aalalang nanay ni Viñea.
"Anak." Tawag ng nanay niya at agad inindahan ng mahigpit na yakap. Ginantihan niya rin ito ng mahigpit na yakap.
"Mrs. Pallajes kaya ko po kayo pinatawag dito kasi ang anak ninyo po na si Miss Viñea Pallajes ay biglang sinakal ang sarili kanina lang sa kanilang classroom." Paunang sabi ng kanyang principal.
Sa pagkakasabi no'n ng principal ay napakalas sila sa pagkakayakap ng mag-ina, at bumalik sa pagakakayuko si Viñea. Tiningnan niya ang kanyang anak at pinaharap niya ito.
"Anak, bakit mo naman ginawa iyon? Iiwan mo na din ba ako? Anak, hindi ko pa kaya." Sambit ng kanyang ina habang paiyak na.
Nanatiling nakayuko si Viñea at hindi nagsasalita. Pinatingala ito ng kanyang ina gamit ang kamay nito at nakitang lumuluha ang kanyang anak.
"M-mama, b-bumalik na naman po siya." Sabi niya sa kanyang ina habang lumuluha. Muling napayakap ang kanyang ina sa kanya.
Napatikhim ang principal at muling nagsalita. "Mrs. Pallajes, maaari ninyo po bang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari sa anak ninyo. Baka po maaari ko po kayong matulungan at mapadala sa Psychiatrist ang--"
Hindi natapos ang pagsasalita ng principal nang biglang magsalita ang nanay ni Viñea.
"Psychiatrist?! Hindi baliw ang anak ko! May nagpapakita lang sa kanya na kung ano man kaya wag na wag ninyong sasabihing ipapadala ko ang anak ko sa Psychiatrist! Kagabi ko lang narinig na bigla siyang sumigaw dahil sa takot dahil may nakita siyang nakatayo sa kwarto niya. At hindi niya kilala kung sino iyon." Banggit ng nanay ni Viñea sa principal.
"O-okay po. Pagpahingain niyo na lang po ang anak ninyo. Ako na lang po ang bahala sa excuse letter niya para malaman po na pinag-pahinga ko po ang inyong anak."
"P-pero pano po yung exam ko? Next week na po iyon hindi po ako makakapag review." Biglang singit ni Viñea.
"Ako na lang ang bahala sa exam mo ang importante makapag-pahinga ka."
"Kaya ko naman po. H-hindi na po iyon mauulit pa."
"Makinig ka sa akin Ms. Pallajes kailangan ko lang ang kaligtasan mo upang hindi na maulit ang gantong pangyayari."
Napabuntong hininga na lamang si Viñea at sapilitang napatango. "Pwede na po ba kaming umalis?" Tanong ng nanay ni Viñea.
Napatango na lamang ang principal bilang sagot sa tanong ng ina ni Viñea. Nagpasalamat ito at umalis na silang dalawa.
Tahimik lang hanggang pauwi si Viñea sa kanilang bahay. Pagpasok nila ay pinaupo niya ang kanyang anak.
"Anak, ano ang nangyari sa iyo kanina? Anong ginawa mo?" Mahinahong tanong nito sa kanyang anak.
"M-mama, sinakal niya po ako. Halos himatayin po ako nun sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa akin." Mahinang sagot ni Viñea.
Tatayo na sana siya nang biglang magsalita pa ito kaya bumalik siya sa pagkakaupo.
"M-mama, y-yung sinabi ko po kagabi sa inyo na... Yung nagpakita po sa akin... Lalaking malaki ang katawan, may dalang palakol at may dalang ulo ng tao. M-mama totoo po yung nakita ko. Sana po maniwala kayo sa akin."
Hinawakan ng nanay niya ang kamay niya at hinaplos ito. "Anak, kung ano man ang mga nakikita mo. Wag kang maniwala."
"Pero mama--" Hindi nita natapos ang sasabihin niya nang seryosong tumingin muli sa kanya ang nanay niya. Walang siyang nagawa kundi ang yumuko.
"Magbihis ka na. Mamaya pag matutulog na, doon ka na sa kwarto ko matulog." Sabi ng nanay niya at umalis na ito sa tabi niya at pumunta sa kusina.
Napabuntong hininga na lamang siya at napagpasiyahang pumunta sa kwarto niya at magbihis. Pagkabukas niya sa pintuan ay may malakas na hangin na sumalubong sa kanya.
'Nakapagtataka naman, nakasarado ang bintana ko pero ang lakas-lakas ng hanging iyon.'
Pumasok siya sa loob at agad na tiningnan niya ang electric fan niya kung naiwang nakabukas ba ito upang magkaroon ng ganoong kalakas na hangin.
Nang makita niya iyon ay lalong siyang nagtaka.
Hindi na lang niya ito pinansin at tumungo sa cabinet niya upang kumuha ng damit pambahay.
Pagkabukas niya roon ay nagulat na lang siya ng biglang may gumulong roon na parang bola at napunta ito sa ilalim ng kama niya. Sinundan niya ang paggulong no'n. Kumunot ang noo niya sa nakita.
'Hindi naman ako naglagay ng bola sa cabinet ko. At saka wala din akong bola!'
Sabi niya sa isip. Nagbihis muna siya at saka tumungo sa kanyang kama, lumuhod siya roon upang makita ang ilalim ng kama niya. Muli siyang tumayo at kinuha ang flashlight at muling tumungo sa higaan.
Binuksan niya ang flashlight at itinutok sa ilalim ng kama niya. Nakita na niya ang bolang gumulong mula sa cabinet niya papunta rito.
Inabot niya ito ngunit hindi niya ito makuha. Pinilit niyang abutin ito, pinilit niya ng pinilit hanggang sa maabot na niya ito. Tumayo na siya habang dala-dala ang bolang nakabalot sa bag.
Inilapag niya muna ito sa kanyang higaan at hinawakan niya ito at minasahe ang kanang balikat niya na nasaktan dahil pinilit niyang abutin ang bolang nasa ilalim ng kanyang higaan.
Nang medyo hindi na gaanong masakit ay kinuha niya muli ang bolang may nakabalot na bag. Ngunit bago niya buksan ito ay hinagis-hagis niya muna ito sa ere.
'Bakit ang bigat naman ng bolang ito?'
Walang kung ano-ano'y binuksan niya ito. Nagulantang siya ng makitang---ulo pala ito ng tao!
Nabitawan niya ito at napatutop ang kanyang bibig sa nakita.
'H-hindi! B-bakit may ulo ng tao sa closet ko!'
Nagsimula na namang bumagsak na naman ang napakarami niyang luha.
"M-MAMA!!!" Tawag niya sa nanay niya.
Nagmadaling umakyat ang nanay niya at tiningnan ang kanyang anak na nakaupo habang umiiyak sa sahig. Tinuro niya iyong ulo na nakasalampak na lang sa sahig.
Sinundan ng nanay niya ang pagturo niya roon at nanlaki ang mata niyang makita ang ulo ng tao. Nanghilakbot ang buo nitong katawan sa nakita.
"B-bakit kay ulo diyan sa kwarto mo?" Biglang tanong niya sa anak niya.
Tumingin ang anak niya sa kanya at umiling-iling. "M-mama h-hindi k-ko p-po alam." Sambit niya sa nanay niya, paulit-ulit niya itong sinabi.
Tumango-tango ang nanay niya at niyakap siya. Inalalayan niya itong tumayo. "Kailangan nating ipakuha iyan sa pulis."
'Mukhang alam ko kung kaninong ulo iyan. Pero hindi ko muna ito sasabihin hangga't hindi pa ito nae-examine kung tama ba talaga ang hinala ko kung sa kanya ba talaga ang ulong iyan.'
Tinawagan na ng nanay niya ang mga pulis at maya-maya'y dumating na ito sa tahanan nila. Kinuha ng mga pulis ang ulo ng tao, isinilid muli nila ito sa bag at habang ini-interview silang mag-ina ay iniimbistegahan ng mga detective ang ulo ng tao.
"Hindi normal na tao ang makakagawa ng ganitong krimen. Tinanggalan siya ng mata at mga ngipin, kinalbo din siya. Pero napapansin ko na babae ito, tignan ninyo may butas ang tainga niya kaya ko napansin na babae ito."
Tapos na ang kanilang pag-iimbestiga sa uli ng tao. Nilapitan nila ang mag-ina at saka tinanong ng kung ano-ano. Nalaman na ng mag-ina na babae ang may-ari ng ulong iyon. Kaya nang malaman iyon ni Viñea ay alam na niya talaga kung kanino iyon.
Kinuwento niya ang tungkol sa guro nila sa English na natagpuang pugot ang ulo nito sa kwarto niya at sinabing nawawala ang ulo nito at hindi na mahanap.
"Bakit napunta rito sa bahay ninyo ang ulo na iyon?" Tanong ng isang detective.
"H-hindi ko rin ho alam. Ako lang naman po ang tao rito sa bahay sa tuwing aalis ang anak ko. Pag-aalis naman ako sinasarado ko lahat ng pinto at bintana namin para walang iba makasilip at makapasok." Sagot ng nanay ni Viñea.
"Nakapagtataka naman. At saka in-examine namin ang inyong tahanan bago namin imbestigahan ang ulo ng taong iyon pero ni isang bakas wala. Hindi lang din sa loob ng bahay ninyo kundi sa likod at labas ng inyong bahay." Sambit ng detective sa kanila.
"Sigurado ho ba kayo na wala po talaga kayong kinalaman sa pangyayari?" Tanong ulit ng isang detective.
"Opo! Wala po talaga!" Agad na sagot ng nanay ni Viñea.
Natapos rin ang pag-iimbestiga sa kanila ng nanay niya. Hanggang ngayon ay hindi pa sila makapaniwala sa nangyari.
"Anak, sasama ka pa ba talaga sa gala ninyong magkakaibigan? Sigurado ka bang hindi na ulit mangyayari iyang bangungot mo?" Agarang tanong ng nanay niya.
"O-opo sasama pa rin po ako." Sagot niya.
10:30pm na ng gabi ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Viñea. Ngayon'y nasa kwarto na sila ng nanay niya. Nakahiga na sila ngayon at tulog na ang nanay niya, siya na lang ang hindi pa dinadalaw ng antok. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang nangyari kanina.
'Ano ba ang pakay ko sa akin at bakit nagpapakita ka sa akin bigla. Hindi naman kita kilala. Pinadalhan mo pa ako ng pugot na ulo.'
Humarap siya sa nanay niya at tiningna niya ito habang natutulog.
'Ayokong madamay ka pa sa ka-abnormalan ko, mama'
Niyakap niya ito at muling pumikit. Nang medyo mahimbing na ang tulog niya nang makarinig siya ng parang may naglalakad sa taas. Ang bibigat ng nga yabag nito. Rinig na rinig ang mga mabibigat na yabag na nagmumula sa itaas ng bahay nila.
Ang kwarto ng nanay niya ay sa taas lang nito ang kwarto niya, ibig sabihin ay may naglalakad doon sa taas. Hindi tumitigil sa paglalakad ang kung sino man sa taas.
'Bangungot ka lang, bangungot ka lang'
Palakas ng palakas ang mga yabag na nagmumula sa taas. Muli niyang tiningnan ang ina niya, himbing na himbung ang tulog nito, bakit hindi niya ito naririnig? Bakit ako lang?
Walang kung ano-ano'y bumangon siya at lumabas sa kwarto ng nanay niya. Rinig na rinig pa rin ang mga yabag kahit na nasa labas siya. Dahan-dahan siyang umakyat at nang makapunta na siya sa kwarto niya ay binigla niyang buksan ang pinto ng kwarto niya.
Tahimik. Walang mga yabag ng kung sino man. Naramdaman niyang nagsitaasan ang mga balahibo niya. Nanatiling nakabukas pa rin ang pinto ng kwarto niya, hindi pa rin siya umaalis roon hangga't hindi nagpapakita ang kung sino mang nag-iingay sa kwarto niya.
Habang nasa kwarto siya ay bigla-bigla na lamang may malamig na hanging sumasalubong sa kanya, na nakakadagdag kilabot sa kanya.
Sa gitna ng pagbabantay niya ay napagpasiyahan na niyang isarado ang pinto ng kanyang kwarto nang biglang parang may humawak sa kanyang kanang braso.
Malamig ito at lalong nakapangingilabot. Napabuntong hininga siya at balak na hawakan ang brasong may humahawak doon.
Nang mahawakan niya ito ay imbis na matakot siya ay napaluha na lamang siya.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong