Home / All / RED FOREST / Chapter 11

Share

Chapter 11

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 02:15:52

Viñeas P.O.V

Imbis na matakot at kilabutan, ay napaluha na lamang ako. Hinaplos ko ang malamig nitong kamay na nakahawak pa rin sa braso ko.

"P-papa." Nagsimula nang tumulo ang luha ko. Humarap ako sa kanya at kahit madilim ay nakikita ko pa rin ang mukha niya. Hinaplos ko ang mukha niya at laking gulat ko na may nahawakan ang likido mula sa kanyang mukha.

Alam kong dugo iyon pero ni hindi man ako natakot. Naramdaman ko ring hinawakan niya ako sa mukha at hinaplos rin. Napaiyak na lang ako nang haplusin niya iyon.

"Papa, namimiss ko na po kayo." Sabi ko sa kanya.

Nanatili lang siyang tahimik at patuloy sa paghaplos ng mukha ko. Gusto ko siyang yakapin.

"D-d-delikado." Pilit niyang sabi.

Delikado? Anong delikado?

"P-papa, ano pong ibig ninyong sabihin?"

Nang tanungin ko siya no'n ay bigla na lamang siya nawala.

Anong ibig sabihin niya roon?

Muli akong lumingon sa kwarto kong ngayon ay nakasarado na.

Kung ano man iyon sana hindi makapag-pahamak sa akin iyon, lalo na kay mama.

Bumaba na ako at muling bumalik sa kwarto ni mama. Bago ako humiga ay tiningnan ko muna siya, nakatalikod siya at ang himbing ng kanyang pagtulog.

Napangiti ako at saka humiga sa kama. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya, muli kong ipinikit ang aking mga mata.

Mabaho... Bakit mabaho?

Nakakaamoy ako ng mabaho.

May dumapong bangaw sa ilong ko at nagulat ako doon kaya napabangon ako bigla. Si mama nanatili pa ring nakatalikod sa akin.

Nakita ko ang bangaw na dumapo sa ilong ko kanina. Dumapo naman siya sa balikat ni mama. Pinatitigan ko lang ito at nagulat ako nang may dumapong bangaw ulit sa balikat niya.

Dalawa na sila ngayon. Nanlaki ang mata ko ng dumagdag muli ng isa ang bangaw at hanggang sa dumami ng dumami ito.

"MAMA!" Tawag ko sa kanya.

Maraming nagliliparang mga bangaw sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nanatili pa rin siyang nakatalikod.

Napalunok ako ng laway at napagpasiyahan kong ipaharap siya.

Nang mapaharap ko siya ay nagulat ako nang--- nabubulok na ang katawan niya!!

Dahil sa takot ko ay nahulog ako sa kama at nagpaatras ng nagpaatras hanggang sa madikit ako sa dingding. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya at ipinikit ko ang aking mga mata.

"Bangungot lang ito Viñea, bangungot lang." Sambit ko sa sarili ko habang umiiyak.

Paulit-ulit kong sabi hanggang sa muli kong idinilat ang mata ko at tumingin sa kanya. Nawala na ang mga bangaw na nakapalibot sa kanya, hindi na rin nabubulok ang buong katawan niya.

Lumapit ako sa kanya at inalog-alog ang katawan niya. Maya-maya'y nagising siya sa pagalog-alog ko sa kanya.

"Ano ba iyon, Viñea?" Agad na tanong niya sa akin. Wala akong pakialam kung maistorbo man siya sa tulog niya, ang importante malaman ko kung buhay pa siya.

Umiling ako at niyakap siya. "Bakit anak? Binabangungot ka na naman ba?"

"Hindi po. N-napaginipan ko lang po si papa." Pagpapalusot ko sa kanya. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at muling humiga.

Humarap siya sa akin at niyakap niya ako.

"Anak, labanan mo ang takot mo. Lagi kong pinapaalala sa iyo na wag kang magpapadaig sa takot mo kasi kung magpapadaig ka, lagi-lagi siyang magpapakita sa iyo." Sabi niya sabay pikit ng kanyang mata.

__________________________________

Ilang araw ang nakalipas, nang matapos na nila ang kanilang 3rd Quarter Examination. Kinabukasan na agad ang pag-alis nilang lahat.

Tuwang-tuwa si Shelby dahil natapos na rin nila ang Exam. Kaya naman ay napagpasiyahan niyang mag-ayos ng mga gamit para bukas.

Ganoon din ang ibang mga kasama sa pag-alis nila bukas. Nag-ayos na rin sila ng mga gamit nila para handa na sila sa pag-alis.

ShelBabes:

Tomorrow sa Hade's Restaurant pero hindi ninyo na kailangang pumasok doon. Kailangan maaga tayong makaalis bukas. Mga 5:30am bukas, dalhin lahat ng nga kakailanganin. Then, sabi sa akin nina Joren at Gelard ay sila na ang bahala sa van na sasakyan natin papunta roon kasi sila din ang nakakaalam ng mga daan papunta roon.

Jon my BABY:

I'm very excited!!! Sa sobrang pagka-excite ko minadali ko yung exam kanina HAHAHAHAHAHA

Macky:

WTF! Bro, ganyan ka ka-excite? Make sure na sana tama lahat ng mga sagot mo doon.

Jon my BABY:

Sus ako pa HAHAHAHAHA daanin ko lang sa kindat yung Prof namin HAHAHAHA

ShelBabes:

You're such a dick HAHAHAHA

Joren:

Goodluck guys! 😂

Gelard:

Ingat!!! 😂

Joren's P.O.V

"Okay sige. Doon na lang." I end up the call and go to my room. Kailangan ko na palang mag-impake ng mga gamit para bukas.

After kong mag-impake ng mga gamit ay humiga na agad ako. Grabe! Nakakapagod mag-impake, ang dami kong dadalhin bukas. I open my phone and I chat Gelard. Napangiti na lang ako sa mga conversations namin.

Grabe excited na talaga ako bukas! Sana excited na rin ang iba lalo na si Jadhrie at Hazielle.

Jadhrie's P.O.V

Excited ba ako sa alis namin bukas?

Actually, hindi naman masyado. Wala lang, ayoko naman kasi mag-over excited katulad ni Jon na sa sobrang excited niya minadali niya yung exam niya.

Goodluck na lang sa kanya kung makakapasa ba siya o hindi. Pero sabi nga niya sa chat na isang kindat lang daw niya sa Prof niya, pasado na siya.

Naayos ko na lahat ng mga gamit ko at ready na ako para bukas. It's already 9:00pm at hindi man lang ako dinadalaw ng antok. Nakatulala lang ako at nakatingin sa kisame.

Biglang pumasok sa isip ko si Haze. Naalala ko no'ng nagsabe siya sa akin kung ayos lang ba na siya ang kasama ko sa hotel. Sasabihin ko na din sana iyon sa kanya kaso hindi ko alam kung kailan ko sasabihin sa kanya.

Pakiramdam ko no'n, gumaan ang pakiramdam ko nang makausap siya. Nakita rin kaya niya yung kwintas at yung bracelet na bigay niya sa akin no'n?

At saka... Hindi na ako gaano nakakaramdam ng matinding galit sa kanya, simula pa noong tumawag siya sa akin at no'ng marinig ko ang sinabi niya na nag-iisa na kang siya sa buhay, naawa na ako no'n sa kanya.

Buti na lang at makakasama ko siya sa isang kwarto. Namimiss ko ulit na makasama siya lalo na't may kailangan siyang sabihin sa akin. At kailangan ko ring magpatawad sa kanya, nang dahil sa nagawa ko.

Maya-maya'y unti-unting bumabagsak ang mga talukap ko, nakakaramdam na rin ako ng antok.

Hazielle's P.O.V

Ito na nga ang pinakahihintay ko sa lahat. Buti nga't makakasama ko siya sa hotel. Siguro kapag nag-usap na kami, babalik na ang mga ngiti kong hindi ko magawa-gawa ngayon.

"Jadhrie, sana maging masaya ka na makakasama mo ako ulit. Lalo na't kailangan nating mag-usap, kailangan mong malaman ang lahat-lahat." Sabi ko habang nakahiga na sa kama.

"I miss you, Jad."

Binuksan ko ang phone ko at tiningnan ko ang oras. 9:30pm na pala, kailangan ko nang matulog dahil maaga pa akong magigising bukas.

Sa aking selpon, tumungo ako sa gallery at tiningnan ang mga pictures namin ni Jad. Napapangiti talaga ako kapag nakikita 'ko ang mga pictures namin, kaya napagpasiyahan kong gawing wallpaper ito sa selpon ko.

Itinaklob ko na sa buong katawan ko ang kumot at pumikit upang makatulog.

Macky's P.O.V

Good thing, at magkakasama muli sina Haze at Jad. Sana hindi ulit magsungit si Jad, ayokong sinusungitan niya si Haze.

Miss na miss ko na si Jad, na kahit hindi kami laging magkasama kasi lagi silang dalawa ni Haze ang laging magkadikit, miss na miss ko pa rin siya.

Naalala ko no'ng huli naming pagkikita, sa school niya na sinigawan niya ako, sana hindi na mauulit iyon. Sana pumayag siya na liligawan ko siya ulit.

Wag lang sana ako harangan ni Haze dahil alam na niya kung anong mangyayari sa kanya kapag ganoon.

Kailangan kong magpakatatag para mapalapit ulit sa akin si Jad. Siya lang Ang mahal ko at hindi na si Haze dahil-- Aisshh ayoko nang maalala pa iyon.

Pansin ko nga doon kay Haze na kapag malapit ako sa kanya lumalayo siya. Aba parang hindi---

May kumakatok sa pinto ko, si lola ito siyempre siya lang naman ang kasama ko rito sa bahay. Bumangon ako at binuksan ang pinto.

Si lola nga, pumasok siya at halatang may kailangang sabihin.

"Apo, kailangan kong umuwi sa probinsya kasi si tita mo nanganak na kailangan niyang may taga-bantay sa bagong anak niya. Siguro, makakauwi ako mga ilang linggo lang naman. Yung pinsan mo kase, may trabaho kaya hindi niya ito mababantayan, yung tito mo naman hindi pa nakakauwi kaya ako na lang ang magbabantay."

Tumango lang ako bilang sagot.

"Lola, aalis din po ako bukas. May reunion po kami doon sa may--- saan nga ba yun? Sa... Pulang..."

"Pulang Kagubatan?" Pagpatuloy niya sa sinabi ko.

"Lola, paano niyo po alam iyon?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Nakapunta na kami roon. Nakakatakot doon, nagiging dugo kapag dumidilim." Sabi niya.

"Oo nga daw po eh. Mukhang ayos naman lola. Doon daw po kasi sabi ng kaibigan namin eh."

"Balik tayo sa tita mo, bale ngayon na kasi ako aalis kasi medyo malayo pa ang tirahan ng tita mo."

"Lola anong oras na ho? 10:00pm na po may masasakyan pa po ba?"

"Meron pa, apo. Tara na at nag-aantay na sa akin ang taxi sa labas. Tulungan mo ako sa pagdala ng mga gamit ko."

Sumunod ako sa kanya papuntang kwarto at nanlaki ang mata ko nang makita ang dala niyang isang maleta at isang shoulder bag.

"Lola, bakit ang dami niyo naman pong dalang gamit?"

"Apo, hindi kasya sa akin ang mga damit ng tita mo alam mo namang napakasexy no'n" Ani niya.

Napatawa na lamang ako doon sa sinabe niya. Medyo mataba kasi si lola buti nga't kahit 65 years old na siya malakas at malusog pa rin siya.

Nasa labas na kami ngayon at inilagay ko na ang maleta niya sa likod ng kotse. Bago pumasok si lola sa kotse ay niyakap niya ako.

"Mag-iingat ka, apo. Mamimiss kita." Sabi niya sa akin.

"Ingat din po lola. Pakisabi kay tita pahingi akong jam ubos na po kasi eh."

Tumango lang siya at pumasok na sa kotse. Umandar na ang kotse at nakita ko si lola na kumakaway sa akin. Kinawayan ko din siya at nang makalayo na ang taxi ay pumasok na ako sa loob ng bahay at agad na pumasok sa kwarto ko.

10:15pm na, kailangan ko ng matulog kasi maaga pa ang alis ko bukas.

_________________________________

[ 5:25 am ]

Naunang nakarating si Jon at Shelby sa sinabing lugar kung saan sila magkikita. Maya-maya ay nagsi-datingan na rin ang iba pang mga kasama.

[ 5:50 am ]

Saka lang dumating ang van nina Gelard at Joren. Pumarada ito sa harap nila. Bumaba sila doon at nakita nilang inip na inip na so Shelby.

"What time did I say again?" Sabi nito sa dalawa habang nakapameywang ito.

"Sorry naman. Pina-gas pa kasi namin itong van. At saka, ilang minutes lang naman ang tinagal namin eh." Sabi ni Joren at saka tumingin kay Gelard.

"So, ano pang hinihintay niyo? Hop in! Malaki ang van kaya kasya lahat ng mga basura niyo HAHAHAHA!" Biro ni Gelard.

"Ten persons kay Gelard at ten persons din akin." Ani ni Joren at saka tinulungang buhatin at ilagay sa loob ang ibang gamit ng mga kasamahan. Pumasok na rin siya sa loob ng driver's seat.

"So are you ready to die?! HAHAHAHA just joking!" Pagbibiro ni Joren na nakapag pataas ng kilay ni Shelby.

"Hey! Ikaw ang mag-da-drive?" Hindi makapaniwalang sabi ni Shelby sa kanya.

"Yeah! Don't worry I won't put all of you to hell pag nag-start na ako mag drive. Nag-jo-joke lang ako kanina HAHAHAHA!"

"Okay fine." Sabi ni Shelby at sumandal sa inuupuan.

"Bro! Larga na ba?!" Sigaw ni Gelard na mula sa likuran ng sasakyan niya.

Inilabas niya ang kanyang kamay sa bintana ng van at nag thumbs up.

"Okay!" Muling sigaw ni Gelard.

Pinaandar na nila dalawa ang makina ng van. Nag-umpisa na silang gumalaw at narinig nila ang hiyawan sa van ni Gelard.

Sa van naman nila Joren ay tahimik lamang ang mga naroon. Ang ilan ay natutulog at naka-head set, ang ilan naman ay nakatingin sa bintana habang bumabyahe sa kalsada.

Nasa van ni Joren nakasakay sila Jadhrie at Hazielle. Sakto ay magkatabi pa sila. Si Hazielle ay tahimik lamang na nakaupo habang si Jad naman ay nagbabasa ng libro.

Nakita ni Jad sa katabi na tahimik lang ito kaya ibinigay niya ang librong binabasa niya rito. Nakita iyon ni Hazielle at nagtaka siya kaya napatingin siya kay Jadhrie.

"Yung wish mong book na share dapat tayo no'n. Here, read it and take it."

Tinanggap iyon ni Hazielle at nagpasalamat sa kanya. Napatango lang si Jadhrie sa pagpapasalamat nito sa kanya.

Sinimulan niyang buklatin ang libro at laking gulat niya na may picture nilang dalawa na nakaipit sa libro. Magkayakap silang dalawa sa isa't-isa.

Kinuha niya iyon at ipinakita kay Jadhrie.

"Thanks for this too." Mahinang sabi niya kay Jadhrie na ngayon ay nagse-selpon lamang.

Tahimik ang buong byahe nila nang biglang magsalita si Joren. "May nagugutom ba sa inyo? May malapit na food court rito. Medyo malayo pa ang pupuntahan natin." Sabi niya sa mga kasama.

Sumang-ayon ang mga kasama nito kaya nagpunta sila roon sa food court na tinutukoy ni Joren.

Bumaba ang iba at ang iba naman ay nagpaiwan sa loob dahil may mga dala itong agahan at ang ilan ay nakakain na ganoon rin sa van ni Gelard.

Nakababa na sina Jadhrie at Hazielle sa van. "Kakainin mo na ba diyan ang nabili mong pagkain o doon na sa van ni Joren?" Tanong ni Hazielle habang inaayos nito ang damit niya.

"Diyan na lang kakainin nakakahiya naman sa van ni Joren." Sabi ni Jadhrie at saka pumasok sila sa loob ng food court.

"Anong gusto mong kainin?" Biglang tanong ni Jadhrie kay Hazielle.

"May pera ako. Ako na lang ang bibili." Nahihiyang sabi ni Hazielle sa kanya.

"No. You're not gonna pay, ako ang bahala sa pagkain mo. Bawi ko lang yun sa iyo." Ani nito sa kanya at saka naghanap ng makakainan.

Nakita ni Jadhrie yung sisig. "Ito kaya? Diba favorite food natin iyan dati?" Tanong ni Jadhrie sa kanya.

"Uhmm, oo yan nga. Yan na lang, ngayon lang ulit ako makakain niyan." Sabi nito sa kanya.

"Okay. Kuya, apat na order na sisig at anim na kanin." Sabi nito sa tindero.

Nagulat si Hazielle sa in-order ni Jadhrie. "T-teka hindi ba marami iyon?"

"Okay lang yun. Parang dati hindi tayo kumakain ng marami niyan." Pagpapaalala pa rin sa mga alaala nila noon ni Jadhrie.

Napangiti na lamang si Hazielle sa sinabi ng kaibigan.

'Bumabalik na ang Jadhrie na nakilala ko.' Sabi nito sa sarili.

Nang makuha na nila ang pagkain ay naghanap sila ng mesang mapagkakainan.

"Let's eat!" Masiglang sabi ni Jadhrie.

Kumain na silang dalawa.

Naubos na nila ang kinakain nila at napadighay na lang sila sa sobrang kabusugan.

Nang dumighay muli si Jadhrie ay natawa sI Hazielle.

"Halatang matagal ka nang di nakakain ng sisig ah!" Pagbibiro nito kay Jadhrie at napadighay na rin siya bigla.

Si Jadhrie naman ang natawa. "I miss this." Sabi nito at napatahimik silang dalawa.

"Yeah! Sana mabalik ulit ang dati." Pormal na sabi ni Hazielle.

Napatingin si Jadhrie sa kanya at napatingin rin si Hazielle sa kanya.

"Oh! Ah, wants some dessert? Take out na lang natin tapos doon kainin sa van ni Joren?" Tanong ni Jadhrie at napatayo para maghanap ng dessert.

Napatayo na rin si Hazielle at sumunod sa kanya. Nakita ni Jadhrie ang Ice Cream Shop at agad na nilapitan ito.

Tumingin siyang muli kay Hazielle na agad na namang ipinagtaka niya.

"Dark chocolate ice cream? Tara, treat ulit kita." Sabi nito sabay bili ng ice cream. Hindi na umangal pa si Hazielle na kahit nahihiya pa rin siya sa kanya.

Nang makuha na nila ang ice cream nila ay bumalik sila sa van ni Joren. Wala pa ang ibang mga kasama nila kaya doon lang muna sila sa loob ng van ni Joren at saka pinagpatuloy kumain ng ice cream.

"Why are you doing this to me?" Tanong ni Hazielle kay Jadhrie.

Nagtaka si Jadhrie sa tinanong ng kasama kaya napatingin siya rito.

'Why are you doing this to me?'

'Bakit nga ba?' Sabi ni Jadhrie sa isip.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status