LOGIN
Bakit nga ba?
Bakit ko ginagawa iyon sa kanya?
"Kase--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sa kanya dahil bumalik na ang iba pa naming mga kasama sa van.
Pumasok na sila sa loob at nakita kong may dala-dala silang mga take out nila sa food court.
"Okay na ba ang lahat?" Agad na tanong ni Joren sa aming lahat.
Tumingin si Shelby sa likuran at saka binilang kami.
"Oo, okay na wala ng naiwan. Larga na bro!" Ani ni Shelby at muling humarap at umayos ng upo.
Muling umandar ang van at muling bumyahe. Busy sa pag-kain ng mga take out nila sila Shelby. Sinusubuan pa nito si Jon na busy sa paglalaro ng mobile game sa selpon niya.
Kung totoong mag-jowa lang ito talaga, support talaga ako sa kanilang dalawa. Speaking of Haze, ayon balik basa ulit siya ng book na binigay ko sa kanya.
Nakita ko sa kanang kamay niya na suot niya ang kulay pulang bracelet na nakalagay doon ang pangalan ko.
Bakit ngayon ko lang napansin ito na suot-suot niya pala ito?
Nanatili pa rin akong nakatingin sa kanya. Nagulat na lang ako ng isinara niya ang kanyang libro at napatingin na rin siya sa akin.
Medyo na-awkward ako sa tingin niya sa akin, kaya umayos muli ako ng upo at tumingin na lang sa bintana.
Maya-maya ay nararamdaman kong bumibigat ang mga talukap ko at dahan-dahan na itong bumababa, hinayaan ko na lang itong bumaba at saka napaidlip.
Hazielle's P.O.V
Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin sa akin ni Jadhrie. Sa food court pa lang, parang nararamdaman kong parang may gusto siyanh sabihin sa akin pero hindi niya lang magawa kasi nahihiya pa kami sa isa't-isa.
Habang nagbabasa ako ay nakikita ko siyang nakatingin sa akin. Kaya isinara ko ang librong bigay niya at saka tiningnan rin siya. Nakita ko pa ang panlalaki ng mata niya nang tiningnan ko rin siya at saka umayos ng upo at tumingin sa bintana.
Hindi kaya may gusto siya sa akin? Nako wag naman sana, kapatid lang ang turing ko sa kanya.
Bumalik ako sa pagbabasa sa libro. Naalala ko no'ng una naming pagkikita sa mall, nagpaubaya na lang ako sa kanya na ibigay ang librong ito kasi alam ko talagang gustong-gusto niya ang librong ito.
Tapos doon din sa ice cream shop, sinadya ko talaga doon pumwesto para makita niya ako. Napansin niya kaya iyon na ako iyong babaeng kaharap lang niya ng upuan?
Doon kaya sa book store napansin rin kaya niya na ako iyon?
Sa gitna ng pagbabasa ko ay nagulat ako nang biglang magwala na naman si Viñea na kaharap ko lang ngayon sa van.
"MAMATAY TAYO!"
"MAMATAY TAYO!"
"MAMATAY TAYO!"
Nahintakutan ako nang bigla na naman siyang magsisigaw ng ganyan. Ang ibang mga tulog sa van ay nagising sa pag sigaw niya. Biglang tumigil ang sasakyan ni Joren at nag-aalalang humarap sa kanya.
Patuloy pa rin siya sa pag-sigaw niya at para itong sinasaniban. Sa sobrang takot ng mga kasama namin lalo na ako ay nagsibabaan kami sa van. Iniwan lang namin si Viñea na nagwawala sa loob ng van.
Napansin ko rin na tumigil ang van nila Gelard at nagsibabaan rin silang lahat.
"She's attacking again." Sabi ni Shelby.
"Sabi niya hindi na ulit mangyayari yung pagwawala niya." Ani ni Jon.
Natatakot na naman ako kaya di ko mapigilang mapakapit sa braso ni Jadhrie at napalapit sa kanya.
"Kumain ba iyan siya kanina?" Tanong ni Gelard.
"Oo kumain siya kanina kasabayan pa nga namin siyang kumain." Sabi ni Hannah.
Patuloy pa rin si Viñea sa pagwawala niya.
"Fuck! Pahamak naman itong Viñea na ito!" Naiinis na sabi ni Joren at walang kung ano-ano'y nilapitan niya ito at niyugyog-yugyog.
"Viñea stop it!" Sabi niya sabay yugyog sa babae.
Maya-maya'y biglang tumawa si Viñea. Nagtaka si Joren kung bakit siya tumatawa.
"It's a prank! HAHAHAHAHAHAHAHA!" Sabi nito na maluha-luha pa sa kakatawa.
"Do you think it's funny?!" Galit na sabi ni Joren sa kanya.
"Fuck You Viñea! Mamatay ka sana!" Galit na sabi ni Gelard sa kanya at nagsibalikan sila sa van.
Nanatiling nasa labas pa rin kami, natatakot kami kay Viñea.
"Tara na guys! Fuck! You're wasting the time Viñea! Sarap mong iiwan dito sa gitna ng kalsada!" Galit na sabi ni Joren at muling pumasok sa van.
Napatigil sa pagtawa si Viñea at saka inayos ang sarili dahil sa ginawang kalokohan niya. Pumasok na rin kami at nagsimulang bumyahe ulit.
"Anong nakain mo at ginawa mo iyon ha?!" Galit na tanong ni Shelby sa kanya.
"Wala lang, ang tahimik kasi eh kaya ko ginawa iyon." Sagot niya sa tanong ni Shelby.
"Hindi magandang biro iyan Viñea. Natakot lahat ng mga kasama natin dito sa ginawa mo. Naalala mo pa ba yung ganyan din ang ginawa mo no'ng fieldtrip natin?" Sambit ni Macky sa kanya.
"Oo na, oo na, sorry na, hindi na mauulit."
"Dapat lang! At kung uulitin mo pa iyon, iiwanan ka namin sa Pulang Kagubatan!" Sabi ni Joren habang tutok ang tingin sa daan.
_________________________________
[ 1:30 pm ]
Nakarating na sila sa hotel at bumaba na silang lahat sa van. Pumasok na sila sa loob ng hotel at doon ay nagpabook na sila ng room. Sinimulan ng kunin ni Shelby ang mga bayad nila.
"Dalawang tao sa isang kwarto okay? At saka babae sa babae, lalaki sa lalaki." Paalala ni Shelby sa kanila.
Ibinigay na sa kanila ang susi at nagtungo sa elevator.
"Eleven by eleven ulit. Mauuna kami." Sabi ni Shelby sa ibang mga kasama. Naunang pumasok ang grupo nina Shelby sa elevator.
Kumaway pa si Shelby sa mga kasamang naiwan sa labas bilang pang-aasar dito.
Sumarado na ang elevator at saka pinindot nila ang 3rd button. Tahimik lang sila sa loob ng elevator.
Maya-maya'y bumukas ang pinto ng elevator at nagsilabasan na silang lahat.
"This place was good!" Masayang sabi ni Shelby at naglakad-lakad upang mahanap ang room niya.
"Ok! Ito na ang room ko! Sino ang gustong sumama sa akin?"
Tumaas ang kamay ni Viñea. Nang makita iyon ni Shelby ay itinaas niya ang kilay niya.
"Ikaw? Viñea? Ahh, wala na bang iba diyan?" Muling tanong nito.Wala ng nagbalak pang magtaas ng kamay.
"Okay, Viñea ikaw na lang. No choice. Basta be a good girl okay? I don't want to see yung ginawa mo kanina sa van." Sabi nito kay Viñea at saka binuksan niya ang pinto ng kwarto.
"Hanapin niyo na yung mga rooms niyo." Dagdag pa niya at pumasok na sa kwarto kasama si Viñea.
Pagkasabi ni Viñea ay agad na sumunod ang lahat niyang mga kasama.
"Anong room number tayo, Jad?" Tanong ni Hazielle sa kanya.
"Room 54 tayo." Sagot ni Jadhrie sa tanong ng kasama at agad na hinanap ang kanilang kwarto.
"Ito na! Room 54." Sabi ni Hazielle.
Nang makita na nila ang kanilang kwarto ay pumasok na agad sila roon.
"Ang ganda naman dito! Pang mayaman ang style ng room nila!" Manghang-mangha si Hazielle sa kwarto nila habang nililibot ang tingin sa buong kwarto.
Inayos na nila ang kanilang mga dalang gamit. Tumungo si Jad sa banyo at nagpalit ng damit.
"Magpalit ka na rin ng damit doon, para makapagpahinga na tayo." Sabi ni Jadhrie kay Hazielle na ngayon ay nakahilata sa kama habang nagseselpon.
"Sabi ni Shelby pahinga daw tayo ngayon then mamayang 4:00 pm kita-kita daw tayo sa 1st floor kasi kakain tayo." Sabi ni Hazielle at saka bumangon at kumuha ng damit para makapag-palit na rin.
Tumango lang siya at pabagsak na humiga sa malambot na higaan.
Maya-maya'y nakalabas na rin si Hazielle at nakapag-palit ng damit. Nakita na niyang nakahiga at nakapikit na ang mata ni Jadhrie sa kanyang higaan.
'Sayang, bakit kasi natulog ka kaagad? Kakausapin pa nga kita eh.' Sabi nito sa kanyang isip.
Humiga na rin ito at ipinikit na rin ang mata para makatulog.
"Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong ni Jadhrie kay Hazielle habag nakapikit.
"Hindi pa eh." Sagot nito at idinilat ang kanyang mata at saka tumingin kay Jadhrie.
Idinilat na ni Jadhrie ang kanyang mata at nakita niyang nakatingin si Hazielle sa kanya.
'Ayan na naman ang tingin niya' Sabi nito sa isip.
Bumangon si Hazielle at saka tumungo sa bintana at ibinuksan ito.
Bumangon na rin si Jadhrie at saka tumungo sa bintana kung saan naroon din si Hazielle.
"Pwede bang mabalik ang lahat-lahat, Jadhrie?" Biglang tanong ni Hazielle sa kanya.
"O-oo naman." Sagot nito at saka lumapit kay Hazielle at niyakap siya.
Unti-unting may namumuong luha sa mga mata nito.
"I m-miss you, J-Jad." Hindi na napigilang tumulo ang mga luha nito. Ginantihan niya rin ito ng yakap.
"A-ako rin, Haze. P-pinilit kong kalimutan ka pero sa tuwing aalis ako at kung saan man ako tumungo, may mga alaala nating bigla na lang nagpapaalala sa akin." Sabi nito sa kanya habag nakayakap pa rin.
"Ang hirap mawalan ng isang tunay na kaibigan. Sa loob ng dalawang taong hindi ka nakasama, parang nababaliw ako. Na kahit anong sabi sa akin ng ibang tao na nariyan lang sila para sa akin, pero nasa iyo pa rin ang tiwala ko."
Kumalas sa pagkakayakap si Jadhrie at tiningnan ang lumuluhang si Hazielle.
"Naalala ko noon no'ng tinawagan kita. B-bakit mo na lang ako binabaan ng tawag?" Dagdag pa niya.
"Hindi kita binabaan ng tawag no'n, biglang namatay ang selpon ko dahil hindi ko pala iyon na charge."
"T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Hazielle.
Tumango si Jadhrie at pinunasan gamit ang kamay niyang mga luhang patuloy pa rin sa pagbuhos.
"Ang sasabihin ko sana sa iyo no'n ay--" Hindi na natapos ang sasabihin ni Hazielle nang may kumatok sa pinto ng kwarto nila.
'Hays! Sasabihin na niya eh!' Inis na sabi ni Jadhrie sa isip.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong