LOGIN
"Oh, anong kailangan mo?" Pambungad na tanong ni Jadhrie sa kanya.
"Well, dahil medyo mainit naman ngayon punta tayo sa pool area nila sa baba. Andoon na rin ang iba kayo na lang ang hindi pa nakakababa. Tara na!" Pagyayaya ni Shelby sa kanila.
"T-tara na!" Sabi ni Hazielle.
"Dito na lang muna ako." Nanatiling nasa loob ng kwarto si Jadhrie.
"No! Sasama nga si Hazielle oh! Sumama ka na rin dali na!" Ani ni Shelby kay Jadhrie at hinila ito palabas ng kwarto.
"Hazielle, close the door. Don't forget to lock it baka pag-balik niyo wala na ang mga gamit niyo." Utos ni Shelby habang hawak-hawak sa braso si Jadhrie.
Hindi na makapalag pa si Jadhrie kasi hawak-hawak na ni Shelby ang braso nito. Ni-lock na ni Hazielle ang kanilang pintuan at tumungo sa elevator at pinindot na nila ang Ground Floor.
"Aray! Shelby, 'wag mo namang higpitan ang pagkakahawak mo sa braso ko." Angal ni Jadhrie sa kanya.
"Baka sakaling bigla kang tumakbo at bumalik sa kwarto mo, kaya hindi kita bibitawan hangga't hindi tayo nakakarating doon." Sabi nito sa kanya.
"Oo na, oo na, basta 'wag mo lang hihigpitan, masakit eh. Saka no choice na nasa elevator na tayo eh, aangal pa ba'ko?" Sabi nito at saka namang pagbukas ng pinto ng elevator.
Nakarating na sila sa pool area at nakita nila ang iba pa nilang mga kasama.
"Maiwan ko na kayo diyan. Mas mabuti kung mag-swimming na kayo para 'di na layo makaakyat pa HAHAHAHA!" Biro nito sa dalawa at saka niya ito iniwan.
"Did you remember na pagpupunta tayong beach tapos mag-pa-practice tayong lumangoy?" Tanong ni Hazielle kay Jadhrie.
Nang marinig iyon ni Jadhrie ay napangiti siya. "This is the time na talaga para maka-bonding na natin ang isa't-isa." Sabi ni Jadhrie na nakapagpangiti naman kay Hazielle.
Sabay silang tumakbo papalapit sa pool at tumalon roon. Naghiyawan ang iba pa nilang mga kasama roon. Daig pa nilang sila ang may-ari noon sa sobrang ingay nila.
_________________________________
Umahon sina Joren at Gelard sa pool.
"Guys listen!" Sigaw ni Joren sa mga kasama upang makuha nito ang atensyon sa lahat.
Nakuha naman ni Joren ang atensyon ng lahat. Lahat sila'y itinigil ang kanilang ginagawa.
"Pupunta lang muna kami ni Gelard sa Pulang Gubat at i-tse-tsek kung may bahay roon para pagtirhan natin. Mamaya kasi mga 6:30 pm pupunta na tayo roon. Babalik din kami agad." Sabi nito at saka umalis na sila.
Ipinagpatuloy nila ang kanilang mga ginagawa nang makaalis sina Joren at Gelard.
________________________________
"Wala bang makakain diyan? Nakakapagod ding lumangoy-langoy nho! Dali! Nagugutom na ako!" Sambit ni Jon kay Shelby.
Umahon na sila sa pool at naghanap ng makakain.
Pumasok sila sa loob at kumuha ng pagkain sa malaking mesa.
"Gutom na gutom na talaga ako!" Ani ni Jon at saka kumain.
"Jon." Tawag ni Shelby sa kanya.
"Hmm?"
"Wala ba talaga?"
"Na alin?" Sabi ni Jon habang may pagkain pa sa bibig niya.
"Ubusin mo muna iyang pagkain sa bibig mo."
Inubos ni Jon ang pagkain na nasa bibig niya at uminom ng tubig.
"Na alin?" Ulit na tanong niya kanina.
"Wala ka ba talagang... Gusto sa... Akin?" Pagpapatuloy niya sa tanong kanina.
"Anong klaseng tanong naman iyan, Shelby?" Tanong rin nito sa kanya.
"A-ano kasi... Ang daming nagtatanong sa akin lalo na si mama, kung... May boyfriend na ba daw ako."
"So... Gusto mo kong maging boyfriend mo?" Tanong ulit ni Jon sa kanya.
"Uhmm... Kung pwede..." Nahihiyang sabi ni Shelby sa kanya.
"Oo na."
"Anong, oo na?" Pagtatakang tanong ni Shelby sa kanya.
"Oo na, tayo na, girlfriend na kita, mahal na kita, akin ka na, ano pa ba?"
"Ahh... T-talaga?" Masiglang sabi ni Shelby.
"Oo nga, kaya kumain ka na diyan. Mamaya, pag nagutom uli ako, ikaw naman kakainin ko." Pagbibirong sambit ni Jon sa kanya.
"Ikaw talaga HAHAHAHA!"
Muling ipinagpatuloy na nila ang pagkain nila.
_________________________________
[ 3:30 pm]
"Akala ko ba uuwi agad sila Joren? Baka tinakasan na tayo no'n ah?!" Iritang sabi ni Shelby.
Maya-maya'y nakita na niya sina Joren at Gelard na papalapit sa kanya.
"Bakit ang tagal niyo? Ano pa bang ginawa niyo doon?" Pambungad na tanong kaagad sa kanila ni Shelby.
"Nakahanap na kami, di ko nga akalain na may bahay pala doon. Medyo malayo-layo nga lang pero ayos na." Sabi ni Gelard.
"Gano'n ba? Kasya kaya tayo lahat doon?" Tanonh muli niya.
"Yup! Kasya tayong lahat doon. May nakatira na siguro doon dati. Saka... Kaya naman kami natagalan kasi medyo maalikabok na loob no'n kaya nilinisan na namin." Ani ni Joren.
"Pero... Kailangan na nating umalis ngayon 'wag na nating antayin pang gumabi dahil maya-maya mag-iiba na ang kulay ng langit doon sayang naman kung pagdating natin doon, kulay pula na ang langit." Dagdag pa nito.
Nang marinig iyon ni Shelby ay nataranta siya at pumunta kaagad sa mga kasamahang patuloy parin sa paglangoy at pagtampisaw sa pool.
"Guys! Wrap up! Dahil aalis na tayo ngayon! 'Wag na nating paantayin pa na mag 6:30 pm kasi sabi ni Joren maya-maya mag-iiba na daw ang kulay ng langit doon." Pagkasabi no'n ni Shelby ay nagsi-ahunan lahat ng mga kasama nila at kumuha ng tuwalya upang punasan ang sarili.
"Dahan-dahan lang guys! Baka may madulas sa inyo. By the way, mag-punas muna kayo bago kayo umakyat, doon niyo na ipagpatuloy maligo sa room niyo. Then! Kita-kita na lang tayo sa labas ng hotel. Siyempre, mag-impake na din kayo ng mga gamit niyo yung kakasya lang sa tatlong araw na pamamalagi natin doon." Dagdag pa ni Shelby.
________________________________
Hazielle's P.O.V
Hindi ako makapaniwala na makakabalik na talaga ang dating Jadhrie Mae Ocampo na nakilala ko.
Nanumbalik na ang mga ngiting dati ko lang nakikita. Napakasaya namin lalo na't nagbati na kami. Pero hindi pa iyon sapat sa akin.
Hindi pa niya nalalaman ang mga pinagdaanan ko. Nang dahil nga sa maraming mga hadlang na maya-maya na lang dumadating.
Tulad kanina, nasa room kami masasabi ko na sana sa kanya eh kaso biglang dating ni Shelby. Ayoko kasing biglaan sabihin sa kanya, maya bigla siyang magalit siya sa akin tapos baka sasabihin rin niya na bakit hindi ko sinabi sa kanya agad ganito, ganyan.
Ganyan lagi ang nasa isip ko lagi.
"Tapos ka na ba, Jad? Tapos na ko mag-impake dito ng mga gamit ko." Sabi ko sa kanya, nasa cr pa kasi siya pero wala ng tunog ng shower, nagpupunas na siguro siya ng katawan niya or nagbibihis na siya.
Maya-maya ay nakalabas na rin si Jadhrie sa wakas.
"Ikaw naman, bilisan mo baka maiwan tayo." Ani niya at kinuha ang malaking bag at saka nag-impake.
Pumasok na ako sa cr at naligo.
Maya-maya ay natapos na rin ako sa pagligo, doon na rin ako nagbihis. Pagkalabas ko ay nakita ko si Jad na nakatingin muli sa bintana.
Nang marinig niya ang pagsarado ko ng pinto sa cr ay napaharap siya sa akin.
"Tapos ka na ba mag-impake?" Tanong ko sa kanya habang nagsusuklay.
Tumango lang siya bilang sagot. Nang matapos ako sa pagsuklay ay nagpabango ako. Naamoy iyon ni Jadhrie at napalapit sa akin.
"Ganyan pa rin pala ang pabango mo." Ani niya sabay kuha ng pabango at ipinabango sa kanyang damit.
Hinayaan ko na lang siya sa pagpabango niya. Kahit ubusin mo pa iyan, wala akong pakialam, kaibigan naman kita eh.
"Yeah, siyempre nakasanayan ko na. At saka, itong amoy na ito dito tayo unang nagkakilala." Sabi ko sa kanya.
"Sa iyo na ito, Jad. Gamitin mo lagi para pagnaamoy ko ang amoy na ito, malalaman kong ikaw lang iyon."
"Salamat, Haze."
Simula noong nagkaaway kami, hindi ko na naaamoy pa ang pabangong iyon.
Ewan ko ba pero, ambilis naman niya 'ko batiin agad. Parang kailan lang, binabaan niya ako ng tawag nun.
"Tara na alis na tayo." Sabi ni Jadhrie at saka kinuha ang bag niya at isinuot niya ito.
Lumabas na kami at ini-lock ang pinto. Tumungo na kami sa elevator at inantay itong bumaba.
Maya-maya'y bumukas ito at nakita namin ang ilan sa mga kasama namin. Nakita ko si Macky na busy sa pagseselpon niya kaya hindi niya napansin na nakapasok na kami sa loob ng elevator.
Bumukas na ang pinto ng elevator at nagsilabasan na kaming lahat. Papalabas na kami nang makita namin na sina Joren at Gelard pa lang ang nasa labas ng hotel.
Nakita ko ring nag-uusap sila, mukha itong seryoso kaya hindi nila napansin na palabas na kami ng hotel.
Nasa tawid pa sila kaya tumawid na kami. Natapos ang usapan nila sa tanguan at saka napalingon sa amin.
Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Gelard nang papalapit na kami sa kanila.
"Where are the others?" Tanong ni Joren sa amin.
"Baka pababa na din sila." Sambit ni Mack.
At maya-maya na nga ay nakita na naming bumukas ang pinto ng elevator at nakita na namin agad ang pangunguna ni Shelby at Jon sa paglalakad.
Napatigil lang silang dalawa at inantay ang iba pa nilang kasabay nang papatawid na sila rito sa amin.
"Okay na ba ang lahat?" Pambungad na tanong ni Shelby kina Joren at Gelard.
Binilang ni Joren ang lahat at saktong 22 katao ang nabilang niya.
Nagthumbs up pa siya bilang sagot sa tanong ni Shelby.
"Nasaan na ang sasakyan natin?" Muling tanong ni Shelby.
"Antay lang muna tayo ng masasakyan papunta doon. Minsan may mga jeep na dumadaan rito." Ani ni Gelard.
Maya-maya ay may tumigil jeep sa kanilang harapan. Lumapit si Joren sa drayder.
"Kuya, sa Baryo Matay lang ho."
Nakita kong napatango na lamang ang lalaki.
"Okay let's go!" Sigaw ni Joren at naghiyawan naman ang iba pa naming mga kasama.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong