Home / All / RED FOREST / Chapter 15

Share

Chapter 15

Author: Lyx Parcon
last update publish date: 2020-07-29 02:17:56

Sumakay na sila sa loob ng jeep. Sinimulan ng pinagana ang makina ng jeep at muling pinaandar ito.

"I'm very excited! Jon, kapag may pera ka na doon tayo ikakasal ah?!" Masiglang sabi ni Shelby kay Jon.

"Oo, doon din tayo mamamatay HAHAHAHAHA doon ilalagay yung bangkay natin." Pagbibiro ni Jon sa kanya. Nagkilitian pa ang dalawa.

"Sana ganyan din tayo ka-sweet nho, Cindy? HAHAHAHAH!" Sambit ni Derick habang nakatingin sa dalawang naghaharutan.

"Wag ka mag-alala, baby. Pagdating natin doon I will do my best to be a sweet girl like her." Ani niya sa kanyang nobyo at hinalikan ito sa labi.

"Sana mabalik na din ang Macky at Jadhrie. HAHAHAHAHA!" Pagbibiro ni Jon kay Macky. Nang marinig iyon ni Macky ay napatingin siya kay Jadhrie na nakatingin sa bintana ng jeep at sunod naman ay tumingin kay Jon na pagkasama-sama.

"Ooppss! Sorry HAHAHAHA!"

"Hayaan mo muna siya, Jon. Makakagalaw-galaw din iyan siya kay Jadhrie HAHAHAHAHA!" Pagbibiro naman ni Shelby.

"Kayo nga hanggang M.U lang eh HAHAHAHA!" Pangbabawi ni Macky.

"HAHAHAHA! Sorry bro, 'di ko pala nasasabi sa iyo. Kami na ni Shelby, kanina lang HAHAHAHA!"

Nanlaki ang mata ni Macky sa sinabing iyon ni Jon. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana ng jeep.

________________________________

[ 5:30 pm ]

Tumigil ang sasakyan sa masukal na gubat. Nagsibabaan na silang lahat sa sasakyan. Inipon ni Shelby ang mga bayas ng mga kasama at lumapit sa drayber upang ibayad doon.

"Maraming salamat, kuya." Sabi niya rito pero nanatili pa ring seryoso ito. Maya-maya'y umandar ang jeep palayo sa kanila.

"So, this is it?" Sabi ni Shelby at inilibot ang tingin sa gubat.

"Oh, by the way saan nga pala yung bahay ba sinasabi mo?" Tanong ni Shelby kay Joren.

"Follow me." Sabi nito at pumasok na sa loob ng masukal na kagubatan.

Viñea's P.O.V

Bago pa kami makaalis ay napag-alaman ko na kung kanino ang ulong nakita ko sa cabinet ko. Tama nga na ang ulong iyon ay sa guro namin na si Ma'am Consuelo.

Buti na lamang at walang nanghinala sa akin na ako ang may kagagawan no'n.

Habang bumabyahe ay kanina ko pa napapansin na panay tingin ng tingin ang drayber kanina ng jeep sa akin.

Ewan ko pero, kapag sa tuwing nahuhuli ko siyang napapatingin sa akin, kinikilabutan ako.

Ngayon ay pumasok na kami sa loob ng masukal na kagubatan. Habang naglalakad ay inililibot ko ang tingin rito.

Tahimik.

Tanging ang mga pag-apak lang namin sa mga tuyong dahon na nasa lupa ang naririnig ko.

"Ayos ka lang ba, Viñea?" Tanong ni Hannah sa akin. Napatango lang ako sa kanya bilang sagot sa tanong niya.

Ayokong sabihin sa kanya na kinikilabutan na ako dito sa lugar na ito. Para kasing may iba akong nararamdaman dito.

Hindi ko man maipaliwanag pero sa pakiramdam ko, nakakatakot ito.

Maya-maya ay nakarating na kami sa bahay na tinutukotly ni Joren sa amin. Tiningnan ko ang buong bahay. Malaki ito at sobrang luma na.

May nakatira kaya dito dati?

Kung sino man iyon, siguro ayaw na ayaw no'n sa maiingay na lugar kaya dito niya napag isip-isipang tumira.

Binuksan na ni Gelard ang pinto ng bahay.

Pumasok na kami roon at inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Kasyang-kasya naman kaming lahat.

Shelby's P.O.V

I didn't expect na may ganitong bahay sa kagubatang ito.

Sino kaya ang nakatira rito?

Pumunta ako sa kwarto at nakita ko doon ang dalawang higaan na magkahiwalay, kasya na roon ang dalawang tao sa isang higaan.

Lumapit ako roon at inupuan ito. Ang lambot ng higaan halatang bago pa.

Pero...

Kung bago pa ito, sino ang bumili nito?

Sina Gelard at Joren?

Sabagay mayayaman naman ang mga iyon. Talagang pinaghandaan nila kami. Lumabas ako sa kwarto at muling pumasok sa isang pinto.

Pagkapasok ko roon ay gaya ng nakita ko no'ng una kong pinasukan ay ganoon rin ito sa loob. Agad ko itong sinara at muling bumaba. Hindi ko na binuksan pa ang dalawang pinto natitirang pinto roon, dahil ganoon pa rin ang makikita ko roon kaya napagpasiyahan ko ng bumaba upang sabihin sa kanila na may apat na kwarto roon.

"Guys! We have two king size beds in four rooms. So, sa isang kwarto ay apat na katao roon. Hindi na katulad kanina sa hotel na babae at lalaki, it's up to you if sino ang gusto niyong makasama."

Napatango na lamang silang lahat sa sinabi ko.

_________________________________

"Guys! May beer kaming dala para sa ating lahat. Wooohhh!" Masiglang sabi ni Gelard habang dala-dala ang dalawang case ng alak.

Maging si Joren ay may dala rin. "Walang Kill Joy okay? I-ki-kill ko kayo HAHAHAHA! Lahat iinom walang mandadaya okay? May dalawa pang case doon kung sakaling maubos maubos itong apat na case. Sulitin na natin ito, guys! Wooohhh inuman na!" Sabay lapag ng dala nitong case sa mesa.

"Lalasingin mo ba kami?" Tanong ni Shelby.

"It's up to you kung malalasing ka kaagad! Pangatlong party na natin ito!" Agad na sabi ni Gelard.

Inilabas na nila sa case ang mga beer at inilapag sa mesa.

"Kailangan nating maubos iyan lahat! Challenge ko sa inyo, paramihan tayo ng maiinom. Ang makarami, bibigyan ko mamaya ng five thousand pesos. Ano deal?" Sambit ni Joren sa mga kasama.

"Sige ba!" Matapang na sabi ni Dave.

"Go!" Sabi ni Ken.

________________________________

[ 7:30 pm ]

Unti-unti ng nagkukulay dugo ang kalangitan.

Namangha sila sa nakita. Pwera lang kay Viñea na di matingnan ang langit sa sobrang pagkatakot.

"Guys! Let's take a picture!" Sabi ni Shelby at inopen ang phone niya at pinicturan ang mga kasama.

Pinicturan naman nito ang langit. "Wow, ang ganda talaga." Manghang-mangha si Shelby sa kulay dugong kalangitan.

Nag-picture pa ito sa sarili niya. Tiningnan niya ito at napatawa. 

"Grabe naman! Parang naliligo lang ako sa dugo nito! HAHAHAHAHAH!" Sabi niya sabay picture ulit sa sarili niya.

Hazielle's P.O.V

Nang makita kong nagiging kulay dugo na ang kalangitan, ewan ko ba pero may halong mangha at takot akong nararamdaman.

Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganto. Parang nasa ibang planeta kami nang makita ko ang kalangitan.

Bakit kaya dito lang ito nakikita at hindi sa ibang lugar?

Iba ang pakiramdam ko sa kulay na ito, parang may simbolo.

'Di ko mapaliwanag pero kapag tinititigan ko ang kalangitan parang mauly nagbabadyang kamatayan.

Hays! Ayukong maging katulad ni Viñea. Kung ano-ano na lang din ang nasa isip ko. Tiningnan ko si Viñea sa pwesto niya. Sa ekspresyon ng mukha niya na nakatingin sa pulang kalangitan parang may takot rin ito.

Napakapit ako sa braso ni Jadhrie. Buti na lang at may kaibigan akong makakapitan ko sa tuwing natatakot ako.

"Okay Guys! Tapos na ko mag-picture tara tulog na tayo! Yung mga gusto pang ubusin ang dalawang case ng alak diyan paiwan lang kayo dito. Tara na akyat na sa taas ang gustong matulog." Ani niya at tumayo at umakyat sabay tayo ng iba naming mga kasama para sundan siya.

"Akyat na tayo, Jad inaantok na ko." Sabi ko sa kanya at napatango na rin ito. Tumayo na rin kami at umakyat sa taas.

Nasa kwarto na kami ngayon at nakita namin ang iba naming mga kasama na nagdadaldalan pa habang nakaupo sa higaan. Tatlo sila doon isang lalaki at dalawang babae.

Sila Princess, Carlo at Serra ito. Nakita nila kaming pumasok sa kwarto at napangiti sa amin. At bumalik sa pagdadaldalan.

"Kailan ka ba kasi liligawan no'ng Joshua na iyon?" Rinig kong tanong ni Carlo.

"Ewan ko eh. Sabi niya secret daw." Rinig kong sagot ni Princess.

"Baka naman hindi totoo niyan. Tandaan mo naloko ka na, Joshua din ang pangalan HAHAHAHA!" Pagbibiro ni Serra.

"Porket may jowa ka lang eh. Tss, panget naman ng jowa mo." Ani ni Princess.

"Nako! Kahit panget yun mabait yun HAHAHAHA!" Sagot ni Serra.

"Romer loves you HAHAHAHAHA!" Pagbibiro ni Carlo.

"So ano na? Carlo, galaw-galaw andito na si Ken oh! Ilang araw pa tayo dito." Sambit ni Serra sa kaibigan.

"Oo na! Antay lang kayo HAHAHAHA!"

Sabay silang napatawa. Pati ako napapatawa din pero palihim, ayoko namang sabihan akong tsismosa.

Inayos na namin ang gamit namin at inalagay iyon sa aparador. Nang matapos kami ay tumungo kami sa may bintana ng kwarto.

"Jad, salamat at nagbati rin tayo."

"Nga pala, patawad sa ginawa ko no'ng pagsampal sa iyo ng malakas. Hindi ako makapaniwala na itong mga kamay na ito nasaktan ka." Ani niya sabay tingin sa palad niya.

Hinawakan ko iyon at tumingin sa kanya.

"Ayos lang iyon, Jad. Nga pala... No'ng tumawag ako sa iyo... Bakit mo nga pala ako... Binabaan?" Tanong ko sa kanya.

"Sa totoo lang... Hindi talaga kita... Binabaan no'n... Na-low battery ang phone ko... Tapos... Habang pinapakinggan ko ang boses mo sa kabilang linya... Napaluha ako no'n kasi sabi mo... Mag-isa ka na lang sa buhay... A-anong ibig sabihin no'n?"

Nang marinig ko ang salitang 'mag-isa sa buhay' , napapaluha ako.

Nagsimula nang tumulo ang luha ko at hindi ko ito mapigilan. Napahikbi-hikbi ako, hindi ko magawang magsalita dahil kapag naaalala ko iyon, nasasaktan pa rin ako.

"S-s-si m-mama a-at p-papa... N-n-nagh-hi-walay n-na s-ila." Pilit kong sabi sa kanya habang humihikbi.

Nang marinig iyon ni Jad. Nakita kong tumulo na rin ang luha niya.

Kilalang-kilala ni Jad ang buong pamilya ko. Mapa-lolo ko man o lola kilala niya. Parang itinuring na rin nila itong tunay na anak si Jad.

Nagustuhan nila ang ugali ni Jad. Kasi makwento ito at hindi nahihiya kapag kinausap. Magalang din ito at matulungin.

Hindi ko nagawang magselos kanya no'n dahil kapatid na ang turing ko sa kanya.

Kilala din ako ng mga magulang ni Jad. Katulad niya ay makwento din ako sa kanila. Ni-minsan ay 'di nagalit si Jad sa alin sa tuwing nakukwento ko sa kanila ang kakulitan ni Jad sa school no'n.

Niyakap ako ni Jad ng mahigpit at narinig ko anh paghikbi niya. Ginantihan ko rin ito ng yakap. Maya-maya ay kumalas siya sa pagkakayakap naming dalawa at nagsalita.

"K-kailan l-lang?" Tanong niya.

"N-no'ng araw na n-nag away t-tayo no'n." Sagot ko sa kanya.

Nang marinig niya iyon ay napaluhod siya.

"S-sorry H-Haze, s-sorry H-Haze." Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko.

Lumuhod din ako at inalalayan siyang tumayo pero nanatili pa rin siyang nakaluhod.

"L-lugmok na l-lugmok ako no'n, J-Jad. I-ikaw i-iniwan mo ako n-no'n, t-tapos pati m-magulang ko iniwan din ako. A-ang s-sakit-sakit no'ng p-panahong w-wala akong m-makapitan no'n. W-walang a-akong m-mayakap. K-kaya n-napagpasiyahan k-ko na lang n-na l-lumayas sa bahay." Utal kong sabi sa kanya.

Pauwi na ako no'n sa bahay habang hawak-hawak ang kanang pisngi ko nang dahil sa pagkakasampal ni Jad sa akin no'n nang dahil kay Macky.

Nakatulala lang ako habang naglalakad.

Nagawa akong sampalin ng taong itinuring kong kapatid.

Kung alam niya lang sana...

Malapit na ako sa bahay nang makarinig ako ng nag-aaway roon. Agad-agad akong pumasok sa loob ng bahay at nakita kong sila mama at papa...

Nag-aaway sila!

Nakita kong lumuluha si mama.

"Mommy, daddy. Bakit po kayo nag-aaway?" Nagtataka kong tanong sa kanila.

"Go to your room, Hazielle. And Sleep." Sabi ni papa kaya dire-diretso akong pumasok sa kwarto at humiga.

"BAKIT AYAW MONG IPAKITA SA ANAK MO ANG GINAWA MONG KAGAGUHAN?!" Rinig kong sigaw ni mama kay papa.

"Stop this, Haetlyn. Marinig pa tayo ng anak mo." Mahinahong sabi ni papa.

"BAKIT?! ZIELLE, NAHIHIYA KA BANG IPARINIG SA ANAK MO NA MAY BAGONG PAMILYA KA NA?" Sigaw pa rin ni mama.

Nang marinig ko ang salitang 'bagong pamilya' napabangon ako at napaluha.

S-si d-daddy, m-may bagong p-pamilya?

Bakit?

Hindi pa ba siya kuntento sa amin?

"Sorry, Haetlyn."

"SORRY?! GANO'N LANG ZIELLE?! SORRY?!"

"L-let's break up."

Nang marinig ko iyon ay napalabas ako ng kwarto ko.

"DADDY 'WAG PO!" Sigaw ko mula sa taas.

Tumingala siya at nakita kong ngumiti siya sa akin sabay labas ng bahay. Nagmamadali akong bumaba at hinabol si daddy.

"DADDY!" Tawag ko sa kanya kahit malayo na ang kotse niya.

Naglulumpasay ako sa labas ng bahay no'n. Lumapit si mommy sa akin at niyakap ako.

"Mommy, si daddy po!" Sabi ko sa kanya.

"Saan ka pumunta no'n? No'ng lumayas ka sa bahay niyo?" Tanong niya sakin habang nakaluhod pa rin.

"H-hindi ko na a-alam kung saan ako nakapunta no'n. P-pero may nakakita sa akin no'n kaya sabi nila doon na lang daw ako tumira. A-ayun doon ako hanggang sa mag-dalaga ako." Nang makwento ko sa kanya ang tungkol kina Darry at Justine ay niyakap niya ako.

"Sorry talaga, Hazielle. Promise, I will never ever leave you again." Sabi niya sa akin at saka tumigil sa pag-iyak.

Napatango ako at inalalayan siyang tumayo. Narinig naming biglang bumukas ang pinto at sabay kaming napatingin ni Jad, nakita namin si Shelby roon.

"Guys! Tulog na kayong lahat! Bukas magigising pa tayo bukas ng maaga." Sabi niya sabay sarado ng pinto.

Nang masarado ni Shelby ang pinto ay agad na humiga sila Princess, Carlo at Serra.

Nakikinig kaya sila sa usapan namin ni Jad?

Lumapit na kami ni Shelby sa higaan at humiga na kami.

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Goodnight, Haze."

"Goodnight din, Jad"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • RED FOREST   Special Chapter

    [ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh

  • RED FOREST   Epilogue

    [ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:

  • RED FOREST   Chapter 23

    Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a

  • RED FOREST   Chapter 14: Hidden Chapter

    Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.

  • RED FOREST   Authors Note

    As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13

  • RED FOREST   Chapter 22: The Beginning (5)

    Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status