LOGIN
Nasa kwarto na kami ngayon at nakahiga na kami ni Shelby. Pansin kong ang likot-likot niya kaya tinanong ko siya.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at napabangon. Hindi ako makakatulog sa ginagawa niya.
"Ang iingay pa kasi ng iba pa nating mga kasama. Naririnig ko pa mga hagikgikan nila." Sabi niya sa tayo.
"Oh, saan ka pupunta?"
"Pagsasabihan ko lang silang lahat." Ani niya sabay sarado ng pinto.
Tiningnan ko ang mga kasama namin sa kwarto. Tulog na tulog na sina Tharry at Casper, magkayakap pa ang dalawang bakla.
Maya-maya ay dumating na si Shelby.
"Yung iba mga lalaki sa baba tulog na pero sila Joren at Gelard na lang ang hindi. Nag-iinuman pa sila doon, grabe ang titibay naman ng mga sikmura no'ng dalawang iyon. Ang iba sa mga kasama natin, nag-chi-chikahan pa. Buti nga magkaayos na sila Jadhrie at Hazielle ngayon. Kanina ko pa nga sila tinitignan sa van pa lang. Anong oras na ba?" Tanong niya sa 'kin.
In-open ko ang selpon niya at pinakita ko ang oras.
2:50 am na ng madaling araw. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at agad na tumakbo sa higaan niya at nagtalukbong ng kumot.
Napakibit balikat na lamang ako at napahiga rin. Ipinikit ko na ang aking mata.
Ba't ganun?
Gusto akong padilatin ng mga mata ko. Pinipilit ko itong ipikit pero mukhang gusto talagang dumilat nito.
Tila ba'y nilalabanan ko ang sarili kong pagdilat. May gustong idilat ang mga mata ko pero pinipilit ko itong isarado.
Maya-maya'y biglang dumilat ang mata 'ko at nakita kong may nakatingin sa bintana. Sa gitna ng pulang kalangitan ay tila itim lang ang nakikita ko sa kanya. Hindi ito gumagalaw, nagsisimula na namang tumaas ang balahibo ko.
Nanlaki ang mata ko nang biglang bumukas ng dahan-dahan ang bintana. Naroon pa rin siya. Maya-maya'y pumasok siya sa loob ng bintana. Isang paa pa lamang ang naipapasok niya pero rinig na rinig ko na ang pag-apak niya sa sahig.
Kinikilabutan na ako ngayon. Gustuhin ko mang ipikit ang aking mga mata pero ayaw pa rin nito.
Nang makapasok na siya ay nakatayo lang ito at hindi ulit gumalaw. Sa laki ng katawan niya ay nahaharangan na niya ang bintana.
Namamawis ang buong katawan ko. Kahit malamig ay naiinitan ako. Nagtalukbong na lang ako ng kumot.
Napasigaw ako sa takot nang hawakan niya ang balikat ko.
"AHHHHHH!! AHHHHHH!!"
"Viñea,gumising ka!" Tinanggal ko ang pagkakataklob ko ng kumot sa buong katawan ko at nakita kong nakahawak sa balikat ko si Shelby.
Tumingin ako sa bintana na pinasukan ng kung sino man.
Ngunit wala na ito.
Nakasarado na ang bintana.
At...
Umaga na rin.
Paanong nangyari iyon?
"Kagabi pa kita napapansin na nanginginig ka habang tulog, ayos ka lang? Inaatake ka na naman ba ng kabaliwan mo?"
Bumangon ako at napahilamos sa mukha gamit ang dalawa kong kamay.
"Bangungot na naman." Sabi ko sa sarili ko.
"Hey, Viñea. Ayos ka lang ba talaga?" Muling tanong niya.
Napalingon ako sa kanya at tumango lamang bilang sagot.
"GUYS! KAKAIN NA!" Rinig naming sigaw ni Macky sa baba.
"Tara, bumaba na tayo kakain na pala." Sabi niya at nauna na siyang lumabas ng kwarto.
Hays! Akala ko totoo na yung nakita ko kagabi.
Teka...
Hindi kaya...
Siya kaya yung nakita ko sa kwarto ko no'n?
Inalala ko ang nakita ko kagabi.
Malaki ang katawan, matangkad...
H-hindi pwede...
Siya nga!
Pero...
P-paano niya ako nasundan dito?
Nagpalabas ako ng malalim na hininga at tumayo. Imbes na lumabas ng kwarto ay lumapit ako kung saan nakatayo kagabi ang lalaking iyon.
Nanlaki ang mata ko nang---
May bakas ng paa doon!
Napaatras ako ng napaatras. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Viñea, kakain ka ba? Nilalamig na yung pagkain mo dun!" Narinig kong sabi ni Viñea. Muli niyang isinara ang pinto.
Muli akong napatingin sa direksyong pinanggalingan ko kanina at lumabas na ng kwarto.
Pagkababa ko ay nakita ko sila na halos nangangalahati na ang pagkain nila.
"Buti naman at nakababa ka na! Ano ba ang nangyari sa iyo kagabi at nanginginig ka?" Pang-abot na tanong sa akin ni Shelby.
"Uhm... Nilalamog kasi ako no'n." Pagsisinungaling ko sa kanya.
"Nilalamig? Eh, nakakumot na tayo no'n? At saka, nakasarado ang bintana kagabi, paano ka pa lalamigin no'n? Don't tell me... Sinasapian ka na naman?"
Umiling lang ako at itinuon ang oansin ko sa malamig kong pagkain.
"Uhmm... Guys, did you all notice kung nasaan sI Dave?" Tanong ni Hannah sa aming lahat.
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Shelby.
"Kanina kasi napansin kong wala siya rito simula no'ng paggising natin. I keep looking for him kung nasaan siya pero wala siya rito sa buong bahay." Nag-aalalang sabi ni Hannah.
"Boys? Macky, Joren, Gelard, Jon, Cedrick nasaan si Dave?" Tanong ni Shelby sa kanila.
Napakibit balikat lamang sina Joren at Gelard.
"H-hindi namin alam. Lasing na lasing na kami kagabi. 'Di na nga namin nalaman kung sino ang nanalo sa dare eh." Sagot ni Macky.
"Yeah! Hindi ko na kinaya kagabi kaya nakatulog na rin ako." Ani ni Cedrick habang may laman pang pagkain ang bibig.
"Guys! After ninyong kumain, wash the plates then hahanapin natin si Dave sa buong kagubatan. Walang babalik hangga't hindi natin siya nakikita." Utos ni Shelby sa amin.
"Saan naman kaya siya pupunta? Dito sa kagubatan na itong puro damo at puno lang ang makikita?" Nagtatakang tanong ni Shelby sa sarili.
"Joren and Gelard, kagabi kayo lang ang nakita kong gising, hindi niyo ba napansing lumabas si Dave o kung saan man pumunta?" Tanong ulit ni Shelby sa dalawa.
"We never noticed him going anywhere." Sagot ni Gelard.
"Shit!" Sabi ni Shelby at umakyat sa taas.
Kung nasaan ka man Dave, sana bumalik ka rito.
Shelby's P.O.V
Fuck!!!
Bakit gano'n?!
Sila-sila lang magkakasama pero 'di nila alam kung saan nagpupunta iyong Dave na iyon!
Kagabi kasi nakita kong silang dalawa na lang ang gising pa. Nakita ko ang iba na tulog na.
Si Dave?
Saglit kong inalala ang nakita ko kagabi.
Nasa taas ako no'n at sinilip ko sila mula sa baba. Nakita kong tulog na sila. Pwera lang kila Gelard at Joren na nag-uusap pa.
Hindi man klaro ang nakikita ko dahil sa pulang kalangitan ay at mga punong nahaharangan mula sa labas, ay nakikita ko paring gising sila dahil hawak pa nila ang beer nila at nalalagukan ito.
Shit!
Hindi ko na nakita no'n si Dave!
B-but?
H-hindi kaya?
May kinalaman itong sina Gelard at Joren?
Noooooo...
Hindi ako pwedeng manghinala ng walang kaalam-alam.
Sinabi na rin nila na hindi nila napansin si Dave na umalis or what.
Huminga ako ng malalim at nag-isip.
Nasaan ka ba kasi Dave?
Fuck! Kung nasaan ka man, umuwi ka sanang buhay.
"Shelby tapos na kami! Tara, hanapin na natin si Dave!" Rinig kong sigaw ni Hannah.
Agad akong bumaba at nakita kong nagtipon tipon na sila sa mahabang upuan at ang iba ay nakaupo sa sahig na may carpet.
"Guys! We need to find, Dave! Hindi tayo babalil sa bahay na ito hangga't hindi natin siya nakikita! Pero kapag wala talaga siya sa buong kagubatan na ito, bumalik na tayo dito ng mga 5:30 pm okay?" Sabi ko sa kanila at nagsitayuan na sila at lumabas na kami mismo sa bahay.
"Where are the keys on this house?" Tanong ko sa kanila. Nakita kong lumapit sa akin si Gelard at ini-lock ang pinto ng bahay.
"Kailangan nating maghiwa-hiwalay, it's up to you kung iilan kayong maghahanap." Sabi ko sa kanila at nagsama-sama na sila.
Kumapit ako kay Jon para hindi siya mahiwalay sa akin.
Ngayon ay kasama ko sa paghahanap kay Dave ay sina Macky, Jadhrie, Jon, at Haze.
12:30 pm na at may ilang oras pa kami para halughugin ang buong kagubatan para mahanap si Dave.
"DAVE! NASAAN KA NA BA?" Sigaw ni Macky.
"DAVE IF YOU HERE IS JUST SHOUT OKAY?" Sigaw rin ni Jon.
"DAVE WHERE THE FUCKING HELL ARE YOU?!" Ngayon ako naman ang sumigaw.
[ 4:30 pm ]
"Ugh!!! I'm tired!!! Pahinga naman tayo!" Sabi ko sabay upo sa lupa.
Kita ko na rin ang pagod nila.
"Jad, Haze. It's good to see you two na nagkaayos na rin kayo." Sabi ko sa kanilang dalawa habang pinupunasan ang pawis nila.
Nakita kong napangiti silang dalawa sa akin.
"Nga pala Jad, bakit mo nga pala kami tinakbuhan no'ng nakita ka namin sa harap ng ice cream shop?" Tanong ko sa kanya.
"Guys, mamaya na iyan okay? Kailangan na nating mahanap si Dave. Tara na, maghanap pa ulit tayo." Sambit ni Macky at naunang naglakad.
[ 5:25 pm ]
Hindi na talaga namin nahanap pa si Dave kaya napagpasiyahan na naming bumalik sa bahay.
Nang makarating kami roon ay nakita namin sina Gelard at Joren.
"Wala talaga? Kahit mga bakas man lang?" Salubong na tanong sa kanila ni Macky.
"Bro, wala ni kahit isang bakas wala talaga. Kung saan man iyon nakapunta si Dave, sana makabalik pa siya rito." Ani ni Joren.
Maya-maya ay dumating na rin ang iba pa naming mga kasama. Kita sa mga mukha nito ang pagod na nararamdaman nila ngayon.
"Wala talaga si, Dave." Pag-aalalang sabi ni Hannah.
Binuksan na ni Gelard ang pinto at nagsipasukan na kaming lahat. Ang iba'y dumiretso sa kubeta, ang iba'y umakyat sa taas.
Ako ay naiwan sa sala at napagpasiyahab kong umupo sa mahabag sofa.
Nasaan na kaya iyong Dave na iyon?
Nang makaapak ako sa carpet ay parang may naramdaman akong iba roon. Tinanggal ko ang paang nakaapak roon at umapak sa ibang bahagi ng carpet at pinakiramdaman ito.
Muli kong iniapak ang kaliwang paa ko sa kaninang may naramdaman akong kakaiba at iniapak ang kanang paa ko sa inapakan ko kanina.
Sa kaliwa ay nararamdaman kong malambot ito na ewan, sa kanan naman ay matigas.
Umalis ako sa pagkakaapak sa carpet. Napagpasiyahan kong itaas ang carpet para makita ko kung anong malambot na bagay iyon.
Nang maitaas ko na ay nanlaki ang mata ko at napasigaw.
"KYAAAHHHHHHH!!!"
Nang marinig iyon ng mga kasama ko ay nagsilabasan silang lahat.
"Shelby, bakit?" Tanong ni Jon na nasa taas.
Itinuro ko ang carpet na nakataas. Bumaba silang lahat upang tingna iyon.
Nang makita nila iyon ay nakita ko ang pandidiri nila. Ang iba'y napatutop sa bibig ang iba'y masuka-suka sa nakita.
"D-DAVE!!!" Sigaw ni Hannah.
Ang naapakang bagay ko pala ang--
Pugot at nayuping ulo ni Dave na parang lata!
Sabog ang uluhan nito at hindi na maklaro pa ang mukha sa sobrang pagkadurog.
"Shit!!" Narinig kong sigaw ni Joren.
"What the fuck! Who did it get there? Shit! Nakakadiri!" Sigaw rin no Gelard.
"N-nasaan ang ibang parte ng katawan niya?" Tanong ni Hannah.
Itinaas ko pa lalo ang carpet at nagsitaasaan ang mga balahibo ko nang makitang ang iba pa niyang parteng katawan ay magkakahiwa-hiwalay at nayupi rin.
"H-hindi normal na tao ang makakagawa niyang ganyang bagay na iyan!" Takot na sabi ni Joren.
S-sino ang makakagawa ng karumal dumal na gantong bagay kay Dave?
_________________________________
"Shot lang, mga bro!" Lasing na sabi ni Joren.
"Hindi talaga ako magpapatalo! Sayang ang limang libong piso HAHAHAHAHA!" Sabi ni Dave habang nilalaklak ang beer.
"Hindi ko na kaya! Inaantok na ko!" Lasing na sabi ni Macky.
"Me too, guys! Goodnight!" Sabay higa sa sahig si Derick.
"So... Tayo-tayo na lang pala ang malalakas HAHAHAHAHA!" Pagbibirong sabi ni Dave kina Gelard at Joren.
"Hindi talaga ako susuko... Ahhh... Wait... Magyoyosi lang ako sa labas. Matulog na kayo para ako na ang panalo HAHAHAHA!" Pagbibiro ni Dave at pinahiga ang dalawa.
Nang dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na nila nagawang bumangon pa.
"Bukas, kukunin ko ang limang libo ah?" Sabi ni Dave at tumungo sa pinto at dahan-dahang binuksan ito at lumabas.
Pasuray-suray siyang naglakad sa gubat at nang medyo makalayo na sa bahay ay agad na kinuha ang yosi sa bulsa at sinindihan ito.
Walang kung ano-ano'y biglang may humampas sa ulo niya. Nabitawan niya ang kanyang yosi at napatumba siya sa sobrang lakas ng pagkakahampas sa ulo niya.
Kinuha ng taong iyon ang yosi na nabitawan niya at pinatay ang sindi nito at inilagay sa bulsa. Ang batong ipinamalo niya rito ay kinuha niya.
Nagsimula na siyang maglakad habang buhat-buhat ang walang malay na si Dave.
Nagising si Dave nang biglang buhusan ang mukha niya ng tubig. Nawala ang kanyang kalasingan. Nakahiga siya at nakatali.
Pinilit niyang kumawala roon. Nakatabing rin ang bunganga niya ng tela upang hindu ito makagawa ng ingay.
Pinilit niyang sumigaw kahit may tabing ang bibig niya. Lumapit sa kanya ang taong humampas sa kanya, sinisigawan niya ito kahit na nakatabing pa rin ang bunganga niya.
Kumuha ng malaking gunting ang taong iyon at ginupit ang damit na suot niya. Ngayon ay nakahubad na ito at ang tanging suot na lamang ay ang kanyang salawal.
Pilit pa rin niyang sumigaw. Kumuha ng palakol ang taong iyon at lumapit muli kay Dave.
Nanlaki ang mata ni Dave nang makita niya ang taong iyon na may dalang palakol.
Walang kung ano-ano'y pinutol ang paa niya. Napasigaw siya sa sakit. Sumirit-sirit ang dugong nanggagaling sa paa niyang putol.
Napanguti na lamang ang taong iyon at saka pinaikutan si Dave. Biglaang inihampas ang matulis na palakol nito sa kanyang kanang kamay.
Muling napasigaw si Dave sa sakit. Muling umikot ito sa kanya at muling inihampas ang palakol niya sa kaliwang kamay niya.
Mangiyak-ngiyak sa sakit si Dave. Kinuha ng taong iyon ang paa at kamay nitong putol na. Hindi matigil ang kanyang pagsigaw at paghagulgol sa sakit na nararamdaman.
Sunod naman ay kumuha ang taong iyon ng maliit na kutsilyo at inihiwa sa hita ni Dave. Nang magkaroon ng malalim na hiwa ay binitawan niya ang dala niyang maliit na kutsilyo.
Tiningnan muli niya ang may malalim na hiwa ng hita ni Dave ay ginamit niya ang kanyang dalawang kamay at hinila ang magkabilang balat nito.
Lalong humagulgol si Dave sa sakit. Muling kinuha niya ang palakol at lumapit sa ulohan ni Dave.
Walang kung ano-ano'y pinugutan niya ang ulo ng binata. Inilagay sa malaking Hydraulic Press ang paa, kamay at ulo ni Dave.
Yuping-yupi ang paa, kamay at ulo nito. Ang naiwang katawan pa ni Dave ay hinati niya sa gitna at muling inilagay sa Hydraulic Press.
Kinabukasan ay tumungo siya sa likod ng bahay na tinutuluyan nina Shelby at ang iba pa nitong kasama.
Dala-dala niya ang nayuping paa, kamay, ulo at iba pang katawan niya roon. Nang makarating siya sa sala ay nakita niya ang carpet at doon inilagay ang nayuping katawan ni Dave doon sa ilalim ng carpet.
Umalis na siya sa bahay roon nang matapos ang misyon nito.
[ 9 years later ] Namuhay lamang ako ng simple, as usual ganoon pa din! Pero...Sa siyam na taon ang nagtagal, bente-sais na 'ko pero hindi madaling alisin sa isipan ko ang pangyayaring nangyari sa amin noon.Lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko. Lagi ko na lamang napapaginipan ang mga pangyayari doon. Hindi ako makatrabaho nang maayos dahil laging bumabagabag sa akin iyon.Ngayon ay nagtatrabaho ako bilang baker sa isang cake shop. Ito lang ang kinaya ko pero ayos na, nakukuha ko naman ang mga kailanganin ko sa buhay. Matanda na sila mommy at daddy kaya hindi na ako umaasa pa sa kanila.Kailangan ko ring magtrabaho hindi lang lagi puro phone na lang lagi ang hawak, cake naman at mga icing. Mag dadalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito sa cake shop. Dati, hirap pa ko no'n sa pag-bake, pero ngayon gamay na gamay ko na.Pasara na kami ngayon ng sh
[ May 16,2018 ]Jadhrie's P.O.VIlang weeks na din pala ang nakalipas noong nagpunta kami sa Pulang Kagubatan. Nagkakamabutihan na rin kami ni Macky, simula noong hinatid niya ako rito gamit ang motor ng lalaking pumatay sa mga kaibigan ko.Panay ang tawag at chat niya sa akin, hindi ko na rin naman natiis na kausapin siya dahil pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong niya sa akin noong muntikan na akong mapatay ng lalaki doon sa Pulang Kagubatan.MackyBb Active NowMackyBb:Pwede ka ba mamaya? Date tayo mamayang 6:00 pm, 'wag kang mag-alala hatid-sundo naman kita. Ano? G? Me:Try ko.MackyBb:
Joren's P.O.VTakbo lang kami ng takbo kahit saan. Paikot-ikot na lang siguro kami dito sa kagubatan.Fuck! Nasaan na ba yung kalsadang 'yon!? Napatigil na lamang kami sa pagtakbo ni Gelard nang bigla siyang tumigil sa pagtakbo at napaupo na lamang sa lupa."Pagod na pagod na ko, Joren. Pahinga naman tayo saglit!" Aniya habang hinihingal.Kahit ako hingal na hingal din. Hindi ko akalaing napakalawak ng kagubatang ito! Napaupo na rin ako sa lupa katulad ni Gelard.Hindi namin makita nang maayos ang buong kagubatan dahil balot na balot ng kulay pula ang kalangitan. Ganito na ba talaga kagalit ang Diyos no'ng Querogullo na 'yon?!Napaka-OA naman!"Joren... Pahinga lang tayo saglit... Grabe! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo!" Pagrereklamo ni Gelard habang hinihilot-hilot ang paa."Oo na! Magpapahinga na muna--" Hindi natapos a
Gelard's P.O.VOur plan is doing well now! Nakakatuwa dahil ang bilis nilang makaapak sa bitag namin nang walang nakakaalam at walang nakakapansin.Hanggang ngayon talaga napaka-bobo nilang lahat.Joren: The part that I love HAHAHAHAHAMe:Sinabi mo pa HAHAHAHAJoren:Dapat lang na bayaran tayo ni Querogullo na iyon ng benteng ginto. Kahit tig-sampung ginto tayo ayos na yun. Sampung bilyong piso agad HAHAHAHAHA!Me:Dapat lang! Baka mapatay ko siya kapaghindi niya tayo bayaran.
As you notice na doon sa Chapter 13 ay bigla akong nag-jump into Chapter 15, kung hinahanap ninyo ang Chapter 14 ay ipopost ko na siya.Kapag nabasa ninyo iyon ay malalaman ninyo kung bakit dito ko lang ipopost. Pero kung alam ninyo na, kung may kutob na kayo, ay basahin ninyo pa rin.Nagandahan ba kayo sa gawa kong kwento? Comment ninyo dito kung ano at bakit ninyo nagustuhan ang story ko.Love you all guys! Sana patuloy ninyo pa rin ako suportahan sa paggawa ng aking pang sariling akda. Hindi lang naman itong kwenro na ito ang gawa ko kundi marami pa kayong mga aabangan sa aking kwento. Yun lang mahala ko kayo!~Lyxious_ly13
Pinatuloy ni Vidan si Querogullo sa kanyang bahay, pinatira niya rin ito at ngayon ay ilang taon na rin itong namamalagi roon.Bihira rin niyang bisitahin ang dalawang sanggol na kanyang inampon. "Querogullo, ikaw muna ang magbantay rito sa bahay, may pupuntahan lang akong importante." Sabi sa kanya ni Vidan at dali-daling lumabas ng bahay.Naiwang mag-isa sa loob ng bahay si Querogullo. Tahimik lamang at buong bahay at walang gaanong magagawa roon kaya napagpasiyahan niyang tumungo sa kwarto niya at linisin iyon.Papasok na sana siya sa kanyang kwarto nang mapansing nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Vidan, imbes na sa kanyang kwarto siya pumasok ay mas pinili niyang pumasok roon sa kwarto ni Vidan.Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto ni Vidan. Ipinalibot niya ang tingin sa buong kwarto, nakuha niya ang atensyon doon sa aparador. Hindi niya alam pero may ibang kutob siya doon sa taong