LOGINNANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito.
"Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."
Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."
Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan.
"Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka."
"Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw."
"Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."
Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.
Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi naman tumutol ang mga ito. Bagay na ikinatuwa niya kaya nagpasalamat siya. "Matagal ka ng kaibigan ni Julan kaya normal lang na tumulong siya sa inyong mag-ina." Sabi pa ni mang Jerry. "Julan, ayusin mo na ang dadalhin mong gamit para makaalis na kayo."
"Jercelle, maiwan na muna kita dito. Relax."
"Sige, Julan. Take your time."
"Pa'no?" Sabi ng daddy ni Julan ng maiwan silang tatlo. "Babalik na ako sa panonood ng television. Maiwan ko na kayong dalawa. Betty, ikaw na ang bahala kay Jercelle."
"Okay po, tito. Salamat." Bahagya siyang yumukod. Saka tumingin sa mommy ni Julan. "T-tita..."
"Ang mabuti pa'y kumain na kayo dito ng hapunan ni Julan. Samahan mo ako sa kusina para makapaghanda ng pagkain."
"Sige po."
Sumunod siya rito. Tinulungan niya itong maghanda ng pagkain sa mesa.
"Huwag ka sanang magagalit, Jercelle. Pero ang totoo ay tutol ako sa ginawang panliligaw ni Julan sa 'yo."
"Po?" Pakiramdam niya ay hinampas siya nito sa ulo ng hawak na plato.
"Pasens'ya ka na sa pakikialam ko sa damdamin ng anak ko. Pero ina ako at gusto ko siyempre ay 'yong maganda para sa anak ko..."
Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na kutsara. May naramdaman siyang kirot sa dibdib. Nasaktan siya sa narinig mula sa mommy ni Julan.
"Hija," Hinawakan siya sa braso ni aling Betty.
Napapitlag siya. "T-tita..?"
Ngumiti ito. "Sorry."
"P-para saan po?"
"Sa hindi magandang inasal ko. Alam kong mali na pakialaman ko si Julan at tutulan kung ano ang gusto niya."
Napilitan siyang ngumiti dahil sa sinabi nitong iyon. Biglang napawi ang sakit ng kalooban na kanina ay agad niyang naramdaman.
"Tama ang asawa ko. Kung sino man ang babaing mahal ni Julan ay kaloob iyon ng Dios at mapapabuti ang kinabukasan niya. Mabait kasing anak ang panganay ko kaya naniniwala kami na hindi siya mapapasama sa buhay."
Parang gusto niyang maiyak sa katuwaan. Ngayon ay tiyak na niyang tanggap na siya ng mommy ni Julan. Mabuti na lang na sa kabila ng pagtutol nito noong una ay tanggap na din siya.
"Maraming salamat po, tita. Sobrang masaya po ako sa pagtanggap ninyo sa akin."
"Huwag mo sanang bibiguin si Julan, Jercelle. Masasaktan siya kapag hindi po sinagot ang panliligaw niya."
Biglang pumasok sa utak niya ang kanyang boyfriend -- si Bricko!
WALANG pagsidlan ng katuwaan sa damdamin ni Julan dahil nakita niya ang maayos na pakikiharap ng kanyang mommy kay Jercelle. Halos hindi nga siya nakakain dahil natitigilan siya tuwing inaalok nito at tinitiyak na kumakain ng maayos.
Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon dahil tutol ito dati sa panliligaw niya. Pero sobra na siyang natutuwa dahil talagang naglinaw na ang isip nito dahil sa daddy niya. Tanggap na nito ang babaing mahal niya sa kabila ng mga bagay na ayaw nito dati.
"Natutuwa ako kay mommy." Hindi niya napigilan ang sarili na mag-voice out habang nagmamaneho. Pauwi na sila sa bahay ni Jercelle. "Sobra ka niyang inasikaso kanina."
"Oo nga, e. Nahihiya nga ako kay Tita."
"Bumabawi lang 'yon sa akin. Kaya ipinakita niya na hindi na siya tutol sa pagmamahal ko sa 'yo."
Tumango si Jercelle. Nakangiting ikinuwento ang naging usapan nito at ng mommy niya.
"Talaga? Inamin pala niya na ayaw talaga niya sa 'yo dahil biyuda ka."
"Akala ko nga until now ay tutol siya. Parang hihimatayin nga ako kanina ng sabihin niya 'yon. Buti na lang at sinundan agad niya na nagbago na 'yong damdamin niya. Halos gusto ko namang magtatalon sa tuwa ng maramdamang tanggap na niya ako."
"You mean... tanggap mo na din ako, Jercelle?"
Bigla itong natigilan. Pinamulahan ng mukha. Alam niyang nahiya ito dahil sa nasabi. Maliwanag kasi na natuwa ito sa malaking chance sa pagitan nilang dalawa.
"Jercelle, ako na ang pinaka-masayang lalaki sa universe kapag sinagot mo."
"I'm sorry, Julan. Hindi sa ayaw ko sa 'yo pero alam mo ang sitwasyon ngayon..."
Napabuntung-hininga siya. Alam niya ang tinutukoy nito. Sa ngayon ay may karelasyon ito at iyon ay malaking hadlang sa pagitan nila.
"Me and Bricko are not officially off. Boyfriend ko pa rin siya."
"Pero puputulin mo na ang relasyon ninyo dahil manloloko siya. Marami siyang inilihim sa 'yo. Mga seryosong bagay na dapat ay ipinaalam niya kung talagang mahal ka niya."
"May puntos din naman si Bricko kaya hindi siya naging tapat sa mga bagay na dapat ay nahayag agad. Nauunawaan ko siya pero hindi ko matatanggap ng ganoon kadali ang lahat!"
"Forget him. Please, huwag ka na sanang magpauto pa sa kanya."
"Julan, ayoko na talagang makipag-relasyon pa kay Bricko. Minahal ko siya pero hindi siya nagpakatotoo."
Nang marinig niya iyon ay labis siyang natuwa. Lihim ng nagdiriwang ang kanyang kalooban. Para kasing nakikita na niya ang pag-ibig sa kanilang pagitan.
"Kung talagang gusto mong hiwalayan si Bricko, panindigan mo na. Jercelle, narito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan."
"Salamat, Julan. Ikaw na lang ang mahahawakan ko sa pagkakataong ito. Please, help me."
"Umasa ka, Jercelle. Hindi ko kayo pababayaan ni Rexcelle."
Nakangiti itong tumingin sa kanya at tumango. Lalo naman niyang naramdaman ang tuwa sa puso niya. Sabi niya sa sarili, gagawin talaga niya ang lahat para tuluyan nitong mahalin.
"BAKIT ang aga mo na namang umuwi, Bricko?" Salubong na tanong ni aling Helen kay Bricko. "Hindi mo na ba inihahatid si Jercelle?"
"Inay..." Niyakap niya ito.
"M-may problema ba, anak?"
Tumango siya.
"Gusto mo ng kausap? Halika. Maupo muna tayo dito sa may garahe. Makikinig ako sa 'yo."
Kinalas niya ang pagkakayakap dito. Inakbayan ito at iginiya paupo sa bench na nasa gilid ng kanyang taxi sa garahe.
"Inay, alam na po ni Jercelle na ako ang ama ni Rexcelle."
"Mabuti, anak. Wala ng lihim. Ikaw ba ang nagtapat sa kanya?"
Pabuntung-hininga siyang umiling. Saka sinabi ang totoong nangyari.
"Grabe talaga ang Salve na 'yan. Hindi niya dapat ginawa 'yon."
"Kasalanan ko po, Inay. Ang totoo po ay nakikipagkita ako sa kanya. A-at... may namamagitan po sa aming dalawa."
Nahampas siya sa braso ng nagulat na ina. "Gago ka, Bricko. Girlfriend mo na si Jercelle pero nakikipag-mabutihan ka pa kay Salve. Niloloko mo 'yong girlfriend mo. Hindi ka tapat sa kanya."
"Mali nga po ako, Inay. Inaamin ko po iyon. At ito na nga po ang kinalabasan ng lahat... problema. Napaka-laking problema."
"W-wala na kayo ni Jercelle, anak?"
"Nakipaghiwalay po siya sa akin. Pero hindi pa po ako pumapayag. Ang sabi ko po ay aayusin ko ang problema. Hindi pa po uli ako nakikipagkita sa kanya."
Nasapo ni aling Helen ang sariling noo. "Paano 'yan? Bricko, paano kung hindi ka na tanggapin ni Jercelle?"
"Si Salve po..."
"Problema talaga ang tingin ko sa kanya noon pa. Kaya nga galit na galit ako sa kanya noon pang kaibigan mo siya. Mabigat ang loob ko sa kanya."
"Inay, mahal niya ako. Gusto po niya akong maagaw kay Jercelle."
"Totoo 'yan. Kaya nga sinabi niya kay Jercelle ang totoo. Gusto niyang magalit sa 'yo ang girlfriend mo at iwan ka. Wala siyang hinahangad kundi ang magkahiwalay kayo ni Jercelle para maging kanya ka na."
"Hindi ko po alam ang gagawin ko!"
"Bricko," Tinapik-tapik nito ang braso niya. "Magpakatatag ka. At magdesisyon ka ng tama."
"Ang totoo po ay naaawa ako kay Jercelle, Inay. Alam ko pong nahihirapan siya at naguguluhan ngayon sa sitwasyon. Gusto ko po siyang matahimik pero masasaktan po ako kapag hiniwalayan siya. Mahal ko po si Jercelle, Inay."
"Kung mahal mo siya, bakit ka makikipaghiwalay? Ipaglaban mo ang pag-ibig mo sa kanya."
"Pero hindi po titigil si Salve. Patuloy siyang manggugulo. Hindi niya patatahimikin si Jercelle. At tiyak na masisira din ang buhay ni Rexcelle. Magiging kawawa po ang anak ko!"
"Sakit- ulo talaga ang Salve na 'yan! Siya ang gumawa ng problema!"
"Nangako po siya na hindi na guguluhin si Jercelle kung pakakasalan ko siya. Hindi na rin daw po niya pakikialaman ang anak namin."
"K-kaya iniisip mong magpakasal sa kanya? Isasakripisyo mo ang sarili mong kaligayahan para matahimik ang buhay ng mag-inang Jercelle at Rexcelle?"
"Kung iyon po ang makabubuti..."
Tinapik ni aling Helen ang sariling noo. "Ewan ko! Bricko, parang gusto ko na namang magalit sa Salve na 'yon!"
"Inay, matatanggap n'yo po ba kung sakali si Salve?"
Ibinagsak nito ang dalawang kamay. Tumirik ang mga mata. Saka naiinis siyang sinagot. "Sana. Sana'y maging mabuti akong biyenan kung sakali."
Sinalo ng dalawa niyang kamay ang sariling ulo nang tumungo siya. Inilapat niya sa mga hita ang magkabilang siko.
"Bakit nauwi sa ganito ang lahat? Bakit kung kailan ako nagmahal at saka pa nagkaroon ng ganitong problema?"
Naramdaman niya ang hagod ng palad ng kanyang ina sa likod niya. "Sabi ko nga, magpakatatag ka. Magdesisyon ka ng tama at sa tingin mo ay hindi mo pagsisisihan."
"Opo, Inay. Salamat po sa pagmamalasakit n'yo."
"Wala 'yon, anak. Basta kung kailangan mo ng kausap ay narito lang ako. At kung may maitutulong ako ay gagawin ko."
Muli siyang nagpasalamat sa ina. Saka umayos ng upo at pinilit ngumiti.
"Magpahinga ka na, anak. Patatawag kita sa kapatid mo kapag kakain na tayo."
"Sige po."
Sabay silang tumayo. Inakbayan niya ito saka sila humakbang papasok sa unahang pinto ng bahay.
"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P
"PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-
LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho
"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K