NANGUNOT ang noo ni Bricko nang makita niyang nakatayo sa gilid ng kalsada si Salve, na isang block lang ang layo sa kanilang bahay.Naisip niyang siya ang sadya nito kaya naroon. Hindi siya nagdalawang-isip na hintuan ito."Salve," Tawag niya rito matapos ibaba ang bintana ng taxi. "Ako ba ang hinihintay mo?"Dali-dali nitong binuksan ang pinto sa unahan at pumasok sa sasakyan. Umupo ito sa tabi niya na walang kangiti-ngiti."Anong problema mo?""Brick, hindi ako makapunta sa bahay n'yo. Alam mo namang ayaw sa akin ng nanay mo. Dumaan lang ako at sumilip kanina para malaman kung nariyan ka. Wala itong taxi mo kaya nalaman kong namasada ka.""May sasabihin ka ba, Salve?""Wala naman. Nabagot lang ako. Kailangan ko ng kausap. Puwede ka ba?
Terakhir Diperbarui : 2020-07-29 Baca selengkapnya