Share

CHAPTER EIGHT

Author: Franz Valley
last update publish date: 2020-07-29 16:20:43

"Y-YOU love me..?"

Halos hindi lumabas sa bibig ni Jercelle ang sinabing iyon. Nakakabigla para sa kanya ang inihayag ni Julan.

Mahal siya nito?

Teka! Ano bang ibig nitong sabihin? He loves her as what?

"Mahal niya ako higit pa sa pagiging kaibigan?" Hiyaw ng isang bahagi ng utak niya. "Ngayon lang niya ako sinabihan ng 'I love you'."

Naisip niya na baka nagkamali lang siya ng isipin. Oo, mahal siya nito -- bilang isang kaibigan!

Julan loves her as a bestfriend!

Iyon lang. No more, no less.

That's normal. Anong bago? Anong nakakabigla?

"Jercelle, relax." Sabi niya sa sarili. "Huwag kang exaggerated."

Bigla siyang nahiya sa sarili. Nasabi ng utak niya na nag-jump into conclusion siya. Nakakahiya dahil nakita ni Julan ang pagkabigla niya. Ano na lang ang iisipin nito?

Lumunok siya saka iniiwas dito ang paningin. Hindi niya napigilan ang pamumula ng mukha.

"Jercelle, you heard me right. I love you..."

"A-alam ko naman, Julan. Matagal ko ng alam na mahal mo ako bilang kaibigan. Ipinagpapasalamat ko naman 'yon dahil naging masaya kami ni Rexcelle sa pagkakaroon ng taong gaya mo. Kaya nga lang... hindi ko na gusto ang ginagawa mo nitong mga huling araw."

"Dahil nagseselos ako, Jercelle. Selos na selos!"

Napatingin siyang muli kay Julan. Pero tumikhim muna siya bago nagsalita. Para kasing may bara ang lalamunan niya.

Gosh! Ano ba itong nararamdaman niya? Pambihira talaga itong si Julan! 

"Nagseselos ka kay Bricko, Julan?"

"Oo, Jercelle. Dahil alam kong pumuporma siya sa 'yo. Nanunuyo. Hindi ko gusto 'yon dahil matagal na kitang mahal higit pa sa pagiging kaibigan."

"Oh, my God!" She whispered. It's really shocking. "U-umayos ka nga, Julan. Kung anu-anong sinasabi mo!"

"Pasens'ya ka na kung dito ko nasabi ang totoo. Sorry. Wala sa tamang lugar. But I need to say it... the truth. Jercelle, sana'y maunawaan mo ako."

Nasapo niya ang sariling dibdib. Hindi lang simpleng sitwasyon para sa kanya ang nagaganap ngayon.

"Julan, please. Hayaan mo na muna akong mag-isa. Huwag ka na munang sumunod sa akin. Puwede ba?"

Malungkot itong tumango. 

"Thanks. Goodbye."

Sinimulan niyang muling humakbang sa baitang paakyat sa hagdanan. Hindi na nga ito sumunod sa kanya at inihatid na lang siya ng tanaw.

"MAG-ISA ka lang dito sa bahay mo, Best?" Tanong-paniniyak ni Bricko habang nakatayo sa gitna ng maliit na living area ng bahay ni Salve at iniikot ang paningin. "Okay itong place mo. Cool."

"Malungkot ang mag-isa. Nakakabagot. Pero kailangan kong magtiis."

Pagkasara nito sa pinto ay umupo sa one seater sofa. Parang nanlalambot na isinandig ang katawan sa sandalan.

"Pero alam mo ba na ang pagkabagot ko ang nagtulak sa akin kaya naisipan kong guluhin si Jercelle?"

Tumawa ng mahina si Salve. Umiling-iling.

"Ang gaga ko talaga. Imagine, plinano kong kuhanin ang anak niya..."

"Baliw!" Natatawa siyang umupo sa isa pang one seater sofa. "Nananahimik 'yong mag-ina ay bigla mong binulabog."

"May puso pa rin ako, Best. May awa. Naisip ko kasi si Jercelle. Tiyak ko na sobra siyang mag-aalala sa bata kaya ibinalik ko."

"Sobrang minahal na ni Jercelle si Rexcelle kaya apektado talaga siya. Kaya sana... huwag mo na uli silang guguluhin."

"Pero mahirap mag-isa. Brick, sa buong buhay ko ay hindi pa ako lumigaya. Mas naghihirap nga ang kalooban ko kapag naiisip ko na dahil sa mga nagawa kong kalokohan kaya ganito ang buhay ko."

"Kaya nga ang isipin mo ay ang makagawa ng maganda at mabuting bagay para maging maayos ang buhay mo. Please, don't do anything that makes your life more complicated."

Kitang-kita niya ang pangingilid ng mga luha ni Salve nang magkatinginan sila.

"Paano at kailan ako liligaya, Best? Darating pa ba iyon sa buhay ko?"

"Bakit hindi? Best, makakamit mo ang totoong kaligayahan kung wala kang taong piniperhuwisyo. Kung tama ang mga ginagawa mo at wala kang sinasaktang tao ay mabubuhay kang payapa at masaya. Tandaan mo 'yan, Salve."

Bigla itong tumayo at yumakap sa kanya. Hindi siya nakakibo sa pagkabigla. Lalo pa nga at umiyak na ito.

"Brick, nahihirapan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Pagkatapos niyang lumunok at nakabawi sa pagkabigla ay hinagod niya ang likod nito. Sinikap niyang mapayapa ang kalooban nito. Ilang minuto naman ay tumigil na ito sa pag-iyak at kinalas ang pagkakayakap sa kanya.

"I'm sorry, Brick. Naging emotional ako..."

"Naiintindihan ko, Best. Nauunawaan kita."

Inayos nito ang sarili. "Salamat..."

"Okay ka na?"

Tumango ito.

Tumayo siya.

"I need to go, Best." Pamamaalam niya rito. "Babalik na lang ako sa isang araw."

Biglang tumayo si Salve at yumakap sa kanyang likuran. Hindi niya nagawang humakbang para umalis.

"Best, please. Huwag mo muna akong iwan. Huwag ka na munang umuwi..."

Nag-init ang pakiramdam niya ng lalo pang humigpit ang yakap nito at isinandig pa ang mukha sa likod niya.

"S-Salve..?"

"UY! Ang guwapo naman ng kuya ko!" Maluwang ang ngiting sabi ng nag-iisang kapatid ni Julan na si Julian. Mula sa panonood nito ng television sa salas ay napatingin sa kanya habang bumababa siya sa hagdanan. "Where's the walk?"

Napatawa siya. "Where's the walk ka d'yan!"

"Saan po ang lakad?" Humagikhik ito. "Saan po pupunta ang guwapo kong kuya?"

Inayos niya ang kuwelyo ng suot na polo. "Hindi na ba mati-turn-off sa hitsura ko ang masuwerteng babaing liligawan ko?"

"What?" Nanlaki ang mga mata ni Julian. "Manliligaw ka, kuya? Seryoso?"

"Sobra ka namang maka-react d'yan. Para namang hindi ako tao na puwedeng manligaw."

"Manliligaw?"

Sabay silang napatingin sa kanilang nagsalitang ina na si aling Betty, na papalapit at mula sa kusina.

"Tama ba ang narinig ko na manliligaw ka, Julan?"

"Mommy..."

Hinagod siya nito ng tingin. "Pormado ang panganay ko, a. Tama ang kapatid mo... guwapo ka, anak. Siguradong papasa ka sa masuwerteng babaing liligawan mo."

Natutuwang niyakap niya ang ina. "Magdilang-anghel ka nga sana, mommy. Ako na ang pinaka-masayang lalaki sa buong universe kapag sinagot ako ng babaing minamahal ko."

Natatawa si aling Betty na hinagod ang likod niya. "Nasa tamang edad ka na, Julan--"

"Ang tanda na nga ni kuya, mommy." Birit ni Julian. "Twenty seven years old na pero wala pa ring girlfriend."

"Tumigil ka nga, Julian. Hindi pa ako matanda. Talaga lang seryoso ang puso ko kaya hindi ako nakipag-relasyon sa kung sinu-sino. Ang gusto ko kasi... serious relationship. Iyong sa simbahan na ang tuloy ng magiging girlfriend ko."

"Ang bait mo, kuya. May ganyang lalaki pa pala ngayon sa mundo."

Tumawa siya. Itinuro ang sarili. "Ako. Ito ako, Julian."

"Kaya nga napaka-suwerte ng babaing minahal mo. Sino ba siya, anak?"

"Oo nga, kuya." Kinilig si Julian. "Sino ba ang magiging ate ko?"

"Si Jercelle, mommy." Walang gatol niyang tugon. "Sa bahay ho niya ako pupunta ngayon para manligaw."

"Ano?" Gulat na gulat si aling Betty. "S-si Jercelle na kasama mo sa kompanya? Iyong biyuda na kaibigan mo?"

Naisama na niya ang mag-inang Jercelle at Rexcelle sa bahay nila. Ipinakilala na niya ang mga ito sa kanyang pamilya. Noon ay seryoso na siyang tinanong ng ina niya kung talagang kaibigan lang ang turing niya sa babae. Sinagot naman niya ito ng kasinungalingan. Inilihim niya ang totoong damdamin, na kinukontrol talaga niya noon pa.

Ang buong akala kasi niya ay hindi siya tuluyang mai-in-love kay Jercelle pero mali pala. Lalo pang nahulog ang loob niya dito at hindi na niya kayang mawala ito sa buhay niya.

Kaya nga nang malaman niyang may bago itong kakilalang lalaki ay agad siyang nataranta. Hindi na niya na-control ang sarili at inaway ito. Ano pa't wala sa plano ay nagtapat siya kay Jercelle ng totoong damdamin.

At ngayon nga ay pormal na siyang manliligaw!

"I love Jercelle, mommy. Siya lang ang minahal ko ng ganito."

"Pero biyuda na siya. May anak. Julan, hindi siya bagay sa 'yo. Binata ka. Mabuting tao. May babaing nakahihigit sa Jercelle na 'yon at mas bagay sa 'yo."

"Mommy, huwag mong sabihin na hindi mo gusto si Jercelle. Seryoso ako sa kanya. Mahal ko ho siya."

"Ayoko siya para sa 'yo, anak. Hindi ko siya matatanggap."

Nayanig siya sa narinig na iyon. Hindi niya inaasahan ang pagtutol ng ina niya.

"Huwag kang umalis, Julan. Huwag na huwag kang pupunta ngayong gabi sa bahay ng babaing 'yon para manligaw."

"Pero, mommy..."

"Kung ayaw mong magalit ako sa 'yo, Julan!"

Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng kumukulong mantika ng sandaling ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status