Home / All / SOMETIMES HEART GOES WRONG / CHAPTER SEVENTEEN

Share

CHAPTER SEVENTEEN

Author: Franz Valley
last update publish date: 2020-08-27 08:15:23

MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya.

"Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."

Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata.

"M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?"

"Sino ka ba talaga, Bricko?"

"Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?"

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo?"

"Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"

Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap.

"You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office."

"Kanino ka magpapahatid, Jercelle? Nang sumakay ka sa kotse ng Julan na 'yon ay na-aksidente kayo. Kung susunduin ka na naman niya ngayon... baka ma-ospital ka uli."

"I can go to the office alone! So, please... go."

Umiling ito. "Hindi ako aalis. At puwede bang sabihin mo sa akin ang rason kung bakit biglang naging ganyan ang trato mo sa akin?"

"Bricko, bakit hindi mo sinabi sa akin na kilala mo si Salve?"

"S-Salve..."

"Galing siya rito. Marami siyang sinabi sa akin."

Kitang-kita niya ang pagkagulat at pagkatakot sa mukha nito. Saglit itong natulala at parang nag-isip kung ano ang sasabihin.

"May alam ka ba sa mga plano niya? Please, umamin ka na kung ano ba talaga ang gagawin ninyong dalawa sa aming mag-ina."

Umiling-iling si Bricko. "Jercelle, I'm sorry. Oo, kilala ko si Salve..."

Pakiramdam niya'y bumagsak sa kanya ng buung-buong ang kisame.

"Pero hindi niya ako kasabwat sa ano mang plano niya. Jercelle, wala akong balak gawing masama sa inyong mag-ina."

Nasapo niya ang sariling noo nang tumungo. Ngayon ay alam na niyang totoo ang mga sinabi ni Salve.

"Oo, Jercelle. Kilala ko si Salve noon pa. Pero matagal na panahon kaming  nawalan ng communications..."

Nasasaktan siya pero sinikap niyang marinig ng maayos ang mga sasabihin nito.

"Maniwala ka, Jercelle, na noong nagtangka si Salve na kunin si Rexcelle ay noon na lang uli kami nagkita. Lihim ko siyang kinausap ng araw na iyon at nagulat nga ako sa sinabi niya. Hindi ko ipinaalam sa 'yo na kilala ko siya dahil mali ang ginawa niya. Ayokong madamay. Ayokong pag-isipan mo ako ng masama sa pagiging magkakilala namin."

"Kaya inilihim mo rin sa akin na may relasyon kayo?"

"Wala kaming relasyon."

"Wala? Pero may anak kayo."

Natigagal si Bricko.

Lumingon muna siya para tiyaking malayo si yaya Sally at hindi maririnig ang sasabihin niya. Nang hindi niya ito nakita ay naisip niyang nasa loob ng kuwarto ni Rexcelle, kaya humarap na siya kay Bricko at sinabi ang tungkol sa bata.

"Anak ninyo ni Salve si Rexcelle!"

"I-iyon ang sabi niya, Jercelle. Hindi ko alam na nagka-anak ako sa kanya. Pero nang sabihin niya ang tungkol doon ng magkita kami muli ay naniwala ako..."

Bumuntung-hininga ito.

"Nang mag-abroad ako ay wala na akong naging balita kay Salve. Hindi niya nagawang ipaalam sa akin na nabuntis ko siya dahil wala nga kaming contact. Galit sa kanya ang nanay ko kaya takot siyang lumapit at makipag-usap. Dahil mag-isa lang siya ay naisip niyang hindi niya kayang buhayin ang anak kaya ipina-ampon niya ito."

"At ngayon ay ginugulo niya ako! Pati buhay ni Rexcelle ay sisirain din niya gayong tahimik at maayos na."

"Sinabihan ko na si Salve na tumigil siya."

"Pero hindi siya tumitigil. Bricko, nagbanta pa siya sa akin. Hindi daw siya papayag na patuloy na maging maligaya ang buhay ko."

"Hindi maganda ang ginagawa ni Salve. Jercelle, aayusin ko ito. Gagawa ako ng paraan para--"

"Don't do anything, Bricko. The only way to stop her is to forget me."

"A-anong ibig mong sabihin, Jercelle?"

"Masakit sa akin dahil mahal kita pero makabubuting putulin na natin ang ating relasyon."

"Hindi! Ayoko!"

"Tama na. Tigilan na natin ito, Bricko. Nahihirapan na ako. Nasasaktan."

Napalunok si Bricko nang pumatak ang mga luha niya. Umangat ang kamay nito para hawakan siya pero mabilis siyang umurong.

"Please, Bricko," Basag ang boses na sabi niya. "Mas gagaan ang loob ko kung aalis ka na lang muna. Hayaan mo na ako. Gusto ko munang manahimik."

Tumango ito. "Okay. Aalis na ako. Pero aayusin ko ang lahat, Jercelle. Babalikan kita dahil mahal kita. Kayo ni Rexcelle."

"Just go, Bricko." Sinapo niya ang sariling dibdib. "Please, leave now."

"Babalik ako." Sabi nito bago siya iwanan.

GALIT na pinuntahan ni Bricko si Salve. Sa bahay nito siya dumiretso pagkagaling sa bahay ni Jercelle. Kanina pa siya gigil na gigil kaya ng makaharap ito ay hindi napigilan ang sarili. Tiim-bagang niya itong hinawakan sa balikat at pinanlisikan ng mga mata.

"Aray! Bricko, nasasaktan ako. Ano ba?"

"Ano bang pinagsasabi mo kay Jercelle, Salve? Bakit mo ginawa 'yon?"

"Bitiwan mo nga ako!" Pinilit nitong makawala sa pagkakahawak niya. Saka umurong. "Sinabi ko lang naman ang totoo, a. Bakit galit na galit ka? Apektado ka masyado."

"Sinisira mo ako, Salve. Mahal ko ang girlfriend ko at seryoso ako sa kanya."

Pagak itong tumawa. "Seryoso?"

Hinagod ng palad ni Salve ang sariling buhok.

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Bricko. Grabe ka. Sobra!"

Dinuro niya ito. "Ikaw ang sobra, Salve. Ikaw ang grabe sa akin!"

"Kung seryoso ka kay Jercelle, sana'y hindi mo ako ginagalaw. Kung totoong mahal mo siya, hindi ka magiging masaya sa piling ko."

"Tinutukso mo lang ako!"

"Gusto mo 'yon, Bricko. Naliligayahan ka. Kaya nga binabalik-balikan mo ako."

"Salve, hayaan mo na ako. Huwag mo nang guluhin si Jercelle."

Umiling-iling ito. "Titigil lang ako kung mapapasa-akin ka, Bricko."

"Ano?" Napatawa siya. "Ganyan ka na ba talaga ka-desperada?"

"Oo. Oo, Bricko. Ikaw na lang kasi ang alam kong makapagpapasaya sa akin. Ang makapagsasa-ayos ng buhay ko."

Niyakap siya nito. Mahigpit. Umiiyak. Gusto sana niyang kalasin ang pagkakayakap nito pero hindi niya nagawa. Agad na naman kasi siyang naawa dito.

"Bricko, gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang sa piling ko. Promise, kapag pinakasalan mo ako ay hindi ko na guguluhin si Jercelle. Kahit ang anak natin ay hindi ko na pakiki-alaman."

Nag-sink-in sa isip niya ang huli nitong sinabi. Importante sa kanya si Rexcelle dahil tinanggap na niya itong anak. Kung hindi na nga ito pakikialaman ni Salve ay mananatiling maayos ang buhay nito at matatahimik na rin si Jercelle.

"Bricko..." Tiningala siya nito. 

Tumungo naman siya para tingnan ito. Gusto pa niyang marinig kung ano ang sasabihin nito.

"Masuwerteng tao si Jercelle. Naging masaya na siya sa buhay niya. Huwag mo nang dagdagan pa. Sobrang nakaka-inggit na kung pakakasalan mo siya."

Hindi siya nagsalita dahil tumimo sa isip niya ang sinabi nito.

"Kapag ako ang pinakasalan mo... ngayon palang ako liligaya. Bricko, ngayon palang ako magiging masaya sa buhay ko."

Nausal niya ang pangalan nito bago tumingala. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Naramdaman niyang lalong humigpit ang pagkakayakap nito.

"Bricko, please. Huwag mo naman sanang ipagkait sa akin ang kaligayahang iyon."

Ah! Sobra siyang naaapektuhan ni Salve. Ayaw niya pero hindi siya makawala. Nahuhulog siya ngayon sa pagkalito sa pagdedesisyon.

KANINA pa kinasasabikan ni Julan ang lunch break. Si Jercelle kasi ang nag-aya sa kanya na sabay silang kakain para makapag-usap. Nang sinundo kasi niya ito sa bahay at isinabay sa pagpasok sa trabaho ay hindi sila nakapag-usap sa kotse niya.

Gaya ng kanilang usapan ay nauna na siya sa canteen at umorder ng pagkain. Nakaupo na siya sa dulong mesa na para sa dalawang tao lang nang dumating ito.

"Okay na ba sa 'yo itong food? Baka may gusto ka pang idagdag."

Ngumiti ito. "Okay na 'yan. Talagang alam na alam mo ang gusto ko. Thanks."

Paboritong orderin ni Jercelle ang sinigang na baboy kapag kumakain sila sa canteen. Kasama ang pritong tilapia at gelatin para sa pang-himagas with orange juice.

"Let's eat." 

Nagsisimula na silang kumain ng buksan ni Jercelle ang seryosong usapan. At iyon ay ang tungkol kay Bricko.

Natuwa siya ng malamang nakipaghiwalay na ito sa lalaki. Pero may lungkot din siyang naramdaman dahil nasasaktan ito. Katunayan kasi iyon na minahal talaga nito si Bricko.

"Pero kailangan ko itong tanggapin at harapin, Julan. Makaka-move-on din ako."

"Oo naman, Jercelle. Narito lang ako. Handa akong alalayan ka. Kayo ng anak mo."

"Thank you so much, Julan. At sana'y huwag kang magsawa sa pagmamalasakit sa amin ni Rexcelle."

"Hinding-hindi, Jercelle. Walang nagbago at lalong walang magbabago."

Muli itong nagpasalamat sa kanya. At dahil nakita niyang malungkot pa rin ito ay nagbukas siya ng masayang usapan. Natapos ang pagkain nila na maayos at pareho silang nabusog.

Inihatid niya sa third floor si Jercelle. Pero bago ito pumasok sa accounting department ay may sinabi sa kanya.

"Babalik si Bricko. Sigurado akong pupunta pa siya sa bahay. Julan, ayoko na talaga siyang harapin at kausapin. P-paano kung magpumilit siya?"

"Nag-aalala ako sa inyo, Jercelle. Okay lang ba sa 'yo kung doon na muna ako mag-stay sa inyo?"

"Ha? P-paanong..? Anong ibig mong sabihin?"

"Sa bahay mo na muna ako titira, Jercelle. Kahit sa terrace mo lang ako matutulog. Walang problema sa akin. Ang mahalaga ay naroon ako at mapu-protektahan ko kayong mag-ina, ano mang oras dumating si Bricko."

Namula ang mukha ni Jercelle. Alam niyang nahihiya ito. At nauunawaan niya kung bakit hindi agad makasagot.

"Jercelle, umasa kang hindi ako aabuso. Hindi ko gagamitin ang pagkakataon para mag-take advantage sa 'yo habang nasa bahay mo. Promise, I'll be polite. Lalo kong patutunayan sa 'yo na gentleman ako."

Tumawa ito ng mahina. "Wala naman akong iniisip na masama, Julan. Ang totoo'y nahihiya ako sa 'yo. Maaabala ka kasi. Magkakaroon ka pa ng obligasyon."

"Naku, wala 'yon, Jercelle. It's my pleasure to help and protect you. At gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sa ikabubuti ninyo ni Rexcelle."

"Salamat. Ngayon palang ay nagpapasalamat na ako."

"Okay lang ba na dumaan na muna tayo sa bahay after work para kumuha ako ng aking gamit? Doon na ako mag-i-stay sa bahay mo mamaya."

Napalunok si Jercelle. "N-nakakahiya sa parents mo, Julan. Parang hindi ko kayang humarap sa kanila habang nagpapaalam ka."

"Don't. Jercelle, don't be shy. It's okay. Walang problema. Mababait ang parents ko at mauunawaan nila ang sitwasyon."

"Okay." Pabuntung-hiningang sabi ni Jercelle. "Ikaw ang bahala, Julan. Salamat uli."

Ang saya-saya niya ng maghiwalay sila ni Jercelle at bumaba siya sa kanyang opisina. At kung paano siya nanabik kanina na dumating ang lunch break, doble pa ngayon ang nararamdaman niya sa pagdating ng uwian.

"Sana, five o'clock na!" Bulong niya sa sarili. "Sana ay uwian na. Para makauwi na kami ni Jercelle sa bahay niya."

Natawa siya sa sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status