LOGIN"MATINDI ka talaga, Salve." Pinilit ni Jercelle na magpakatatag. Ayaw niyang makita ni Salve na labis siyang nabigla at totoong apektado. "Talaga bang lahat ay gagawin mo, makamit mo lang ang gusto mo?"
"Ayaw mong maniwala na si Bricko ang tunay na ama ng anak ko? Tawagan mo siya. Tanungin mo. At paaminin mo ng totoo kapag tumanggi."
"Umalis ka na!"
Umiling-iling ito. Pagak na tumawa.
"Alam mo, Jercelle, galit na galit ako. Alam mo kung bakit? Dahil hihiwalayan na daw ako ni Bricko dahil sa 'yo. Mahal ka daw niya at seryoso siya sa 'yo."
Hindi na niya napigilang pumatak ang mga luha. Hindi pa man niya tiyak kung totoo ang mga sinasabi nito ay labis na siyang nasasaktan.
"Tama na, Salve. Umalis ka na. Please lang!"
"Sana kinilala mo munang mabuti si Bricko, Jercelle. Hindi mo sana siya pinagkatiwalaan agad."
"Umalis ka na!" Sigaw niyang hinampas ang gate. "Ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin mo. Alis!"
"Kausapin mo si Bricko, Jercelle. Alamin mo ang buong katotohanan sa kanya."
Nagtiim ang mga bagang niya habang nanlilisik ang mga luhaang mata na nakatitig dito. Inirapan naman siya nito at tinalikuran. Mabilis ang mga hakbang na iniwan siya.
"Ang sama mo, Salve." Bulong niya. "Ang sama-sama mo!"
Bumalik siya sa loob ng bahay na umiiyak. Agad namang kumuha ng isang basong tubig si yaya Sally at ibinigay sa kanya. Uminom siya. Kahit paano ay nakatulong iyon para siya ay mahimasmasan.
Umupo ito sa tabi niya sa sofa at hinagod ang kanyang likod. Pinunasan niya ang basang pisngi at pinigil na ang sarili sa pagluha.
"I'm okay, yaya. Salamat."
"Wala po ba kayong sasabihin o iuutos pa, ate?"
Umiling siya. "Hayaan mo na muna akong mag-isa rito, yaya. Don't worry, okay lang ako."
Nang tumayo ito at iniwan siya ay nahulog siya sa pag-iisip. Nalito naman siya at parang kumirot ang utak. Hindi kasi siya makapag-desisyon kung tatawagan si Bricko para alamin ang buong katotohanan.
Mas masasaktan siya!
Mas mahihirapan ang kalooban niya!
Kung sakali itong umamin o magsinungaling, pareho lang iyong magdudulot sa kanya ng sama ng loob.
Saan siya lulugar?
Ano nga ba ang tama niyang gawin?
Sinapo niya ang sariling bibig. Pinigil niya ang sarili sa pag-iyak. Ayaw na niya. Tama na. Lalo lang sumasama ang kanyang pakiramdam.
Minabuti niyang pumasok na muna sa sariling kuwarto. Kung magagawa niyang matulog ay mas makabubuti. Kahit saglit ay mapapayapa ang isip at loob niya.
KANINA pa aburido si Julan. Hindi maalis sa isip niya si Jercelle. Bagama't alam niyang okay na ang kalagayan nito ay nag-aalala pa rin siya.
Gusto niya itong puntahan pero naiisip din niyang baka gusto muna nitong mapag-isa.
Mula sa pagkakahiga sa kanyang kama ay bumangon siya. Nagpakawala ng malalim na buntunghininga.
"Mahal mo si Jercelle, Julan." Narinig niyang sabi ng isang bahagi ng utak niya. "Kaya nag-alala ka ng ganito?"
Ah! Mahina niyang tinapik-tapik ng palad ang sariling ulo. Lalo siyang nahihirapan. Kaya nagpasya na lang siyang umalis para puntahan sa bahay si Jercelle.
Mabilis siyang nagbihis. Nagdudumali siyang lumabas ng kuwarto. Pagbaba niya sa salas ay agad siyang nagpaalam sa mga magulang, na nanonood ng television.
"Iyong biyuda niyang kaibigan ang nililigawan ng anak mo." Sabi ng kanyang ina sa daddy niya. "Hayan! Nagpapakaloko. Parang wala ng ibang babae sa mundo."
"Ano naman kung biyuda, mahal? Ang mahalaga ay matinong tao at responsable. Hayaan mo si Julan kung anong gusto niya. Nasa edad na siya at alam na niya ang dapat gawin sa buhay niya."
Tuwang-tuwa siya sa narinig mula sa ama. Hindi niya iyon inaasahan kaya halos mapalukso siya. Nagpasalamat siya rito.
"Naging mabuti kang anak, Julan." Sabi pa nito sa kanya. "Mula pagkabata ay hindi ka nagbigay sa akin ng problema. Kaya noon pa man ay umasa na ako na magkakaroon ka ng magandang kinabukasan."
"Maganda ba 'yong magkakaroon siya ng asawang biyuda at may anak na?"
"Mahal," Inakbayan ng daddy niya ang kanyang ina. "Dios ang nagkakaloob ng magandang kinabukasan sa mabubuting tao. Kaya naniniwala ako na maganda ang magiging kapalaran ni Julan sa babaing iyon. Siya ang kaloob ng Dios sa kanya. Maniwala ka, asawa ko."
Marami pa itong magagandang bagay na sinabi, na marahil ay nagpalinaw sa isip ng ina niya. Kaya masayang-masaya siyang umalis ng bahay at buo ang pasyang sabihin kay Jercelle ang invitation nito for a dinner.
"Sana pumayag si Jercelle. Sana makapag-dinner siya sa bahay."
Tuwang-tuwa talaga siya sa kanyang ama. Ang buong akala niya ay katulad din ng ina niya na tututol ito sa panliligaw niya kay Jercelle. Wala pala siyang magiging problema dito. In fact, ito pa ang nakapaghimok sa mommy niya na tanggapin ang minamahal niyang babae.
"Huwag sana akong mabigo." Sabi niya sa sarili. "Magawa ko sanang bawiin si Jercelle sa Mokong na 'yon."
Biglang napawi ang saya sa puso niya. Nagliwanag sa isip niya ang isa pang problema sa kanyang pag-ibig.
LIHIM na ipinagpasalamat ni Jercelle ang pagdating ni Julan ng gabing iyon. Siya na mismo ang nagbukas ng gate at ng makapasok ito ay hindi niya napigilang umiyak. Ngayon kasing hirap ang kalooban niya ay maibabahagi dito ang pinuproblema.
"Why, Jercelle?" Agad naman itong nag-alala sa kanya. "What's the reason of that tears?"
Inaya niya itong maupo sa terrace. Saglit muna siyang nanahimik habang luhaan bago nagsalita muli.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon, Julan. Litung-lito ako..."
Hinagod ni Julan ang likod niya. "Matagal mo akong naging kaibigan, Jercelle. Alam mong handa akong tulungan ka, ano man ang problema mo."
Tumangu-tango siya. Totoo ang sinabi nito. Hindi niya matatawaran ang pagmamalasakit nito sa kanilang mag-ina. Ang totoo'y minahal naman niya ito at pinahalagahan, noon pa. Wala pa si Bricko sa buhay niya ay espesyal na ang pagtingin niya rito. Inililihim nga lang niya iyon dahil magkaibigan sila. Nahihiya siyang malaman nito ang totoo niyang damdamin dahil naniwala siyang mahal lang siya nito bilang kaibigan. Kaya nga nang manligaw sa kanya si Bricko ay ito ang sinagot niya -- na isa palang pagkakamali.
"Si Bricko." Sinikap niyang makapagsalita ng maayos. "Julan, hindi ko pa alam kung totoo nga pero may nagsabi sa akin na niloko niya ako!"
Nanlaki ang mga mata ni Julan. "S-sinong nagsabi sa 'yo?"
"Si Salve. 'Yong babaing kumuha dati kay Rexcelle."
"Umamin na siya sa 'yo?"
"Marami siyang sinabi. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko o hindi. Kaya nga hirap na hirap ang kalooban ko. Ang sakit na ng ulo ko sa kakaisip."
"Jercelle, may alam ako tungkol sa kanila. Hindi ko agad nasabi sa 'yo ang tungkol dito dahil baka masamain mo. Baka maisip mo na naninira lang ako."
"A-anong alam mo?"
"Nakita ko isang gabi na magkasama sina Bricko at ang babaing iyon. Halata sa kilos nila na close sila. Na parang hindi lang sila magkakilala."
Napaluha na naman siya. "Bakit hindi mo agad ipinaalam sa akin, Julan?"
"Boyfriend mo si Bricko, Jercelle. At ako'y manliligaw mo. Kung sasabihin ko sa 'yo ang nakita ko ay tiyak na hindi ka maniniwala. Mas iisipin mong paraan ko iyon para sirain si Bricko. Ang totoo'y naghihintay pa ako ng pagkakataon. At ng mas matibay na katibayan."
"Kilala nga pala ni Salve si Bricko."
"Sinabi ba ng babaing 'yon kung kailan pa sila magkakilala? O noon lang nawala si Rexcelle sila nagkita at nagkakilala?"
Umiling siya. Iniiwas ang tingin kay Julan.
"M-may sasabihin ako sa 'yo, Julan. May ipagtatapat ako sa 'yo."
Ikinulong nito ang isa niyang kamay sa magkabilang palad. Nang mapatingin siya rito ay nagtama ang kanilang mga mata.
"Trust me." Sabi ni Julan. "Promise, hindi ka nagkamali sa pagtitiwala mo sa akin."
Hindi na siya nagdalawang-isip na ipagtapat dito ang pagiging ampon ni Rexcelle. Pero mas nagulat ito ng malamang si Salve at si Bricko ang tunay nitong mga magulang.
"What a coincidence?" Nasambit ni Julan. "Noon pa pala magkakilala ang dalawa. Pero inilihim sa 'yo ni Bricko ang katotohanan."
"Parang ayokong maniwala kay Salve, Julan. Pero nagdadalawang-isip akong kausapin si Bricko para alamin kung totoo ang lahat. Natatakot akong malaman ang buong katotohanan mula kay Bricko..."
Humigpit ang pagkakahawak ng dalawang kamay nito sa isa niyang kamay. Tuwid pa rin itong nakatitig sa mga mata niya.
"Harapin mo ang katotohanan, Jercelle. Huwag kang matakot. Oo, masakit. Pero kailangan mo itong tanggapin. Hindi ka puwedeng mabuhay sa kasinungalingan."
Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Sanhi niyon ay tumungo siya.
"Nagkamali ako, Julan. Nagkamali ang puso ko. Minahal ko ang sinungaling na lalaki..."
"Hindi pa huli ang lahat, Jercelle. Itama mo ang mali."
"P-paano..?"
Bigla siyang niyakap ni Julan. "Narito lang ako sa tabi mo, Jercelle. Hindi kita iiwan. Pangako 'yan."
Ginantihan niya ang yakap nito. Mas mahigpit. Nais niyang maramdaman nito na kailangan talaga niya ng tulong mula rito.
Hindi niya kayang harapin na mag-isa ang problema!
"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P
"PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-
LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho
"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K