Share

CHAPTER FIFTEEN

Author: Franz Valley
last update publish date: 2020-08-10 10:35:27

"IYAN ba ang sinasabi mong hindi mo niloloko si Jercelle, Mokong?" 

Tinanong ni Julan ng ganoon si Bricko dahil kitang-kita niya sa reaction nito ang pagkabigla -- pagkabigla ng isang taong nabisto!

"Alam mo ang nasa isip ko ngayon? May alam ka sa ginawa ng babaing iyon kay Rexcelle. Magkasabwat kayo."

Dinuro siya ni Bricko. "Wala akong alam sa sinasabi mo, Julan!"

"Itinatanggi mong kilala mo ang babaing 'yon? Mokong, huwag! Nang makita ko kayong magkasama ay halatang close kayo. Hindi ako malisyosong tao pero parang may kakaiba kayong relasyon."

"Shit, Julan!" Pinitsarahan siya nito. Galit na galit ito at napakahigpit ng pagkakahawak sa kuwelyo ng polo niya. "Huwag na huwag mong babanggitin 'yan kay Jercelle. Gago ka!"

"Bitiwan mo ako!" Sinuntok niya ito sa tiyan kaya nabitiwan siya. "Ang kapal ng mukha mo, Mokong!"

Nakangiwi si Bricko habang sapo ang sariling tiyan. Ininda nito ang malakas niyang suntok. Umurong din ito para iwasan siya.

"Huwag mo akong punuin, Bricko. Iwan mo na si Jercelle bago ko pa ihayag sa kanya ang tungkol sa inyo ng babaing 'yon."

Tinalikuran na niya ito at mabilis na lumabas sa gate. Puno ng galit na sumakay siya sa kotse niya at pinaharurot iyon paalis.

Nagmamaneho siya pero nag-iisip kung ano ba ang gagawin. Nagdadalawang-isip kasi siya na ipaalam na kay Jercelle ang tungkol sa natuklasan niya kay Bricko at sa babaing iyon.

"Binalaan mo na naman si Bricko, Julan." Sabi ng isang bahagi ng utak niya. "Baka matakot na siya at kusang hiwalayan si Jercelle. Kapag hindi niya iyon ginawa ay saka ka gumawa ng hakbang laban sa kanya."

Tumangu-tango siya. Naisip niya na iyon ang magandang gawin.

"BEST!" Tuwang-tuwa si Salve ng dumating si Bricko sa bahay niya. Mahigpit niya itong niyakap at hinalikan pa sa pisngi. "Salamat sa pagdalaw mo."

"May problema, Salve."

Nang binitiwan niya ito sa pagkakayakap ay agad na umupong pabagsak sa sofa. Pumikit at isinandig ang ulo sa sandalan. Umupo siya sa tabi nito na agad naapektuhan. Damang-dama niya ang dinadala nitong problema.

"Ano bang problema? Baka may maitutulong ako."

"Si Julan. Iyong bestfriend ni Jercelle!"

"Jercelle!" Inis niyang sabi. "At ano naman ang Julan na 'yon?"

Hindi ito umimik. Nang tingnan niya ay mariin itong pumikit habang nakasandig pa din ang ulo sa sandalan ng sofa.

"Kung nagseselos ka sa kanila... bullshit! Mas gusto ko nga na sila ang magkatuluyan para free na tayong dalawa."

"Girlfriend ko si Jercelle." Umayos ng upo si Bricko at humarap sa kanya. "Mahal ko s'ya."

Sinampal niya ito. "Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin 'yan!"

"Dahil iyon ang totoo. I'm sorry, Salve." Niyakap siya nito. "Mahal din kita pero bilang..."

"Bilang ano, Bricko?" Hinayaan lang niyang nakayakap ito sa kanya. Awang-awa siya sa sarili. Pero pinipigilan niyang umiyak at sinadya niyang huwag gumanti ng yakap dito.

Ano nga ba siya sa buhay ni Bricko?

"Napaka-gaga ko..." Bulong niya. "Ang tanga-tanga ko..."

"Hindi ko naman gusto gamitin ka, Salve. Tinutukso mo ako kaya may namamagitan sa ating dalawa. Hindi ako makaiwas..."

Kinalas niya ang pagkakayakap nito. Hindi na niya napigilang umiyak. Pinaghahampas niya ito. Wala na siyang pakialam kung saan ito tamaan at kung gaano man ito masaktan.

"Manhid ka, Bricko. Napaka-manhid mo."

"Salve, tama na." Lumayo ito sa kanya. "Huminahon ka."

"Naanakan mo na ako. May anak na tayo. At ngayon ay muli tayong nagsisiping. Paulit-ulit. Pero ni hindi mo pa rin ako minahal. Nasaan ang puso mo?"

"Noon ay may namagitan sa atin kahit magkaibigan lang tayo. Nagsisiping tayo kahit wala tayong serious relationship. Umalis ako noon at wala akong kaalam-alam na nagbunga pala iyon. Salve, ngayon ay nagsisiping na naman tayo kahit nagturingan uli tayo bilang magkaibigan. Dapat mo ba akong sisihin? Karapatan mo bang maghabol para panagutan ko ang namamagitan sa ating dalawa?"

"Ang sama mo! Ang sama-sama mo, Bricko!"

"I'm sorry. Ang mabuti pa'y tapusin na natin ito, Salve. Hindi na ako pupunta pa rito. Tinatapos ko na ang ano mang ugnayan nating dalawa. Goodbye!"

Sumigaw siya ng malakas ng iwan siya ni Bricko. Buong puwersa niyang isinara ang dahon ng pinto. Humagulhol niyang isinandal ang likod doon.

"Hindi ako papayag." Nanggigigil niyang sabi. Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamay. "Sisirain kita kay Jercelle, Bricko. Kasusuklaman ka niya sa gagawin ko. Iiwan ka niya at sa akin ka din babagsak."

NANGINGINIG si yaya Sally nang bumalik sa salas mula sa paglabas sa main door para alamin kung sino ang nag-doorbell sa labas. Lumapit ito kay Jercelle, na nakahiga sa sofa.

"Ate..." Garalgal ang tinig nito. "Ate..."

Napabangon siya at nagtatakang umupo. Tiningala niya ito. "Bakit? Sino bang nag-doorbell, yaya?"

"Ate, 'yong babae. Iyon hong babae na kumuha kay Rexcelle, nasa labas. Siya ang dumating at nag-doorbell."

"Si Salve!" Napatayo siya. Dali-dali siyang lumapit sa bintana at sumilip. Kumulo ang dugo niya ng makita nga sa labas ng gate ang babae. "Ang kapal talaga ng mukha!"

Tumunog uli ang doorbell.

"Ate, anong gagawin natin?" Takot na takot si yaya Sally. "Tatawag na po ba ako ng pulis? O magri-report po ako sa barangay?"

"Dito ka lang, yaya. Haharapin ko ang babaing 'yan."

"K-kaya mo, ate?"

Tumango siya. "Alang-alang sa anak ko!"

Lakas-loob siyang lumabas ng bahay at hinarap si Salve.

"Anong kailangan mo? Salve, huwag mong guluhin ang buhay ng anak ko."

"Ako ang tunay na ina ni Rexcelle!"

"Ina? Anong alam mo sa pagiging ina? Salve, iniluwal mo lang sa mundo si Rexcelle. Hindi mo siya puwedeng tawaging anak dahil hindi ka naging ina sa kanya."

"Ipina-ampon ko lang siya sa 'yo, Jercelle. Kahit ikaw ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya ay hindi mo pa rin siya anak."

"Ang kapal talaga ng mukha mo! Hindi mo lang siya ipina-ampon sa amin ni Rexter. Halos ibinenta mo siya sa amin. Hindi ba't humingi ka pa ng pera sa amin na ikaw mismo ang nag-presyo? Ganyan ba ang ina? Matatawag mo ba ang sarili mo na isang ina?"

Hindi ito nagsalita pero nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya.

"Umalis ka na, Salve. And please... 'wag ka ng babalik pa rito. Ipapupulis na kita."

"Hindi!" Matigas nitong sabi. "Hindi ako papayag na patuloy kang maging masaya sa buhay mo!"

Pagak siyang tumawa sa sinabi nito. Sa tono nito ay halatang naiinggit sa kanya. Ngayon ay alam na niya kung bakit bigla itong sumulpot ngayon pagkalipas ng halos limang taong pananahimik.

"Manahimik ka, Salve. Maayos ang buhay ni Rexcelle kaya huwag mong sirain!"

"Mula nang iwan ko sa inyo ni Rexter ang anak ko ay nagdusa na ako, Jercelle. Hindi naging masaya ang buhay ko. Samantalang ikaw? Namatay ang asawa mo pero naging masaya ka pa rin dahil may kinilala kang anak na naghango sa 'yo sa kalungkutan. Tama na. Ako naman ang bigyan mo ng kaligayahan."

"Huwag ako ang sisihin mo kung hindi ka naging masaya sa buhay mo. At huwag mo ding asahan na ako ang makapagbibigay sa 'yo ng kaligayahan. And even Rexcelle... she won't give you the happiness you want. So, please... manahimik ka na. Huwag mo kaming guluhin!"

Umiling-iling si Salve. Nakaka-insulto ang ngiting nakaguhit sa labi nito. Bagay na lalong nakapagpainis sa kanya. Kaya bago pa tuluyang masira ang araw niya ay tinalikuran na ito. Pero bago pa niya maihakbang ang mga paa para iwan ito ay nagsalitang muli.

"Alam mo ba kung sino ang tunay na ama ni Rexcelle?"

Kunot-noo niya itong nilingon.

"Huwag kang mabibigla sa katotohanan, Jercelle!"

Napapalunok na ipinihit niya ang katawan paharap dito. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan.

"Si Bricko! Ang boyfriend mo ang tunay na ama ni Rexcelle!"

Nanginig siya sa narinig na iyon. Muntik na siyang bumagsak kung hindi siya nakahawak sa pader.

Kilala ni Salve si Bricko? How come? My God! Totoo ba ang sinabi nito na ang boyfriend niya ang tunay na ama ni Rexcelle?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status