Home / All / SOMETIMES HEART GOES WRONG / CHAPTER TWENTY TWO

Share

CHAPTER TWENTY TWO

Author: Franz Valley
last update publish date: 2020-09-04 20:07:38

"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam.

"Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."

Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha."

"Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin."

"Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito."

"At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."

Niyakap niya ito.

"Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo."

"Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. Para magkaroon na ng katamikan at kaligayahan ang buhay ko kasama ka."

"Salamat, Salve." Kinalas niya ang pagkakayakap nito. Hinalikan niya ito ng smack sa labi. "Aalis na ako. Mag-ingat ka, ha."

"Oo naman. Ikaw, mag-ingat ka din sa pagmamaneho."

Tinanguan niya ito. Ngumiti. Saka muli siyang nagpaalam at tinalikuran na ito.

"Minahal kita, Jercelle." Sabi niya sa sarili habang nagmamaneho ng taxi. "Totoo ang feelings ko sa 'yo. At iyon ang rason kaya tinanggap ko na si Salve. Para matahimik ka na at si Rexcelle..."

Iyon ang totoo niyang layunin. Isa pa, gusto na rin niyang matahimik. Pinag-isipan talaga niya ng todo ang magiging desisyon. Kung ipagpipilitan kasi niya ang relasyon nila ni Jercelle ay hindi sila patatahimikin ni Salve. Masisira pa ang magandang kinabukasan ni Rexcelle.

"Ginusto na rin ito ng langit." Sabi pa niyang ngumiti. "Itinulot ng Dios na mabuntis si Salve para lubos ko talaga siyang matanggap..."

Totoong natuwa siya ng malamang buntis na si Salve. Bukal sa puso niya ang planong pakasalan ito para legal na silang mag-asawa kapag isinilang ang bata. At sisikapin niyang maging maayos ang buhay nila bilang isang masayang pamilya.

HALATA ni Jercelle na aburido si Julan habang nakaupo sa salas. Nang lumabas siya mula sa kuwarto ng anak ay nilapitan ito.

"I'm sorry kung naiwan kita rito, Julan." Umupo siya sa one seater sofa, na nasa kanang gilid ng kinauupuan nito. "There's nothing to worry about."

"Are you okay, Jercelle?" Tuwid itong tumingin sa mga mata niya. "Umiyak ka..."

Pinilit niyang ngumiti at tumango. "Wala ito."

"Jercelle, ipalagay mo sana sa akin ang loob mo. You can share with me even a small problem of yours. Please, tell me everything that's bothering you. I'm here to help and support you. Promise."

"Thank you so much for the concern, Julan. Pasens'ya ka na sa mga isipin tungkol sa akin at sa anak ko. Ang totoo'y nahihiya ako sa 'yo but I really need someone to talk to... someone to be with... a-at ikaw ang taong malapit at kasama ko ngayon."

Maluwang ang ngiting gumuhit sa labi ni Julan. "Kasiyahan ko ang tulungan ka, Jercelle. Ako ang kusang-loob na lumapit sa 'yo to offer my help. Kaya wala kang dapat alalahanin sa akin. Handa akong makinig at tumulong sa 'yo."

Minsan pa siyang nagpasalamat sa binata. At hindi na siya nagdalawang-isip na ibahagi rito ang awang nararamdaman para sa anak.

"Hindi ko sinasamantala ang pagkakataon, Jercelle. Pero totoong mahal kita. Narito ako ngayon sa tabi mo to protect you sa mga taong gumugulo sa buhay ninyong mag-ina. Kaya sana'y maunawaan mo ang layunin ko..."

Napaigtad siya ng hawakan nito ang kanang kamay niya. "J-Julan..?"

"Matatanggap ko na tunay na anak si Rexcelle. Mahal ko na siya bilang bahagi ng buhay mo, Jercelle. Kaya kung sakaling tanggapin mo ako and in the future ay maging family tayo ay walang magiging problema. I assure you, magiging masayang pamilya tayo."

Hindi niya napigilang umiyak. Sobrang nakadama talaga siya ng kaligayahan sa narinig na iyon. Ngayon ay nagliwanag sa isip niya na nagkamali nga pala ang puso niya sa pag-uukol ng pagmamahal kay Bricko. Ito lang pala sa tabi niya si Julan, sa matagal ng panahon, pero hindi niya ganap na inukulan ng pag-ibig.

"Kasalanan mo kasi..." Bigla niyang nasabi na binawi mula sa pagkakahawak nito ang kamay. Pinalis niya ang mga luha.

"Ha? A-anong kasalanan ko, Jercelle?"

Namula ang mukha niya. Nagliwanag sa isip niya ang salitang nabanggjt. Pero kailangan na niya iyong linawin kaya inihayag ang saloobin.

"Bakit kasi kung kailang dumating lang sa buhay ko si Bricko ay saka mo ipinaramdam ang totoo mong damdamin? Kung kailang minahal ko na siya ay saka mo sinabi sa akin na mahal mo ako higit sa pagiging kaibigan!"

"Pasens'ya ka na, Jercelle. May takot kasi sa dibdib ko noon. I was really worrying na kapag nagtapat ako ng true feelings ko sa 'yo ay magalit ka at iwasan na ako. Ayokong mangyari 'yon. Kaya patuloy akong naglihim..."

"Hindi na sana nagkamali ang puso ko, Julan."

"I'm sorry, Jercelle. Pero narito naman ako ngayon. Hindi ako nagmamadali pero handa akong maghintay. At mananatili ako sa tabi mo para pasayahin ka at ganap na malimutan ang pagkakamali ng puso mo."

"Salamat talaga, Julan. Damang-dama ko ang pagmamahal mo... ang totoo mong pagmamahal."

"I really love you, Jercelle. Sobra. Kaya nga nataranta ang puso ko noong dumating sa buhay mo si Bricko." Napatawa si Julan. "Para akong mababaliw. I really acted like a kulang-sa-pansin person. Naaalala mo ba ang mga ginawa ko noon? Natatawa ako kapag naaalala ko 'yon."

Nginitian niya ito. "Napaka-suwerte ko sa pagkakaroon ng kaibigang tulad mo, Julan. Dahil kahit nagkamali ako at nasaktan kita ay hindi mo ako iniwan. Thank you so much for staying in my life. Pinalalakas mo ako."

"Narito lang ako lagi para sa 'yo. Para sa inyo ni Rexcelle."

Niyakap niya si Julan biglang pagpapasalamat. Alam niyang makapagbibigay dito ng kasiyahan ang bagay na iyon.

"JULAN, please," Mababa ang tonong sabi ni Bricko ng hindi siya pagbuksan ng gate ni Julan. Sa bahay ni Jercelle siya dumiretso pagkagaling niya sa bahay ni Salve. Gusto kasi niyang makausap ang ex-girlfriend para maging maayos na ang kanilang paghihiwalay. "Ito na ang huli kong pagpunta rito kaya gusto kong makausap si Jercelle. Para ito sa ikaaayos ng lahat."

"Mokong, sobra mong sinaktan si Jercelle kaya ayaw ka na niyang makita at makausap. Narito ako ngayon sa bahay niya para protektahan silang mag-ina."

"Julan, wala akong masamang plano sa kanila ni Rexcelle. Maniwala ka. Gusto ko lang magpaalam kay Jercelle. Please, papasukin mo ako..."

Hindi ito umimik. Tila nag-isip.

"Julan, kung gusto mo ay makinig ka sa mga sasabihin ko kay Jercelle. Huwag mo kaming iwanan habang nag-uusap. Gusto ko lang talagang magpaalam. Gusto kong maging maayos at opisyal ang aming paghihiwalay."

"Okay, Bricko, pagbibigyan kita. Babalik ako. Sasabihin ko muna kay Jercelle ang sinabi mo at kapag pumayag siya ay saka kita papapasukin."

"Sige, Julan. Maraming salamat."

Iniwan siya ni Julan pero hindi siya naghintay ng matagal. Nang bumalik ito ay agad siyang pinagbuksan ng gate at pinapasok. Sinamahan siya nito hanggang sa makapasok sa salas, kung saan naghihintay si Jercelle.

"Dito lang ako sa terrace." Sabi sa kanya ni Julan. "Just take your time, Mokong. And behave."

"Salamat, Julan."

Nang lumabas ito ay lumapit siya kay Jercelle. Gustung-gusto niya itong yakapin. Dahil totoo naman ang damdamin niya rito ay na-miss niya ng todo. Pero pinigilan niya ang sarili dahil putol na ang kanilang relasyon. At wala na siyang karapatan dito

 Putol na ang kanilang ugnayan sa isa't-isa. Narito siya ngayon para sa maayos na pamamaalam.

Nakangiti niyang kinumusta si Jercelle. Saka humingi ng paumanhin sa mga kasalanan niya. Napatungo siya nang luhaan itong tumango. Nasaktan siya. Nakadama ng awa dito. Masakit para sa kanya na makita itong umiiyak, lalo't siya ang dahilan.

"Sorry. Ayokong maglihim sa 'yo, Jercelle. Pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong magtapat."

"Bricko, nangyari ito dahil hindi tayo nakalaan para sa isa't-isa. Maaga palang ay nahayag na ang katotohanan para humadlang... para mangyari na ang mas tama."

Bumuntung-hininga siya. He nodded. "Nauunawaan ko, Jercelle. Masakit sa akin pero tatanggapin ko ang paghihiwalay natin dahil kasalanan ko naman. Kaya ako narito para magpaalam. Ito na ang huli kong pagpunta rito para matahimik ka..."

"Mas makabubuti 'yon, Bricko. Salamat."

"Jercelle, hinding-hindi ka na rin pupuntahan pa ni Salve. Hindi na niya kayo gugulihin pang mag-ina."

Nagtatanong ang luhaang mga mata ni Jercelle nang tumingin sa kanya. Kaya ipinaliwanag niya ang lahat. Sinikap niyang masabi rito ang napagkasunduan nila ni Salve.

"Hangad ko ang kaligayahan ninyo ni Salve. Advance happy wedding to both of you. And congrats sa new baby ninyo. God will provide a lot of good things and blessings for your new family. Magiging masaya ang pamilyang bubuuin ninyo ni Salve."

"Salamat, Jercelle. At sana'y magimg masaya ka na rin ang buhay ninyo... ng anak mo."

Pinalis nito ang mga luha at nakangiting tumango.

"Masalimuot talaga ang buhay ng tao, ano, Jercelle? Ang laki-laki ng mundo pero nagkakataon na nagku-krus pa rin ang landas ng mga nilalang na may ugnayan sa isa't-isa. May kanya-kanya tayong kuwento ng buhay pero puwede palang magkadugtung-dugtong."

"Hindi ko rin naisip na puwede mangyari ang ganito, Bricko. Magkakaugnay pala tayo sa isa't-isa para lang mabatid natin na ang buhay ng bawat tao ay puwedeng maging isang luwento lang."

"At kahit hindi tayo ang naging magkapalaran ay nagpapasalamat ako dahil nakilala kita."

She nodded with a smile in her lips. She stared straight to his eyes. "Life is a story. Thank you for being a part of my story, Bricko."

"Jercelle... p-puwede ba akong makayakap sa 'yo for the last time? Please. Goodbye hug lang."

Nang tumango ito ay agad siyang yumakap. Mahigpit. "Sorry. Pero totoong minahal kita. Pasens'ya ka na kung nasaktan ka. Bunga lang iyon ng katotohanang hindi tayo ang nakalaan sa isa't-isa."

"You've already forgiven, Bricko. Salamat na lang sa pagmamahal mo." Kinalas ni Jercelle ang pagkakayakap niya. "Goodbye."

"Goodbye, Jercelle. Thanks for everything."

Umalis siya sa bahay ni Jercelle na malungkot pero maluwag ang dibdib. At may baon siyang bagong pag-asa para sa bagong buhay na kanyang haharapin sa piling ng bagong babaing kanyang mamahalin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status