Share

CHAPTER TWENTY

Author: Franz Valley
last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-27 08:42:29

LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.

Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works.

"Are you sure na kaya mo pa?"

"Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay."

"Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin."

"Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto."

"Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."

Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan.

"Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?"

"I know how to cook. Tingin ko naman ay hindi ako mapapahiya sa 'yo sa bagay na 'yan."

"Talaga lang." Parang nawalang bigla ang sama ng pakiramdam niya. "Ano bang plano mong lutuin?"

"Ipatitikim ko sa 'yo ang specialty ko. I'm sure, you will like it. Malilimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo 'yon."

"Puwede ba na ang lutuin mo ay 'yong... i-iyong makakapagpalimot sa akin kay Bricko?"

Napatawa si Julan.

"Iyon ba talaga ang gusto mo, Jercelle? Ang malimutan na ang Mokong na 'yon?"

"To tell you frankly, nasaktan ako sa break-up namin. Nasasaktan ako dahil minahal ko siya."

"Hayaan mo, Jercelle. Malilimutan mo din ang Bricko na 'yon. Gagawin ko ang lahat para mapasaya ka. Para mawala na ang sakit na nararamdaman mo."

Nakaramdam siya ng tuwa dahil sa sinabi nito. Ang totoo'y umasa siya na mangyari agad iyon para manahimik na siya.

SINIGURO ni Julan na mailuto ng maayos at masarap ang ulam na pagsasaluhan nila for dinner. Bihira siyang magluto sa bahay nila at iyon ay tuwing may okasyon lang o espesyal na araw. Kaya ngayong nag-abala siya para kay Jercelle ay tiniyak niya na masisiyahan ito.

Nag-umapaw naman ang kasiyahan sa dibdib niya nang makitang tuwang-tuwa ito dahil siya na rin ang naghanda ng mesa at tinawag na lang ito at sina yaya Sally para pagsaluhan nila ang nakahaing pagkain.

"It's really a special dinner, Julan." Sabi pa ni Jercelle ng umupo sa harap ng dining table. "Bukod sa mukhang masarap ang niluto mo ay napaka-ganda pa ng preparation. I'm sure, mabubusog ako."

"Thanks. Ako din, marami akong makakain ngayon dahil sa tuwa. Bukod kasi sa kasalo kita ay sure ako na nasiyahan ka sa effort ko."

"Sobra. Ang totoo, Julan, wala sa isip ko na mangyayari ang ganito. Hindi lang pala ang pagtulog mo dito sa bahay ko ang mangyayari kundi may mas higit pa. Thank you so much for the food you cooked and also for the preparations."

"It's really my pleasure, Jercelle. I'm willing to it... always!"

"Kinikilig po ako."

Sabay sila ni Jercelle na napatingin kay yaya Sally nang sabihin iyon. Humagikhik ito at pumislig habang nakaupo sa tabi ni Rexcelle at kasalo nilang kumain.

"Marami din ho akong makakain dahil gaganahan ako dahil ang sweet ni kuya Julan."

Sabay-sabay silang napatawa.

"Yaya, umayos ka nga." Sabi ni Jercelle. "Feeling ko binobola mo si Julan para ipagluto uli tayo bukas. At ma-libre tayo sa trabaho."

Sabay-sabay uli silang napatawa.

"No problem. As what I have said, I'm willing to do it. Again and always. Basta narito pa ako at hindi pa ako pinauuwi ni Jercelle ay pagsisilbihan ko kayo."

"Kuya Julan, huwag ka na po umuwi. Dito ka na tumira."

Magsasalita sana si Jercelle para sawayin si yaya Sally pero naunahan itong sumiyaw at pumalakpak ni Rexcelle.

"Yehey! Dito na titira si tito Julan." Ang sabing tuwang-tuwa. "Hindi na siya uuwi!"

Maluwang ang ngiting tumingin siya kay Jercelle. Namula naman ang mukha nito. Tumungo. Saka pinagsabihan ang anak.

"Hindi pa puwedeng dumito ang tito Julan mo, Rexcelle."

"E, si tito Bricko po, mommy?"

Lalong namula ang mukha ni Jercelle dahil sa tanong na iyon ni Rexcelle. Nahihiya itong tumingin sa kanya na kumibut-kibot ang bibig. Naunawaan naman niyang may gusto itong sabihin na hindi maisatinig. Minabuti na lang niyang putulin ang usapang iyon.

"Let's eat, guys. Masarap ba ang iniluto kong ulam? Rexcelle, anong masasabi mo?"

"Masarap po, tito Julan. Bukas, ikaw po uli ang magluto, ha. Please po."

Napatawa siya. "Sige. Sige. Promise."

Ang pangako niyang iyon ay ginawa nga niya kinabukasan. Siya ang nagluto para sa kanilang breakfast.

"BAKIT... g-ginagawa mo 'to?" Bagama't alam na ni Jercelle ang kasagutan ay tinanong pa rin si Julan. Nang lumabas siya ng kuwarto ng umagang iyon ay nakita niyang nagluluto na ito sa kusina. "Nahihiya ako sa 'yo, Julan. Inaabala na talaga kita."

"Wala ito. Gusto ko ang ginagawa ko at masaya ako."

Tumango siya at pinilit ngumiti. "Thanks."

"At hindi ka nang-aabala, Jercelle. Maling isipin 'yan. Be happy. I-enjoy mo na may taong willing gumawa ng ganito para sa 'yo. At para sa anak mo."

"Napaka-suwerte ko sa pagkakaroon ng kaibigang tulad mo, Julan."

Ini-off ni Julan ang gas stove at humarap sa kanya. Seryoso ang mukha na tinitigan siya ng tuwid sa mga mata.

Kinabahan siya. Hindi niya kayang labanan ang titig nito kaya tumungo siya. Kasabay niyon ay nagsalita ito. At malinaw niya iyong narinig.

"Jercelle, I love you. I can do anything for you."

"Pero..." Nasapo niya ang sariling noo. "Julan, you know the situation. I mean, katatapos ko lang sa isang relasyon. K-kami ni Bricko... In fact, wala pang malinaw na kahahantungan ang relationship namin."

"Hindi ako nagmamadali, Jercelle. Kaya kong maghintay kung kailan ka muling tatanggap ng bagong pag-ibig. Ng bagong karelasyon."

Nakadama siya ng paghanga kay Julan. Dahil sa sinabi nitong iyon ay naiparamdam sa kanya ang kawagasan ng pagmamahal nito. Kaya nasabi niya sa sarili na may aasahan ito sa kanya. Hindi magtatagal at mamahalin din niya ito... sa tamang oras at panahon.

TAKOT man ay itinuloy pa rin ni Salve ang paglapit sa harap ng gate ng bahay nina Bricko ng umagang iyon. Dahil nakita niyang nagwawalis sa may garahe si aling Helen ay nilakasan niya ang loob. Inihanda niya ang sarili sa posibleng magaganap. Kung sakaling pakitaan siya nito ng hindi maganda ay kailangan niyang harapin. Wala namang bago roon dahil noon pa man ay galit na ito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ayaw nito sa kanya at hindi siya matatanggap.

"Pero hindi puwedeng hindi ako tanggapin ngayon ng ina ni Bricko." Bulong niya ng makatayo sa harap ng gate. Inihanda niya ang sarili sa paghaharap nila ni aling Helen. "Ikalawang baby na ng anak niya ang dinadala ko ngayon kaya dapat niya itong tanggapin..."

Napalunok siya nang makitang tumingin si aling Helen. Tila kinikilala siya habang hinahagod siya ng tingin. Kinabahan siya ng lumapit ito.

"S-Salve..?"

Natuwa siya ng makilala nito. Ngumiti siya at yumukod. "Magandang umaga po, tita."

"Ikaw nga. A-anong ginagawa mo rito?"

Tumingin siya sa nakahimpil na taxi sa garahe. Nasa loob pa ng bahay si Bricko, naisip niya. 

Nilingon ni aling Helen ang sasakyan saka nagsalita. "Nagbibihis pa ang anak ko. Kakain pa siya bago magbiyahe. May kailangan ka ba sa kanya?"

"Sana po. Gusto ko po sana siyang makausap."

Binuksan nito ang gate. Inaya siyang pumasok. Nakadama siya ng tuwa dahil doon. Ang inaasahan niya ay aawayin siya nito at hindi tatanggapin. Pero mali. Hindi iyon nangyari. Kaya nga labis man siyang nabigla sa maganda at maayos nitong pagtanggap ay tuwang-tuwa siya. Kaya matapos niyang pumasok sa gate ay napayakap siya dito.

"Tita, salamat po." Sabi niyang nabasag ang boses. Nangilid ang mga luha sa magkabila niyang mata sa labis na kaligayahan. "Salamat po at pinapasok ninyo ako."

"Salve..." Anas ni aling Helen na hinagod ang likod niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status