Masuk"PATAWARIN mo ako, Salve."
"Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya.
"Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon."
"Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications."
"Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping..."
"A-alam n'yo na po ang tungkol doon?"
"Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."
Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-krus pa ang aming landas ni Bricko dahil sa mga taong nagkaroon sa akin ng ugnayan."
"Nakita ko na ang apo ko. Isinama na siya rito ni Bricko kasama si Jercelle. Hindi pa niya alam noon ang totoo."
"A-alam na po ni Jercelle ang totoo."
"Oo, Salve. Nasabi na rin sa akin ng anak ko, na sinabi mo sa girlfriend niya ang buong katotohanan."
Napatungo siya. Nahiya siya rito. "H-hindi po kayo galit sa akin, tita Helen?"
Bumuntung-hininga ito. "May magagawa pa ba ang galit ko? Salve, ang totoo'y nakapag-isip na ako. At nasisi ang sarili ko..."
"A-ano pong..? Bakit po?"
"Kung inunawa ko sana kayo noon. Kung tinanggap sana kita. Hindi na sana nauwi sa komplikado ang lahat. Mas may tama sanang kinahantungan ang nakaraan."
"Tita, I'm sorry. Patawarin n'yo po ako sa mali kong nagawa noon."
Tumango si aling Helen at ngumiti. Hinawakan nito ang isa niyang kamay. "Kalimutan na natin 'yon. Ang mabuti nating gawin ay bumawi. Harapin natin ng tama ang ngayon."
"Tita, hindi ka po ba magagalit kung ipaglaban ko ang pagmamahal ko kay Bricko?"
"Iyan naman ang ginagawa mo, di ba? Salve, matanda na si Bricko at hahayaan ko na siyang magdesisyon para sa sarili niya. Wala na akong karapatan para makialam pa."
Parang gusto niyang magtatalon sa tuwa. Walang-wala sa isip niyang ganito ang maririnig sa ina ni Bricko.
HINDI napigilan ni Jercelle ang lumuha habang nakatingin siya sa tulog na si Rexcelle. Habang nakaupo siya sa gilid ng kama ay marahan niyang hinahaplos ang hita nito.
Mahal na mahal niya ito. Hindi man nila ito tunay na anak ni Rexter ay parang siya na rin ang nagluwal dito sa mundo. Isang linggo pagkapanganak palang dito ni Salve ay iniuwi na nila at magkatuwang na inalagaan nilang mag-asawa.
Nasa sinapupunan palang kasi ito ni Salve ay ipina-ampon na sa kanila. Pitong buwan palang ito sa sinapupunan ay may maayos na silang usapan at kasunduan. Legally. Kaya inangkin nila at itinuring na tunay na anak ang bata. At wala naman silang naging problema.
Napalaki nila ito ng maayos.
At nang mamatay nga si Rexter ay si Rexcelle ang nakasama niya. Ito ang nag-ayon sa kanya sa matinding kalungkutan at pangungulila. Kaya hindi siya papayag na mawalay ito sa kanya. Walang sino man ang puwedeng kumuha dito.
"Kahit ikaw pa ang tunay na ama ni Rexcelle, Bricko." Bulong niyang pinalis ang mga luha. "Wala kang karapatan sa kanya. Hinding-hindi mo maaangkin ang anak ko!"
Bigla niyang naalala ang naging pagkilos noon ng ina ni Bricko. Kaya pala tuwang-tuwa ito noong dumalo silang mag-ina sa birthday party nito ay dahil alam na ang katotohanan. Totoo pala nitong apo si Rexcelle kaya ganoon kung itrato. Giliw na giliw ito sa bata dahil noon lang nakita.
Nagtiim ang mga bagang niya. Nakadama siya ng galit kay Bricko. Wala siyang kaalam-alam na batid na pala nito na anak ang bata. Kaya pala may pagkakahawig dito si Rexcelle at madaling naging magiliw sa isa't-isa dahil sa bugso ng dugo.
Ngayon ay maliwanag na sa kanya kung bakit sineryoso siya ni Bricko. Siguro nga ay minahal siya nito pero gusto rin nitong makasama ang anak sa piling niya.
"Hindi mangyayari 'yon, Bricko." Pinigil niya ang sarili sa patuloy na pag-iyak. "Magugulo lang ang buhay namin ni Rexcelle kaya mas mabuting matapos na ang lahat sa pagitan nating dalawa."
HINDI masiguro ni Bricko ang tiyak na saloobin nang malabasan sa garahe na maayos na nag-uusap ang ina at si Salve. Pero napangiti siya ng sabay na tumingin sa kanya ang mga ito.
"Good morning!" Masigla niyang bati. "Mukhang napaka-seryoso ng usapan n'yo, a."
"Anak, si Salve. May dapat kayong pag-usapan."
"Inay, peace na kayo?" Nag-sign finger pa siya. "Hindi ka na galit sa bestfriend ko?"
"Ipinagpapasalamat ko ng marami ang maayos na pagtanggap sa akin ni tita Helen, Brick. Sobra talaga akong natutuwa."
"Napaka-ganda ng umaga natin. Inay, salamat." Nilapitan niya ang ina at hinalikan sa noo. "Hindi ko inaasahan 'to. Natutuwa po ako."
"Anak, matanda ka na. Dapat mo ng ayusin ang buhay mo."
"Teka... teka..." Napatawa siya. Medyo naalarma siya sa sinabing iyon ng ina. "Parang nagkaseryosohan nga kayo ng usapan, a. Ano 'to?"
"Brick, may ipinagtapat ako sa tita Helen. At iyon ang sadya ko kaya pumunta ako dito ngayon."
Napakamot siya sa ulo.
"Ang mabuti pa'y sa loob kayo mag-usap. Salve, pasok ka. Bricko, mag-usap kayo ng maayos."
Napatango siya.
Naunang pumasok sa main door ng bahay ang nanay niya. Naiwan sila ni Salve na nakatingin sa isa't-isa.
"Nakaka-abala ba ako?"
Umiling siya. "Hindi naman. Halika sa loob. Mag-usap tayo."
Pinauna niya itong pumasok.
"Kumain ka na ba?"
"Nag-kape na ako. Wala akong ganang kumain, Brick."
"Maupo ka." Nagpatiuna na siya sa pag-upo. "Welcome ka na dito sa bahay. Natutuwa ako at maayos na ang pakikiharap sa 'yo ni Inay."
"Hindi ko rin ito inaasahan kaya tuwang-tuwa ako. Naisip ko... wala na tayong problema."
Umupo sa tabi niya si Salve.
Tumawa siya ng mahina. "Anong ibig mong sabihin, Salve?"
"Tanggap na niya ako, Bricko. Alam na niya ang tungkol sa anak natin noon na ipina-ampon ko. Nalungkot siya at humingi ng tawad sa akin. Kung noon pa daw sana niya ako tinanggap ay naging maayos sana ang lahat."
"Kaya siguro naging maayos na ang pakikitungo niya sa 'yo, Salve. Nalungkot din kasi siya para kay Rexcelle noong ikinuwento ko ang tungkol sa kanya."
"Nabanggit mo pala sa nanay mo ang tungkol doon."
"Wala akong inilihim kay Inay. Alam din niya na girlfriend ko si Jercelle... na kinikilalang ina ng anak natin."
"Dapat mo ng kalimutan si Jercelle, Bricko. Hayaan na lang natin siya. Sila ni Rexcelle."
"Pero--"
"Buntis ako, Bricko."
"Ano?"
"Magkaka-baby na uli tayo." Mabilis nitong kinuha mula sa dalang wallet ang pregnancy test at ipinakita sa kanya. "Ito ang ebidensya, Bricko. Dapat mo itong panagutan."
Nang mahawakan niya ang pregnancy test at nakita ang katunayan na buntis nga si Salve ay napangiti siya. Totoong nakadama siya ng tuwa.
"Magiging tatay na uli ako!" Bulalas niya. "Wow!"
Niyakap niya si Salve.
"Salve, pakakasalan kita. Kailangang makilala na ng baby natin na ako ang daddy niya kahit nasa tiyan mo palang."
Napaiyak sa labis na tuwa si Salve. Mahigpit itong gumanti ng yakap sa kanya.
"Bricko, salamat. Maraming salamat sa 'yong pagtanggap."
"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P
"PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-
LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho
"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K