Share

CHAPTER NINETEEN

Aвтор: Franz Valley
last update publish date: 2020-08-27 08:40:56

"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."

Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti.

"Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala."

"Pero..."

"Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!"

"Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.

Napatawa siya. "Sira!"

"So, you don't love me?"

Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."

Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito.

"Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig."

"Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"

Hinawakan niya ang isang gilid ng mattress. "Let me do it for you, Julan. Nahihiya ako sa 'yo dahil inaabala kita kaya hayaan mong ako ang gumawa ng simpleng bagay na 'to."

Binitiwan ni Julan ang mattress. Hinila na lang ang center table para mas lumuwang ang space na lalatagan niyon.

"Love mo talaga ako." Sabi nito. "Thanks."

"Hay, naku! Bahala ka, Julan. Ayaw kong makipagtalo." Inayos niya ang pagkakalatag ng mattress. Saka inilagay doon ang kumot at unan. "You better sleep now. Take a rest."

"Thank you so much, Jercelle. Mahihimbing ako nito. Mapapasarap ang tulog ko."

Natuwa siyang tingnan ito habang humihiga. Dahil nakasuot lang ito ng boxer short ay napansin niya ang malalaking balahibuhing hita.

He looked so sexy in his hairy legs. She got turn-on with him and she felt something malicious.

"Jercelle, behave!" Narinig niyang tila pananaway ng isang bahagi ng utak niya. Iniiwas niya ang tingin kay Julan at humalukipkip. "Maging malisyosa ba? Umayos ka!"

"Jercelle..."

Muli siyang napatingin dito. Yakap na nito ang isang throw pillow, na hindi niya nakitang kinuha mula sa ibabaw ng sofa.

Napakurap siya ng bigla ay nakita niyang siya ang yakap nito, na nakahiga din sa mattress. Bumilis ang pintig ng puso niya. Bigla ding nag-init ang kanyang pakiramdam.

"A-are you okay?"

Because of that Julan's question, she turned back at the actual moment. She felt shy to herself.

"I-inaantok na ako." Sabi na lang niyang hindi nakatingin dito. Nagkaroon siya ng butil-butil na pawis sa mukha. "Papasok na ako sa room ko."

"Sige, sige. Salamat ng marami sa pag-aasikaso mo, Jercelle. Ngayon palang ay nag-enjoy na ako staying here in your house. How can I wish na dito na talaga ako tumira?"

"Sira!" Sabi niyang pinunasan ng mga palad ang pawis sa mukha. "D'yan ka na nga. Goodnight."

"Goodnight, Jercelle. I love you."

Tinalikuran niya ito at dali-dali na siyang pumunta sa kuwarto niya. Nang makapasok ay agad niyang isinara ang pintuan. Tinutop niya ng palad ang sariling dibdib at sumandig doon.

"My God!" Bulong niya. "Ano ba itong nararamdaman ko. First night palang ni Julan ay nagkakaganito na ako. How much more if he will stay here permanently?"

Umiling siya. Lalong nag-init ang pakiramdam niya.

"Hindi puwedeng dito na siya tumira!"

Sinapo niya ng dalawang palad ang mukha. Pinagalitan niya ang sarili at sinermunan.

"Umayos ka, Jercelle Frias." Lumapit siya sa kanyang kama at pabagsak na humiga. "Huwag kang baliw!"

She sighed. She stared at the ceiling. She smiled when she saw the handsome face of Julan.

PAGKAGISING palang ni Salve ay masama na ang pakiramdam niya. Hindi niya matukoy kung alin ba talaga ang masakit sa kanya. Kaya matamlay niyang ipinaghanda ng pagkain ang sarili.

"Shit!" Bulong niya ng humapdi ang sikmura pagkalagok sa ininom na kape. Sinapo niya iyon. "Ano ba 'to? Nakakawalang ganang kumain."

Tinitigan niya ang pritong itlog na nasa plato, na katabi ng naka-plastic na tasty bread. "Makakain ko pa ba ito?"

Dahil nanghihinayang sa niluto ay kinain niya ang itlog. Gamit ang tinidor ay kumuha siya ng maliit na bahagi at isinubo. Pero nginunguya palang niya iyon ay naramdaman niya na parang babaligtad ang sikmura niya. 

Nasapo niya ang bibig. Pati ang kanyang sikmura. Napamura siya ng maramdamang naduduwal siya. Nagdumali siya sa pagpunta sa lababo at iniluwa doon ang kinakain.

Hanggang sa tuluyan na siyang nagduduwal. Tumagaktak ang pawis niya sa mukha.

"Shit! Ano 'to?"

Inayos niya ang sarili saka bumalik sa harap ng mesa. Umupo siya roon at nag-isip.

Nang bigla siyang napangiti. Nagningning ang kanyang mga mata dahil may naalala.

"Baka nga." Nasapo ng kaliwa niyang kamay ang tiyan. "Magdadalawang buwan na nga pala akong delay..."

Tuwang-tuwa siya sa naisip na baka buntis siya. Na baka iyon ang rason kaya masama ang pakiramdam niya.

"Kailangan kong bumili ng pregnancy test." Bulong niya na tumayo. "Kailangang makatiyak ako para maipaalam ko kay Bricko."

Pumasok siya sa kuwarto at nagpalit ng damit. Bibili na siya ng pregnancy test para makasiguro.

Nang nasa kamay na niya ang biniling bagay sa pharmacy, na makakapag-patunay kung buntis siya ay gusto na niyang tumakbo pauwi. Sabik na siyang malaman ang totoo.

Kaya naman ng makauwi ay agad na ginawa ang dapat gawin. Medyo nanginginig pa ang kamay niya ng patakan ng urine ang maliit na butas ng pregnancy test.

Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatitig sa magiging resulta.

"Double red." Bulong niya. Saka nakagat ang pang-ibabang labi. Kinabahan na siya. "Please... sana positive!"

Muntik na siyang mapasigaw sa tuwa ng mag-double red line ang pregnancy test.

Positive.

Buntis siya.

"Yes!" Sabi niyang tumayo. Muntik na siyang mapatalon. Saka napahalakhak. "Baka malaglag pa! Kailangan kong mag-ingat."

Sinapo niya ng dalawang palad ang tiyan. Napabulong siya ng pasasalamat sa Diyos dahil sa biyayang ibinigay sa kanya.

NAGTIIM ang mga bagang ni Bricko ng makita niyang magkasamang lumabas sa lobby ng gusaling pinagtatrabahuhan sina Jercelle at Julan. Galit na naikuyom niya ang mga kamay habang nakatayo siya sa gilid ng kanyang taxi, na naka-park sa parking lot.

"Girlfriend ko si Jercelle. Hindi ako papayag sa ginagawa ng Julan na ito."

Inihakbang niya ang mga paa para salubungin ang mga ito. Nang mapatingin sa kanya ay ipinakita niya sa mukha ang galit.

"Girlfriend ko 'yang kasama mo, Julan." Dinuro niya ito. "Layuan mo si Jercelle!"

"Girlfriend?" Pagak na tumawa si Julan. "Ang lakas ng loob mo na tawaging girlfriend si Jercelle pero niloko mo lang siya."

"Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan, Julan. Wala kang alam."

Nang muli niya itong dinuro ay hinampas ang kamay niya. Umakto siyang uupakan ito pero mabilis na pumagitna si Jercelle.

"Bricko, please. Umalis ka na. Huwag na huwag mong sasaktan si Julan at ako ang makakaaway mo!"

"Jercelle?"

"Maliwanag kong sinabi sa 'yo ang gusto kong mangyari noong huli tayong nag-usap, Bricko. Tigilan mo na ako."

"Jercelle, mahal kita."

"Ang kapal talaga ng mukha mo, Mokong. Wala ka bang kunsensya at nagagawa mo pang magsalita ng ganyan?"

"Julan, please." Humarap si Jercelle kay Julan. "Hayaan mo na muna akong kausapin si Bricko. Gusto kong magka-ayos na kami ngayon."

Tumango si Julan. Saka tumingin sa kanya. "Iiwan ko muna kayo, Mokong. Umayos ka. Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ni Jercelle at gawin mo ang dapat."

Nang umalis na ito ay humingi na agad siya ng tawad kay Jercelle. Umiling-iling ito saka nagsalita na hindi nakatingin sa kanya.

"Pinutol ko na ang ugnayan natin, Bricko. Ayoko na. Masakit. Hindi ganoon kadali para sa akin dahil minahal kita pero kailangan kong kayanin..."

Naibulong niya ang pangalan nito nang makita niyang pumatak ang mga luha. Gusto sana niya itong yakapin at aluin pero hindi niya ginawa. Nauunawaan niya ito at iginagalang kaya minabuti niyang manahimik na lang.

"Bricko, 'wag mo na akong pupuntahan pa. Please!"

Tumango siya. Ang sakit-sakit ng puso niya pero tinanggap niya ang desisyon nito. Malinaw naman ang isip niya at alam niyang may pagkakamali siya

"Goodbye, Bricko." Sabi ni Jercelle na pinalis ang mga luha. "Take care."

Hindi siya nakagalaw ng umalis ito sa harapan niya. Nanatili na lang siya sa kinatatayuan hanggang sa makaalis ito na sakay sa kotse ni Julan.

Продолжить чтение
Scan code to download App

Latest chapter

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status