Masuk"PLEASE, Jercelle. Sabay na tayo papunta sa office." Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse ni Julan. "For our friendship."
Narinig niyang may diin sa last word nito. Friendship. Dapat niyang isa-alang-alang ang pagiging magkaibigan nila. Kaya napilitan siyang sumakay.
"Thanks, bestfriend." Sabi pa nito bago isara ang pinto. Saka dali-dali umikot sa unahan ng sasakyan. Mabilis itong umupo sa driver's seat.
"This is my great morning." Masaya nitong sabi na pina-start ang ignition. "My great day, rather."
"Sabi ko naman na huwag ka nang mag-abala sa akin. Pero ang kulit-kulit mo. Paano kung sinundo ako ngayon ng boyfriend ko?"
"Hindi mo talaga ako papansinin, Jercelle?"
"Sorry na lang. Hindi naman puwedeng sa 'yo ako sasabay kung sinundo ako ni Bricko."
"Hindi ka niya sinundo ngayon."
"Maaga siyang tumawag at sinabing may emergency siyang lakad. Naka-timing ka, Julan."
"Baka naman may extra activity na pinuntahan si Mokong kagabi. kayo napuyat at kailangan ng extra tulog."
Naasar siya kay Julan ng tumawa pa ito.
"Tigilan mo ako, Julan!"
"Bakit kasi nagtiwala ka agad sa lalaking 'yon, Jercelle. Ilang buwan mo palang siyang nakikilala. Actually, hindi mo pa talaga siya kilala. Pero sinagot mo agad ang panliligaw niya."
"Pinasakay mo lang ba ako ngayon sa kotse mo para panghimasukan? Julan, ihinto mo na sa tabi at bababa ako."
Hindi ito umimik. Nagpatuloy lang sa pagda-drive.
"Mahal ko si Bricko. Julan, hindi mo siya kilala at ni hindi nakakasama kaya huwag mo siyang husgahan. Sinagot ko siya dahil para sa akin ay karapat-dapat ko siyang maging boyfriend."
"Matagal tayong naging magkaibigan, Jercelle. Hindi mo maaalis sa akin ang magmalasakit sa inyong mag-ina."
"Thank you so much!"sarkastiko niyang tugon.
"Sana maunawaan mo ako. Wala akong masamang layunin. Jercelle, sinadya kong sunduin ka dahil... d-dahil--"
Napatili siya ng bigla i-preno ni Julan ang kotse. May isa kasing matandang babae ang tumawid. Nalimutan niyang magsuot ng seatbelt kaya napasubsob siya at tumama sa dashboard ang noo niya.
"Jercelle!"
Narinig pa niya ang sigaw na iyon ni Julan bago siya nawalan ng malay-tao.
HINDI alam ni Julan kung paano siya hihingi ng tawad kay Jercelle. Para sa kanya ay hindi sapat ang 'sorry' na kanina pa niya paulit-ulit na sinabi dito. Bagama't okay na ito at sabi naman sa pinanggalingan nilang ospital ay hindi malubha ang kondisyon nito ay hindi pa rin siya mapanatag.
"Ang tanga-tanga ko." Bulong niya habang nagmamaneho ng sariling kotse. Pauwi na sila sa bahay ni Jercelle ng sandaling iyon. "Hindi ako naging maingat sa pagda-drive!"
"Julan, tama na. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan."
Napalunok siya. Nahiya. Narinig pala at naunawaan ni Jercelle ang ibinulong niya.
"Pasalamat nga tayo at hindi mo nabangga 'yong matanda."
"Pero ikaw naman ang nasaktan."
Tumawa ito ng mahina. Sinapo ang noo. "I'm okay now, Julan. Narinig mo naman ang sabi ng doctor, di ba? Kailangan ko lang magpahinga."
Magsasalita pa sana siya pero narinig niyang tumunog ang cellphone nito.
At tinanggap nito ang tawag.
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay ng marinig ang pangalan ng caller na sinambit ni Jercelle. Si Bricko, ang Mokong. Lalo niyang sinikap na marinig ang sasabihin pa nito.
Lihim siyang nainis ng tila nagsumbong ito sa lalaki. Binanggit pa ang pangalan niya, na bagama't hindi naman siya sinisi ay nasundot na naman ang kunsensya niya.
"Galit na galit siguro sa akin ang Mokong na 'yon." Sa isip-isip niya. "Tiyak na ako ang sinisisi niya kaya na-aksidente sI Jercelle."
Napasulyap siya kay Jercelle ng marinig ang sinabi nito. Hihintayin daw nito sa bahay ang boyfriend.
"Huwag!" Wala sa loob na nasambit niya. "Ayokong makaharap ngayon ang Mokong na 'yon!"
Napatingin sa kanya si Jercelle. Nagtatanong ang mga mata. Itinutok naman niya ang paningin sa harap ng binabaybay nilang kalsada.
"Okay, Bricko. Ingat ka. Bye." Nag-press sa screen ng cellphone niya si Jercelle. Saka tumingin sa kanya. "May sinabi ka kanina, Julan?"
"Pupunta sa bahay mo ngayon si Mokong?"
Tumango ito. "Nag-aalala sa akin si Bricko. Sinisi niya ang sarili dahil hindi daw niya ako sinundo para ihatid sa office."
"Yabang!" Hindi niya naiwasang sabihin. "Aksidente lang naman ang nangyari sa atin. Hindi ko gusto ang nangyari!"
"Wala naman siyang sinabi laban sa 'yo. Sarili nga niya ang sinisisi dahil hindi siya sumundo."
"Nambabae kasi siya." Inis niyang bulong. "Napuyat siguro sa piling ng babaing 'yon!"
"What?"
Umiling siya. "Wala. Don't mind me. Galit lang ako sa sarili ko!"
Bumuntung-hininga si Jercelle at umiling.
KUNG puwede lang pauwiin ni Bricko si Julan ay ginawa na niya. Kanina pa siya lihim na pikon na pikon, pagkarating palang niya at nakita ito sa loob ng bahay ni Jercelle. Hindi naman siya puwedeng magpakita ng magaspang na ugali kaya nagpapaka-behave siya. Kahit pa nga nakikita niyang matalim ang titig sa kanya ng lalaki.
"Siya na nga ang dahilan kaya na-aksidente si Jercelle." Sa isip-isip niya. "Ang sama pang makatingin. Dukutin ko mata mo, Julan. Bulagin kita, e."
Nilapitan niya si Jercelle sa sofa at umupo sa tabi nito. Masuyo niya itong inakbayan at nilambing. Nang pa-simple niyang sinulyapan si Julan ay kitang-kita niyang nagtiim ang mga bagang nito. Halatang nagtitimpi at nagpipigil ng sarili. Lihim naman siyang natuwa at lalo pang nilambing ang girlfriend.
"Sige lang, Julan. Mainggit ka at magselos." Sa isip-isip niya. "Tiyak na hindi ka makakatiis at uuwi ka na!"
Nabigla siya nang magsalita si Julan.
"Sana lang ay totoo ang ipinakikita mong 'yan, Mokong!"
"Julan, nagsisimula ka na naman." Halata sa boses ni Jercelle ang inis. "Nananahimik si Bricko pero nagsasalita ka ng ganyan."
"Hayaan mo na siya, Jercelle. Baka nagseselos lang ang kaibigan mo."
Tumayo si Julan. "Bricko, sana lang totoong mahal mo si Jercelle. Sana lang hindi mo siya niloloko."
"Julan, please lang." Nasapo ni Jercelle ang noo. "Sumasama ang pakiramdam ko..."
"I'm sorry, Jercelle. Concern lang ako sa 'yo."
"Huwag kang judgmental, Julan. Hindi mo ako kilala."
"Tama ka. Hindi kita kilala. At hindi ko alam kung ano talaga ang plano mo."
"Aba't..." Susuntukin sana niya si Julan pero nahawakan agad siya ni Jercelle sa braso kaya hindi siya nakatayo.
"Hayaan mo na si Julan, Bricko. Kaibigan ko siya."
"Sorry, Jercelle. Uuwi na muna ako. Magpahinga ka!"
Iniwan sila nito.
Hindi siya nakatiis kaya sinundan niya ito. Maayos naman siyang nagpaalam kay Jercelle at nangakong hindi sasaktan ang kaibigan. Sinabi din niyang pipiliting hindi gumawa ng gulo.
Tinawag niya si Julan bago ito makalabas sa gate. Tumigil ito at humarap sa kanya. Nilakihan niya hakbang kaya agad na nakalapit dito.
"Huwag ka naman sanang magsalita ng ganoon sa harap ni Jercelle. Kulang na lang ay siraan mo ako, a."
"Hindi kita sinisiraan, Mokong. May nalaman ako tungkol sa 'yo pero pasalamat ka at na-control ko ang sarili ko na sabihin kay Jercelle."
Nangunot ang noo niya dahil sa narinig. Ano bang alam nito tungkol sa kanya?
"Mokong, nagtiwala sa 'yo si Jercelle. Minahal ka niya. Huwag mo naman sanang sayangin 'yon!"
"Julan, mahal ko din si Jercelle. Niligawan ko siya hindi para lokohin lang."
"Ewan ko, Bricko. Hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo."
"Alam kong mahal mo rin si Jercelle, Julan. At hindi mo matanggap na ako ang sinagot niya kaya ka nagkakaganyan. Please, be sport. Tanggapin mo na ako ang mahal niya."
"Mokong, alam mo ang totoo sa sarili mo. Huwag na pati ang sarili mo ay lokohin mo!"
"Ano ba talaga ang alam mo? Sabihin mo nga sa akin ang ipinagpuputok ng butse mo."
"Bricko, iyong babaing kumuha noon sa anak ni Jercelle..."
Ramdam niyang nawalan ng kulay ang kanyang mukha. Nabigla siya sa narinig. Hindi niya magawang magsalita.
"Kilala mo ba ang babaing 'yon? Ano s'ya sa buhay mo, Bricko?"
Pakiramdam niya ay sumabog ang ulo niya.
"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P
"PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-
LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho
"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K