MasukAGAD na nag-alala si Bricko nang lumabas si Jercelle sa kuwarto na umiiyak. Kasunod nito si yaya Sally na halos namamaga na ang mga mata.
"Mommy is crying, tito Brick." Sabi ni Rexcelle na kumalas sa pagkakayakap niya. "Mommy ko..."
Lumapit ito sa ina at yumakap sa hita nito. "Anak..." Napilitan si Jercelle na buhatin ang bata. Hinalikan ito at niyakap. "I love you so much, baby."
Lumapit siya sa mag-ina.
"Jercelle, puwede ko bang malaman ang problema?"
Tinawag ni Jercelle si yaya Sally at ibinigay si Rexcelle. Sinabi nitong ihahatid na siya sa labas para makauwi na. Hindi naman siya tumutol at inakbayan na lang ang babae habang palabas sila sa bahay.
"Kung gusto mong mapag-isa at makapagpahinga na ay mas mabuting umuwi na ako..."
Biglang humagulhol si Jercelle at yumakap sa kanya. Isinubsob nito ang mukha sa dibdib niya. Tuluyan na siyang naawa dito kaya niyakap niya. Hinayaan niyang umiyak ito upang maibsan ang bigat ng kalooban.
Ilang minuto ang lumipas bago ito tumigil sa pag-iyak. Hinagud-hagod niya ang likod nito hanggang sa tuluyang kumalma.
Jercelle became honest with him. She told all the things that bothering her.
Nagtiim ang mga bagang niya. Nakadama siya ng galit sa taong ugat ng pinuproblema nito ngayon.
"Hindi mo ito dapat ginawa, Salve." Bulong niya habang nagmamaneho papunta sa bahay ng babae. "Hindi ko gustong nasasaktan at nahihirapan si Jercelle."
Dahil walang alam si Jercelle tungkol sa pagiging magkaibigan nila ni Salve ay wala siyang binanggit na ano man dito kanina. Pinaglubag lang niya ang loob nito at sinabihang huwag ng masyadong mag-isip.
Malalakas ang sunud-sunod niyang pagkatok sa naka-locked na pinto ng bahay ni Salve. Kanina pa niya ito gustong makaharap at makausap. Kaya naman nang magbukas ito ng dahon ng pintuan at nakaharap na niya ay marahan niyang itinulak papasok. Isinara niya ang pinto at galit itong hinarap.
"Ano bang problema mo, Bricko?"
"Bakit mo ginawa 'yon, Salve? Bakit pumunta ka sa bahay ni Jercelle? At sinabi mo pa kay yaya Sally na ampon si Rexcelle!"
"Sinabi ko lang ang totoo. Masama ba 'yon?"
Sinapo niya ang sariling noo. Binanggit niya ang pangalan nito.
"Anak ko si Rexcelle..."
"Wala ka ng karapatan sa bata. Legal mong ipina-ampon sa kanila ang anak mo at may maayos kayong kasunduan!"
"Anak mo din si Rexcelle, Bricko!"
"Oo. Alam ko na dahil iyon ang sabi mo. Wala man akong alam na nabuntis kita noon ay naniniwala akong anak ko si Rexcelle dahil iyon ang sinabi mo. At bilang ama niya ay nagagalit ako sa ginawa mo!"
"Kampante ka, eh. Okay lang sa 'yo na manatiling lihim na ampon si Rexcelle dahil may relasyon na kayo ni Jercelle. Kung magpakasal kayo ay panalong-panalo ka dahil makakapiling mo ang anak natin sa piling ng babaing 'yon. At hindi ko matatanggap iyon. Bricko, mahal kita!"
Nanlaki ang mga mata niyang napatitig dito.
"Mahal kita hindi lang isang bestfriend. Nagsimula na akong maging masaya ng muli tayong nagkita. Kaya umasa akong magpapatuloy ang kaligayahan ko sa piling mo..."
"Salve, si Jercelle ang mahal ko."
Biglang yumakap sa kanya si Salve at humagulhol. Tinangka niyang kalasin ang pagkakayakap nito pero lalo pa iyong humigpit.
"Bricko, maawa ka sa akin. Huwag mo akong iwan. Huwag mong ipalit sa akin si Jercelle. Please!"
"Salve, maunawaan mo sana ako..."
"Sa 'yo ako, Bricko. Gagawin ko ang lahat, lumigaya ka lang."
Bigla nitong sinibasib ng halik ang kanyang labi. Ayaw sana niya pero naging mapusok ito at gaya ng dati ay nadarang na naman siya sa tukso.
"AALIS ka, anak?" Tanong ng ina ni Julan nang masalubong siya paglabas ng kuwarto. "Saan ka pupunta?"
"Mommy, I'm sorry. Pero desidido po ako na ligawan si Jercelle. Pupuntahan ko po siya ngayon."
"Anak, alam kong pakikialam at panghihimasok sa buhay mo ang ginagawa ko pero sana'y maunawaan mo ako. Bilang ina ay wala akong gustong mangyari sa buhay mo kundi ang mapabuti."
"Mommy, mabuting babae po si Jercelle. Opo, may anak na siya at isang biyuda pero nabubuhay siyang matiwasay. Itinataguyod po niya ang kanyang anak sa malinis na paraan. Mommy, naging kaibigan ko po siya at nakasama ko silang mag-ina. Wala po akong mairereklamo sa kanila. Napakabait po niya kaya lalo siyang napamahal sa akin."
Hindi nagsalita ang kanyang ina. Kitang-kita niya sa mukha nito ang lungkot. Hindi niya ito masisisi dahil alam naman niyang nagmamalasakit ito sa kanya. At sabi nga nito, wala itong gustong mangyari kundi ang mapabuti siya. Nauunawaan niya ito sa bagay na iyon kaya nga sinunod niya ito noong una -- na sabihin pa ay nagsakripisyo siya!
"Mommy, sinubukan kong kalimutan si Jercelle. Para pagbigyan ang kagustuhan ninyo ay binalewala ko ang nararamdaman ko sa kanya. Pero nabigo po ako. Hanggang ngayon ay mahal ko siya at hindi ko po kayang kalimutan siya. Sorry po pero handa na po akong ipaglaban ang pag-ibig ko sa kanya."
"Anak." Tumulo ang mga luha nito. "Julan..."
Hindi niya gustong umiiyak ang ina pero sa pagkakataong ito ay sinikap niyang huwag nitong maapektuhan. Pagkatapos niyang bumuntung-hininga ay magalang siyang nagpaalam at umalis.
Dumiretso siya sa bahay ni Jercelle. Inihimpil niya ang kotse sa harap ng tarangkahan nito. Nakadama siya ng lungkot ng makitang patay na ang mga ilaw sa loob.
"Tulog na ba sila?" Tanong niya sa sarili. Pero bigla siyang nainis sa bagong naisip. "Baka naman meron silang pinuntahan kasama si Mokong?"
Kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng dashboard ng kotse at tinawagan si Jercelle.
Hindi nito tinanggap ang tawag niya. Lalo siyang nainis. Hindi talaga niya ngayon makikita at makakausap ang babae.
Hinampas muna niya ang manibela bago ini-on ang ignition ng kotse. Bad mood na siya ng umalis sa place na iyon kaya naisip niyang magpalipas muna ng oras bago umuwi.
Dumaan siya sa isang 24 hours convinient store dahil naalala ang ina, na tiyak niyang nagdaramdam. Pasasalubungan niya ito ng paboritong siopao para kahit paano ay matuwa at agad na mawala ang sama ng loob.
Inihimpil niya sa nakalaang parking space ang kanyang kotse, katabi ng isang taxi. Dahil nasa harap lang iyon ng tindahan ay nakita ang dalawang nilalang na lumabas mula sa loob niyon na bitbit ang pinamili. Naudlot ang pagbaba niya sa kotse dahil agad na nakilala ang lalaki.
"Bricko..?"
Tinitigan niya ang mukha ng babaing kasama nito. Namukhaan niya ito. Lalo na nang sumakay sa nakahimpil na taxi, na katabi lang ng kanyang sasakyan. Nagtiim ang mga bagang niya ng makatiyak na ito nga ang babaing kumuha dati sa anak ni Jercelle. Gustung-gusto niyang bumaba at sugurin si Bricko pero pinigilan niya ang sarili. Mali na gumawa siya ng gulo at mag-iskandalo. Kinimkim niya ang galit.
"Magkakilala silang dalawa?" Naibulong niya ng umalis na ang taxi ni Bricko. "Magkasabwat siguro sila. May masama siguro silang gagawin laban kay Jercelle."
Ngayon ay labis siyang nag-alala para sa minamahal na babae. Hindi pa man niya alam ang katotohanan ay awang-awa na siya rito.
NANG makapasok sa loob ng bahay sina Salve at Bricko ay sabay silang umupo sa sofa.
"Salamat sa groceries, Best." Ngiting-ngiti niyang sabi sa lalaki. "Malaking tulong na ang mga 'yan sa akin."
"Wala 'yan. Dadalhan na lang uli kita sa isang araw."
Niyakap niya ito. "Promise, ha. Babalik ka sa isang araw. Hihintayin kita."
"Basta huwag ka na uling pupunta sa bahay ni--"
"Shit!" Kinalas niya ang pagkakayakap dito. Tinapik niya ang pisngi nito. "Talaga bang mas mahalaga sa 'yo ang babaing 'yon?"
"Salve, girlfriend ko si Jercelle. Hindi puwede ang gusto mong balewalain ko siya."
"Paano ako? Bricko, palipasan na lang ba ako ng oras mo?"
"Salve, magkaibigan tayo--"
"Ako ang tunay na ina ng anak mo!"
Nagtiim ang mga bagang ni Bricko. Naningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
"Ginugulo mo ang sitwasyon, Salve. Wala naman tayong usapan na ano man!"
"Pero mahal kita, Bricko. Nang makita kitang muli ay naramdaman kong nanatili ka sa puso ko. Mula noon ay umasa ako na magkakaroon ng magandang karugtong ang relasyon natin. Kaya nga ibinibigay ko sa 'yo ang aking sarili. Best, huwag mo namang balewalain 'yon!"
"Lalaki ako, Salve. Madaling matukso. Hindi ko naman hinihingi sa 'yo ang kaligayahang pinagsasaluhan natin physically. Huwag mo sanang isumbat sa akin 'yon."
Hindi niya napigilang umiyak. Niyakap niya ito. "Hindi ako nanunumbat, Bricko. Sinasabi ko lang ang totoo..."
Tila hayok na pinaghahalikan niya sa pisngi si Bricko. Narinig niya ang pananaway nito pero binalewala niya iyon. Ibinaba niya sa leeg nito ang maiinit niyang halik. Hindi pa rin siya nito napuknat kahit pilit na inilalayo ang katawan niya dito.
Kilala niya si Bricko. Mahina ito sa tukso. Madali itong sumuko at agad na nadadarang sa init ng pisikal na kaligayahan.
"Salve..." anas ni Bricko ng itinaas na niya ang suot nitong t-shirt at hinalikan ang dibdib nito.
Ah! Gagawin niya ang lahat para sa ikaliligaya nito. Hindi siya susuko hanggang sa ibaling na nito sa kanya ang pagmamahal.
"YAYA, ngayong alam mo na ang totoo tungkol kay Rexcelle ay manatili sana iyong lihim."
Kanina pa niya gustong sabihin ang bagay na ito sa tagapag-alaga ng anak niya pero hindi niya magawa. Hanggang maari sana ay ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol dito pero hindi naman siya matahimik. Naiisip kasi niya na baka mabanggit ni yaya Sally sa kung sino mang makausap nito. Hindi niya gustong mangyari iyon dahil ang anak niya ang labis na maaapektuhan kapag nabunyag na isa lang itong ampon.
Paano na lang kung makarating ang bagay na iyon sa kaalaman nito?
"Sobrang kawawa ang anak ko, yaya. Ni hindi niya alam ang salitang ampon." Nangilid ang mga luha niya. "Kung maririnig niya na ampon siya at magtanong kung anong ibig sabihin niyon... p-paano natin ipaliliwanag?"
"Kaya po sobra akong nalungkot, ate. Umiiyak ako dahil sa awa sa alaga ko."
Hinawakan niya ang kamay nito. "Kaya huwag na huwag mong mababanggit kahit kanino ang bagay na sinabi sa 'yo ng Salve na 'yon."
"Masama siyang tao!" Bakas sa tinig nito ang galit kay Salve. "Hindi na lang sana siya ang nagluwal kay Rexcelle. Ate, sana'y ikaw na lang talaga ang ina ng alaga ko."
Mabilis niyang pinalis ng palad ang mga luhang tuluyang nalaglag sa mga mata niya.
"Sana nga, yaya. Mahal na mahal ko si Rexcelle. Kulang na lang talaga na ako ang nagluwal sa kanya..."
Hinagod nito ang likod niya. Damang-dama niya ang totoo nitong pagmamalasakit sa kanya. Nagpasalamat siya rito saka nagpaalam. Hirap man ang kalooban niya ay kailangan niyang pumasok sa trabaho.
Nangunot ang noo niya ng makalabas sa main door ng bahay niya at nakita sa labas ng gate ang nakahimpil na kotse ni Julan.
"A-ang aga naman niya." Naibulong niya ng ihakbang ang mga paa patungo sa tarangkahan. "Sinabi ko naman sa kanya na huwag ng mag-abala pa sa akin. Bakit siya narito?"
"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P
"PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-
LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho
"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K