LOGINSINALUBONG ni Julan si Jercelle sa lobby ng company ng umagang iyon. Ngiting-ngiti niya itong binati at iniabot ang isang pirasong red american rose.
"This is from me. A single rose but filled with love and caring. Jercelle, please accept it and forget all the bad things I did. Puwede ba?"
Tinanggap nito ang bulaklak. Nagpasalamat. Pero nanatiling pinid ang mga labi. Sinabayan niya ito sa pagpasok sa elevator.
"Peace na tayo?"
"Wala naman talagang war na namamagitan sa ating dalawa, di ba? But Julan..."
"Hindi ko mapipigilan ang Mokong na 'yon sa panliligaw sa 'yo. Pero hayaan mo rin sana akong patunayang mahal kita. Ang kaya ko'y makipagsabayan sa kanya sa panliligaw sa 'yo."
"Nasabi ko na sa 'yo ang damdamin ko kay Bricko. At ang plano ko. Julan, stop it. Set me free. Please."
Nang bumukas ang metal door ng elevator sa third floor ay agad itong lumabas. Hindi na niya ito sinundan pa. Pero hindi ibig sabihin ay sumuko na siya.
Before breaktime ay tinawagan niya ito at inayang sabay silang magmiryenda. Tumanggi naman ito at sinabing maraming paper works na gagawin.
Inutusan na lang niya ang isa niyang empleyado na bumili ng food sa canteen at pinadala sa accounting department.
Through Messenger ay nagpasalamat sa kanya si Jercelle. Pero sinabi din nito na huwag nang mag-abala pa sa susunod.
But he ignored that message. He called in one food chain restaurant for a lunch delivery.
Eksaktong lunch break nang dumating ang food kaya agad siyang umakyat sa accounting department na bitbit iyon. Nag-aayos ng sarili si Jercelle para bumaba sa canteen nang abutan niya.
"Don't bother yourself to go down, Jercelle. Here's our lunch." Sabi niya ng makalapit sa cubicle nito. "Tinawagan ko na si manager mo at nagpaalam ako na dito tayo kakain together at pumayag naman siya."
"Hindi ba't sinabi ko na huwag ka ng mag-abala pa."
"Hindi ko nabasa 'yong chat mo." Pagsisinungaling niya. "Sorry. Pero dahil narito na ang food ay pagsaluhan na natin. Please."
"Julan..."
"Please!"
Kung napilitan mang pumayag si Jercelle ay wala na siyang pakialam. Ang importante sa kanya ay magkasalo silang kumain ng lunch at naging masaya siya.
Actually, sila!
Ang totoo'y naramdaman niyang masaya rin si Jercelle. Natapos nila ang pagkain na parang gaya ng dati -- gaya noong magkaibigan sila at wala pang Bricko na nakapagitan sa kanilang dalawa.
TINANGGIHAN ni Jercelle si Julan ng magsabi ito na ihahatid siya pauwi after work. Natugunan na kasi niya ang invitation ni Bricko na dinner date noon pang isang araw. May dala na nga siyang casual dress na susuotin dahil susunduin siya nito sa office at dideretso na sila sa restaurant.
"Talaga bang mahal mo na siya, Jercelle?"
"Ayaw kong masaktan ka pero I'll be honest. Yes, mahal ko na si Bricko."
Napalunok siya ng makitang bumalatay sa mukha ni Julan ang matinding lungkot. Ang sakit. Dahil doon ay may naramdaman siyang kirot sa puso.
"Julan, I'm sorry. Sana'y maunawaan mo ako. Tanggapin mo na lang na hindi ako ang babae para sa 'yo..."
Hindi ito umimik pero nanatiling nakatitig sa kanya.
"Nagsimula tayong magkaibigan at mananatili iyon kahit may relasyon na kami ni Bricko. Promise," Hinawakan niya ang kamay nito. "Mananatili akong kaibigan mo. Just like before."
Pilit ang matipid na ngiting sumilay sa labi nito. Saka tumango. Hindi nito maitatanggi ang lungkot sa mga mata. At nauunawaan naman niya iyon dahil mahal siya nito. Hindi madaling tanggapin ang kabiguan!
Dahil dito ay nagkaroon siya ng agam-agam. May kung anong emosyong sumibol sa dibdib niya na hindi niya matukoy. Bagay na nagpalito sa isip niya.
Kaya naman ng magkasama na sila ni Bricko sa dinner date sa isang cozy restaurant ay nahalata nitong aburido siya.
"Masama ba ang pakiramdam mo, Jercelle?"
"No." Mabilis niyang tugon. "I'm okay. I'm not sick."
"You're not okay. Parang aburido ka. Sana sinabi mo na lang na hindi ka okay para hindi na tayo tumuloy ngayon."
Agad na sinundot ng sinabi nito ang kunsensya niya. Kaya humingi siya ng sorry at pinilit na lang na mai-focus ang atensyon dito.
Masasarap ang pagkaing in-order nila. Pinagsaluhan nila iyon habang masayang nag-uusap. Hanggang sa sumeryoso si Bricko at binuksan ang usapan tungkol sa pag-ibig.
Kanina pa niya ito inaasahan. Alam na niya na magaganap ang pagpapahayag nito ng pagmamahal sa kanya. At nakahanda na siya para sa bagay na iyon.
"Bricko, mahal din kita."
Isang bahagi ng utak niya ang tumutol. Kasabay ng tila pag-aalburuto ng isa ring bahagi ng puso niya.
Napalunok siya at nasapo ang sariling dibdib. Tumungo siya para iwasan ang tuwid na titig ni Bricko sa mga mata niya.
"Totoo ba ang narinig ko, Jercelle? Mahal mo rin ako?"
Ngayon ay parang gusto niyang bawiin ang sinabi. Pero naisip niyang mali. Kaya ng muli siyang tumingin sa lalaki ay sinagot ang tanong nito.
"You heard me right, Bricko."
"Yes! Thank you so much, Jercelle. Wow! Tayo na. We're on!"
Nginitian niya ito at tinanguan. "Huwag mo akong sasaktan, Bricko. Manatili ka sanang tapat sa akin."
"Asahan mo, Jercelle. Mamahalin kita. Kayo ng anak mo."
Marami pang magagandang bagay na sinabi si Bricko. Bagay na ikinatuwa niya. Kaya nabuo sa isip niya na tama ang ginawa niyang pagtanggap sa pag-ibig nito.
NARATNAN ni Jercelle si yaya Sally na umiiyak sa salas habang yakap si Rexcelle. Agad siyang kinabahan at nag-alala dito kaya mabilis itong nilapitan. Kampante namang sumunod sa kanya si Bricko at tumayo sa likuran niya.
"Yaya, bakit?" Tanong niya matapos yakapin ang anak. "Rexcelle, are you okay?"
"Yes, mommy." Tugon ng bata na yumakap din sa kanya. "Yaya is crying. Why po?"
"Yaya..?"
"Ate..." Pinigil nito ang sarili sa pag-iyak. "Puwede pong sa room tayo mag-usap?"
Napatango siya. Lalo siyang kinabahan. Hindi pa man sila nakakapag-usap nito ay kung anu-ano na ang naiisip niya.
"Jercelle, dito na muna kami ni Rexcelle sa salas. Mukhang importante ang pag-uusapan ninyo ni Sally."
"Anak, dito ka muna kay tito Brick, ha. May pag-uusapan lang kami ng yaya."
Bigla itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya at masayang lumapit kay Bricko. Tuwang-tuwa naman itong binuhat ng boyfriend niya.
Bagama't kabado ay inaya na niya sa kuwarto ang tagapag-alaga ng anak niya.
Inaya niya itong umupo sa gilid ng kama ng nasa loob na sila ng kanyang kuwarto.
"Ate..."
"Yaya, ano bang problema?"
Kasabay ng pagtungo nito ay pumatak ang mga luha. Hinawakan niya ang kamay nito habang pilit niyang pinapayapa ang sarili.
"Kinakabahan ako sa reaction mo, yaya. H-hindi ko... h-hindi ko alam ang... my God, yaya! Please, tell me. Ano ba talagang problema?"
"Iyong babae po. Ate, 'yong babaing kumuha dati kay Rexcelle..."
Nanlaki ang mga mata niya. Lalong tumindi ang takot sa dibdib niya. "S-si Salve..."
"Narito po siya kanina, ate. Pero hindi ko po siya pinapasok. Doon lang po kami nag-usap sa gate."
"Anong napag-usapan ninyo?" Pakiramdam niya ay lumalaki ang ulo niya. Hindi pa man niya narinig ang sasabihin nito ay may nabuo na sa isip niya. Malakas ang kutob niya na tungkol iyon sa bagay na may kaugnayan dito.
"Sana'y hindi mo na lang siya kinausap. Sana'y iniwan mo na lang siya."
"Mag-iiskandalo daw po kasi siya, ate. Ipagsisigawan daw po niya ang katotohanan doon sa labas."
"K-katotohanan?"
"Kaya po napilitan ako na kausapin na lang siya. Naisip ko po kasi na baka maiskandalo nga po tayo sa ipagsisigawan niya sa labas."
Nasapo niya ang sariling noo.
"Ate... t-totoo po ba na ampon lang si Rexcelle?"
Napatingin siya rito na nanlalaki ang mga mata. Ramdam din niyang namutla siya.
"Ate, hindi n'yo po daw tunay na anak si Rexcelle. Baog daw po si kuya Rexter kaya hindi kayo nagka-anak noon.."
Namanhid ang buo niyang katawan. Mabilis na nag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya.
"Ate... anak daw po niya si Rexcelle!"
"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P
"PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-
LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho
"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K