Share

CHAPTER ELEVEN

Author: Franz Valley
last update publish date: 2020-07-29 16:32:23

TUWANG-TUWA at sabik na niyakap ni aling Helen si Rexcelle. "Apo ko..."

Nanlaki ang mga mata ni Jercelle sa nakita at narinig. Gulat at nagtatakang napatingin siya kay Bricko. Namula naman ang mukha nito at nilapitan ang ina.

"Inay..."

"Huh?" Tila nagulat itong napatingin sa anak at binitiwan ang bata. "S-siya pala si Rexcelle. Ang gandang bata."

Tumingin ito sa kanya.

"Pasens'ya ka na, Jercelle. Sabik na kasi ako sa bata. Dalaga na ang bunso ko at ito namang panganay kong si Bricko ay hindi pa ako nabibigyan ng apo..."

Tumingin ito kay Bricko na buhat na si Rexcelle. Hindi nito napigilan ang sarili na hagurin ang likod ng anak niya.

"Ito pala ang magiging instant apo ko..."

Napaawang ang mga labi niya dahil sa sinabing iyon ni aling Helen. Muli siyang tumingin kay Bricko.

"Pasens'ya ka na kay inay, Jercelle. Gusto na kasi niyang magka-apo. Magkaroon ng batang inaalagaan."

"Nang sabihin sa akin ni Bricko ang tungkol sa inyong mag-ina ay natuwa ako, Jercelle." Hinawakan nito ang kamay niya. "Ang totoo'y nagpasalamat ako sa Diyos dahil magkakaroon na ng asawa ang panganay ko."

"Ho?"

Parang gustong sumabog ng ulo niya dahil sa mga sinasabi ni aling Helen. Sobrang nakakagulat.

"Pasens'ya ka na sa inay, Jercelle. Gustung-gusto na lang talaga niya akong makapag-asawa."

"Totoo 'yan. At botong-boto naman ako sa 'yo na maging manugang. Seryoso."

Pakiramdam niya'y nawalan ng kulay ang mukha niya. Hindi siya nakapagsalita dahil tila umurong ang kanyang dila.

"Ikaw lang ang minahal ni Bricko, Jercelle. Hindi sa pagyayabang pero mabuting tao ang anak ko. Responsable. Siya ang nagpagawa nitong bahay namin dahil nag-abroad siya. Nakabili siya ng dalawang taxi..."

"Inay!" Hinawakan ni Bricko sa braso ang ina. "Tama na po 'yang pagbibida n'yo sa akin. Nakakahiya po kay Jercelle."

"Totoo naman ang sinasabi ko. Dapat malaman ni Jercelle na dapat ka niyang mahalin. Suwerte nang maituturing na minahal mo siya at ang anak niya."

Humingi na naman sa kanya ng pasens'ya si Bricko. Pinilit niyang ngumiti at tumango. Kinuha naman ni aling Helen si Rexcelle mula sa pagkakabuhat ng lalaki.

"Jercelle, kumain na kayo. Ako na ang bahala dito sa apo ko. Ako na ang magpapakain."

"Ang yaya na po niya ang bahala kay Rexcelle. Para hindi po kayo maabala."

Lalapit sana si yaya Sally para kunin ang alaga pero umurong si aling Helen. Sinabi nito sa kanya na okay lang dito ang anak niya. Sinabi pa nito na sumabay na lang sa kanilang pagkain ang yaya.

"Yaya Sally, sige na. Hayaan mo na lang kay inay si Rexcelle. Gusto naman ng bata. Sumabay ka na lang sa pagkain namin ni Jercelle."

"A-ate..?"

Ngumiti siya at tumango. "Sige na, yaya. Rexcelle, d'yan ka na muna sa lola. Behave ka lang, anak, ha."

"Opo, mommy. Lola, gusto ko po spaghetti na masarap."

Tumawa si aling Helen. "Oo, apo. Masarap talaga ang spaghetti na niluto ng tita Brendan mo. Halika at kukuha tayo."

Bago ito umalis na buhat pa rin si Rexcelle ay inaya sila sa dining area. Nang maglakad ito ay sumunod sila. Humawak siya sa braso ni Bricko, na iniumang sa kanya.

Matamis ang ngiting sumilay sa mga labi niya nang tingnan ito.

"THANK you so much, Jercelle." Bakas sa mukha ni Bricko ang katuwaan. "Pinasaya n'yo ni Rexcelle ang inay. I'm sure, ito na ang pinaka-masaya niyang birthday."

"Salamat din sa mainit na pagtanggap, Bricko. Pakisabi kay tita Helen na sobra din kaming nasiyahan ng anak ko. Nakita mo naman si Rexcelle kanina habang kasama ang nanay mo."

"Para silang totoong maglola..."

Nagkatitigan sila. Kapwa sila naumid. Una siyang tumungo at tumikhim.

Nang sandaling iyon ay nasa terrace sila. Dahil nakatulog sa biyahe si Rexcelle ay ipinasok na ito ni yaya Sally sa kuwarto.

"Jercelle, i-iyong mga sinabi ng inay..."

Sumagot siya na hindi ito tiningnan. "Open ka pala sa kanya. Kahit ang feelings mo sa akin ay alam na alam niya."

"Dahil totoo iyon. I love you, Jercelle. And I want to marry you..."

Nanginig ang kalamnan niya. Bagama't marami nang nasabi si aling Helen tungkol sa feelings nito ay iba rin na dito niya narinig ang totoo nitong damdamin.

"Binigla mo naman ako, Bricko." Nasapo niya ang sariling dibdib. Dahan-dahan siyang tumingin dito. "Hindi ko inaasahang ganyan ka kaseryoso sa akin. Pero nagpapasalamat ako sa katapatan mo."

Halos mapunit ang sulok ng labi nito sa luwang ng pagkakangiti.

"May pag-asa ba ako, Jercelle?"

"I'll be honest with you, Bricko. Hindi sa wala kang aasahan pero bigyan mo muna sana ako ng time. Is it okay with you?"

Mabilis itong tumango. "Sure, Jercelle. Hindi naman ako nagmamadali. At salamat sa maganda mong pakikitungo."

Tiningnan niya ang oras sa suot na wristwatch. Nang malaman niyang alas-onse na ng gabi ay pinauwi na ito. Ang totoo kasi'y puno na ng kaligayahan ang puso niya. Kaya gusto niyang mawala na ito pansamantala sa paningin niya ngayon.

NILABANAN ni Julan ang hiya. Ang naantalang pagpindot kanina sa doorbell sa nakasaradong gate ng bahay ni Jercelle ay itinuloy na niya.

"Sana hindi siya galit." Naibulong niya sa sarili. Tiningnan niya ang main door ng bahay pero wala pang lumalabas doon. "Sana tanggapin ako at papasukin ni Jercelle."

Nangangamba siya na baka galit o masama ang loob ng babae dahil sa hindi maganda niyang pakikiharap dito. O kaya naman ay hindi na siya harapin nito dahil may manliligaw na -- o baka nga boyfriend na!

"Huwag naman sana!" Sabi niyang napahigpit ang pagkakahawak sa dalang basket ng iba't-ibang sariwang prutas. "Sana'y hindi pa niya sinagot ang Mokong na 'yon!"

Si yaya Sally ang nagbukas sa kanya ng gate. Ang sabi nito'y nasa banyo pa si Jercelle.

Eksaktong nakapasok siya sa unahang pinto nang lumabas naman ito sa banyo. Binati niya ito pero hindi ngumiti.

"Have a sit, Julan." Sabi nitong umupo na sa sofa. "Naligaw ka yata?"

Iniabot niya ang dalang basket. Nagpasalamat itong tinanggap iyon at ipinatong sa ibabaw ng center table.

Umupo siya sa tabi nito. Agad siyang humingi ng paumanhin.

"Buti alam mong dapat kang mag-sorry. Ang tagal na nating magkaibigan, Julan. Tapos ngayon ay ganyan ka. Why?"

"Nagka-problema lang, Jercelle. Sobrang problematic..."

Napatitig sa kanya si Jercelle nang bumuntung-hininga siya. Nakita niya sa mga mata nito ang concern. Lihim naman siyang natuwa. Kung galit man ito o may sama ng loob sa kanya ay ramdam niyang agad ding napawi.

"Jercelle, kung alam mo lang kung paano nahirapan ang damdamin ko. Napakahirap sa akin na iwasan ka. I've told you my true feelings the last time we talked. But after that ay napilitan akong iwasan ka dahil kailangan..."

"Totoo bang mahal mo ako, Julan? Hindi ko naramdaman. Hindi mo napatunayan!"

"I'm so sorry, Jercelle. Ang totoo kasi... t-tutol ang mommy sa magiging relasyon natin kung sakali!"

Bago iiwas sa kanya ni Jercelle ang paningin ay nakita niyang namuo ang luha sa mga mata nito.

"Hindi mo ako kayang ipaglaban. Sa ginawa mo ay ipinakita mong babalewalain mo ang nararamdaman mo dahil may hadlang..."

Luhaan na si Jercelle ng muling tumingin sa kanya.

"Bakit ka narito ngayon, Julan? Napipilitan ka lang ba dahil nahihirapan ka? Huwag na! Kalimutan mo na lang kung ano ang nararamdaman mo sa akin."

"Jercelle, I love you!"

Umiling-iling ito. Pinalis ang mga luha.

"Forget me. Julan, manahimik ka na. Iwasan mo na lang ako. Kalimutan mo na ang pagmamahal mo sa akin."

"No." Umiling siya. "Buo na ang desisyon ko. Jercelle, buo na ang loob ko na ipaglaban ka. Wala nang makahahadlang sa pagmamahal ko sa 'yo. Kahit si mommy. Jercelle, handa na akong harapin ang galit niya."

"I'm sorry. Mahal ko na si Bricko, Julan. Nakita ko at naramdaman na seryoso siya sa akin. At napatunayan na niyang mahal ako. Kami ng anak ko."

Nagtiim ang mga bagang niya. Sa mga narinig niya ay lalo pa siyang nakadama ng matinding sakit.

EWAN ba. Hindi rin matukoy ni Jercelle ang totoo niyang damdamin. Naguguluhan siya. Sobra. Nasasaktan siya at nalulungkot para kay Julan. Pero ayaw naman niyang bawiin ang nasabi na niya rito.

Isa pa, plano na talaga niyang sagutin ang panliligaw ni Bricko. Wala naman siyang masasabing masama sa binata kahit hindi pa ganoon katagal niya itong nakilala.

"Kapag sinagot ko na si Bricko ay titigil na si Julan. Tuluyan na niya kaming iiwasan ni Rexcelle..."

Napalunok siya. May kirot siyang naramdaman sa kanyang puso.

"Shit!" Bulong niyang naiinis. "Bakit? Para saan ang kirot na 'yon?"

Sinabi na lang niya sa sarili na minahal niya si Julan bilang kaibigan kaya nasasaktan siya sa hindi magandang kinahantungan ng friendship nila.

"Kasalanan niya." She concluded. Her tears starts to fall from her eyes. "Minahal niya ako higit pa sa pagiging kaibigan. Tapos hindi naman pala niya ako kayang ipagtanggol. Sana... sana'y nakuntento na lang siya sa kung anong relasyon kami meron."

Pinalis niya ang mga luha. Eksaktong dumating ang mga kasamahan niya sa trabaho na galing sa breaktime. Sinadya kasi niyang hindi magmiryenda at magtigil na lang sa cubicle niya dahil sa isipin. Hindi rin naman kasi siya makakakain.

Inayos niya ang sarili at naghanda para muling harapin ang trabaho. Nang biglang tumunog ang cellphone niya.

Bricko's name flashing in the screen. She accepted his call.

"Hi, Jercelle." Masayang bati nito sa kabilang linya. "Lunch tayo mamaya? Sunduin kita d'yan. Maghihintay ako sa ibaba."

"P-pero..."

"Please! Sige na, Jercelle. Miss na kita, e."

Napatawa siya. "Kaninang umaga mo lang ako hindi nakita at hindi naihatid dito sa office, a."

"Ewan ko ba." Bumuntung-hininga pa si Bricko. "Walang oras na hindi kita nami-miss, Jercelle. Gusto ko... kung puwede lang... huwag na tayong maghiwalay!"

Parang gustong maglumukso ng puso niya dahil sa narinig. Sa simpleng sinabi nito ay damang-dama niya ang pagmamahal at pagpapahalaga nito sa kanya.

Ah! Hindi na magbabago ang desisyon niyang sagutin ito!

"Bricko," Sa isip-isip niya. "You will be my boyfriend... soon!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status