LOGINHALATA ni Jercelle na iniiwasan siya ni Julan. Ilang beses na kasing nangyari na magkakasabay sila o magkakasalubong sa office pero bigla itong nawawala sa kanyang paningin. Binabalewala lang niya iyon dahil naiisip niyang baka may personal itong dahilan at mas gusto nitong mapag-isa. Para sa kanya, mas makabubuti na mangyari ang gusto nito kesa sa may ibang taong umeksena.
Pero ngayong umaga, na nakita niya itong nakatayo at naghihintay sa harap ng elevator ay tinabihan niya.
"Hi, Julan." Ngiting-ngiti siya nang batiin ito. "Good morning."
Pilit ang ngiting iginanti nito sa kanya. Hindi niya nagustuhan iyon. Hindi siya sanay sa ganito nitong presensiya.
"May problema ba?"
Lumabi ito at ikinibit ang balikat.
"B-bakit..?"
Hindi pa rin sumagot si Julan. Tuluyan na siyang nainis dito. Lalo pa't nagpatiuna na sa pagpasok sa elevetor nang bumukas ang metal door.
Gayunpaman ay pumasok na rin siya sa loob. Hindi na siya tumabi dito.
"Ako pa ba?" Bulong niya. "Hindi ako ang tipo ng babae na manunuyo sa isang lalaki. Hindi ka kawalan, Julan!"
Nang tumigil sa second floor ang elevator at bumukas ang pinto ay sumabay sa mga lumabas si Julan. Ang loko, ni hindi man lang siya pinansin.
"Nakakapikon, ha!" Sigaw ng utak niya. "Ano ba talaga ang problema ng lalaking 'yon? I hate it!"
Nakaupo na siya sa cubicle niya ay si Julan pa rin ang nasa kanyang isip. Nagtataka talaga siya kung bakit ito ganito ngayon.
"Huwag mo akong pag-isipin, Julan!"
Ayaw niyang mag-isip pero kusang pumasok sa utak niya ang huli nilang pag-uusap ng kaibigan. Hindi naging maganda ang tagpong iyon sa hagdanan. Iniwan niya ito ng araw na iyon at sinabihang huwag nang sumunod.
"Is that really the reason, Julan?" She asked to herself. "Ikinagalit mo iyon kaya iniiwasan mo na ako?"
Napailing siya. Para kasing narinig niya ang ginawa nitong pagtatapat ng totoong damdamin ng umagang iyon.
"You're lier, Julan. Hindi totoong mahal mo ako..."
Hindi niya masisisi ang sarili kung ituring man niyang sinungaling si Julan. Para sa kanya, ang totoong pag-ibig ay ipinaglalaban.
Pinatutunayan!
Kung kailangang magsakripisyo ay maninindigan. Gagawin ang lahat makamit lang ang kaligayahan.
At hindi iyon nagawa ng kanyang kaibigan. Sa ikinikilos nito ay hayag na agad itong sumuko.
Pinunasan niya ang nangilid na luha kasabay ang pagbulong sa pangalan ni Julan.
BUONG maghapong bad mood si Julan. Dahil sa ginawa niya kanina kay Jercelle ay inis na inis siya sa sarili. Nilapitan na nga siya at kinausap ay binalewala pa niya.
Pero ang malala, isang bahagi ng utak niya ang naghuhumiyaw, na nagsasabing tama lang ang ginawa niya. Ayaw kasi dito ng kanyang ina kaya dapat lang na ipagpatuloy niya ang pag-iwas.
"Pero pinarurusahan ko ang sarili ko." Bulong niyang sinapo ng dalawang kamay ang ulo habang nakaupo siya sa swivel chair ng office niya. "Ako ang nasasaktan. Ako ang nahihirapan!"
Nahulog na naman siya sa pag-iisip. Paulit-ulit na naman niyang tinanong ang sarili kung tama ba na sundin niya ang gusto ng ina. Kailangan nga ba niyang magsakripisyo para hindi ito magalit sa kanya?
It's unfair!
Everyone has the right to love and be loved. If you are in-love to someone, prove it. If there's a hindrance, fight for it. Love needs thorough attention and consideration.
"Karapatan mong lumigaya, Julan." Narinig niyang sabi ng isang bahagi ng utak niya. "Kung talagang mahal mo si Jercelle, ipaglaban mo siya. Darating ang time na matatanggap din siya ng mommy mo."
"Tama!" Bulong niya. "Mauunawaan din ako ni mommy kung ipagpapatuloy ko ang panliligaw kay Jercelle."
Naging mabuti siyang anak mula pa pagkabata. Naging masunurin siya sa mga magulang at hindi siya naging pabigat na anak. Ni minsan ay hindi siya naging problema ng mga ito.
Ah! Ngayon lang niya susuwayin ang ina. At iyon ay dahil sa pag-ibig. Gusto niyang maging masaya at mahalin din ng babaing itinatangi ng puso niya.
"Sorry, mommy." Bulong niya. "Magalit ka na kung magalit pero ipagpapatuloy ko na ang panliligaw kay Jercelle."
Dahil desidido na siya ay ihahatid niya pauwi ang babae after work. Nang puntahan niya ito sa accounting department ay nalamang kaaalis lang. Taranta at nagmamadali siyang bumaba para habulin ito.
"Sana maabutan ko pa siya..."
Pagdating niya sa lobby ay nakita si Jercelle. Para siyang binagsakan ng langit dahil sumakay ito sa taxi ni Bricko.
"PUWEDE ko ba kayong isama ngayon sa bahay, Jercelle?" Bricko asked Jercelle while driving. "Tawagan mo na si yaya Sally at bilinan na magbihis na sila ni Rexcelle. Para pagdating natin sa bahay n'yo ay makakaalis na rin tayo."
"Huh?" Nabigla siya sa invitation na iyon ni Bricko. Parang wala na siyang chance na makatanggi pa. "Ano bang meron?"
"Birthday ngayon ni Inay, Jercelle. Nabanggit ko sa kanya na isasama ko kayo ngayon."
Napalunok siya. Hindi na nga siya makakatanggi pa.
"Okay." Tugon niyang ngumiti. "Friday naman ngayon at walang work bukas."
"Yes!" Bakas ang matinding katuwaan sa boses nito. "Salamat, Jercelle. Thank you so much. Matutuwa ang inay kapag nakita kayong mag-ina."
Nangunot ang noo niya. Napaisip. Naikuwento na ba sila ni Bricko sa ina nito? Ano bang sinabi nito para gustuhing makilala at makita silang mag-ina?
Kinabahan siya.
AGAD na kumulo ang dugo ni Salve nang makita niyang bumaba sa taxi ni Bricko si Jercelle. Nagtiim ang mga bagang niya ng alalayan pa nito ang babae.
"Shit! Hindi puwede ito..."
Nangilid ang luha niya nang buhatin nito si Rexcelle, na kinuha mula sa passenger's seat ng sasakyan. Parang gusto niyang lumabas mula sa pinagtataguan at ihayag ang nagpuputok na emosyon.
"Sobrang naging masaya na sa buhay niya si Jercelle." Nagngingitngit niyang sabi. Pumatak na ang mga luha mula sa mata niya. "Nasaktan lang siya ng mamatay ang asawa niya. Pero nanatili pa rin si Rexcelle sa tabi niya kaya hindi siya nalugmok sa kalungkutan."
Naikuyom niya ang dalawang kamay. Sobrang sakit na ng kalooban niya.
"Samantalang ako ay buong buhay na hindi naging masaya. Ang daming nawala sa akin. Ang dami kong isinakripisyo. Hanggang ngayon ba?"
Nagpupuyos sa galit ang kalooban niya dahil sa magandang samahan nina Bricko at Jercelle. Sa nakita niya ngayon ay hayag na may relasyon na ang mga ito. Ipakikilala na ng lalaki sa pamilya ang girlfriend nito.
"Hindi ako papayag!" Naningkit ang luhaan niyang mga mata. "Hindi ko hahayaang mapasa-iyo si Bricko, Jercelle. Aagawin ko sa 'yo ang dapat ay sa akin!"
Pinalis niya ang mga luha. Umalis siya sa lugar ba iyon na puno ng galit ang dibdib. Naghuhumiyaw sa utak niya ang gagawing pag-agaw kay Jercelle ng mga taong nagpapasaya rito.
"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P
"PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-
LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho
"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K