LOGINNASAPO ni Jercelle ang sariling dibdib nang dumating ng gabing iyon ang hindi niya inaasahang bisita. Hindi niya matukoy ang kasalukuyang damdamin nang iabot nito sa kanya ang bouquet of fresh flowers and a box of chocolates, na kahayagan ng panunuyo nito.
"A-ano 'yan? Kailangan mo pa bang mag-abala ng ganyan para sa akin?"
"It's my pleasure, Jercelle. Hayaan mong gawin ko ito para sa 'yo. Please, accept it dahil ikalulungkot ko kung hindi mo tatanggapin."
Tinanggap niya ang mga dala nito para sa kanya. Pagkatapos niyang magpasalamat ay inaya itong pumasok.
Nang sandaling ito ay nasa gate sila. Siya mismo ang nagbukas dito matapos narinig ang doorbell.
"Wait!" Sabi nitong isinenyas pa ang kamay. "May kukunin lang ako."
Tumango siya.
Mabilis itong tumalikod at pinuntahan ang nakahimpil na sasakyan. Binuksan nito ang back door at may kinuha sa loob.
Napangiti siya ng makita ang malaking pink teddy bear na inilabas nito. Pagkasara sa pinto ng sasakyan ay mabilis itong bumalik sa harap niya.
"Tulog na ba si Rexcelle? Para sa kanya ito."
"Naku, matutuwa siya kapag nakita 'yan bukas. Sayang at tulog na siya ngayon."
"Hindi ko makikita ang reaction niya..."
"Anyway, come in. Halika na. Pakisara na lang ang gate."
Nagpatiuna na siyang lumakad. Hindi naalis ang kanyang pagkakangiti.
"It's another exciting experience." Naisip niya. Parang gusto niyang kiligin. "Imagine, after Rexter ay bago akong manliligaw. 'Kaloka!"
Hindi niya inisip na gagawin nga ito ng lalaki. Ang buong akala niya ay nagmalasakit lang ito. Pero ito ngayon. He acts as a suitor. He is courting her, isn't he?
"Bricko, pasok ka." Tumigil siya sa harap ng main door at nilingon ito. Nang ngumiti ito at bahagyang yumukod ay may kung anong pintig siyang naramdaman sa dibdib. Ano pa't gumuwapo ito sa paningin niya.
Sa totoo lang ay naaaliw siya. Akalain ba niyang sa status niya ngayon ay may manliligaw pa sa kanya? At kasing guwapo pa ni Bricko, ha.
"May asim pa ang lola n'yo." Natatawa niyang bulong sa sarili. "Alright. Kung seryoso talagang manliligaw si Bricko... I'll accept him. At tingnan ko kung hanggang saan siya."
Dahil maayos niyang tinanggap si Bricko bilang manliligaw ay ipinagpatuloy nito ang panunuyo. And she find out that he is really sweet. A thoughtful person. Mahilig itong magbigay ng kung anu-ano, lalo na sa anak niya. Kaya naman naging malapit ang loob ng bata dito.
Natutuwa siya kapag nakikitang magkasama ang mga ito, na parehong ang saya-saya.
"Para po silang totoong mag-ama."
Bahagya siyang napaigtad nang bumulong sa kanya si yaya Sally. Hindi niya ito namalayang lumapit dahil nakatuon ang mga mata niya kina Bricko at Rexcelle, na nasa gilid ng swimming pool.
Nasa isang resort sila ng sandaling iyon dahil nag-aya ang bata. Naglambing ito at hindi naman tinanggihan ni Bricko.
"Yaya! Ginulat mo naman ako."
"Ang luwang-luwang ng ngiti mo, ate. Hindi maalis ang pagkakatitig mo sa mag-ama."
"Yaya!"
"Ay!" Nasapo ni yaya Sally ang sariling bibig. "Para kasi silang totoong mag-ama, ate. Sorry."
Nangunot ang noo niya ng muling tumingin kina Bricko at Rexcelle. Naisip niya, totoo ang sinabi ni yaya Sally. Para ngang tunay na mag-ama ang dalawa.
"Huwag kang magagalit, ate, ha." Seryoso pang sabi nito. "Titigan mo... parang magkamukha sila. Mas may resemblance pa sila kesa kay kuya Rexter."
Nasapo niya ang sariling dibdib nang matitigang muli ang dalawa. Tama ang sinabi ni yaya Sally.
Pero bakit?
Tiningnan niya ang tagapag-alaga ng anak niya. Sinapo nito ang sariling bibig at iniiwas ang tingin sa kanya.
"Kung anu-anong sinasabi ko." Pagdaka'y sabi ni yaya Sally. "Sorry talaga, ate."
Tumango na lamang siya. Hindi na siya tumingin pa kina Bricko at Rexcelle, na sa totoo ay magkamukha nga.
Bagay na pinilit niyang alisin sa isip.
NANGUNOT ang noo ni Bricko nang makita niya sa gilid ng gate si Salve. Nang sandaling iyon ay parang hindi nito alintana kung makita man ito ng ina niya.
Inihinto niya ang taxi sa tapat nito. Agad naman itong sumakay at sininghalan siya.
"Kanina pa ako rito, Brick. Para akong tanga na naghihintay!"
"Bakit kasi ginagawa mo 'yan, Best? Alam mo namang busy ako sa paghahanap-buhay."
"Are you sure na hanap-buhay talaga ang pinagkaka-abalahan mo?"
Tumawa siya ng mahina. "Ano bang problema ng kaibigan ko?"
"Brick, ang tagal mo ng hindi pumapasyal sa bahay."
"So, miss na miss mo na ako." Maluwang ang ngiting sinulyapan niya ito. Saka kinindatan. "Kaya ni hindi ka man lang nag-worry na d'yan tumambay sa may gate. Pasalamat ka at hindi ka nakita ng inay."
"Shit, Bricko! Huwag namang ganyan. Pahalagahan mo naman ako."
"Naging busy kasi ako, Salve. Nawalan talaga ako ng time para pumasyal sa bahay mo. Wala ka namang cellphone kaya hindi kita matawagan."
"Imposible namang kahit saglit na oras ay hindi mo ako mapasyalan. Alam mo namang nag-iisa lang ako at bagot na bagot na sa buhay ko!"
Hindi niya nagustuhan ang narinig. Sa pananalita nito ay parang inu-obliga na siya nitong dalawin ito o puntahan sa bahay.
"We're friends, Salve. Masaya ako at naging magkaibigan uli tayo pero hindi rason 'yon para asahan mo akong tumambay lagi sa bahay mo. May sarili akong buhay na dapat harapin."
"Hindi ko hinihingi ang buong oras mo, Bricko." Nangilid ang mga luha ni Salve. Nabasag ang boses nito. "Iyong maramdaman man lang sana kita..."
Napabuntung-hininga siya. Ewan ba kung bakit ang dali niyang maawa dito. Iyon talaga ang rason kaya niya ito pinakikisamahan. Gusto niyang kahit paano ay mapasaya ito.
"Bricko, tuwang-tuwa ako ng muling mag-krus ang landas natin. Ipinagpasalamat ko 'yon dahil naging masaya ako lalo na kapag kasama kita."
"Pero hindi naman puwedeng lagi ako sa tabi mo. Salve, unawain mo 'yon."
Tuluyan na itong umiyak. Lalo siyang sinaklot ng awa para dito. Hinagod niya ang likod nito na umaasang makapagpapalubag sa loob nito. Isinubsob naman nito ang sariling mukha sa mga palad.
Ilang minuto ring nanaig ang katahimikan.
Hinayaan niyang umiyak ito para maibsan ang ano mang emosyong naghahari sa damdamin nito.
"Ihahatid na kita sa bahay mo, Salve." Sabi niya ng tumigil ito sa pag-iyak. "Kailangan mo na ring magpahinga."
Pagkatapos nitong tumango ay pina-andar na niya ang taxi. Dala ng pagmamalasakit ay inihatid niya ito sa bahay. Bagay na muling nagbigay-daan para magkasarilinan sila.
Ayaw sana niya pero minsan pa siyang natukso at ito"y inangkin.
"MOMMY..."
Agad na sinalubong ni aling Betty si Julan matapos niyang i-park sa garahe ang kotse.
"Nakainom ka na naman?"
Hindi niya ito sinagot. Iniwasan niya nang maglakad siya papunta sa unahang pinto ng kanilang bahay.
"Huwag kang bastos, Julan. Kinakausap kita."
Tumigil siya sa paglalakad pero hindi ito nilingon. Pumunta naman ito sa harap niya at tinitigan siya.
"Sinunod mo nga ang gusto ko pero nag-iinom ka naman. Julan, alam mong mali ang ginagawa mo."
"Mommy, pasens'ya na po. Hindi po madali sa akin na iwasan si Jercelle. Pero dahil ayaw kong magalit kayo sa akin ay ginagawa ko..."
"Pero ilang araw ka nang umuuwi na nakainom. Hindi mo gawain 'yan, anak. Nag-aalala ako sa 'yo bilang ina."
"Nahihirapan ako, mommy. Nasasaktan. Mahal ko po si Jercelle at hindi madali na balewalain siya."
"Anak, ang sa akin lang naman ay 'yong mas maayos para sa 'yo. Maraming babae. Nakahihigit pa sa Jercelle na 'yon."
"Gusto ko na pong magpahinga, mommy. Sorry po."
Iniwan niya si aling Betty. Mabilis siyang pumasok sa unahang pintuan at dumiretso sa kanyang kuwarto.
Ayaw niyang makipagtalo pa sa ina. Kahit naman ipaliwanag niya ang kanyang panig ay hindi siya nito mauunawaan. Dahil hindi ito ang apektado at nasasaktan ay ipagpipilitan lang kung ano ang gusto.
Mahal niya ang ina. Iginagalang at inirerespeto. Kaya kahit nasasaktan siya at nahihirapan sa sitwasyon ay nagtitiis siya. Gumagawa ng paraan para kahit paano ay makalimot.
Pero hanggang kailan?
Kakayanin nga ba niyang balewalain ang pagmamahal kay Jercelle? Malilimutan nga kaya niya ito at mabubuhay pa siya ng normal?
Pabagsak niyang inihiga sa kama ang katawan. Mabigat ang loob na tumitig siya sa kisame.
"Jercelle..." Bulong niya.
Ang totoo'y miss na miss na niya ang babae. Gustung-gusto na niya itong makasama at makausap. Pero isinasa-alang-alang niya ang ina. Ayaw niyang magkagulo sila. Sinisikap niyang kayanin ang pagsasakripisyo kahit hindi niya alam ang kahahantungan. Wala naman sa plano niya ang uminom ng alak bago umuwi. Nangyari lang iyon dahil sa selos -- sa matinding sakit ng kalooban.
Nakita kasi niyang inihatid ni Bricko sa office si Jercelle isang umaga. At sinundo pa after work.
Parang piniga ang puso niya!
Sabi niya sa sarili, may mananalo na. Malaki na ang lamang sa kanya ni Mokong. Bagay na hindi niya matanggap kaya nag-iinom siya. Pagkatapos ng trabaho niya ay dumideretso na siya sa beer house. Oo, nalilibang siya at kahit paano ay nawawala ang sakit ng kalooban.
"Ang tanga-tanga ko!" Sabi niyang nangingilid ang mga luha. "Hinahayaan kong tuluyang manalo ang Mokong na 'yon!"
Tinapik niya ang sariling noo. Napamura siya. Ngayon ay mistula siyang mahuhulog sa malalim na bangin.
Kaya pa nga ba niyang iligtas ang sarili? May puwang pa nga ba para maayos ang sitwasyon?
Paano?
"HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P
"PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-
LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho
"SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka
NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi
MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K