Share

CHAPTER SEVEN

Author: Franz Valley
last update Petsa ng paglalathala: 2020-07-29 16:19:00

NANGUNOT ang noo ni Bricko nang makita niyang nakatayo sa gilid ng kalsada si Salve, na isang block lang ang layo sa kanilang bahay.

Naisip niyang siya ang sadya nito kaya naroon. Hindi siya nagdalawang-isip na hintuan ito.

"Salve," Tawag niya rito matapos ibaba ang bintana ng taxi. "Ako ba ang hinihintay mo?"

Dali-dali nitong binuksan ang pinto sa unahan at pumasok sa sasakyan. Umupo ito sa tabi niya na walang kangiti-ngiti.

"Anong problema mo?"

"Brick, hindi ako makapunta sa bahay n'yo. Alam mo namang ayaw sa akin ng nanay mo. Dumaan lang ako at sumilip kanina para malaman kung nariyan ka. Wala itong taxi mo kaya nalaman kong namasada ka."

"May sasabihin ka ba, Salve?"

"Wala naman. Nabagot lang ako. Kailangan ko ng kausap. Puwede ka ba?"

Nginitian niya ito. Saka pinausad ang sasakyan.

"H-huwag tayo sa bahay n'yo, Bricko!"

"I know. Don't worry."

"Thanks." Sinapo ni Salve ang sariling dibdib. "Ewan ko ba kung bakit galit na galit sa akin ang nanay mo."

"Pasens'ya ka na. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niya sa 'yo." 

"Huwag kang magagalit pero totoong matapobre siya."

"Ni hindi sumagi sa isip ko na magiging ganyan sa 'yo ang inay. Walang-wala sa isip ko na nangyari ang nangyari."

Narinig niya ang pagpapakawala nito sa hinugot na malalim na hininga. Kahayagan iyon ng pamimigat ng dibdib nito. Hindi na naman niya naiwasang maawa dito. Gaya noong una silang nag-usap -- na halos anim na taon din ang lumipas bago nangyari muli.

Oo. Anim na taon. O baka nga higit pa noong huli silang nagkasama at nagkausap. Iyon ay noong panahong hindi pa siya nagtatrabaho abroad.

Kaibigan niya si Salve. Very close sila. Pero noong nakaalis siya patungong Canada para magtrabaho ay nawalan na sila ng communication. Dahil wala siyang natanggap ni gatiting na impormasyon tungkol dito ay nawala na sa isip niya. Sabihin pa, nalimutan niya ito. Kaya nga labis siyang nagulat sa ipinagtapat nito -- ng muli silang nagkita kamakailan lang.

Halos hindi siya makapaniwala sa ipinagtapat nito. Pero dahil naramdaman niyang nagsabi ito ng totoo ay tinanggap niya. Sabi naman nito, wala daw rason para magsinungaling. Wala daw itong mapapala kung nag-imbento lang ng ganoon kaseryosong kuwento.

"Saan mo gustong pumunta, Salve? May lugar ka bang alam na puwede nating tigilan para ma-relax tayo?"

"Okay lang ba sa 'yo kung doon tayo ngayon tumambay sa paborito nating place noon, Brick?"

Nakangiti niya itong sinulyapan. "Manila bay... sure!"

"Thanks, best." Maluwang na ngumiti si Salve. "Hindi pala ako nagkamali na puntahan ka. Sulit na naghintay ako sa 'yo dahil ngayon palang ay masaya na ako. Ilang minuto palang tayong magkasama ay nawala na ang pagkabagot ko."

"Best!" Inulit niya ang pagtawag nito sa kanya, na ang totoo'y tawagan nila noong magkaibigan pa sila. "We're bestfriend... noon! Sayang nga lang at naputol ng gano'n-gano'n lang..."

"Huli na ba para ibalik natin ang dati, Brick? Matanda na ba tayo para magturingang bestfriend uli?"

Tumawa siya. "Hindi naman. Ikaw? Itinuring mo na bang matanda ang sarili mo, Salve?"

"Hindi, a." Sabi nitong tumawa din. "Sinabi ko lang at baka ayaw mo na akong ituring na bestfriend dahil marami na akong pinagdaanan."

"Ituring mo ako gaya ng dati, Salve. Kaligayahan ko na tawagin ka uling best."

Masayang-masayang itong nagpasalamat sa kanya.

NANG makita ni Jercelle si Julan na nakatayo sa lobby ng gusali ng pinagtatrabahuhan nilang company ay napatigil siya sa paglalakad. Alam niyang siya ang hinihintay nito kaya napaisip siya kung paano iiwas.

Naguguluhan siya kaya ayaw muna niya itong makaharap at makausap. Pero nang makita siya nito ay mabilis na humakbang palapit sa kanya. Naging hudyat naman iyon para humakbang siya ng malalaki papasok sa gusali.

"Jercelle," Mahinang tawag nito ng umiwas siya. Sumunod ito. "Are you angry?"

Hindi siya umimik. Lalo niyang binilisan ang paglalakad. Sinikap naman nitong umagapay sa kanya.

"Wala kang dapat ikagalit sa akin, Jercelle. I'm your friend... a bestfriend... na nagmamalasakit. Sana maunawaan mo 'yon."

Naririnig niya at nauunawaan ang sinasabi ni Julan pero nanatili siyang tahimik. Sinadya niya itong hindi pansinin dahil napapatingin sa kanila ang mga taong kasabay papunta sa elevator.

"Jercelle, ayaw ko ng ganito. Huwag kang ganyan!"

Nang sumunod ito sa pagpasok niya sa elevator ay bigla siyang lumabas. Alam kasi niyang patuloy itong magsasalita at maririnig iyon ng lahat ng kasama nila sa loob.

Nakakahiya!

Hindi niya gustong malaman ng mga kasama nila sa kompanya ang nangyayari ngayon sa buhay niya.

Malalaki ang mga hakbang na pumunta siya sa hagdanan. Mas gusto niyang maglakad paakyat sa accounting department, na nasa ikatlong palapag ng gusaling iyon. Okay lang na mapagod siya, at least, walang ibang taong makakarinig sa mga sasabihin ni Julan.

"Jercelle, hindi ako papayag na masira ang maganda nating samahan ng Bricko na 'yon. Huwag kang magpadala sa kanya. Mapapahamak kayo ni Rexcelle."

Nag-init ang ulo niya dahil sa narinig. Hindi niya kinakampihan si Bricko pero para sa kanya ay mali na husgahan na agad ito. Ramdam naman niyang totoo ang pagtulong at pagmamalasakit nito sa kanilang mag-ina.

"Huwag ako ang iwasan mo ng ganito." 

Habang nagmamadali siya sa pag-akyat sa baitang ng hagdanan ay kasunod pa rin niya ito sa likuran. Pero ayaw niya itong lingunin dahil lalo lang siyang napipikon. Hahayaan niya itong magsalita nang magsalita para magmukhang tanga. At sana naman ay makahalata ito at mapagod para kusa nang tumigil.

"Jercelle, you're important to me. You're not just an ordinary friend for me. You're so special, Jercelle. Kayo ni Rexcelle."

Dahil sa narinig ay biglang namanhid ang utak niya. Kasabay ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Kaya naman napasala ang paghakbang ng paa niya sa baitang ng hagdanan.

Napatili siya ng mawalan ng balanse at bumagsak. Mariin na lang niyang ipinikit ang mga mata at inasahan ang tatamuhing sakit ng katawan -- na hindi naman nangyari dahil sa mga bisig ng isang nilalang siya humantong.

NANG idilat ni Jercelle ang mga mata ay mukha nang nag-alalang si Julan ang nakita niya. Ito ang sumalo sa kanya kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa hagdan at nahulog paibaba.

"J-Julan..." Nagrebulosyon ang puso niya. "T-thanks..."

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Julan habang itinatayo siya. "Nagmamadali ka kasi. Sumala ang paa mo sa stair."

Muli siyang napatili nang pagtayo niya ay hindi pala nakatuntong sa baitang ang paa niya. Napasandig siya sa katawan ni Julan. Mabilis naman siya nitong niyakap.

"Jercelle..."

Nang mag-angat siya ng mukha ay nakatapat ang mukha nito sa kanya. Kumibot ang puso niya ng malanghap ang mabango nitong hininga.

"Hindi ako papayag na masaktan ka, Jercelle. I always in your side to protect you. To help you. Promise, walang sino mang tao ang makakasaling sa 'yo para saktan ka sa ano mang paraan."

Lihim siyang natuwa sa narinig na iyon. Naglulumukso ang puso niya. Ano pa't kinikilig siya. Pero sinikap niyang maging kampante.

"S-salamat..."

Sinikap niyang makatuntong na ng maayos sa baitang. Saka umalis sa pagkakayakap ni Julan.

"Kaya mo bang umakyat?"

Atubili siyang tumango. Saka ito tinalikuran. Marahan na siyang humakbang paitaas.

"Kaya kitang buhatin paakyat sa third floor, Jercelle."

Napangiti siya dahil sa narinig. Mabuti na lang at nasa likuran pa rin niya ito kaya hindi nakita ang ngiting iyon.

"Bubuhatin ba kita? I'm serious."

"Tumigil ka nga, Julan. Hindi pa ako baldado."

"Mapapagod ka. Baka hingalin ka. Mabigat iyon sa loob ko dahil ako ang dahilan kaya ka narito ngayon sa stairs at umaakyat."

"Tigilan mo na kasi ako, Julan. Hindi ko na gusto ang ginagawa mo."

"Jercelle, tiyak ko na manliligaw sa 'yo si Bricko. Lalaki ako at alam ko ang ibig sabihin ng mga ikinikilos niya."

Sumabay na ito sa paglalakad sa tabi niya.

"Mayabang siya. Ang taas ng tingin sa sarili. Imagine, liligawan ka."

"Ano naman? Sino ba ako? Hindi naman ako prinsesa o mataas na taong hindi puwedeng ligawan ng sino man."

"My God! Jercelle, magpapaligaw ka talaga sa Bricko'ng Mokong na 'yon? Wow!"

"Bakit ba? Wala namang masamang manligaw siya sa akin."

"Ayoko!"

"Julan, hindi ikaw ang liligawan ni Bricko."

"Ayoko siyang manligaw sa 'yo. Hindi ako papayag."

Tumigil siya sa paghakbang at kunot-noong tinitigan ito sa mga mata. "Ano bang problema mo, Julan?"

"Jercelle, I love you!"

Kasabay nang panlalaki ng mga mata niya ay napaawang ang kanyang mga labi.

Nanginginig ang buo niyang katawan bunga ng mas matinding pagrerebulosyon ng kanyang puso.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY TWO

    "HINDI ka na ba magtatagal, Brick?" Nakangiti man siyang tanungin ni Salve ay halata niyang nalungkot ito. Mula sa kanilang bahay ay inihatid niya ito sa tinitirhan at agad siyang nagpaalam."Tanghali na, Salve. Kailangan kong mamasada para kumita."Tumango ito at hinaplos ang kanyang pisngi. "Ingat ka, ha.""Oo naman. Para sa 'yo at sa baby natin.""Brick, salamat talaga." Hindi na nito napigilang yumakap sa kanya. "Napaka-saya ko. Napaka-ganda ng umaga kong ito.""At magpapatuloy 'yan, Salve. Basta ipangako mo lang sa akin na tuluy-tuloy na ang pagbabagong-buhay mo."Niyakap niya ito."Magiging maayos ang ating buhay kasama ang baby natin. Wala tayong taong guguluhin para matahimik din tayo.""Oo, Bricko. Tutuparin ko ang pangako sa 'yo na hahayaan ko na si Jercelle at ang anak niya. Nang tanggapin mo ako at ang baby sa sinapupunan ko ay sobrang saya ko. Sapat na iyon para gumawa ako ng maganda. At tuluyang magbagong-buhay. P

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY ONE

    "PATAWARIN mo ako, Salve.""Po?" Nagulat siya sa sinabing iyon ni aling Helen. Napabitiw siya sa pagkakayakap dito. Nagtatanong ang luhaan niyang mga mata habang nakatingin dito. Gusto niyang malaman kung bakit humingi ito ng tawad sa kanya."Sorry sa ginawa ko sa 'yo noon, Salve. Galit na galit ako at halos ayaw kitang kausapin. Alam mo naman kasi na ayaw ko kayong magkaroon ng relasyon ni Bricko. Pero... may malalim na pala kayong ugnayan noon.""Mahal ko po kasi ang anak n'yo, tita Helen. Pero sa kabila po noon ay nagkalayo din kami at nawalan ng communications.""Na naging dahilan kaya ipina-ampon mo noon ang batang nabuo sa madalas ninyong pagsisiping...""A-alam n'yo na po ang tungkol doon?""Walang inililihim sa akin si Bricko. Nasabi na niya sa akin ang tungkol sa anak n'yo. Na ngayon ay inaalagaan at itinuturing na tunay na anak ng girlfriend niya."Tumango siya. "Napaka-liit po ng mundo. Hindi ko po inaasahan na magku-

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER TWENTY

    LALONG bumigat ang pakiramdam ni Jercelle dahil sa hindi inaasahang paghaharap at pag-uusap nila ni Bricko. Napansin naman iyon ni Julan habang pauwi na sila at sakay sa kotse nito.Nag-alala agad ito at tinanong siya kung didiretso muna sa clinic para magpa-check-up. Tumanggi naman siya at idinahilan ang pagod sa dami ng paper works."Are you sure na kaya mo pa?""Of course. Magpapahinga lang ako pagdating sa bahay.""Sige. If it's okay with you ay ako na ang pagluluto para sa dinner natin.""Naku, 'wag na, Julan. Pagod ka din kaya hayaan na lang natin si yaya Sally na magluto.""Leave it to me, Jercelle. Hayaan mo akong gawin iyon habang nasa bahay mo pa ako. Pag-uwi ko ay hindi ko na magagawa 'yon."Natuwa siya sa sinabi nito. Dahil kita naman niyang willing talaga ito ay na-excite siya. Gusto niyang matikman ang lulutuin nito para sa kanilang hapunan."Are you sure, Julan? Marunong ka ba talagang magluto?""I know ho

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER NINETEEN

    "SA TERRACE na lang ako matutulog, Jercelle." Sabi ni Julan nang lumabas sa kuwarto si Jercelle na may dalang mattress, blanket and pillow. "Okay na ako do'n."Tumayo ito at sinalubong siya. Kinuha ang dala niya na ngiting-ngiti."Ano bang sa terrace ka tutulog, Julan? Dito ka sa sala.""Pero...""Matagal na tayong magkaibigan at alam mong tiwala ako sa 'yo. Isa pa, hindi naman ako bato o walang puso na kakayaning doon ka matulog sa terrace. Hello!""Love mo ako?" Mas lumuwang pa ang pagkakangiti nito.Napatawa siya. "Sira!""So, you don't love me?"Hinampas niya ito sa braso. "Tumigil ka nga, Julan! Alam mo, pagod ka na at kailangan mo nang matulog."Tumawa ito. Inilagay sa sofa ang gamit na kinuha niya sa kuwarto. Nagdumali siyang lumapit para kuhanin ang mattress pero naunahan siya nito."Sa akin na. Ako na ang maglalatag sa sahig.""Kaya ko na 'to, Jercelle. Don't bother yourself. Okay?"Hinawaka

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER EIGHTEEN

    NANLALAMIG si Jercelle nang humarap siya sa mga magulang ni Julan. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakaharap niya ang mga ito pero hindi niya maalis sa sarili ang hiya. Hindi lang kasi simpleng pabor ang ibibigay sa kanya ng binata kaya nangangamba rin siya sa maging damdamin o isipin ng mga ito."Mabuti at napasyal ka uli dito, Jercell." Nakangiting sabi ng ama ni Julan. "Sayang at hindi mo kasama ang anak mo."Napahawak siya sa braso ni Julan. "M-may sadya lang po, tito. Hindi po kami magtatagal."Hinawakan ni Julan ang kamay niyang nasa braso nito at nakangiti siyang binulungan."Your hand cold as ice. Relax, Jercelle. Baka himatayin ka.""Sorry, Julan." Ganti niyang bulong dito. "Nahihiya ako sa parents mo. Aabalahin kasi kita ng ilang araw.""Wala 'yon. Hayaan mo na akong magpaliwanag. Relax ka lang."Pinilit niyang ngumiti nang humarap uli siya sa parents nito.Wala namang gatol na nagpaalam si Julan. Hindi

  • SOMETIMES HEART GOES WRONG   CHAPTER SEVENTEEN

    MAAGANG dumating sa bahay ni Jercelle si Bricko ng araw na iyon para ihatid siya sa office. Dahil nasa kuwarto pa siya at inaayos ang sarili ay pinapasok na ito ni yaya Sally. Kaya nakaupo na ito sa salas ng lumabas siya."Hi." Ngiting-ngiti itong tumayo at sinalubong siya. "Good morning."Umiwas siya ng tinangka nitong humalik sa kanyang pisngi. Galit niya itong tuwid na tinitigan sa mga mata."M-may problema ba, Jercelle? Bakit galit ka?""Sino ka ba talaga, Bricko?""Huh?" Tumawa ito ng mahina. Saka itinuro ang sarili. "Ako? Sino ako?""Bakit hindi mo sinabi ang totoo?""Ano bang tanong 'yan, Jercelle? Anong totoo ang hindi ko sinabi?"Pinilit niyang huwag umiyak kahit ang totoo'y gusto na niyang humagulhol. Para kasing narinig niyang muli ang sinabi ni Salve noong magkaharap sila. Bagay na parang hindi niya magagawang sabihin ngayon sa kaharap."You better go home, Bricko. Hindi ako magpapahatid sa office.""K

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status